Chapter 42
Dedicated to Louise Marie Lee
Chapter 42
"Is something bothering you?"
Nilingon niya ako. Nakita ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Pinilit ko naman na ngumiti para ipakitang okay lang ako. Kahit ang totoo'y hindi.
Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na kailangan na naming dumistansya sa isa't isa. Na huwag na niya akong sunduin pa. Hindi niya naman ako responsibilidad.
Pero paano kung tuluyan na nga niya akong iwasan? Hindi ko kakayanin na walang Rhys ang gumugulo sa araw ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya tungkol sa amin ni Josh. Wala akong ideya kung nakakahalata na ba siya lalo na't palagi na lang niya akong hindi naabutan tuwing umaga. Siguradong nagtatampo na siya sa 'kin pero hindi niya naman pinapahalata.
Dinadahilan ko na lang na kasabay ko ang aking kapatid na pumasok para wala na siyang maraming tanong pa.
"Gennica?"
I shook my head. "Wala naman, gutom lang siguro ako."
"As usual," he chuckled.
Hininto niya ang sasakyan sa gilid at bumaba para siguro mayroong kuhanin sa likod. Mariin ko naman kinagat ang pang-ibabang labi ko nang maramdaman kong nag-vibrate ang aking phone.
Tumatawag si Josh. Sasagutin ko na sana pero muling bumalik si Rhys na mayroong dalang paper bag.
"Ano ito?"
He shrugged his shoulders. Sinilip ko naman ang loob. Nakita ko ang lunchbox na palagi niyang ginagamit sa tuwing dinadalhan ako ng pagkain.
Humalimuyak din sa ilong ko ang amoy ng sinigang. Kumalam ang aking tiyan sa bango nito. Hindi pa naman ako nakakapag-umagahan.
"Rhys, naman! Bakit mayroong ganito? Hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na ito!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Kinuha niya muli sa 'kin iyong paper bag at inilabas iyong lunchbox. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang hinihipan niya iyong sinandok niya sa kutsara.
"Open your mouth..."
Umiling ako. "Rhys naman, huwag gan—"
Bigla niya na lang iyon isinubo sa 'kin. "Alam kong mangyayari na naman ito kaya nagdala ako ng pagkain mo. Kumain ka muna para naman gumana ang utak mo sa klase..."
I let out a heavy sigh. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang subuan ako.
"Ikaw? Kumain ka na?"
He nodded. "I woke up early, para naman maipagluto kita. Hindi naman pwede na palagi kitang dalhin sa fast food, hindi healthy ang mga pagkain doon."
Nakatingin lang ako sa kaniya habang sumasandok ng pagkain. Pinipigilan ko na maiyak. Paano ko magagawang ipagtulakan siya kung ganito siya sa 'kin?
Na kahit nasasaktan ko siya'y nagagawa niya pa rin akong alagaan. Na hindi niya ako magawang iwasan at palagi siyang nasa tabi ko upang maging sandalan ko sa tuwing nasasaktan ako.
"Bakit hindi mo sinuot ang relo?"
Iniwas ko ang tingin sa kaniya. "N-Nakalimutan ko..."
Napansin kong tumaas ang kaniyang kilay. Hindi na siya muling umimik pa. Pinagpatuloy niya na lang ang pagsubo sa 'kin.
"Thank you..." I smiled.
Pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Napahaplos naman ako sa aking tiyan sa kabusugan kasi naubos ko lahat ang kaniyang dalang pagkain.
"Bakit pakiramdam ko..."
He stared at me. Hindi ko magawang maalis ang titig sa kaniya. Seryoso lang ang kaniyang mukha. "Iniiwasan mo ako?"
Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Bigla siyang humalakhak at ginulo ang aking buhok.
Umayos na siya ng upo habang hindi naman maalis ang tingin ko sa kaniya. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking palda.
"M-May sasab—"
"Let's go. Baka ma-late ka pa sa klase mo."
Pinaandar na niya ang sasakyan. Mariin akong pumikit. Minabuti ko na lang na manahimik. Mabilis naman kaming nakarating sa tapat ng school.
"Ingat ka." I smiled at him.
Sumilay naman ang ngiti sa kaniyang mga labi. Lumabas din siya ng sasakyan. Napansin kong papalapit siya sa 'kin pero mabilis akong umatras na kaniyang ikinagulat. Alam ko ang kaniyang balak.
Gusto niyang halikan ang noo ko na nakasanayan niyang gawin. Hindi na pwede pa.
"P-Pasok na ako..."
Mabilis ko siyang tinalikuran. Ilang hakbang pa lang ang nagawa ko'y muli ko siyang nilingon. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Sunduin mo 'ko mamaya, ha? Labas tayo?"
His eyes widened. Pero ilang saglit lang ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. "See you later, Gen..."
I waved at him. Hinintay ko munang makaalis ang kaniyang sasakyan bago ako pumasok ng gate.
Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya ang mga katagang nasa isip ko nang hindi siya masasaktan.
Bahala na mamaya.
"Good morning, my lover boy..."
Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha nang makita ako. Kasalukuyan siyang nasa loob ng office nila. Mukhang pinapahirapan ng Principal kasi ang tagal nitong nawala.
Sa halip na sa room ako pumunta, rito ang nagtungo. Kahit na madalas naman kaming magkasamang dalawa, hindi ko pa rin talaga mapigilan na mamiss siya.
Wala pa rin na ideya ang kapatid ko tungkol sa aming dalawa. Mabuti na lang hindi rin sinasabi rito ni Kuya Marcus. Humanda talaga sa 'kin ang lalaking iyon sa oras na ipaalam dito.
"Anong nangyari?"
I let out a heavy sigh. I was sitting on his lap. Nakasuksok ang aking mukha sa kaniyang balikat. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa 'kin.
Hindi pa rin ako makapaniwalang malaya ko nang nagagawa ito sa kaniya, na hinahayaan niya lang ako. Mas lalo ko na siyang nakikilala.
Totoo ngang sweet siyang tao. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit nagustuhan siya ng kapatid ko. Iyon nga lang, si Kuya Marcus ang lalaking minahal nito.
Kulang kasing lumandi ang lalaking ito.
"Lalabas kami mamaya. Okay lang ba sa 'yo?"
Naramdaman kong natigilan siya. Alam niyang kasama ko si Rhys kanina. Hindi ko akalain na papayag siyang makasama ko ito lalo na't naiinis pa rin siya rito at natatakot siya na baka pati ako'y maagaw din mula sa kaniya.
"Yes..."
Gulat ko siyang hinarap. "Really? Okay lang talaga sa 'yo? Hindi ka magag—"
"I am scared..."
Iniwas niya ang tingin sa 'kin. "Natatakot ako na baka pati ikaw ay maag—"
"Ang drama naman ng Fafa Josh ko. Sa 'yo lang ako, ikaw lang ang lalaking mahal ko."
I cupped his face. Pinaglapat ko rin ang noo naming dalawa. "Love na love na love kaya kita..." I giggled.
Pinaulanan ko ng halik ang kaniyang buong mukha. Mahina naman siyang humalakhak. Matapos kong gawin iyon, muli kong sinuksok ang aking mukha sa kaniyang leeg.
"Hindi pa rin ako makapaniwala..." I mumbled.
"Saan?"
Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Humigpit naman ang yakap ko sa kaniya. "...na mahal mo rin pala ako..."
Pinigilan ko na maluha. Bakit pagdating sa kaniya'y nagiging iyakin ako? Lalo na sa tuwing naalala ko ang pagtatabuyan niya sa 'kin.
Sa pagpapamukha niya na ang kapatid ko lamang ang laman ng puso niya, pero ngayon. Ako na.
Ako na ang nasa kaniyang bisig. Ako na ang babaeng kinatatakutan niyang mawala sa buhay niya. Ako na ang kaniyang mahal. Wala na akong mahihiling pa.
Sobra na ang kasiyahan na nadarama ko ngayon.
"Josh..."
Muli ko siyang hinarap. Nanatiling nakayakap ang kaniyang mga braso sa 'kin. "Good morning kiss 'ko?" I pouted.
"Seriously?" he chuckled.
"Ang damot! Kiss lang naman, e."
Patuloy pa rin siya sa paghalakhak. "Pumasok ka na sa klase mo."
Umiling ako. "Hindi ako aalis dito hangga't walang kiss."
Humigpit ang yakap ko sa kaniya. "Kapag hinalikan kita, hindi ka na makaka-attend pa sa klase mo kasi isang oras kitang hahalikan."
I gulped. Ilang saglit lang ay hindi ko mapigilan na mapangisi.
"Edi gawin natin! Isang oras na kiss! Ano? Game?"
Napailing naman siya sa sinabi ko. Napanguso lalo tuloy ako. "Edi fine! Hinding-hindi mo na ako mahahalikan—" he cut me off with a kiss.
Mabilis lang iyon kasi muli na naman siyang humalakhak. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ewan ko sa 'yo!"
Tatayo na sana ako pero mas hinigpitan niya ang yakap sa 'kin. Dumako ang isang kamay niya sa aking batok at hinila ako papalapit sa kaniya.
Siniil niya ako ng halik. I closed my eyes and kissed him back. Mabagal ang paraan ng kaniyang halik.
"Shit," he cursed.
Pasimple akong napangisi. Kinagat ko lang naman ang kaniyang pang-ibabang labi kasi naiinis talaga ako sa kaniya. Akala ko'y lalayo na siya pero nagkamali ako.
He bit my lower lip pushed his tounge inside my mouth. Halos hindi na ako makahinga sa paraan ng kaniyang paghalik. Nagiging wild na naman ang loko.
"I love you..." He said between our kisses.
Sa huli, ako na rin ang bumitaw sa halik kasi mukhang tototohanin nga niya ang isang oras. Pareho kaming hinihingal sa nangyari.
"Mahal din kita..." I whispered.
Dinala ko ang palad ko sa kaniyang dibdib at dinama ang bilis ng kabog ng kaniyang puso. Kinikilig ako kasi alam kong ako ang dahilan niyon.
Tahimik lang ako sa klase habang nagtuturo si Sir. Hindi naman ako nahuli ng dating. Mas nauna pa nga ako kasi late na itong nakarating kasi inabot daw ng traffic.
Lunch time na. Balak ko sanang sumabay kay Josh na kumain pero hindi ko inaasahan na naghihintay pala sa labas ng room ang kapatid ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong ginagawa mo rito? Nasaan na ang buntot mo?"
She glared at me. Hinahanap ko naman si Kuya Marcus pero mukhang hindi niya ito kasama. Nakakapanibago kasi halos hindi na sila mapaghiwalay pa na dalawa.
"Sabay na tayong kumain."
She held my hand. Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay sa kaniya.
"Bakit hindi mo kasama si Ate Stella? Hindi ba pumasok?"
Nandito na kami ngayon sa cafeteria. Mabilis naman siyang nakabili ng pagkain kasi kakaunti lang naman ang mga estudyanteng kumakain.
"Bigla na lang umalis kanina. Mukhang may emergency na naman sa kanila."
Tumango na lang ako. Pagkatapos naming kumain, nagtungo ako sa office kasi baka hindi pa kumakain si Josh.
"Nasaan na iyon?"
Wala siya roon. Dumaan din ako sa kanilang room pero ang natagpuan ko lang ay si Kuya Marcus na nilalandi na naman ang kapatid ko.
Hindi kaya magkasama silang dalawa ni Ate Stella? Nanikip naman ang dibdib ko. Mukhang sinamahan niya nga ang babaeng iyon.
Hindi ko pa rin talaga mapigilan na magselos kahit na magkaibigan lang naman silang dalawa.
Pagbalik ko sa room, sinubsob ko agad ang aking mukha sa lamesa. Wala pa rin si Ma'am na mukhang kumakain pa. Maingay na rin ang mga kaklase ko.
Wala man lang akong natanggap na message mula kay Josh. Sana man lang, sinabihan niya ako na mayroon siyang pupuntahan. Nagtatampo na ako.
Natapos na ang buong klase pero hindi man lang ito nagparamdam. Mukhang kinalimutan na talaga ako.
"Rhys..."
Hindi ko na napigilan na yakapin siya. Sinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
"May problema—"
"B-Bakit ganoon siya? Hindi ba ako mahalaga sa kaniya para hindi magawang magsabi man lang sa 'kin?"
I bit my lower lip to hold back my tears. Hindi ko napigilan na sabihin iyon. Siguradong mayroon na siyang ideya kung sino ang tinutukoy.
Mabuti na lang, hindi na siya umimik pa. Naramdaman ko lang na hinahaplos niya ang aking buhok.
"Kung ano man iyan, nandito na si Rhys para pasayahin ka..."
He held my chin up ang looked straight into my eyes. Marahan niyang pinunasan ang ilalim ng aking mga mata kasi hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Alam kong mababaw lang na hindi ito nagpaalam sa 'kin pero ikababawas na ba ng buhay niya ang ilang segundo para lang hindi magawang mag-message sa 'kin?
Alright. Kailangan kong ilugar ang sarili ko. Siguradong mas mahalaga sa kaniya ang babaeng iyon. Mas matagal silang magkakilala kaya malamang na ito ang kaniyang pipiliin kaysa sa 'kin.
Naguguluhan na ako. Mahal niya ba talaga ako?
"Saan tayo pupunta?"
Hindi niya ako pinansin. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa bawat daraanan. Panay din ang sulyap ko sa aking phone, pero umaasa lang ako sa wala.
Sabagay, hindi naman kami para balitaan niya ako. Hindi niya naman ako girlfriend. Baka nga landian lang ang namamagitan sa aming dalawa.
Masyado akong nahulog sa patibong niya.
"Anong ginagawa natin dito?"
Gulat ko siyang nilingon. "Sabi nila, nakakawala raw ng problema kapag nakakarinig ng alon ng karagatan. Lalo na kapag natanaw natin ang paglubog ng araw mamaya."
Lumabas na siya ng sasakyan upang pagbuksan ako. Pagtapak ko pa lang sa buhangin ay sumalubong na sa 'kin ang malakas na simoy ng hangin.
Napapapikit naman ako. Narinig ko siyang tumikhim kaya nilingon ko siya. Bigla na lang siyang umupo sa aking harapan kaya kumunot ang noo ko.
"Anong gagawin ko?"
"Sakay ka sa likod ko."
I raised my brow. "Paano? Nakasuot ako ng palda, baka makitaan ako."
Hinawakan ko ang aking palda na tumataas dahil sa lakas ng simoy ng hangin. Naririnig din namin ang pag-alon ng karagatan kahit na malayo naman kami rito.
"Alright. Wait, may kukuhanin lang ako."
Tumango na lang ako. Ilang saglit lang ay bumalik na siya. Mayroon siyang hawak na leggings na mukhang pinaghandaan niya talaga ang pagpunta namin dito.
Pumasok ulit ako sa sasakyan para maisuot iyon. Hindi ko na inalis pa ang palda kasi hindi magandang tingan kapag nakasuot ako ng leggings tapos uniform naman ang pang-itaas.
"Okay na."
Nilingon niya ako. Muli siyang umupo sa harapan ko. Napangiti naman ako at sumampa sa kaniyang likuran.
"Tangina, ang bigat!" He cursed.
Mahina ko naman siyang hinampas. "Mukha mo! Sexy kaya ako!"
Nagsimula na siyang maglakad papalapit doon sa karagatan. "Nakarating ka na ba rito noon pa?"
Umiling siya. "Hindi, ngayon lang."
"Oh," I nodded.
"Kumapit ka ng mahigpit."
Kumunot ang noo ko. "Bak—oh, God."
Bigla na lang siyang nagtatakbo kaya humigpit ang kapit ko sa kaniya. "Nakakainis ka! Paano kung mahulog—"
"Hahayaan ko bang mangyari iyon? Kahit na sinasaktan mo na ako, hindi ko pa rin hahayaan na masaktan ka..."
My lips parted. Marahan na niya akong ibinaba. Agad namang naabot ng tubig ang aking mga paa. Mabuti na lang nakapag-yapak ako.
"Sayang, hindi ko nadala ang camera." I sighed.
"Edi phone, maganda naman itong pangkuha ng litrato."
Iniabot niya sa 'kin ang kaniyang IPhone, binuksan ko naman agad iyon at kinuhanan ng litrato ang karagatan. Ilang minuto na lang ay matatanaw na namin ang paglubog ng araw.
"Tayo rin!" Bigla niya akong inakbayan.
Hinayaan ko na lang siyang akbayan ako. Nag-picture na kaming dalawa. Siya pa ang humawak ng phone kasi mahaba ang kaniyang braso.
"Rhys!"
I glared at him. Bigla niya na lang kasi akong sinabuyan ng tubig. "Ops! Hindi sadya!"
Muli niya akong sinabuyan ng tubig. Syempre hindi ako magpapatalo kasi kinuha ko iyong malaking shell para gawing pansalok sa tubig at agad na isinaboy sa kaniya.
"Rhys! Ayaw ko na!"
Umiling ako kasi balak niya na naman akong sabuyan ng tubig. Basang basa na kaming dalawa. "Paano kung gusto ko pa?"
I glared at him. "Rhys!"
He chuckled. Ibinaba na niya iyong shell at tinanaw namin ang karagatan.
"Wow!"
Napaawang ang aming bibig habang nakatanaw sa papalubog na araw. Tumabi na siya sa 'kin at sabay naming tinanaw iyong magandang tanawin.
"Thank you for bringing me here. Sobrang napasaya mo ako..."
Nilingon niya ako. Hindi pa rin nawawala ang matamis na ngiti sa aking mga labi.
"Sana nga... sana nga napasaya kita... kahit na hindi naman ako ang lalaking gusto mong makasama sa oras na ito..."
Mapait siyang napangiti. Nawala ang ngiti sa aking mga labi lalo nang makita ko sa kaniyang mga mata na nasasaktan siya.
Nanikip ang dibdib ko.
"M-May aaminin ako sa 'yo..." I bit my lower lip.
Pinipigilan ko na ma-luha. Hindi ko pa rin inaalis ang titig sa kaniyang mga mata.
"Mahal din ako ni Josh, masaya na ako sa piling niya..."
Napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. "R-Rhys..."
Bigla niya na lang akong niyakap. Isinuksok niya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Natigilan ako nang maramdaman kong nababasa iyon.
"B-Bakit ka umiiyak?"
Humiwalay na siya ng yakap at muling tumitig sa 'kin. Mas malaya ko nang nakita ang lumuluha niyang mga mata.
Parang nadurog ang puso ko sa nasasaksihan ko ngayon.
"T-Tears of joy...masaya ako para sa inyong dalawa. Sa sobrang saya ko, nakaka-tangina na lang...Tangina ang sakit, mahal kita, e...Mahal na mahal kita pero hanggang dito nga lang pala ako. Hanggang kaibigan lang na nagiging sandalan mo sa tuwing sinasaktan ka ng gagong iyon."
Bigla na lang siyang yumuko sa harapan ko habang walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. "R-Rhys..."
"Ito lang ang tatandaan mo, sa oras na saktan ka ng gagong iyon.... gamitin mo ako. Paglaruan mo ako, iturin mo akong isang laruan para lang mawala ang sakit sa puso mo, at kapag masaya ka na. Iwanan mo na ako... pero kahit na ganoon. Mayroon ka pa rin na babalikan. Maghihintay ako. Rhys is always here... always... Please be happy... Hindi na kita kukulitin pa. Sorry kung nagiging abala na ako sa inyong dalawa. Hindi na mauulit..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top