Chapter Three
She was in the middle of a call when someone tapped her shoulder. She moved her gaze away from the computer and looked at the person who called her.
It was Wendell. He was smiling from ear to ear at her. Mukhang may magandang balita. Sinenyasan niya ito ng "sandali lang" gamit ang kaniyang kamay at nag-proceed na sa kaniyang call.
"¡Eres una perra tonta."
She sighed calmly. "Okay, Ma'am, as of now, I need you to calm down as we settle this issue."
"Crees que mantendré la calma, perra?!"
"Ma'am, please speak English so that I could understand you better." Narinig naman niyang huminga ng malalim ang babae, mukhang naamuhan sa kaniyang boses. "Now, I will ask you again, Ma'am, have you checked if the cord is properly inserted inside the router?"
Saglit na katahimikan ang bumalot sa kabilang linya bago siya nakarinig ng pag-tunog ng wires. Mukhang ngayon lang nito iyon chineck. Tsk!
"Perra tonta, ¿por qué no me lo dijiste antes?!"
"What is it, Ma'am?"
"¡Tonta! Tonta! ¡Tonta!"
"Ma'am, please—"
So rude!
Binabaan ba naman siya ng babaeng iyon ng walang "Thank you"! Napailing-iling siya mainitin ang ulo niyon at sinisigawan pa siya. Mabuti na lang ay mahaba ang pasensya niya. Isa 'yon sa pinagmamalaki niyang trait. Mataray si Prima, inaamin niya 'yon, pero kailanman ay hindi siya mabilis maubusan ng pasensya. Kaya niyang maghintay hanggang sa maubos na ang sasakyan sa edsa!
Itinabi niya ang kaniyang headphone sa sabitan nito at hinarap ang lalaki.
"Hi, ano 'yon?"
"Na-approve na!" masaya nitong balita.
Nangunot ang noo ni Prima. "Ano 'yong na-approve na?"
"'Yong na-file mong vacation leave."
"Really?" gulat niyang saad. Ang akala niya ay hindi iyon ma-a-approve dahil sa mukhang galit sa kaniya ang HR. Pero na-approve ito.
Totoo nga ang himala! Mali si Nora Aunor!
Ngingiti siyang nag-ayos ng gamit niya at nilagay sa handbag ang mga iyon. Iniisip ang himala. Napansin niyang ngingiti-ngiti rin si Wendell.
She looked at him suspiciously. Something's up. Lagi naman siyang nakikita nito pero hindi naman ganito kasaya ang mukha nito dati. Ngayon lang.
"Ano'ng nasa isip mo?" Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagkagat-kagat ng ibabang labi.
"Wendell, sasapakin kita kapag hindi ka tumino diyan."
Tila kalilisan lamang sa kahibangan ang lalaking napakurap-kurap ito. Natauhan.
"Huh?"
"Why are you smiling like that?" takhang tanong niya sa misteryosong ngiti nito.
"Wala lang."
She lifted her right eyebrow. "Hindi ako naniniwala."
Wendell sighed. "Wala nga..."
Ayaw talaga patinag ng lalaki. Hindi naman niya pipilitin kung ayaw nito. Bahala na nga ito.
"Oh, well, tara na lang. Tinatawag na ako sa HR Office." Nanguna na siyang humakbang tungo sa HR Office at sumunod na lang si Wendell.
Papasok sila ng opisina nang nilingon niya ang kasama. Tatawa-tawa ito habang nagtitipa sa cellphone. Mukhang may kausap.
Iiling-iling siyang binuksan ang pintuan ngunit pinutol siya ng kasama at unang pumasok. Ang galing, hindi man lang siya hinintay nito.
"Hey there." Tumaas ang kilay niya nang marinig ang boses ng baklang HR. Naging maskulado iyon! Nakatingin ito kay Wendell na sinusuklian din nito ng tingin.
Really, something's up.
Nagtatakang tiningnan niya ang katabi. Nagkatitigan lang ang dalawa na mas lalo pang ikinakunot ng noo niya. Ano bang mayroon? Alam ba ng dalawang ito na nandito siya? Invisible na ba siya ngayon?
Hindi na siya nakapagtiis kaya nanaray na. "Staring contest ba ito o ano?"
Kumurap-kurap ang dalawa at nagbawi ng mga tingin. Umupo sa visitor's chair si Wendell, samantalang tumikhim naman ang baklang HR na bihis lalaki ngayon. In all fairness, gwapo ang baklita. Hindi niya lang makita noon dahil sa pag-make-up nito. Pero ngayon, lantad na lantad ang ka-gwapo-han. Ano kayang pinagbago? She shrugged off her curiosity. Wala naman na siyang pakialam sa pangyayari ng buhay nito. Sa pagkakaalam niya, tinarayan pa siya nito noong nakaraang linggo kaya wala na siyang pakialam.
"You may sit, Ms. Leoson." Prente itong nakangiti habang sinensyasan siyang maupo sa upuang kaharap ni Wendell.
Weird.
"Anyway, pinatawag niyo raw ako?" Prima asked.
"Yes I did." bumalik sa pagiging mahinhin ang boses nito. "Na-approve na ang vacation leave mo. I just need you to sign here." Pinakita nito sa kaniya ang isang papel. Kumuha siya ng ballpen at pinirmahan ang papel na ibinigay nito.
"Thank you, enjoy your vacation." anito na tinapunan pa ng tingin si Wendell bago sila lumabas.
Nang makalabas na ay hindi na niya napigilang magtanong.
"Anong meron?"
Napamaang si Wendell. "Ano'ng-ano'ng meron?" nagmamaang-maangan pang anito.
"Umamin ka... May something kayo ng baklitang HR?"
"Wala..."
She shrugged. "Okay. Sabi mo, e."
But of course, she knew there's something between the two. Hindi niya alam kung romantic engagement ang mayroon ang dalawa o pawang magkaibigan lang. Basta nas-sense niyang may kakaiba sa mga ito.
NATAPOS siya sa pagtatrabaho at pumayag naman siyang sumabay dito pauwi.
Nakaupo siya sa passenger's seat habang ito ay nakaupo sa driver's seat upang magmaneho.
"Wendell?" she called him.
Wendell just hummed keeping his eyes on the road.
"May kilala ka bang pwedeng pag-rentahan ng apartment or kwarto sa Ibajay?"
"Meron akong kakilala, bakit doon ka titira? 'Yong bahay niyo sa Villa Peraz wala na ba?"
"Of course not. Doon sa Ibajay ang family ko, doon ako mags-stay for one month..." she lied.
Tumatango-tango ito. "May kilala ako. Lara Tayco pangalan niya, send ko sa 'yo phone number mamaya pagkauwi."
"Okay, thank you."
"IN-APPROVE nila?" hindi makapaniwalang saad ni Patricia nang sabihan niya ito tungkol sa nangyayari ngayon.
"Yes, they did. May problema ka?"
"Itutuloy mo pa rin talaga?"
Hindi niya binigyang-pansin ang sinabi nito. "Bantayan mo ng maigi si Peña, kung gusto niya ng chocolates bigyan mo. Marami diyan sa ref."pagbibigay instruksiyon pa niya rito habang naglalagay ng face powder sa likod.
"Saan ka pupunta?" Kunot ang noong na tanong ni Patricia.
She gave her a quick deadpan look before putting on a baby pink matte lipstick that she bought from Watsons. She likes the color of it. Light, soft, and exquisite. It screams soft and fragile beauty.
Like how she is before.
She looked sideways on the mirror to check on herself. Wala naman na siyang nakikitang pangit na side niya. Mukhang okay na.
"Prima, tinatanong kita, sagutin mo naman ako."
Nilagpasan niya lang si Patricia at kinuha ang shoulder bag niya. Nilingon niya ang bata. Nakaupo ito at kumakain ng ice cream. Kakauwi lang galing eskwelahan.
Lumuhod siya sa harap nito. Halata ang gulat sa mukha nito sa ginawa niya. Tinanggal niya ang bahid ng ice cream sa gilid ng bibig nito.
"Bata, do you want to meet your dad?" tanong niya, nagpupunas pa rin.
"Bakit, Tita-Mommy, nandito na ang Daddy ko? Saan?!" Nanlalaki sa excitement ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"Wala pa, 'wag kang atat. Aalis ako, susunduin ko daddy mo."
"Talaga, Tita-Mommy? Promise?!"
And for the first time, she smiled. "Promise."
"TRICYCLE!" she called out and the driver stopped asking her destination.
"Saan ka, neng?"
"Sa Paradise Destination po ako," aniya na ang tinutukoy ay ang bagong bukas na transportation service sa may Banwa ng Ibajay.
Luminga-linga ito. "ikaw lang ba mag-isa?"
Tumango siya at napailing-iling ito. "Ay, hindi na lang, neng," anito bago dumiretso na sa katabing pasahero at tinanong.
"Saan kayo?"
"Paradise Destination kami ng girlfriend ko, kuya!"
Siniko ng babae ang katabi at sinabing, "Shunga, walang tayo! 'Di ka nga nanligaw eh."
"Syun! Sakay na kayo," pagtawag ng Tricycle driver, hindi pinansin ang pag-aaway ng dalawa sa harap.
Napanganga siya, wow naman! Clap-clap, manong!
Hindi makapaniwalang umiiling siya. Lagi na lang talaga itong nangyayari sa kaniya! Porke't wala siyang kasama ay palagi na lang siyang tinatanggihan kahit malaki pa ang ibabayad niya! Nakakainis talaga!
"Ikaw, neng! Syun, sa Paradise Destination ka 'di ba?"
"Ay hindi, kuya. Sa Final Destination talaga ako."
"Huh?"
Pinaikot niya ang mga mata at naglakad na sa direksyon ng sasakyan. Nakakawala ng gana sumakay. But she have no choice. Madalang lang ang mga tricycle na dumadaan sa street nila kaya kailangan niyang kumagat.
The tricycle has seven seats for passengers. There are three passenger seats in front though the third one's just an extra seat put in front of the two main seats. And on the backside, there are four seats for the passenger to sit.
"Gusto mo pala akong boyfriend mo, hindi ka naman ginagawa ng move."
"Eh, ikaw dapat ang nag-first move. Hinihintay kita wala ka namang ginagawa," pasimangot na ani ng babae sa harap.
"Wow, double standards!"
Tinaasan itong kilay ng kasama. "Oh bakit? Ang mga lalaki naman talaga ang nanliligaw mula pa noon ah, bakit ka nagrereklamo?"
Umingos ang lalaking kasama. "Gusto niyong magbago ang pagtrato sa inyo, pero 'yong way ng panliligaw ayaw niyong baguhin? Aba, matindi!"
"Bakit may problema ka!?"
"Oo, may problema ako, bakit?"
Napasinghap si Prima. Hindi papatalo si kuya! Inirapan na lang ito ng kasamang babae at hindi na pinansin buong biyahe.
Nakarating na sila sa Paradise Destination at nagbayad na ng kanilang pamasahe sa driver. Habang naglalakad patungo sa vans ay naririnig niyang nagbabangayan pa din ang dalawang pasahero.
Umiling-iling na lamang siya at pumasok na ng L3 patungong Kalibo, kung nasaan Gamimenos Restaurant.
Umupo siya sa pinakaunang upuan after ng driver seat. Kapag nandoon siya sa pwesto na iyon ay hindi siya nahihilo't nasusuka.
Kinuha niya ang cellphone niya na kasama ang earphone at isinalampak iyon sa kaniyang tainga. She opened her favorite song playlist. She turned on one of her favorite songs.
"Ibajay! Ibajay! Ibajay!" Napatanggal siya ng kaniyang earphones nang marinig ang sinabi ng driver. She looked around and saw the busy town of Kalibo. There are many people, going in and out of the market.
Tumingin siya sa paligid upang maghanap ng tricycle na malapit. Muli siyang sumakay upang magpahatid sa Gamimenos Restaurant.
Minutes after, the tricycle stopped in front of a bungalow type restaurant with big letters in front.
"Gamimenos Restaurant"
Basa pa niya sa malaking sign pagkababa ng tricycle matapos magbayad. Dumiretso na siya papasok sa loob ng resto.
And as she entered it, she couldn't help but hang her mouth open out of awe. The walls were made out of white blocks. And it's as smooth as her silky hair whenever you run your fingers to it. The floor was marble that was smoothened by the finishing. The dim lights in every corner, the dirty white ceiling, and the open air big windows. The whole place is screaming elegance!
She flipped her hair before walking straight to the receptionist desk. The woman was pretty, she had dark black chinky eyes, medium length wavy hair, a thick pair of eyebrows and pinkish downward-turned lips.
"Hi, welcome to Gamimenos Restaunt, what's your order?"
"Mr. Kite Hontiveros?"
The woman gave her a cheeky grin. "kung ako rin siguro, ma'am. Si Sir ang ioorder, mas hot pa siya sa food!" malanding anito at napasinghap nang ma-realize ang sinasabi.
"Ay, sorry. Hindi po pala dapat "what's your order?" ang tinanong ko. How may I help you po?"
"I'm looking for Mr. Kite Hontiveros."
Bigla namang sumeryoso ang mukha ng babae. "If you're here for our boss to ask him for sex, I'm so sorry but he's unavailable right now."
"Oh, I'm not here for that. I was the one who called yesterday, applying as your waitress?" she said and shock was written all over the face of the woman in front of her.
The woman analyzed her from head to toe before stopping on her face again. She looked away, it must be her outfit for today. It's too elegant for a job interview, she guessed. But she didn't mind it, she wanted to impress her boss.
Not that she wants to impress him because he's handsome. But maybe if she made a good impression, they will get close and she'll find out the truth about what happened that night.
Right, she just needs to seduce the truth out of him.
"Are you sure?" Napatingin siyang muli sa receptionist na hindi pa rin makapaniwala.
"Do I look like I'm kidding?"
"Okay, by the way my name is Bianca but they call me Bang-Bang. I'm the manager, absent lang talaga ngayon ang receptionist kaya ako ang pumalit. Anyway, nandoon si Kuya Colgate. Pahatid ka sa kaniya."
Nilingon niya ang lalaking may katandaan na nakabantay lang sa isang pintuan. Sa tingin niya ay iyon ang opisina.
"Sige, thank you."
Naglakad siya palapit dito. "Hi, ako 'yong i-interview-hin para maging dishwasher."
"Hello, 'neng! Ako pala si Colgate Dinarandado. Security guard," pagpapakilala nito. Hindi niya inaasahan ang malakas na pagbuga ng masamang hangin.
Inipit niya ang kaniyang ilong dahil hindi niya nakayanan ang masamang hangin.
"Hi, I'm Prima Leosong," aniya sa parang ngongong salita dahil sa pagkakaipit ng kaniyang ilong. "Congate Tinarantado po ang name ngo?"
"Aba't- namimilosopo ka ba, ha!?"
"Hindi ha, nagnganganong ngang nangan ango."
"Bakit ka-"
Nabitin ang sasabihin nito nang panlakihan ito ng mata ni Bang-Bang. Nanginig naman sa takot si Colgate kaya pinagbuksan na siya nito ng pintuan.
Kumatok muna siya sa nakabukas na pinto bago niya iniapak ang kaliwang paa papasok. Luminga-linga siya sa paligid. She loved the coziness of this room. It feels secured and guarded.
"Bang-Bang, shut the door close."
She startled when a manly voice boomed the whole room. She peeked at the man who's sitting on a leather chair.
"Prima Leoson, here for an interview."
Nag-angat ng tingin ang lalaki sa kaniya. She shivered as their eyes met. He looks just like him. The man of her dreams!
His angelic face, his luscious reddish brown lips, his... whatever basta siya!
Nang makawala na sa mahika ay nagsalita na siya, "are you gonna interview me or-"
"You're hired."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top