CHAPTER EIGHTY-EIGHT

* * *

Sa sala ng isa sa mga mansyon na pwersahang inangkin ni Ronaldo ay makikita ang anim na mga kalalakihan. Tatlo ay si Ronaldo, Aaron, at Logan. Habang ang tatlo naman na natitira ay ang mga alpha na nagmula sa angkan ni Logan.

"Did you bring the vampirized mortals to Paolo's place?"

Nasa tapat ng pinto si Logan kasama ang tatlo niyang mga alipores.

Umagang-umaga ngunit abala na ang mga ito, kasalungat sa dapat ay tulog nilang diwa bilang mga bampira. Ngunit ang sekreto kung bakit hindi nila batid ang pagod ay ang dugo na mula sa mga nasawing mortal na hindi kinaya ang pagkalat ng vampire essence sa katawan nila.

"I've sent the first batch, master. The ones with stronger bodies were immediately sent for training," ani ng isa sa tatlo.

"Great. I'll see those new recruits once I'm done with this," nagbuntong-hininga si Logan, sabay sabi ng, "This is never ending work... How about the thing I told you to bring?" Humarap siya sa isa pang bampira na nasa kaliwa tapos ay sumenyas sa dalawang nauna na pwede nang umalis.

Pero bago tuluyan na umalis ay yumuko na muna ang mga ito sa kanya. At sunod naman na lumapit kay Logan ang isa. May hawak siyang clear brown folder, at inabot ito sa kanyang master.

"It arrived just in time, master," anito.

"Indeed. I thought you guys are incompetent to do this job."

"Forgive us for the delay."

"I thought you were going to leave me no face to the Lord Ronaldo. I'm not sure if I could give you forgiveness if you delayed it even more. My reputation is more important than your life, after all." Inabot ni Logan ang folder at sisenyasan na sana ang lalaki na umalis.

Napansin niya na tila ba may gusto pa itong sabihin.

"What is it?" Pagod nitong tanong.

"Uh, more evidence will come, master. One of my men is following a certain person closely related to the Supreme's lover."

Tumaas ang kilay ni Logan. Tila ba hindi siya nakumbinsi ng dagdag na impormasyon ng kanyang tauhan.

"Do whatever you have to do as long as that will help me with the mission Aaron gave me. Just make sure those are legit, or else..." Huminto siya at inangat ang kanyang tingin, sabay sabi ng, "you know what will happen, right?"

Tumango-tango ang lalaki. Nanginginig man ay yumuko pa rin ito para ipakita ang kanyang respeto bago naglakad paalis.

"Hindi ka pa ba tapos?" Balak pa sana ni Logan na tingnan ang laman ng folder nang marinig niya ang pagtawag ni Aaron sa kanya.

Kanina pa niya kasi pinapanood ang binata mula sa kanyang inuupuan. At nang napansin na wala na ang mga tauhan nito ay agad niyang tinawag ang atensyon nito para tapusin na ang paghihintay nila.

"Huwag mong sabihin na pumalpak ang mga tauhan mo? O baka naman nagsisinungaling ka nga lang talaga," pangungutya ng matanda sa binata.

"Does he think that it's making me afraid of him?" sambit ni Logan sa kanyang isipan habang pinanliliitan ng mata si Aaron.

Nagsimula na siyang maglakad hawak-hawak ang folder. Hindi pa man siya nakakalapit ay tanaw na niya ang mayabang na ngisi ng matandang bampira. Para bang alam niya na walang humpay na pagdududa sa kanya ang laman ng isipan nito.

"I'll get rid of that smirk right now."

Samantala ay wala namang pakialam sa tensyon na namumuo sa dalawa niyang kampon si Ronaldo. Nakaupo lang siya sa dulo ng sofa na kinaroroonan nila ni Aaron. Mapayapa at mahinahon niyang inabot ang isang tasa ng kape na nakalapag sa lamesa. Tila ba ay nasa labas siya at nasisiyahan sa magagandang tanawin, nakangiti siya at lumiliwanag ang kanyang mga mata habang pinanood ang dalawa. Nang matapos siya sa paghigop ay inilapag na niya ulit ang tasa, at pawang puon na inangat ang isa niyang kamay.

"Excuse me," sambit niya. "are you done arguing? May I see the evidence you were talking about, Logan?"

Kaswal na iniunat ni Ronaldo ang kamay para abutin ang folder na dala ni Logan. Ibinigay din naman ito agad ni Logan at nagpaliwanag. Nasa tapat lang nila ang binata, at wala atang balak umupo sa isa sa mga sofa sa silid.

"It's also my first time to see the photos," pagsisinungaling niya. Isa pa nga lang talaga ang nakita niya kanina, kung hindi lang sana siya pinutol ni Aaron. "Whatever, the quality won't matter."

Hindi siya pinakinggan ni Ronaldo at walang ingat na binuhos ang mga naka-ipit na litrato sa folder na para bang nagbubuhos lang din siya ng tubig. Kumalat sa lamesa ang limang litrato ng isang babae.

Maganda at balingkinitan ang katawan. Siya ay may malaking tiyan sa lahat ng mga litrato, may kulot na buhok at maliwanag na mga mata. Kitang-kita sa kanyang makinis na kutis na hindi siya nakaranas ng hirap sa buhay. Gayunpaman, kahit na nasa litrato lang ay makikita sa awra nito ang mala anghel na puting liwanag na bumabalot sa binibini.

"Oh... Ooh! So, this is my brother's lover?" Lumipat-lipat ang tingin ni Ronaldo kay Logan. Tapos ay masuring niliitan ang kanyang mata, "Are you trying to deceive me, young man? I know my brother, and I am not quite convinced that this is his woman."

Yumuko si Logan sabay sabi ng, "That is what they discovered. Uh, there's a sixth photo. It must be still there and left inside the folder."

Napatingin si Ronaldo sa folder na nasa sofa. Kinuha naman ito ni Aaron.

Walang duda, tama nga ng sinabi si Logan, may ika-anim pang litrato na naiwan dito.

Naka-ipit ito sa gilid kaya hindi agad na nahulog nang marahas na binuhos ni Ronaldo kanina ang laman. At nakatalikod din ito kaya mistulan lang itong papel na naiwan.

Sa sandaling binaliktad ni Aaron ang litrato ay bumungad sa kanila ang pamilyar na itsura ng lalaki. May matalim na gilid ng mukha at makapal na kilay. Matangos na ilong at mala papel na maputing balat. Nakatagilid ito mula sa anggulo ng kamera pero hindi maipagkakaila na si Maximilian ang lalaking katabi ng babae.

Ang lahat ng litrato ay kinunan sa iisang lugar. Sa hardin ng isang magara at malaking bahay. Malawak ang hardin. Hindi rin mawawala ang mga katulong sa litrato na tila ba nakasunod sa babae o kaya ay nakatindig sa hindi kalayuan.

"I guess his taste changed. I didn't know he's into elegant and decent woman," komento ni Ronaldo habang nakatitig sa litrato ni Maximilian at ng mortal.

"Sigurado ka ba na si Maximilian ang tinutukoy mo at hindi ang iyong sarili?" pag-kwestyon sa kanya ni Aaron.

"Oh, please stop telling me that, Aaron. You know that I couldn't win this conversation with you," angal ni Ronaldo.

Paano naman kasi ay wala siyang maipang-lalaban sa sobrang kabanalan ni Aaron. Dalawa hanggang tatlong persona lang ata ang mga naging kasintahan ng bampira. Hindi siya gaanong mahilig makipag-salamuha sa iba. Mas nais niya na mapag-isa at hindi pa nagmahal ng totoo sa tanang buhay niya.

"Sige... Tapos, ano na ang susunod mong hakbang?"

Tumungo ang tingin ni Ronaldo kay Logan na nakatayo pa rin sa harap nilang dalawa.

"Logan, do you want to say something?"

Sadya na nagtanong si Ronaldo sa binata.

Rinig na rinig kasi ng dalawa ang usapan ni Logan at ng mga tauhan niya kanina. Mukhang naghahanap pa ng tyempo ang bampira kung paano at kailan niya sasabihin ang paparating pang mga litrato. Hindi niya maiwasan na huminga ng maluwag nang marinig ang katanungan ng kanyang master.

"Uhm, yes. My henchmen still have a few photos to bring. I'll definitely show you more evidence next tim—"

"Hah!" mayabang na singhal ni Aaron, "Imbes na mga litrato, bakit hindi ang mismong impormasyon ng lokasyon nila ang iyong ibigay?"

Hindi rin naman umatras sa hamon niya ni Logan. Ngumisi ang binata at sumagot ng. "Yes, yes. Sure. I'll give the information once I received it."

"Akala ko ba alam mo na?"

"They are hiding, mister. And I supposed the Supreme is not an idiot for staying in the same place all the time?"

"Unfortunately, they got away the moment we tried to kidnap the mortal woman." Mukhang nakatunog kasi ang mga bantay sa paligid ng tinitirhan ng mga ito.

"Great! That's great." Biglang tumayo sa kinauupuan niya si Ronaldo tapos ay isang beses na pumalakpak. "Gentlemen, come with me. Let's visit Paolo's headquarters. I hear that he has something dangerous going on."

"Nakumpleto na ba niya ang materyales ng anti-vampire weapons niya?"

Nagkibit-balikat lang si Ronaldo at agad na naglaho sa kanyang kinatatayuan.

Nagtitigan lang muna ang dalawang naiwan sa sala sa wala man lang paliwanag na imbitasyon ng kanilang pinuno.

Nauna na nagsalita si Aaron. "Are you going?"

Ayaw man na sumagot ni Logan ay umimik na lang siya. Alam niya na lalala lang ang pagkainis ng nakakatandang bampira sa kanya kung hindi niya ito sasagutin ngayon.

"I'll go. Fortunately, it's my next destination. My alphas are there for their estrus after all."

"Ah, akala ko ay hindi na niya kailangan ang mansyon ni Paolo dahil mayroon na siyang sariling harem para sa mga bampirang may estrus." Ito ang mga kataga na nais niyang ibulalas kay Logan.

Pero dahil napansin na rin ni Aaron na ilang beses na niyang nabara ang binata ngayong araw ay hindi na siya nagsalita. Tahimik na lang siyang nag-teleport sa kanilang destinasyon.

* * *

Ito ang ikatlong beses ni Logan sa mansyon ni Paolo. Alam niya noon pa kung ano ang gampanin ni Paolo bilang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan ni Ronaldo. Minsan pa nga ay nagpapadala siya ng tauhan niya rito para kumuha ng makakasiping niya sa tuwing nalilib*gan siya.

Sa tatlong beses na iyon ay lahat ay estrus ang kanyang pakay. Dahil maliban sa isang laboratoryo ay isa ring breeding ground ang lugar ni Paolo. Mapa-estrus man niya o ng mga alpha na hawak niya ngayon, dito sa headquarters ni Paolo humihingi ng helper si Logan. Pero ito ang unang beses na pumunta siya rito para panoorin ang pagsusulit ng sinasabing bagong sandata na may kakayahang pumatay ng mga bampira.

"It's my first time here," sambit niya nang pumasok silang tatlo ni Ronaldo at Aaron sa laboratoryo ni Paolo."

"Syempre naman. Puro kalib*gan lang kasi ang pakay mo rito," tahimik naman na tugon ni Aaron sa kanya.

Patuloy lang sila sa pag-usisa sa loob ng laboratoryo. Sa unang tingin ay akalain na wala ng ibang silid sa dulo ng chemical room ni Paolo kung saan siya gumagawa ng mga gamot at lason. Lingid sa kaalaman ng tatlo, sa may bandang kaliwa pala, sa parte kung saan ay may maliit na bakanteng espasyo ay may lihim na pinto. Kulay puti rin kasi ang pintura nito at wala rin itong molding sa gilid kaya hindi ito agad napapansin.

Nagtataka si Logan kung bakit nasa loob lang sila ng silid at walang ginagawa. Panay din ang paglibot niya ng tingin sa silid na puno ng likido na may iba't iba kulay. Nakasilid ang mga ito sa mga lalagyang babasagin na may iba't iba ring hugis.

"What is it now?" tanong niya kay Aaron na nasa kanyang tabi.

Hindi naman siya sinagot ni Aaron at tahimik lang na naghintay. Ganoon din si Ronaldo na padaskol na umupo sa office chair na nasa gilid ng silid. Kumuha rin siya ng isang libro at nagsimula itong basahin sa pwesto na para bang kanya ang lamesa.

Hindi rin nagtagal ay narinig nila ang tunog na tila ba may malakas na singaw ng hangin. Agad silang napalingon sa direksyon ng bakanteng espasyo. Doon ay bumukas ang nakatagong pinto at iniluwa nito si Paolo na suot-suot ang kanyang lab gown at gloves, na parehong pawang namantsahan ng pulang tinta.

"Is that vampire blood?" Kinilabutan sa pamilyar na amoy si Logan kaya agad siyang nagtanong kung ano ito.

Tila ba wala pa sa kanyang sarili si Paolo, at mistulang inaantok na tinitigan ang kanyang damit. Blanko ang kanyang mga mata at may pagod na ekspresyon.

Subalit mabilis din siyang natauhan nang muli niyang ibalik ang kanyang tingin sa mga taong kasama niya ngayon sa kanyang laboratoryo.

"Ah! Lord Ronaldo! Aaron, at..."

"It's Logan. I've been here a few times but we never had a chance to talk much," mabilis na pagpapakilala ni Logan sa kanyang sarili.

Nagmamadali naman na hinubad ni Paolo ang suot niyang gloves para tanggapin ang pakikipag-kamay ng binata sa kanya.

"What are you doing, Paolo?" batid sa kanya ni Ronaldo.

"Uh-uhm, I-I was waiting for you earlier yet I got bored so I started trying out some things," paliwanag niya bago ngumiti at nag-aya. "Come in, sirs. I shall show you what you came here for."

Hindi rin naman nag-alinlangan si Ronaldo na iwan ang komportable na upuan. Ganoon din si Aaron nang makita ang sabik na reaksyon ng kanilang master.

"Ano na naman kaya ang naimbento ng isang 'to?"

Samantala, bilang baguhan ay bahagya pang nalilito si Logan. Ngunit dahil nagtataka rin siya ay sumunod na siya sa tatlo.

Pagpasok sa silid ay umalingasaw agad ang amoy ng dugo ng bampira. Sa tapang at kapal nito ay napatakip ng kanyang ilong si Logan at ang kanyang mga kasama.

Dahil kanina pa sa loob si Paolo ay nasanay na sa matapang na amoy ng dugo ang kanyang ilong.

"Anong nangyayari rito?"

"Ah, the Lord didn't tell you about this, huh?" Wala sa mga bisita niya ang sumagot. "Here, let's walk in here." Lumiko sa kaliwa si Paolo.

Kani-kanina lang ay mistulang walang katapusan na makipot at diretsong daan ang tinatahak nila sa likod ng lihim na pintuan sa laboratoryo ng Scientist. Ngunit nang lumiko sila ay magkabilaang kulungan ang bumungad sa kanila.

"Aha! Is this why someone asked for the remnants of the clans we conquered?" Paghihinala ni Logan nang makita niya ang mga bampirang nakahandusay sa isa sa mga selda.

Sinlaki ng normal na silid tulugan ang bawat selda. Kada isa ay may dalawa hanggang apat na preso. At ang sa bawat grupo ay may isa o kaya dalawa sa mga ito ay purong bampira.

"Surprise! I introduce you! The results of my tireless research. Day in and day out of reconstructions! I present to you, the anti-vampire weapons!"

Kagaya ng isang malakas na kulog ay narinig sa bawat sulok ng mga selda ang boses ni Paolo. Para bang kumawala sa kanyang katawan ang tunay niyang ugali. Ang akalaing tahimik at matinong bampira ay mistulan ng baliw at naging marahas sanhi ng labis niyang pagka-sabik.

Luminga-linga ang tatlo.|

"He said it's an anti-vampire weapon. But, where's the weapon?"

Nahilaw saglit ang ngiti niPaolo. Doon pa lang din niya naalala na wala nga talaga sa kinatatayuan niya ang kanyang ipinagmamalaking sandata.

"Ah... teka, naiwan ko ata kanina..."

Agad siyang umalis at bumalik sa kung saan sila nanggaling. Hindi pa man tumatagal ng isang minuto ang paghihintay nila ay nagsisimula nang mabagot si Logan. Habang wala namang kaproble-problema na naghintay ang dalawa niyang kasama.

"Don't you think it smell awful here?" sambit niya kay Aaron pero hindi siya pinansin nito. Lumingon naman siya sa kabila niyang balikat, at doon ay nakita niya si Ronaldo. Hindi ito kumikibo at diretso lang ang tingin sa direksyon kung saan tumungo si Paolo.

Mukhang ayaw nitong maistorbo, kaya hindi na nangahas si Logan na kausapin pa ang kanilang pinuno. Ilang sandali lang ay narinig na muli ang mga yabag ni Paolo.

"Heh! Ito na! I left it somewhere near the doorway. Forgive me, forgive me. I am so all over the place. But! Here it comes!"

Parang bata si Paolo na nasasabik na ipakita sa kanyang mga kaibigan ang bago niyang laruan. Tumungo pa sila sa dulo ng silid kung saan ay may buhay pa na bampira na natitira. May tatlo pang selda na buhay ang lahat ng preso.

Nakagapos ang mga ito. Nang mapansin ito ni Aaron ay hindi niya maiwasan na itanong na, "Bakit sila nakagapos? Hindi ba sila makakawala niyan? Ang nipis naman ata ng iyong tali, at mukhang ordinaryong bakal lang din ang gamit mong materyal para sa rehas."

Ngumiti na naman si Paolo. Lumapit siya sa rehas ng isa sa mga selda at hinaplos-haplos ito.

"Right. It looks like a harmless and ordinary iron. And those look like ordinary and weak ropes." Tinuro niya ang mga pising mahigpit na nakagapos sa kanyang mga preso. "These may seem too fragile to imprison a vampire but, all of these. From that cell up to these ropes, and even this very dagger I am holding. Everything is made out of the special material I created to nullify a vampire's fast regeneration skill. You could say that it is the vampire's kryptonite."

"Vampire's kryptonite?" Hindi makapaniwala si Logan sa kanyang naririnig.

Imposible na may ganitong bagay.

"Paano?" tanong ni Aaron.

Hinawi ni Paolo ang hangin saka mahinang tumawa. "Psh! Don't even try asking. Only a genius could understand."

"Then, tell us about it in the easiest manner. In a way that even a non-genius could understand," bulalas ni Ronaldo.

Nang marinig ni Paolo ang malalim at seryosong boses ng kanyang master ay para siyang bumalik sa katinuan.

Saglit siyang tumikhim, at dahan-dahan na nagmutawi ng,"It was when Bernard died."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top