Chapter 51
"Huh?" Napatanga ang dalaga. Napakabilis naman pumorma ng lalaking 'to. Wala pa yatang isang oras na nakikilala siya, lumalandi na sa kanya. Basang-basa na niya ang mga tipo ni Dax. Tataya si Eina. Walang duda! Babaero ang tinamaan ng lintek.
"Tangina, ang korni mo angkol!" hirit ni Silas na narinig ang banat ng tiyuhin nito.
"Stop calling me that," angil ni Dax. Dumistansya sa kanya ang lalaki nang tila maramdaman na naasiwa siya sa pagkakalapit ng mukha nila.
Pinilit niyang ignorahin ang presence ng dalawa at ibinalik ang atensyon sa game. Nagulat siya pagtingin sa score. Sampu na ang lamang ng Mujeriegos sa team nina Saulo. Malapit na matapos ang game pero may pag-asa pa naman na makahabol ang mga Monasterio.
"Go, Saulo!" Napatayo pa si Eina nang makita ang bola sa kamay ni Saulo. Masayang napasigaw siya nang magawa nitong mai-shoot ang bola. Napapalakpak pa siya.
Hindi niya lubos maisip na magaling rin maglaro ang binata sa basketball. Advantage din talaga siguro nito ang height nitong 6'4. Nung nagsabog siguro ng talent at skills, sinalo lahat ni Saulo.
Nagpatuloy ang laban. Hindi siya mapakali habang nakasunod ang mata sa kung sino ang may hawak ng bola, kung sinong nakapuntos. Watching the game made her so nervous. Umakyat lalo ang emosyon ng lahat ng makalamang na ang Monasterio Daddies. Humataw sa points ang dalawang Monasterio na hindi niya kilala sa pangalan.
Tumingin si Eina sa mukha ng mga kalaban. DiSalvo, Zavarce, Alarcon, Sullivan, Ferrer. Pamilyar sa kanya ang last names ng mga miyembro ng team. Pawang mga nanggaling sa mayayamang angkan, lumaki na napapaligiran ng ginto.
And then she remembered.
Tumingin siya sa mukha ng lalaking may pangalang Ferrer sa likod ng jersey. She knew that man. Hindi nalalayo ang mukha nito kay Adonis. Kakatwang hindi niya iyon napansin kanina.
Naalarma siya, pero panandalian lang iyon. Hindi sila personal na magkakilala ng kapatid nito. Sa pictures lang niya nakita ang kapatid ng dating nobyo. Sa kanyang pagkaalala, sa abroad ito nag-aral.
Hindi malabong maging miyembro si Adonis sa isla. Marami itong pera. Nakukuha nito ang kahit na anong gustuhin. Hindi siya sigurado kung talagang pamilyado na ito. Inassume na lang niya na meron dahil may karga itong bata noong huli niya itong nakita. Wala talaga siyang ideya kung anong update sa buhay nito. Minsan curious siya malaman. Sino bang hinding na-tempt na i-stalk ang mga naging ex? Pero wala siyang balak na magkutkot ng sugat. Baka kahit naka-move on na siya, biglang bumalik ang feelings. Eme!
Nagtapos ang laro sa malakas na hiyawan. Nanalo sina Saulo. Tuwang-tuwa naman si Eina at parang nangangati siyang lapitan ito sa kinatatayuan nito ngayon.
"May pupuntahan ka ba mamaya?"
"Huh?" Napalingon ulit si Eina sa lalaking kumakausap sa kanya. Nasa tabi pa rin pala niya si Dax. At interesadong nakatingin sa kanya.
"My friend will be hosting a party later at the villa nearby and I was wondering if you would like to come?"
"Sounds great, but uhh, I'm with someone."
"Oh." Nakita niya ang pag-aalinlangan nito. Ngunit di napawi ang ngiti. "Pero akala ko single ka?"
"I am."
"So, I'm just being rejected?"
Di niya napigilan ang pagtawa. Hindi naman mukhang napingasan ang kumpyansa ng lalaki. Malinaw ang paningin niya kaya alam niya na hindi sanay ang lalaki nare-reject.
"Sorry, that's not reason. May mga kasama kasi ako."
"Mas okay 'yun. Puwede mo silang imbitahin na sumama."
"No pa rin."
"Fine, di na kita kukulitin." He chuckled. "But are you doing anything tomorrow? We could hangout if you like."
"Aalis na ako bukas eh," pagdadahilan ng dalaga. Rumehistro ang pagkadismaya sa mukha ng binata.
"Taga saan ka nga ulit?" tanong nito, parang ayaw pa siyang umalis.
"Baguio."
"Malayo. Akala ko sa taga-Manila area ka lang. Parang familiar ka sa akin. Di ko maalala kung saan kita nakita, but I'm pretty sure I already saw your face before. Saan ka ba nag-college?"
"Sa Baguio rin. You?"
"UP Diliman."
Ah, same university lang pala sila ng pinasukan nito. Kahit parehas lang silang nanggaling sa UP, imposibleng nagkrus na ang landas nila doon. Maaalala niya kung nakasama na niya ito sa iisang silid noon.
"Sayang. Hindi ako mahilig maglaro ng basketball."
"Let me guess, you're into boxing." biro niya. Pinagbasehan lang niya ang build ng katawan nito. I mean, look at the muscles! Naka-muscle tee ang lalaki kaya kitang-kita ang maskuladong katawan nito.
Namilog ang mata ng binata. "Wait. Kilala mo na ako no? Nagpapanggap ka lang ba na hindi moa ko kilala? That's naughty."
Excuse me?
"Huh?" Maloloka yata siya sa lalaki. Nasaan na ba ang pamangkin kuno nito? Di pa isinamang damputin sa pag-alis nito.
"How did you know that i'm a professional MMA boxer?"
Ikinagulat ni Eina 'yon. Nagbibiro lang talaga siya kanina. Hindi niya alam na totoo 'yon. Ngayong sinabi nito nacurious tuloy siyang kilalanin ang lalaki. Naalala niya na merong underground club na kinabibilangan si Adonis noon kung saan pumupunta siya para hintayin ito habang nagpa-practice. Posible kayang pamilyar siya sa kausap dahil nakita na siya nito noon? Matagal na 'yon, eh.
"Just a wild guess. But I'm still surprised to know. Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Dax."
Pilit niyang inalala kung pamilyar ang pangalan nito. "Dax? Sounds familiar. Ah! Are you Jax Vitiello?"
Napa-ungol ang lalaki at masamang tumingin sa kanya. "I'm offended cause that's not me, baby. That's my brother."
"Oh, my bad. Akala ko same lang. I'm familiar with Jax. Napapanood ko siya noon."
"See? You're acting like you don't know me—"
"I'm sorry hindi ka talaga pamilyar sa akin. I'm not updated. Kilala ko lang si Jax kasi sikat siya sa university noon."
Ilang beses na rin natalo ni Jax si Adonis. That man is unstopabble and undefeated! Kahit ngayon na hindi siya updated, nakikita pa rin niya ito sa mga billboard sa EDSA.
"That's my older brother. Siya rin ang main reason kung bakit maraming nakakakilala sa akin."
"You're the nepo brother."
"Damn right!" sa halip na ma-offend, sinakyan lamang nito ang biro niya.
Ang lakas tuloy ng tawa niya. Hindi siya tinantanan kausapin ng lalaki hangga't hindi nito nakukuha ang contact niya. Wala naman siyang nakikitang dahilan para ipagdamot iyon kaya ibinigay na rin niya bandang huli. Saka pa lang ito nagpaalam sa kanya.
"Who's that?"
Napatili si Eina nang bigla na lang sumalubong si Saulo sa kanya paglabas sa comfort room.
"Ano ka ba! Papatayin mo ba ako sa gulat? Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang mga teammate mo?"
"Ang dami mong tanong. Di mo pa nga sinasagot 'yung tanong ko." Napansin ng dalaga ang pagsimangot ni Saulo.
"Ah, yun ba? Si Dax. I think you know him. He's the younger brother of Jax Vitiello. Remember the guy from—"
"And what's your deal with Dax?"
"No deal?"
Tumaas ang sulok ng labi ni Saulo. "I saw you flirting with him. And he's the most popular boxer in the world right now. I'm pretty sure there's a big deal."
"Wala naman akong na-close na deal. Gusto mo bang alukin ko ng insurance? Plan ko nang mag-FA para madagdagan ang income ko, eh."
"Not funny."
Anong meron sa lalaki? Parang bwisit na bwisit ang facial expression nito habang kausap siya. Iniisip niya kung anong nagawa niyang hindi maganda. Panalo naman ito sa laro.
So anong ipinuputok ng butse nito?
"Wala 'yun. Kinakausap ako ng tao, eh, ayaw ko naman maging bastos."
"Is that so?"
"Minsan kailangan rin ang pagiging humble sa buhay kahit sobrang ganda mo. Sinusubukan ko lang maging kaabot-abot para sa iba kung 'yung tipo ko ang pangarap nila."
Natahimik na napamata na lang si Saulo sa kanya. Mukhang pinagsisisihan na yata na kinausap pa siya. "Tinatanong lang kita kung sino 'yung kausap mo kanina. Bigla ka naman nangarap ng gising," pambabasag nito at binilisan ang lakad para lagpasan siya.
Lumawak ang ngiti ni Eina. Hinabol niya ang binata. Nagtataka lang siya kung bakit sinundan pa siya nito hanggang sa comfort room.
"Hi, Saulo!" Humarang ang isang babae sa harap ni Saulo. "Grabe ha, ikaw lang nakapagpatili sa akin kanina. I don't know you're that good in playing basketball. Pwede ka na sa NBA!"
Mabuti na lang ay nasa likuran siya ni Saulo. Hindi makikita ni Geneva kung paano siya mapairap sa bawat salitang lumabas sa bibig nito.
Si Saulo, puwede sa NBA? Que horror! Kahit buhay at trabaho na niya ang nakataya, hinding-hindi niya bobolahin ng ganon si Saulo.
"I know that, but thank you."
Hindi man lang nagpa-humble? Si Lucifer at Xerxes nga yata ang nagbuhat kanina sa team.
"They're hosting a party at Rancho Salvatore. Pupunta ka ba? I mean, I'm going tonight. Kung wala ka naman kasama—"
"I'm with my secretary. She's my date tonight."
Nanlaki ang mata ng dalaga. Hala!
Dumako ang tingin sa kanya ni Geneva. Nakunot-noo pa ito noong una, tila kinikilala siya. Hindi siya agad na-recognize nito because of her soft-glam look.
"Wait, I think I know you." maarteng itinuro pa siya ng babae. "Your name's Eina. Ikaw 'yung assistant namin dito, right?"
Ang kapal ha. Baka gusto nitong punuin niya ang lalamunan at sikmura nito ng tubig alat. Sasagot sana siya nang maunang magsalita si Saulo.
"No. She is my secretary. She's mine." Sumulyap sa kanya si Saulo kaya tumango siya bilang response.
"That's right. I'm not working for Gigi's team. Nagkamali ka siguro ng assume."
Ngumiti lang lalo si Geneva, pagkatapos ay lumapit sa kanya. "Ah, okay lang ba kung sumama din sa inyo kung pupunta kayo doon? I'm super alone tonight. Out-of-place ako sa group nina Farah."
"I'm not sure if that's a good idea. May brainstorming kami mamaya ni Saulo. Sorry."
Kumapit si Eina sa braso ni Saulo. Nabura ang ngiti ng babae ng makita ang pagyapos niya sa binata.
Wala naman siyang kailangan patunayan. But for some reason, gusto niyang markahan ang teritoryo niya.
"Let's go," bulong niya kay Saulo sabay nilayasan na nila si Geneva.
Bitchy mode ba siya? Nope. Hindi lang sigurado niya na-appreciate ang paraan ng pagturo sa kanya ni Geneva at pagtawag na assistant nito. Parang may ipinaparating ang tono nito sa kanya at wala siyang sapat na pasensya para i-tolerate ang pagiging bitchy nito sa kanya.
"What's that?" tanong ni Saulo pagkalayo nila.
"I don't like her."
"I see."
"But it's okay if you're attracted to her, I mean, it's totally understandable. She's a bombshell."
Naningkit ang mga mata ni Saulo. Kapagkuwan ay ibinaba ang mukha sa kanya.
"Are you jealous of her?"
Parang bombang inilatag ni Saulo ang tanong na iyon sa harap niya. Mas okay pa nga kung naglagay na ito ng totoong bomba kasi parang iyon lang din ang effect sa kanya. Sobrang napamulagat siya.
"Huy! Anong selos ka d'yan?"
"You're blushing so it must be true." Ngumisi ang binata, saka muling sumeryoso. "Ano naman ang ikinakaselos mo doon?"
"I'm not jealous of her. Lagyan natin ng dot 'yun sa dulo para clear."
He let out a delicious chuckle. "Hindi raw. Okay, lods."
Pinandilatan niya si Saulo. "I'm serious! At wag mo akong tawaging lods kung ayaw mong tawagin kitang par pag nagsex tayo mamaya. Saan mo natutunan 'yan?"
Nanginig ang matipunong braso nito, pigil ang pag-alpas ng tawa.
"How annoying! Wag mo akong tawanan kasi sa totoo lang, hindi talaga. Ikaw lang siguro nag-iisip niyan. Well, maybe because ikaw ang nagseselos kanina."
Malawak na napangisi si Saulo. "So what?"
So what?!
Nanlaki ang mata ni Eina. Anong ibig nitong sabihin? Hindi ito magde-deny? Tumikhim siya at kinalma ang sarili. Baka maging delulu siya kung masyado niyang ia-analyze ang sinabi nito.
Si Saulo, magseselos?
Naglakad sila palapit sa grupo nina Lucifer. Namataan niya ulit si Dax. Kinindatan siya ng binata nang makasalubong niya ito at si Silas.
Ngumiti siya pabalik. Biglang lumapat ang kamay ni Saulo sa beywang niya dahilan para mapatingin siya. Eksaktong bumaba ang bibig nito sa kanyang tenga. "Let me get this straight, Eina. I don't like sharing what's mine."
Natigagal si Eina sa kanyang narinig.
"That man is flirting with you, and I don't like it."
"O-okay?" Napalunok ang dalaga. Iniiwas niya ang kanyang mukha. Naramdaman niyang lumapat ang bibig nito sa kanyang tenga at bumuga ng hangin.
Di niya mapigil ang biglang pangangatal ng kanyang binti.
"Don't panic," sabi nito, may mayabang na ngisi sa labi nito. "I'm just telling you so you know. You won't like it when I'm jealous."
--
Midnight Mistress is already at Chapter 94 on Patreon. You can also subscribe to VIP Group on FB. Check the pinned post on my message board.
IG: race.darwin / FB: RaceDarwin Stories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top