Chapter 52


 A wild party on a luxurious Spanish villa with endless booze? Hell yes! Hindi na magugulat si Eina kung mamaya meron nang magpasimula ng orgy sa crowd. Kanina nakadamit pa ang mga bisitang dumating. Pumasok lang siya sa rest room, paglabas niya marami nang naka-swimming trunks at two-piece sa may poolside.

Partying at Temptation Island is like jumping into a book of erotic fantasies. Tila natipon na sa lugar na 'yun ang laman ng wet dreams ng bawat kababaihan: gwapo, mayayaman, matitipuno ang katawan.

Hallelujah! It's raining men!

Eina could literally hear the Weather Girl's song echoing at the background. Naroon siya sa may balcony sa taas at pinapanood ang mga nangyayari sa baba. Muli niyang tinungga ang beer, saka pa lang niya narealize na nasaid na pala niya ang laman.

Pangalawang beer pa lang niya iyon, and to think na naka-inom na rin siya ng tequila kanina. God, she wanted more. She was in a mood to get drunk while silently watching horny people making out in the pool. Not to mention that she's practically hiding from Saulo.

Palihim na natawa siya sa sarili. There was something in what he said earlier that triggered something in her memories. His statement really affected her. Hindi niya inaasahan ang mga narinig niya sa lalaki. Who would have thought?

Eina shook her head, trying to forget every words. Di siya maka-get over. Kung pwede lang pinadaan na lang sana niya sa kabilang tenga ang mga sinabi ni Saulo para hindi siya bothered ngayon.

OA ba siya para gawing big deal iyon? Maybe. Napukaw ang pansin niya nang mahagip ng kanyang paningin si Geneva na may hinihilang lalaki sa garden. Mukhang marami-rami na rin ang nainom nito. Mas nauna pa ito sa kanya roon.

Naroon din ang dalawang team na naglaban kanina sa basketball. Nakasalubong pa niya kanina ang magkapatid ni Lucian at Lucifer. Ilang beses na niyang nakita si Lucian sa opisina, pero di siya nakilala nito kanina.

Napasulyap si Eina sa tatlong babae na nagtatawanan malapit sa kanya. Nanlaki ang mata ni Ylanna pagkakita sa kanya. "Pota ka, girl, nandyan ka lang pala! We've been looking for you! Akala namin pinadala ka na ulit ni Saulo sa opisina n'yo!"

"I almost did not recognize you," sabi ni Nat. "Nakita ka na namin kanina sa court. Tinititigan ka ni Caio! Girl, type ka talaga nun, promise!"

"Sinong kasama mo? Dang! I love your outfit. Where did you get it?"

Sabay sabay na nagsalita sina Farah kaya hindi niya alam kung sinong unang sasagutin. Mukhang may tama na rin ng alak ang mga ito.

"I'm with Saulo. He invited me here. And about my outfit, this lace-top is from Belleza, then I bought the midi-skirt from Zavel."

"Are you sure you don't want to be a model or like an influencer?"

"Or pwedeng beauty queen!"

Napangiwi si Eina. Actually, pangarap sa kanya ng nanay niya noon na maging beauty queen siya. But sadly, tapos na ang pageant days niya.

Dumating si Gigi, may dalang mga beer. "Here's the extra booze!" Parang nagulat si Gigi na present siya doon. "Nandito ka lang pala?!"

"Hinahanap mo ba ako?" kunot-noo niya.

Humarang si Ylanna sa pagitan nila ng babae.

"Wala ka bang pa-tequila d'yan, Gi? Beer lang? Pang-mahina lang 'to! Paano ako maglalakas loob mamaya maghabol ng lalaki?"

"Buti nga hindi tap water binigay ko sa 'yo. Pahihirapan mo pa kami sa 'yo na magkarga. Sa susunod na magwalwal ka d'yan, gagapang ka papunta sa hotel nyo!"

Inabot niya ang bote mula kay Gigi. Magrerequest sana siya ng mas matapang na inumin kaso baka naman siya pa mamaya ang gumapang pauwi. Tahimik lang ang dalaga na tinutungga ang bote. Nagtatawanan sina Ylanna habang may kinukwentong nangyari kanina sa sports center. Hindi siya maka-relate kahit nakikinig siya.

"Nakasalubong ko pala kanina si Saulo. Ano bang nangyayari? He's been looking for you," bulong ni Gigi pagkatabi sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya. "Eh?"

"Yup. Nagulat ako na nandito ka pala. Itinuro ko pa man din na baka umuwi ka na sa hotel. Though sabi naman ni Farah hindi ka nag-stay doon so I'm confused." Gigi looked at her suspiciously.

"Sa Allure pa din ako nag-check in. Different floor lang."

"Akala ko pa man din naki-share ka na sa cabin ni Saulo. Isang bedroom lang 'yon. Naisip ko naman, di ka naman siguro makiki-salo sa kama ng boss mo. Di nakaka-dalagang Pilipina!"

Pumasok yata sa ilong niya ang beer. Napaubo si Eina, saka matalim na tiningnan si Gigi. "O-Ofcourse, not! Bakit naman ako tutulog sa kama ni Saulo? I would never!"

"Nung nalasing ka sa Pulse, dun ka niya pinatulog 'no. That's so sweet of him. Akala ko nga may ganitong ganap.." hindi tinapos ni Gigi ang sinasabi, puno ng kapilyahang ipinakita ang kamay sa kanya. When she saw the familiar sex hand gesture, her face was flushed with shame.

"Pero noon lang naman! Syempre nacurious din ako kung bakit dinala ka ni Saulo dito. Now i'm pretty sure na wala naman palang ganap na ganun."

Gusto niyang itago ang kanyang mukha, namumula pa rin siya at feeling niya umabot hanggang talampakan ang kanyang hiya.

Ano nga kaya ang iisipin nito kapag nalaman na totoo ang hinala nito? Di niya kayang isipin, lalo na siguro kung mga katrabaho pa niya ang unang makadiskubre ng relasyon nila ni Saulo. Baka magpagulong-gulong si Kristine sa tuwa at nasagot niya ang supply nito ng monthly chismis.

Nagpaalam muna siya kay Gigi. Bumaba si Eina para hanapin ang lalaki. Kainis, di niya alam bakit kailangan niya gawin iyon. Nagtatago nga siya kay Saulo. She just wanted to clear her mind.

Pagkatapos ng halos sampung minuto na paghahanap, hindi niya nakita ito. Saan naman ito pumunta? Alam ni Saulo na hindi siya aalis sa party na hindi ito kasama. Ang hirap pa na wala siyang access sa telepono para tawagan ito.

Bandang huli, napagod si Eina kakahanap. Naiirita din siya tuwing may humaharang sa kanyang estranghero para makipagkilala. Pabalik na siya sa balcony nang bumangga siya sa matipunong katawan ng isang lalaki. Nairita si Eina, alam niyang sinadya nito iyon para kuhanin ang kanyang atensyon.

"I said, I'm not interested!"

Ano bang sobrang hirap na hindi maintindihan ng mga lalaking 'to na hindi siya interesado? Ang luma rin dumiskarte! Bakit hindi pa siya nito tinapunan ng drinks, saka magsasabi ng 'sorry miss'?

"Are you sure?"

Napatingala siya sa baritonong boses nito. Sinalubong siya ng matiim na titig ng lalaki. God, she couldn't help but stare. His eyes were like the shade of maple syrup. Hot, dark and delicious. There is so much sensuality and mystery with the way he looked at her.

Nagsalubong ang maiitim nitong kilay. He looked quite irritated.

"Stop staring."

She felt her cheeks burned with shame. Hindi niya namamalayan na matagal na siyang nakatitig sa mukha nito. Tumungo siya para maglagay ng distansya sa pagitan nila ng lalaki.

"Sorry for looking, I'm just making sure." aniya, pilit na humingi ng pasensya. Ayaw na lang niya gumawa ng eksena, lalo pa't kilala niya kung sinong nakabanggaan niya.

Akmang lalagpasan na niya ito, ngunit hinarangan nito ang daan niya.

"Not so fast. Anong sinabi mo?"

"Huh? Nag-sorry lang ako." Maang-maangan ni Eina. Binasa niya ang ibabang-labi, clear sign na kinakabahan siya. Darn it. Di ba siya makakapagsaya ng matiwasay?

"You said you are making sure— of what?"

Matalas pala ang pandinig. Akala niya ibinulong lang niya iyon.

Matamis na ngumiti siya sa lalaki. "Ah, yun ba? I don't want to offend you. Napatitig lang ako sa 'yo para siguraduhin na di talaga ako interesado."

"And you didn't like what you see?" tumaas ang sulok ng labi nito, tila hinahamon siya ng matiim nitong titig. Nasabi na ba niyang ayaw niyang gumawa ng eksena? Yep, wala siyang plano na ma-offend ang isang 'to. Hindi lang dahil sa kilala niya ito, kundi para na rin siyang nakipag-hamunan ng gulo sa tulad ni Saulo.

"It's not like that. I swear!"

"Explain."

Aw, shit.

"Look, you're gwapo, and you're hot as well, but I'm not in the mood to flirt tonight. I hope I didn't offend you. Nagmamadali lang din ako. So, can I go now?"

Matagal na tinitigan si Eina ng kaharap. Parang sinasala ng mga titig nito ang buong pagkatao niya. It was so uncomfortable. Tila may humahalik na init sa kanyang balat.

"What's your name again?"

"E-Eina."

"Eina?"

Shit, gusto pa full name. Dapat binigay na lang niya pekeng pangalan na ginagamit niya sa Facebook.

"Eina Montenegro."

Tumango ito sa kanya. "Nice meeting you again, Ms. Montenegro," walang kaaliw-aliw na sabi nito.

Again? Naaalala ba siya nito? 'Eh bakit pa pala tinanong nito ang pangalan niya?

"T-Thank you, Sir." Nanginginig pa ang kanyang tuhod sa pagmamadaling makaalis sa paningin nito.

Nakasalubong pa niya si Gigi na nakita ang pangyayari. Kita niya ang pagkunot-noo nito at sinundan siya pagkatapos makakuha ng baso ng alak. "What's that?"

"I don't know!" kabado pa rin, inagaw niya kay Gigi ang baso at siyang tinungga. Napaungol siya sa masidhing init na gumuhit sa kanyang lalamunan.

"Please tell me he's not mad at me," bulong niya sa sarili, pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Gigi.

"Sino? Si Atticus? Why would he get mad at you?" curious na tanong nito, may pagkaaliw na kumislap sa mata. "Nakita ko nga na hinarangan ka ni Atticus. So, what's the tea? Is he interested? Grabe ka, Eina, magtagal ka pa dito sa isla, baka umuwi kang winner!"

She glowered at Gigi, pero wala siyang sinabi.

"Hindi nga, Eina, 'yung seryoso?"

"He's not interested and I'm definitely not into him."

Kung umuulan lang at kumukulog nang sandaling iyon, baka tinamaan na siya ng kidlat. The design is very sinungaling, in-denial, mapagkunwari! Magkaparehas si Atticus at Saulo in so many ways. The build, the aura, the charm. Both of them have the same pair of sexy brown eyes. May kaunting pagkakaiba lang na hindi niya matukoy kung ano.

"Nasagi ko lang siya but I apologized naman, hindi kasi ako tumitingin sa daan."

"Alright. Wala akong sasabihin, but calm down. Baka atakihin ka. Okay 'yun si Atticus, mukha lang 'yung galit lagi. But he's nice overall. Kadalasan nga lang daw ay salbahe. I can't judge him 'cause I don't know him that much. But from what I've heard about him, sobrang istrikto ni Atticus sa mga kapatid niya. Maybe cause he's the eldest of the Vitiello brothers—"

"Vitiello?" ulit niya, sa pagkakaalam ng dalaga ay Monasterio ang mga ito.

"Hindi nila ginagamit ang last name ng tatay nila dati. Sa papel, oo, nandoon ang Monasterio but in public, they are still the Vitiello brothers. Si Don Romano na halos ang nagpalaki sa magkakapatid na 'yan kaya mas nirespeto nilang dalhin ang pangalan ng abuelo nila."

"May hawig minsan si Atticus kay Saulo. Mailapag ko lang."

"What? Di ko nakikita. But maybe it's because they're both part Italian. Bakit, Eina, you like Italians now?" Gigi teased, and she blushed instantly.

"Ikaw, ha. But hey, I can't blame you, my friend, kung mga ganyan ang tipo mo. They're just equally good-looking and delicious."

Kumindat sa kanya si Gigi kapagkuwan ay iniwanan siya para kumuha ng inumin nito.

Unang kita pa nga lang niya kay Atticus, may ibang vibe na siyang naramdaman dito. Bukod pa 'yung pakiramdam niyang nakita na niya ito somewhere.

She quickly made a mental note; iiwas siya kapag makita ulit niya si Atticus.

Mga ilang saglit pa ay nakita ni Eina si Lucian. Ito ang huling nakita niyang kasama ni Saulo bago ito mawala sa paningin niya. Lakas-loob na nilapitan niya ang binata kahit na may kausap itong sikat na socialite. "Excuse me."

Hindi nahirapan si Eina na kunin ang atensyon ni Lucian. Tumutok sa kanya ang mata nito, may pagtatakang napakunot-noo. Ilang beses na siya nitong nakita sa opisina kaya inaasahan na niyang kilala na siya nito.

"Do I know you?"

Okay, medyo napahiya siya. "Sorry to bother you, itatanong ko lang sana kung nakita mo si Saulo? I'm his assistant, by the way."

Namilog ang mata nito. "Yeah, yeah! You're the secretary. I remember you now. The last time I saw you kasama ka pa namin mag-lunch, right?" Lucian's eyes roamed over her body.

"That's me."

"Wow." There was pure admiration in his voice.

Iniwasan niyang magsalubong ang mata nila.

"Wait, why are you still here? Nasa meeting si Saulo ngayon kasama 'yung business partners namin. It's about the app that we're planning to—shit, that's confidential."

"Okay? I'm his secretary, alam ko na 'yan."

"Right!" Tipsy na si Lucian at umakbay na sa kanya. "Nawala sa isip ko. You looked different tonight."

Now why would he try to flirt with her? Luminga siya sa paligid. Ayaw niyang magkaroon ng maling interpretasyon ang makakakita sa pag-akbay ni Lucian. Marami na yata siyang nabubudol, oras na yata para umuwi.

"May ginagawa ka ba?"

"I'm looking for Saulo."

"Really?" may pagtataka sa tinig nito, lumalim ang kunot-noo. "What's your relationship with him? Are you two—"

"No! We're not like that. What made you think I have a special relationship with Saulo?"

"Then why are you here with him?"

Nawalan siya ng salita. Lucian chuckled, "You don't have to answer. I think I already know. Pero okay lang ba kung kakausapin kita? Walang magagalit?"

Napalunok ng laway si Eina. "S-Sure."

"Do you like to go somewhere private?" bulong ni Lucian. Muntikan na siyang mapalundag sa paglapat ng bibig nito sa tenga niya. Halos lumuwa ang mata niya.

"Your date," aniya, ipinaalala sa lalaki na may kinakausap pa itong babae na ngayon ay nag-walk out na.

She felt so bad.

"I don't have a date tonight. Kinakausap ko lang kung sinong makakuha sa atensyon ko." Bulong pa ni Lucian. "And you're the probably the most stunning woman tonight so I want to take the—"

"Lucian."

Napalingon sila sa tumawag sa pangalan nito. Ilang dipa lang ang layo ni Atticus sa kanila. Sumulyap ito sa kanya, bago ilipat ang mata kay Lucian. "Someone's looking for you. Come."

"What?"

"It's urgent. Now."

Nagsukatan pa ang titig ang dalawang lalaki bago tuluyang sumuko si Lucian. "Talk to you later," may mapang-akit na ngiti sa labi nito na tinalikuran siya. Hindi nakaligtas kay Eina ang malagkit na titig ni Atticus. Darn, what did just happened?





---

Midnight Mistress is already at Chapter 101 on Patreon and VIP Group. Check pinned post on my message board. IG: race.darwin / FB: RaceDarwin Stories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top