Chapter 6
Chapter 6
"Ang tanga tanga mo, Gennica Tamara!"
Panay ang pag-umpog ko ng aking noo sa may pintuan. Kahit na ilang araw na ang nakalipas ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya.
Bakit ko ba nasabi 'yon? Anong kabobohan na naman ang pumasok sa isip ko nung oras na kaharap ko s'ya?
"Masarap ka bang humalik?"
Natakpan ko ang aking bibig sa salitang binitiwan ko na naman. Mariin ko rin na pinikit ang aking mga mata.
"W-What?"
Napansin kong humakbang pa s'ya papalapit sa 'kin kaya umatras ako palayo sa kanya. Hindi ko pa rin magawang iangat ang aking mukha sa kahihiyan.
Hindi n'ya ako pwedeng makilala! Huwag muna!
"W-Wala lang 'yon..." I tried to laugh.
Bago pa s'ya muling umiimik, mabilis ko na s'yang tinalikuran at nag tatakbo na palayo sa kanya. Sobrang lakas ng kabog ng aking puso.
Sana lang talaga hindi n'ya ako nakilala kasi hindi ko na alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya.
Pero masarap ba talaga s'yang humalik? Sayang lang at hindi nasagot ang katanungan ko.
Dahil sa curious ako... ako mismo ang tutuklas sa bagay na 'yon.
"Okay lang 'yan, Gennica, okay lang. Hindi ka naman n'ya nakilala."
Humarap na ako sa salamin at pinilit na ngumiti. Sobrang namumula na ang aking noo dahil sa ginawa kong pag-umpog sa pintuan.
Pinagmasdan ko ang aking kabuuan. I was wearing a red silk wrap spaghetti strap mini dress. Lumalantad ang mahaba at maputi kong mga binti. Mabuti na lang sanay akong magsuot ng ganito.
Paano ba naman halos lahat ng regalo sa 'kin ni Adrian ay mga ganitong klase ng dress.
Hinayaan ko naman na nakalugay ang wavy long hair ko. I also put light makeup. Mabuti na lang talaga marunong akong mag-ayos sa aking sarili dahil na rin sa kakapanuod ko sa youtube.
I love watching makeup toturial. Bata pa lang ako'y mahilig na akong pakialaman ang mga pang-ayos ni Mom, hindi katulad ng kapatid ko na pagluluto ang kinahihiligan.
Mas kikay pa ako sa kanya. Paano puro kdrama ang inaatupag. Pero marunong naman s'yang mag-ayos ng kanyang sarili. Hindi lang madalas kasi simpleng babae lang naman ang kapatid ko.
Kaya siguro tinamaan agad sa kanya si kuya Marcus. Speaking of him...
Chatmate na kaming dalawa kasi palagi n'ya akong tinatanong tungkol sa kapatid ko. Mukhang mahihirapan s'yang makuha agad ang loob nito dahil mukhang tinamaan talaga ang babaeng 'yon kay Josh.
Kaya gagawa ako ng paraan para magkalapit silang dalawa. Alam ko naman na kahit tinaguriang Playboy si kuya Marcus... magagawa n'yang magseryoso para sa kapatid ko.
Nakikita ko sa paraan ng pagtingin n'ya sa babaeng 'yon na seryoso ang kanyang nararamdaman.
"Gennica! What took you so long?!" rinig kong sabi ni Sapphire mula sa labas.
"Wait lang!"
Bigla naman akong nataranta kasi kinakatok na n'ya ng malakas ang pintuan. Mukhang natagalan ako sa pag-aayos sa aking sarili.
Nandito kami ngayon sa condo ni Lianna. Hindi ko akalain na sa mura n'yang edad ay hinayaan na s'ya ng kanyang magulang na magkaroon ng sariling condo kaya malaya n'yang nagagawa ang gusto n'yang gawain.
Sabagay, kami ngang dalawang magkapatid ay hinayaan na rin tumira sa isang bahay nang kami lang. Nasasanay na rin naman kami na mamuhay nang kami lang pero syempre hindi nakakalimot si Lolo na tumawag sa amin.
Miss na miss ko na s'ya.
"Okay lang ba ang suot ko? Masyado bang revealing?"
Bumungad sa 'kin si Sapphire na busangot na ang mukha dahil siguro sa tagal ko. Si Tracey naman ay napahinto sa paglalapat ng lipstick nang marinig ang boses ko.
Ganundin si Lianna na nakaupo sa gilid ng kama habang sinusuot ang kanyang heels.
"Wow!"
Hindi ko namalayan na nakalapit na sa 'kin si Tracey at hinawakan ang magkabila kong balikat. Sobrang lapad ng kanyang ngisi habang nakatitig sa 'kin.
"Anong gamit mong lipstick? Sobrang ganda ng shades!"
Napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi. Akala ko pa naman ay pupurihin n'ya ako pero ang lipstick ko lang naman pala ang napansin n'ya sa 'kin.
Hindi man lang ba n'ya napansin ang angkin kong kagandahan? Gosh! Malabo na yata ang kanyang paningin.
"How about your dress? Where did you get it? I love it!" bigla namang singit ni Lianna.
Mahinang tinulak ni Lianna si Tracey at s'ya naman ang humawak sa magkabila kong balikat.
Paano ko ba sasabihin sa kanila na sa boyfriend ko galing ang ginamit ko ngayon? Baka sabihin pa nila na ginagamit ko lang ang boyfriend ko para lang makuha ang mga gusto ko.
Hindi ako humihingi, s'ya ang kusang nagbibigay ng mga ito.
"Stop that, girls! Let's go na! Kanina pa nila tayong hinihintay!"
Sapphire rolled her eyes. Nilampasan na n'ya kaming tatlo. Mabuti na lang tinigilan na ako nung dalawa sa kakatanong.
Kung medyo revealing na ang suot ko, ano pa kaya 'yong sa tatlo. Labas ang magkabilang bewang ni Tracey dahil sa malaking butas. Si Lianna naman ay nakikita na ang suot na bra dahil sa nipis ng suot.
Mas lalong revealing ang suot ni Sapphire dahil bukod sa manipis na nakikita na ang kanyang balat. Sobrang ipit din ang kanyang boobs kaya lumalantad ang kanyang cleavage.
"Malalagot ako nito sa kapatid ko."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang maalala ang kapatid ko. Nag-message lang ako sa kanya na may gala kaming magkakaibigan pero ang totoo talaga'y papunta kami sa club.
Hindi ko sila matanggihan kasi ayoko naman na magtampo sila. Gusto ko rin silang mas makilala pa.
"You okay?" biglang tanong ni Tracey.
Nakasakay na kami sa sasakyan ni Lianna habang ang nagmamaneho'y ang driver nito. Mukhang kakampi niya ang driver kasi hindi ito nagsusumbong sa magulang n'ya na napunta ito sa club.
"Okay lang ako, medyo kinakabahan lang kasi first time kong makakapunta sa club."
Tracey chuckled. Napalingon tuloy ako sa kanya. "Hindi mo talaga pagsisihan na sumama ka sa amin kasi marami kang makikilala at hindi lang 'yon, mag-e-enjoy ka pa!"
Nag-apir 'yong dalawa habang nahahalata sa kanilang mukha ang excitement. Siguradong kaya sila nagkasundong tatlo dahil pare-pareho sila ng hilig.
Nilingon ko naman si Sapphire na nakamasid lang sa kanyang phone. Wala akong ideya kung may boyfriend ba s'ya. Pero madalas ko talagang napapansin na sa phone palagi ang kanyang atensyon.
"Finally! We're here!" hiyaw nung dalawa.
Naunang bumaba si Sapphire habang sumunod naman 'yong dalawa. Pagkababa ko naman ng sasakyan ay napatitig na lang ako sa labas ng club.
Mula rito'y maririnig ang malakas na tunog ng beat. Maging ang malakas na hiyawan na mukhang nagkakatuwaan talaga ang mga tao sa loob.
Gabi na kaya kinakabahan talaga ako kasi baka kung anong mangyari sa 'kin dito lalo na't iba't ibang klase ng tao ang makakasagupa ko.
Huwag naman sana sa adik!
"Teka lang!"
Napahinto naman sa paglalakad 'yong tatlo. Nasa likod nila ako kasi nananakit ang aking mga paa sa suot kong heels na ngayon ko lang nagamit.
Umuwi pa talaga ako kanina para lang makuha ang susuotin ko ngayon. Mabuti na lang at hindi pa nun nakakauwi si ate kasi siguradong malalagot ako sa kanya.
"What?" tanong ni Sapphire.
"Sure ba kayo na pwede tayong pumasok sa loob? For Pete's sake, we're all minors!"
Nagtinginan 'yong tatlo sa isa't isa. Napansin ko rin ang pagtingin sa amin nung iba nang marinig ang sinabi ko.
Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman na minors pa kami at alam kong bawal kaming pumasok sa club.
"Oh 'cmon, Gennica! Basta may pera ka, malaya mong magagawa ang mga gusto mo... Money is powerful!"
Hinaplos ni Sapphire ang aking buhok habang may ngisi sa kanyang mga labi.
"What do you mean?"
Hindi n'ya ako tinugon. Niyakap niya ang aking kanang braso at hinila papunta sa entrance ng club.
"Go girls!" Malapad ang ngisi nito sa dalawa.
"Watch and learn..."
Pumunta siya sa likuran ko habang nakahawak sa magkabila kong balikat. Nakamasid lang ako sa dalawa na nakikipag-usap sa dalawang matabang bouncer na nagbabantay sa labas ng club.
Hinawakan ni Tracey ang braso noong isa na para bang inaakit. Si Lianna naman ay hinayaan na ipalibot sa bewang niya ang braso noong isa pang bouncer at pansin ko ang marahang pagpisil nito. Para bang wala lang kay Lianna ang ginawa ng gagong 'yon.
Iniwas ko na ang tingin sa kanila kasi hindi ko kaya ang napapanood ko.
"I-I can't, uuwi na lang ako..."
Naiiling kong saad at akmang hahakbang na nang higpitan niya ang ang hawak sa magkabila kong balikat.
"See? It was so easy..." she whispered.
Muli kong nilingon 'yong dalawa na sinesenyasan na kaming pumasok sa loob. Nanatili naman ang tingin sa kanila noong dalawang bouncer na mga may hawak na perang papel na mukhang binayaran nilang dalawa.
She was right. Money is powerful...
Pagpasok pa lang namin sa loob, sumalubong agad sa 'kin ang sari-saring amoy. Usok ng sigarilyo, bango ng amoy ng vape at iba't ibang klase ng amoy ng alak. Pakiramdam ko'y bumaliktad ang aking sikmura sa mga naaamoy ko.
Samantalang parang balewala lang sa tatlo na ngayon ay nakikisalamuha na sa iba. Hindi ko akalain na sobrang daming tao ang nandito sa club.
Napapansin ko rin na marami kaming mga minors na nandito.
"Oh gosh!"
Mabilis kong iniwas ang tingin ko mula sa dalawang tao na busy na sa paghahalikan. Kung saan saan na gumagala ang kamay nung lalaki.
"Finally! Dumating din kayo!" salubong ng isang magandang babae sa tatlo at nakipag-beso.
Napalingon naman ito sa 'kin at tinaasan ako ng isang kilay. "Kasama n'yo ba 'yan?"
Itinuro n'ya pa ako. Gusto kong mapairap sa kanyang sinabi pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kapag ginawa ko 'yon, baka kung anong isipin n'ya at mapaaway ako nang wala sa oras.
Mukhang palaban din s'ya.
"Yes, she's with us..." si Tracey ang sumagot.
Tumango naman 'yong babae. Lumapit ito sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong balikat. Tumitig s'ya sa 'kin kaya bigla akong nakaramdam ng pagkailang.
"Ang ganda mo, girl."
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Sa wakas, may nakapansin na rin ng kagandahan ko.
Nalaman ko na Trixie ang pangalan n'ya. Mas matanda ito sa amin ng tatlong taon at madalas din s'yang tumambay sa club.
"Babe..."
May lumapit sa amin na isang lalaki na singkit ang mga mata. Umakbay agad ito kay Sapphire. Sa isang iglap ay nawala na lang silang dalawa sa paningin ko.
Meron pang lumapit na tatlong lalaki na ang pakay ay 'yong tatlo. Parang bula na nawala ang mga kasama ko habang naiwan naman akong mag-isa.
"Ano nang gagawin mo sa buhay mo ngayon na babae ka, ha?" inis kong sabi sa sarili ko.
Nilibot kong muli ang tingin sa paligid. Mas dumami na ang nagsasayawan, mas lalo pang lumakas ang hiyawan at ang tunog ng beat. Bawat sulok din ay may naghahalikan.
Habang ako, napako na sa kinatatayuan ko kasi hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko na makita pa 'yong apat sa kapal ng tao.
Kung alam ko lang din na mangyayari ito, mabuti pang hindi na lang ako sumama. Akala ko pa naman hindi nila ako iiwanan pero anong ginawa nila ngayon?
For Pete's sake, para akong basura na bigla na lang nilang itinapon sa isang tabi.
"Drinks?"
Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may magsalita sa tabi ko. Paglingon ko sa taong iyon ay bigla na lang akong natigilan.
Shit. Ba't ang gwapo?
Kahit na madilim sa pwesto namin ay napansin ko pa rin ang itim na hikaw sa kaliwa niyang tainga. Medyo singkit ang kanyang mga mata. Matangkad din siya na hindi pa ako umabot sa kanyang balikat.
He was wearing a white hawaiian polo shirt. Bukas ang apat na butones nito kaya lumalantad ang kanyang dibdib. Hapit din iyon sa kanya.
"Miss?"
Nabalik ako sa realidad nang bigla siyang pumalakpak sa harapan ko. Bigla naman siang humalakhak kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Tinatawanan mo ba ako?"
Napahinto ito sa pagtawa sa sinabi ko.
"You're so cute..."
Napaawang ang aking bibig sa kanyang sinabi. Alam kong nilalandi n'ya ako.
"Stop flirting with me! Ayokong makipaglandian sa 'yo kasi ang landing tinataglay ko'y para lang sa lalaking gusto ko kaya leave me alone!"
Sa halip na sundin ang sinabi ko. Mas lalo pa s'yang lumapit sa 'kin.
"Rhys Kade Gonzales..."
Nilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
Tinanggap ko ang kanyang palad na sobra n'yang ikinagulat. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko tinanggap ang kanyang kamay.
"Genni—"
Hindi ko na nagawa pang tapusin ang aking sasabihin nang bigla n'ya akong hilahin papalapit sa kanya at sinalubong ng halik na ikinagulat ko.
Para akong nakapako sa kinatatayuan ko habang magkalapat ang mga labi naming dalawa.
"I'm sorry, miss, it was just a dare..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top