Chapter Two
"Wow, a lot of food!" Peña's eyes are shining bright. May masayang kislap ang tsokolateng mata ni Peña nang makita ang kaniyang dala.
Mukhang mas eksayted pa itong makita ang dala niya kaysa sa kaniya. Napailing-iling siya. Malayo nga talaga ang loob nito sa kaniya. Binaba niya na lang ang pagkain sa coffee table at pagod na isinalpak ang sarili sa couch. Hindi na niya pinansin kung basa man siya ng ulan. Basta gusto niya na lang munang umupo.
Pagod na pagod siya sa ginawang pamimili kanina. Dumagdag pa ang mataray na matandang 'yon at ang ulan! Mabuti na lang ay nakita niya talaga ang dyaryo. Mapapatunayan niya na hindi lang siya naghihingalo at totoo ang lalaki sa panaginip niya.
Nang dumating na sa sala si Patricia ay umayos siya ng upo at saka kinuha ang dyaryo sa isa sa mga supot at ibinalandra iyon sa lamesa. Ipinamumukha niya lang sana kay Patricia.
Napa-ngisi siya nang makita ang pagguhit ng pagtataka sa mukha nito. Salubong ang kilay, hindi maipahiwatig ang dapat na ipakita, at halatang puno ng gulong nakatingin sa dyaryo. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
"Sino 'yan? 'Yan ba 'yong lalaking nasa panaginip mo na tinutukoy mo?" sunod-sunod na tanong nito habang dinuduro ang dyaryo na nasa harapan.
She smiled inwardly, in your face, biatch!
"Oo, now tell me kung sinong "hindi totoong tao"? At kung sinong pang-tanga ang gagawin."
Patricia disregard her mocking. "Siya ang sinasabi mong tatay ni Peña?"
"I guess. He's the only man I was with in my dream. We also got sexual. Hindi ako naniniwalang walang nangyari sa amin noong gabing 'yon." She elegantly put her legs on top of each other while looking at Patricia. "And if magkita kami, I will tell him about Peña. Kailangan ni Peña ng ama. Siya 'yon."
Patricia tsked. "Bullshit! Paano ka nakakasigurong siya? At ano, hahayaan mo siyang lapitan si Peña? Dahil sure ka na, na totoong tao siya? Mag-isip ka nga!"
Natigilan siya. Parang may baril na nakatutok sa kaniyang napaupo siya ng tuwid. Ayaw niyang aminin pero ulit, may punto si Patricia. Hindi siya sigurado kung 'yon nga ang ama ng anak niya. Hindi siya sigurado kung karapat-dapat ba itong makilala ni Peña. Nahihibang na nga talaga siya, wala pang kasiguraduhan ay desidido na siya.
Pero mas nanaig ang pride niya.
"Sigurado ako, kasi sigurado ako. 'Yon na 'yon. No explanation needed," puno ng kumpiyansang pagmamayabang niya.
"P'wes, kung 'yan ang gusto mo, hindi kita hahayaang tangayin si Peña!"
Agad itong nabahala. "Hindi mo makukuha sa akin si Peña! Hindi kita hahayaang makipagkita sa lalaking 'yan at ipakilalang ama niya 'yon!"
"Wala kang karapatang pigilan ako, Patricia!"
"May karapatan ako!"
"Wala!"
"Meron akong karapatan, Prima!"
She scoffed. "In my defense, ako ang nagluwal sa kaniya. Kaya wala kang karapatan sa kaniya."
"At ako naman ang nagpalaki sa kaniya kaya mas kilala ko siya! Ako ang nasa tabi niya habang lumalaki siya kaya alam ko ang pangangailangan niya! Ako ang kinalakihan niya kaya ako ang itinuturing niyang ina! Ako, Prima, ako! Ako at hindi ikaw! Kaya kahit ikaw pa ang umire para ilabas siya ako pa rin ang mas may karapatan dahil ako ang mas nag-alaga, mas nag-kalinga, at higit sa lahat ako ang mas mahal niya!"
Boom. Sapul.
Nanghihinang napakapit siya sa armrest ng couch na kinauupuan. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi siya makahinga. Ramdam na ramdam niya ang kapaitan ng sakit na idinulot ng mga binitawang mga salita nito.
Tama ito. Ito ang pumuno sa lahat ng pagkukulang niya sa kaniyang anak bilang isang ina. Ito ang pumuno ng pagmamahal na kailanman ay hindi niya binigyang pansin para sa anak niya. Kaya nga siguro hindi na siya nag-effort na mapalapit sa anak niya dahil alam niyang wala na siyang chance.
Nagnakaw siya ng tingin kay Patricia na pinupunasan ang mga luhang nagmamalibis sa pisngi nito habang yakap-yakap ito ni Peña na tila inaalo. She felt a knot squeezing her heart tight seeing that scene.
"Mommy, it's okay. 'Wag ka na mag-cry, stop na po, Mommy. Bad po 'yan si Tita-Mommy, paluin natin mamaya. Pero 'wag ka pong mag-cry kasi nac-cry din po ako." Peña gave a quick kiss on Patricia's cheek. "I love you po, Mommy. 'Wag na po cry, please, Mommy. I love you po, hindi natin love si Tita-Mommy kasi inaaway ka niya. Sa 'yo lang po ako sasama..."
Prima refrained from sobbing. She used her hand to cover her mouth and squeeze her eyes shut tightly. She stood up, still doing that, and went to open the door.
Hahagulgol na sana siya nang umurong ang luha niya sa nakita.
Kaniya-kaniyang alis ang kanilang mga kapitbahay pabalik sa mga bahay. Mga tsismosang nakabantay sa harap ng bahay nila na inaalam ang pangyayari. Nahiya siya bigla, narinig ng mga ito ang kanilang ka-dramahan.
Bumalik siya ulit sa bahay at hindi pinansin ang dalawang nagyayakapan saka tumungo na lang siya sa kaniyang kwarto at nag kulong.
UMABOT ng hapon ang pagkukulong niya kaya't hindi siya nakakain ng tanghalian at dumiretso na lang sa kaniyang trabaho.
Marami siyang call na natanggap kaya pagod na pagod siyang tinutungo ang cafeteria nang binigyan siya ng ten-minute break. Kailangan niyang kumain. Gutom na gutom na talaga siya.
Bumili lang siya ng siopao at isang c2 para mabilis lang niyang makain pero mabubusog pa rin naman siya.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang makarinig ng bulungan sa kabilang set ng table. Pasulyap-sulyap sa kaniya at ninakawan siya ng tingin kada-minuto bago biglang babalik at nagbubulungan.
Tumaas ang kilay niya at tumayo sa kinauupuan upang maki-tsismis sa mga walang katuturan na pinag uusapan ng mga ito.
"Kagabi kasigawan na naman ulit si Patricia. Tingin ko talaga, mag-jowa silang dalawa!" kuwento pa ng isa niyang ka-Team mate na kapitbahay niya lang.
"Bakit?"
"Kasi nag-aaway sila parang mag-jowa. Tapos tingin ko nag-cheat si Patricia kasi 'di ba may anak siya? Eh, dalawa lang sila sa bahay. Araw-araw pang nag-aaway na parang mag-jowa!"
Bumungisngis ang isa. "Maganda sana si Prima, Boba nga lang!"
"Ah yes, maganda talaga ako. Thank you." She smiled at them mockingly. The shock was written on their not-so-pleasant faces.
She flipped her hair and finished her food before proceeding to the HR's office. Kailangan niya mag-file ng vacation leave. Papalapit na rin naman ang birthday niya, gagawin na lang niyang excuse 'yon para payagan siya.
Kumatok siya bago pumasok. Kinuha niya sa handbag ang isang folder na nilalaman ng kaniyang Vacation Leave Letter. Nilapag niya iyon sa lamesa nito na may plastik na ngiti sa labi. Kailangan niyang sumipsip, more chance na ma-approve ang leave niya.
"What is this?" Bumaba ang tingin doon ng binabaeng HR bago bumalik ang mga mata nito sa kaniya.
"Kung hindi mo na tatanungin, malalaki ang letra na nakalagay sa papel. Pwede mo namang basahin 'yon, 'di ba?" Pinilit niyang palawakin ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha.
Tinaasan siya ng kilay ng HR. Tinatarayan siya. Marahil ay nahalata ang ka-plastik-an sa kaniyang himig. Paano ba naman kasi, sa sobrang tagal na niyang inabandona ang pagiging mabait, nakakalimutan na niya kung paano maging gano'n ulit.
Nakita niya kung paano gumalaw ang ulo nito, alinsunod sa binabasa bago nag-angat ng tingin sa kaniya. Sinarado nito ang folder at inilagay sa gilid ng mesa bago nagsalita.
"You may go now, kakausapin ko muna ang TL mo tungkol dito at babalitaan na lang kita kung naaprubahan o hindi. Have a good day."
She nodded her head politely still, with a plastic smile before leaving the place. As soon as she got out, Prima flipped her hair out of annoyance. Hindi na siya magtataka kung matatapos na lang ang hinihingi niyang buwan ng leave ay hindi pa rin naaaprubahan ang leave niya. Halatang ayaw sa kaniya ng HR! Wala naman siyang ginagawa rito.
Marami talagang taong hindi mo kilala, pero ang laki ng galit sa 'yo.
She once again flipped her hair and went back to her office cubicle to work.
MANY hours had passed and many calls that she had been taking and at last! The whole place was empty, leaving her and some co-workers who chose to work overtime. Her shift is now done.
Inayos niya ang kaniyang gamit at inilagay ang iilan sa kaniyang handbag at mag-ready ng lumabas ng building. Palabas pa lang siya patungong hallway ay sinalubong na siya ni Wendell sa may pintuan.
Si Wendell ang kanilang Team Leader. Ang lalaki ang natatanging tao sa pinagtatrabahuhan niya na tinatrato siya ng maayos at walang tinatagong inggit o galit sa kaniya. Kaya ng isang beses ay, nagkaroon sila ng issue na baka raw ay kaniyang boyfriend ang lalaki. Siya ang unang nagsalita tungkol sa issue, pero hindi siya pinakinggan. Pero nang si Wendell na ang nag-explain, tumahimik ang lahat.
Hindi niya alam kung charm lang ba ni Wendell 'yon o talagang malaki ang galit sa kanyang mga ka-trabaho niya sa kaniya?
Well, she gets it. She's rude sometimes, but that's her self-defense. As much as possible, ayaw na niyang ma-attach pa sa ibang tao dahil baka katulad lang din pala sila ni Patricia. Nakakatakot. Nakakasakit. Nakaka-trauma.
Mas pipiliin na lang niyang kagalitan siya ng mga tao kaysa naman makipag-plastikan siya sa mga ito. Mas madali 'yon at mas totoo pa.
"Break mo?"
The man smiled, showing off his complete set of teeth that is almost as white as blank paper. "Oo, gusto mo hatid na kita?"
"No, I can handle myself just fine," matipid niyang saad bago tumungo ng elevator. Bago pa sumara ang pinasukan na elevator ay humabol papasok ang lalaki.
Tumaas ang kilay niya at ngumiti lang ito sa kaniya bago tumayo sa kaniyang tabi.
"So, what part of my "no, I can handle myself just fine." did you not understand? Need ko pa bang i-translate sa Tagalog 'yon, TL?"
"Bababa lang naman e, tinatarayan mo na ako kaagad," nakanguso pang anito.
"Oh, nagtatanong lang naman ako, nagmumukha ka ng bibe diyan."
"Oo, bibe mo."
Nalukot ang mukha niya nang kindatan pa siya nito. Gosh, kaya talaga nagagawan sila ng issue dahil sa pagiging malandi nito.
She gave him a thumbs up and wryly look. "Okay ka na? Masaya ka na niyan?" The man just chuckled. "Anong floor ka ba bababa?"
"Lobby," matipid na tugon nito na nakatingin lang sa kaniya habang pinindot ang Lobby button.
Matapos no'n ay binalot sila ng katahimikan. Walang nagsasalita at nakakabingi ang sobrang pagka tahimik. Mabuti na lang ay nabasag 'yon ni Wendell.
"Heard that you filed a vacation leave?" Pagsisimula nitong muli ng mapag-uusapan.
"Ah, yeah. Malapit na birthday ko, e, syempre gusto ko namang makasama ang family ko." Sinungaling.
"Wow. Kailan ba ang birthday mo? Gusto mo bang regaluhan kita? Ano nasa wishlist mo, bilhan kita ng isa!" sunod-sunod na tila armalite na usal ni Wendell.
She sighed. "You don't need to buy me those things. Just continue being fair then I'll be okay. Iilan na lang kasi ang taong kagaya mo sa mundo, kaya sayang naman kung hindi mo ipagpapatuloy. And that's the best gift for me."
Wendell looked at her in amusement. He couldn't believe how Prima sounded like a guardian angel that's giving him advice. And she sounds so... Sincere!
Mukhang naramdaman naman ni Prima na nakatitig si Wendell sa kaniya kaya't napalingon siya. And yes, she was right. He was staring at her with the mixed of amusement and shock.
"Did— I— Did I just hear you said that?" hindi pa rin makapaniwala na pagtanong sa kaniya ni Wendell.
"The... What?" gulo naman niyang tugon.
"That. You, wanting me, to be fair with everyone. You know, something that a feisty woman like you, won't say." Napakamot ito ng batok. "Ang bait ng pagkakasabi mo kanina. Parang hindi ikaw."
She laughed wryly."Is that so? Maybe you just fantasized about me too much that it reached the point that I would say the most impossible thing that I would say, huh? What can I say? I'm one piece of hot meat."
Nakangisi niyang nilampasan ang nakamaang na lalaki nang bumukas na ang elevator na nilabasan niya.
She took a public vehicle going home. Wala naman silang sasakyan o motorsiklo dahil masyado silang gipit kaya napagkasunduan na lang nila na mag-commute sa tuwing aalis. Maliban na lang kung may pasok si Peña dahil may nirentahan siyang tricycle service na maghahatid-sundo sa kaniyang anak.
Walang tao sa bahay nang makauwi siya. Sa wakas, makakahinga na siya ng maluwag. Wala ng plastik at maingay na bata.
Tila lantay na halamang umupo sa couch ng kanilang sala si Prima. Napagod siya sa pagtatrabaho't pakikipagplastikan kanina.
Hindi pa umiinit ang kinauupuan niya nang biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. Mahina siyang napamura dahil dito. Inis na sinagot niya ang tawag mula kay Patricia.
"Ano ba 'yon?!" bungad niya rito.
"Prima, paki-sundo si Peña sa school. Hindi raw makakarating si Kuya Gido kasi ni-rush sa ospital ang—"
Iritado niyang binaba ang telepono at marahas na ginulo ang buhok. Tangina talaga ng buhay niya! Kakauwi lang, aalis na naman! Hindi pa nga siya nakakaupo! Argh!
SUMAKAY siya ng tricycle para magpahatid sa Kalibo Pilot Elementary School, kung saan nag-aaral si Peña. Grade Five na si Peña na under sa SpEd Gifted program ng school na pinag-aaralan.
Matalino ang kaniyang anak. Mana sa kaniya.
Sumakay siya ng tricycle para maghatid sa school nito. Habang nakasakay ay nagpapatugtog ang driver ng radyo nito. Isang advertisement ang hindi niya maiwasang pakinggan.
"Do you need a job? Kailangan mo ba ng mapagkakakitaan? Gusto mo ba ng trabahong hindi mahirap pero babayaran ka ng sakto?" Hindi niya alam ang ginagawa kaya tumango na lamang siya. Nadadala siya sa boses ng nagsalita! Para kang kinakantahan ng mga anghel sa langit dahil sa nakaka-in love nitong malalim na boses. "Well, today is your lucky day! Gamimenos Restaurant is now hiring for the following positions: A dishwasher and a waiter or waitress. For more information call 097*******."
And then it dawned on her, she could apply for that job to get close with Kite! In that way, hindi na siya mahihirapan na makipaglapit sa binata at alamin ang sikretong nakakubli sa pangyayaring nangyari noon!
Well, blessing in disguise pala ang pag-sundo niya sa kaniyang anak. Dahil doon, nakangiti siya buong biyahe hanggang sa makarating sa school. Mabilis siyang nagbayad sa driver bago bumaba ng tricycle at sinalubong ang anak.
The shock was visible on Peña's face as she saw her. Prima beamed at the little girl, took her school bag and brought it to her shoulder.
"Hi, Bata."
"Tita-Mommy, nasaan po si Mommy?" Pena asked and even looked over her shoulder to check.
"Wala rito. Hindi ko alam kung saan nagpunta," matipid niyang sagot bago kinuha ang kamay ng anak saka pumara muli ng tricycle.
Habang pumapara, tahimik lang na nakamasid sa kawalan si Peña na parang may iniisip. Mukhang malalim dahil paminsa'y nakakunot ang noo nito.
Napansin 'yon ni Prima kaya kaniyang napuna, "May problema ba, Bata?"
"Nasaan po ba ang asawa ni Mommy?"
Natigilan siya sa narinig. Nandito na naman silang muli sa pagtatanong nito. Hindi talaga siya tatantanan ng anak hangga't may makuha itong sagot.
"Bakit mo na naman natanong 'yan?"
Ngumuso ito. "K-Kanina kasi... Nag-away kami ng bestfriend ko. Tapos nagsigawan kami. Sinabihan ko siya ng amoy utot tapos sinabi niya sa akin na okay lang daw 'yon basta raw may tatay siya."
Gumatla ang kaniyang noo. Bestfriend ng anak niya ang nagsabi no'n? Wow. Parang gusto niyang pumasok sa loob ng school at manapak ng papansing insensitive na bata ngayon, ah?
Bumuga siya ng hangin at kinalma ang sarili. Away bata lang 'yan.
"So, Tita-Mommy, kilala niyo po ba ang Daddy ko?"
Hindi siya sumagot at nagpatuloy na lang sa pag-para ng masasakyan. Sa totoo lang, siya rin naman ay gustong malaman kung sino ang ama ni Peña. Pero wala siyang masagot. Hindi niya alam. Pabaya kasi siya. Masiyado siyang umasa sa pantasyang mundo na kinalakihan niya kaya ayan tuloy ang resulta. Nganga.
At dahil doon, mas naging desidido si Prima na alamin ang totoo at hanapin ang ama ni Peña.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top