Chapter 40

Dedicated to Marcia Katrice Stephanie Rosales

Chapter 40

Ilang linggo na ang lumipas nang mangyari iyon. Hindi ko na kinulit pa si Josh. Hangga't maaari, iniiwasan ko talagang magtagpo ang landas naming dalawa.

Nabalitaan ko na rin na nililigawan nito si Ate Stella. Palagi na silang magkasama. Aaminin kong nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang dalawa. Lalo na kapag nasisilayan ko ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

Wala naman akong magagawa kundi ang masaktan ng palihim. Naiinis na ako sa sarili ko kasi hindi ko magawang burahin ang nararamdaman ko para sa kaniya.

Hindi naman naging kami, ah. Pero bakit ang hirap niyang kalimutan? Ano bang ginawa niya sa 'kin? Nababaliw na yata ako.

"Hindi ko na alam..."

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang sarili ko. I was wearing a spaghetti strap cross bandage satin dress. Hinayaan ko naman na nakalugay ang mahaba kong buhok na kinulot ko pa ang laylayan. I also put light makeup.

Sobrang hapit ng suot ko kaya lumalantad ang hugis ng aking katawan. Masyado rin na maikli kaya lumalantad ang maputi kong mga hita. Labas din ang magkabila kong balikat.

Magsisisi siya na binalewala niya ang isang tulad ko. Humanda siya sa 'kin!  Maglaway siya ngayong gago siya!

"Bakit busangot ang mukha mo riyan? Birthday mo pa naman."

Nakaupo ako ngayon sa gilid ng kaniyang kama. Kasalukuyan siyang nakaharap sa salamin para ayusin ang sarili.

Today is her birthday. Pero parang pinaglamayan ang kaniyang mukha ngayon. Paano ba naman ay hindi man lang daw siya binabati ni Kuya Marcus.

Tapos pumunta pa ito sa ibang lugar. Parang nakalimutan na nito na birthday ngayon ng kapatid ko.

"Kingina niya! Huwag na huwag na siyang magpapakita pa sa 'kin! Nakakainis!"

Halos baliin na niya ang suklay sa inis. Pinagpatong ko naman ang mga hita ko habang nakangising nakatingin sa kaniya.

"Kaya mo bang hindi na siya makita pa?"

She rolled her eyes. "Bakit ka ba nandito? Pumunta ka na roon sa baba! Nandoon na si Jairus at Papa!"

My eyes widened. "Talaga?"

Hindi na niya ako tinugon pa. Mabilis naman akong bumaba, muntikan pa akong matumba sa taas ng aking heels. Mabuti na lang, nakakapit agad ako sa gilid.

"Dad!" I hugged him.

"Ang ganda naman ng anak ko..." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinagmasdan ako.

Halos mapunit naman ang aking mga labi. "Syempre naman, mana sa Daddy!"

He chuckled. Natanaw ko si Jairus na nakaupo sa couch. Tahimik itong nanonood ng cartoons. Mukhang bad mood na naman ang batang iyon.

Inisin ko pa nga lalo.

"Hi, baby Jairus!"

Umupo ako sa tabi nito at ginulo ang kaniyang buhok. Ngumiwi lang ito kaya hindi ko mapigilan na matawa.

Kahit na ang bata pa nito'y sobrang sungit na. Mas ako pa ang kasundo niya kaysa sa babaeng iyon kasi palagi na lang si Kuya Marcus ang bini-baby niya.

Sobrang saya ko nang malaman na mayroon kaming kapatid. Kahit na ibang babae ang kaniyang ina, buong puso ko pa rin siyang tinanggap sa buhay ko.

"Look, baby Jairus, maganda ba ang Ate?"

Nilingon niya naman ako. Pinasadahan pa ako ng tingin. "Hindi."

Napasimangot ako.

Tumayo ito at lumapit kay Dad na kasalukuyan nang naiiling. Narinig naman namin ang yabag ng heels ng babaeng iyon na mukhang pababa na ng hagdan.

"Happy birthday, anak ko." He hugged her.

Busangot pa rin ang mukha ng babaeng iyon. Siguradong pinapatay na niya sa kaniyang isipan si Kuya Marcus.

Napapangisi na lang ako, alam kong mayroong surprise si Kuya Marcus para rito kaya hindi ito nagpaparamdam. Tingan lang natin kung hindi siya maging marupok mamaya.

"Baby Jairus naman! Bakit ba ang sungit mo? Hindi mo ba ako love?"

Mas lalo pa nitong sinuksok ang sarili sa gilid. Kanina ko pa siyang kinukulit pero ayaw talaga ako nitong pansinin. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng sasakyan para pumunta sa restaurant kung saan gaganapin ang celebration ng birthday ng babaeng iyon.

Hindi ko mapigilan na ma-excite kasi makikita ko na ulit si Lolo. Ang tagal na rin noong huli naming magkita.

Nalulungkot din ako kasi wala sa tabi namin si Mom ngayon, siguradong ganoon din ang nararamdaman ng babaeng iyon lalo na't birthday niya pa naman.

Nakausap na naman namin ito kanina pero iba pa rin kung kasama namin siya ngayon.

"Lolo!"

Sinalubong ko siya ng yakap. Humalakhak naman ito. "Namiss kita apo ko..."

Humiwalay na siya at hinalikan ang aking noo. "Wala akong masabi sa angkin ninyong kagandahang mga apo ko. Mahal na mahal ko kayo..."

Lumapit na rin sa amin si Ate at pareho kaming niyakap ni Lolo. Hindi na maipinta pa ang kasiyahan sa aming mga mukha. Mas masaya sana kung kumpleto kaming pamilya ngayon.

"Pansinin mo naman si Ate, huwag kang snob—"

"Ate, ang kulit!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Binelatan ko lang siya kaya mas lalong sumama ang timpla ng kaniyang mukha.

Hinihintay ko na umiyak siya pero mukhang matigas ang batang ito. Ang hirap naman paiyakin.

"Gusto mong bigyan kita ng toy?"

His eyes widened. "Really?"

Napangisi naman ako. Mukhang alam ko na ang kahinaan niya. "Yes. Pero in one condition..."

Tumaas ang kilay niya. Ang batang ito, sobrang sungit talaga! Parang si Josh na gago!

"Upo ka sa lap ko, nakikitaan na ang Ate mo, oh."

Tinuro ko naman ang mga waiter na napapatingin sa amin. Tumango ito at kumalong sa 'kin kaya mabilis ko siyang niyakap. Halos mapunit na ang mga labi ko sa sobrang pag-ngiti.

"Ang bango, bango naman ng baby Jairus ko." I kissed his cheek.

"Ate!" Pilit niyang nilalayo ang kaniyang pisngi sa 'kin kaya natawa na lang ako.

Lumambot din ang puso ko. Ang sarap sa feeling na tinatawag niya akong Ate. Napansin kong pinapanood na rin kami ni Dad na nababakas sa mukha ang kasiyahan.

"Baby Jairus, sino ang mas maganda sa amin ni Ate Gianna mo?"

Napalingon naman sa amin ang babaeng iyon. Ngumisi lang ako kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. Masama pa rin ang timpla nito kasi hindi pa rin nagpaparamdam sa kaniya si Kuya Marcus.

"Wala..."

Napanguso ako sa sinabi nito. "That girl, she is so beautiful."

Tiningnan ko ang tinuro niya at natigilan ako nang makita kung sino iyon. Kahit gaano pa kaganda ang aking ayos, walang-wala pa rin akong laban sa kaniya lalo na sa lalaking kasama niya ngayon.

Nagtama ang tingin naming dalawa pero mabilis din itong umiwas. Nanikip naman ang dibdib ko.

Lalo na nang makita kong niyakap nito ang kapatid ko. Siguradong mayroon pa rin itong nararamdaman para rito kahit na natanggap na niya sa kaniyang sarili na wala na talaga silang pag-asa pang dalawa.

"Ouch, baby, ouch! It hurts!"

Naagaw ko ang pansin nila. Nagkunwari na lang ako na kinagat ako ni Jairus kahit ang totoo'y nasasaktan na ako sa nasasaksihan ko.

Tinaasan ako ng kilay ng lalaking iyon. Iniwas ko na lang ang tingin sa kaniya. Ramdam ko pa rin ang paninitig niya sa 'kin lalo na sa suot ko.

Bumaba na si Jairus kaya lumantad ang maputi kong mga hita. Dahil nakaupo ako, mas lalo pang umikli ang suot kong dress. Nagkunwari akong hindi ko napapansin ang kaniyang titig.

Pinipigilan kong mapangisi. Humanda siya sa 'kin. Sinaktan niya ako kaya gaganti ako sa kaniya ngayon. Hindi ako papayag na ginaganoon niya lamang ako.

"Shit."

I heard him cursed. Napangisi naman ako habang patuloy sa pag-nguya. Nasa harapan na kami ng hapag-kainan. Sinadya ko talagang umupo sa kaniyang harapan para gawin ang balak ko.

Ano nga ba? Pinapalandas ko lang naman ang dulo ng sandals ko sa kaniyang binti. Napansin kong napapataas na ang kilay ni Ate Stella sa kaniya kasi hindi na ito mapakali pa mula sa kinauupuan.

"Stop doing that." May diin niyang saad.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Para kaming magka-konektang dalawa kasi kami lang ang nagkakaintindihan. Walang nakakapansin sa amin kasi abala sila sa pagkain.

Oh god. I am enjoying this. Ang sarap niyang inisin.

"Ops!"

Sinadya kong tumapon sa dibdib ko ang wine na iniinom ko. Hindi niya maiwas ang tingin sa 'kin. Ilang beses na rin siyang napalunok.

Mukhang naapektuhan na siya sa ginagawa ko. Mas lalo tuloy akong napangisi habang nakamasid sa kaniya. Kumuha ako ng tissue at mabagal iyong ipinahid sa ibabaw ng aking dibdib.

Panay din ang sulyap ko sa kaniya.

"Josh!"

Agad itong napalingon kay Ate Stella. Pinagpapawisan na ng malala ang loko. "Okay ka lang ba? Bakit parang hindi ka m—"

"I-I am fine..."

Muli ako nitong nilingon at pinandilatan ng tingin. Tumayo naman ako kasi balak kong pumunta ng restroom. Tapos na naman akong kumain habang nilalandi ang lalaking iyon.

Multi-tasking ang ganap ko ngayon sa oras na ito. Kumakain na nga ako, lumalandi pa. Wow!

Napansin kong habol ang tingin sa 'kin ng lalaking iyon. Nababakas sa kaniya ang inis dahil sa panlalandi ko sa kaniya. Nginisian ko lang siya bago nagsimulang maglakad palayo sa lugar na iyon.

Pagpasok ko sa restroom, napahawak na lang ako sa aking dibdib. Nagwawala na naman ang puso ko. Parang hindi ko na kaya pang bumalik doon.

Bakit kasi ang lakas ng loob kong landiin ang lalaking iyon? Paano kung mas lalo siyang mainis sa 'kin? Ano naman kung ganoon nga?

Wala na naman akong pakialam pa sa kaniya! Sinaktan niya ako! Bahala na siya sa kaniyang buhay!

"Gennica naman!"

Halos sabunutan ko na ang aking sarili sa inis na nararamdaman habang nakaharap sa salamin. Hindi pa rin matigil sa pagbilis ang tibok ng puso ko.

"What? Akala ko ba'y makakapunta ka rito?"

Napasandal na lang ako sa sink habang hawak ang aking phone. Nasa kabilang linya si Rhys. Mapapanatag lang ako kapag nasa tabi ko siya ngayon.

"I am sorry, nagkaroon lang ng emergency. Bawi na lang ako sa 'yo."

Pinatay na niya ang tawag. I let out a heavy sigh. Akala ko pa naman ay makakapunta siya rito tapos hindi naman pala. Nagtatampo na ako sa kaniya.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

Natigilan ako nang makita kung sino iyong pumasok. Seryoso lang ang kaniyang mukha habang nakatitig sa 'kin. Nanghina naman ang mga tuhod ko nang pumunta na siya sa aking harapan.

Magkapako lang ang tingin naming dalawa.

"Why did you do that?"

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat. Nakikita ko ang inis sa kaniyang mukha.

"Are you playing with me?"

My lips parted. Naramdaman kong humigpit pa lalo ang hawak niya sa magkabila kong balikat.

Mariin akong pumikit. Hindi ko kayang harapin ang kaniyang titig kasi sa tuwing magkapako ang tingin naming dalawa. Mas lalo akong nahuhulog sa kaniya, mas lalong umaasa.

Saka ano raw? Siya? Pinaglalaruan ko? Sana nga ganoon na lang, na naglalaro lang ako para hindi na ako nasasaktan pa ngayon.

"P-Please answer—"

"I love you, Josh... I really love you..." my voice broke.

Tumitig na ako sa kaniyang mga mata. Ramdam ko ang pamumuo ng aking mga luha lalo na nang makita na parang balewala lang talaga sa kaniya ang nararamdaman ko.

"Stop it, Tamara! Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo."

Mas lalo pang nadurog ang puso ko sa katagang binitiwan niya. Hindi ko na rin napigilan na bumagsak ang aking mga luha.

"W-Why? Dahil ba hanggang ngayon mahal mo pa rin ang kapatid—"

"Yes! Fucking yes! I am still in love with her."

Nakatitig lang siya sa 'kin nang bitiwan niya ang katagang iyon. Alam ko. Matagal ko nang alam pero tangina lang, bakit kailangan pang ipamukha iyon sa 'kin?

Para ano? Mas lalo pa akong madurog? Ganoon ba? Nagtagumpay siya kasi durog na durog na ang puso ko.

Oo na! Putangina oo na nga na ang kapatid ko ang mahal niya at kahit kailanman ay hindi magiging ako! Tanggap ko na ang katotohanan.

"I-I know... Please, huwag mo nang ipamukha pa sa 'kin kasi ang sakit sakit na..."

Iniwas ko na ang tingin sa kaniya. Aalis na sana ako nang bigla niya akong pigilan. Gulat ko siyang nilingon.

"H-Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko..."

Hinawakan niya kamay ko at dinala sa kaniyang dibdib. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng kaniyang puso. Nanatili siyang nakatitig sa aking mga mata.

Ayaw kong umasa na ako ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Hindi ako ang babaeng sinisigaw niyon.

"Hindi ko na alam kung sino pa ang tinitibok nito... siya pa rin ba o ikaw na ang laman ng puso ko?"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Mas lalo pang bumilis ang kabog ng puso ko lalo na nang hawakan niya ang aking pisngi.

"J-Josh..."

"I tried, I fucking tried na layuan ka... kasi sa tuwing nakikita kita, palagi mong ginugulo ang isip ko. Alam ko sa sarili ko na ang kapatid mo ang babaeng mahal ko, na siya ang laman nito pero bakit bigla kang sumulpot sa buhay ko? Bakit sa halip na siya ang naiisip ko, ikaw ang pumapasok sa utak ko? Tell me! Anong ginawa mo sa 'kin?"

Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig sa mga katagang binitiwan niya. Parang sasabog na ang puso ko.

"Sa tuwing nakikita ko kayong magkasama ng gagong iyon, gusto kitang ilayo sa kaniya. Naiinis ako kapag nakikita ko kayong dalawa! Oo, tangina. Nagseselos ako!"

Halos sabunutan niya ang kaniyang sarili sa inis. Walang tigil na sa pagtulo ang mga luha ko. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi kaya napalingon siya sa 'kin.

"P-Panaginip lang ba it—" he cut me off with a kiss.

Natigilan ako sa ginawa niyang pag-angkin sa mga labi ko. Pero sa huli'y ipinikit ko rin ang aking mga mata at dinama ang kaniyang mga labi.

I put my arms around his neck and deepened the kissed. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong bewang at marahan na pinisil.

Hanggang sa maramdaman ko na lang na inangat niya ako kaya mas lalo akong napakapit sa kaniya. Nakaupo na ako ngayon sa sink habang nasa pagitan siya ng mga hita ko.

"J-Josh..." I said between our kisses.

Parang sasabog na ang puso ko sa oras na ito habang dinarama ang matamis niyang mga labi. Mabagal ang kaniyang paghalik na para bang iniingatan niyang huwag akong masaktan.

Marahan niyang pinisil ang aking magkabilang bewang. Hindi ko na napigilan na mapasabunot sa kaniya nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Damn your neck..." he mumbled.

I bit my lower lip. Pinipigilan kong matawa dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya sa leeg ko. Para siyang bampira na kinakagat ako.

Naramdaman ko rin ang kaniyang kamay sa hita ko. Sobrang init ng kaniyang palad. Parang nakukuryente ako.

"M-May tao..."

Narinig kong sumara ang pintuan. Itutulak ko na sana siya pero nagmatigas ang loko. Bigla akong kinabahan kasi siguradong mayroong nakakita sa aming dalawa.

"So what? I am busy."

My lips parted. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang balikat at marahang itinulak. Nabakas naman sa kaniyang mukha ang pagkabitin.

Pinigilan kong mapangisi. Sobrang rupok ko! Kanina lang ay nasasaktan ako pero bakit ngayon ay hinahayaan ko lang siyang papakin ako?

Saka ganito ba talaga siya ka-wild? Oh god. Mukha lang siyang inosente, pero ang totoo'y sobra niya pa lang delikado.

"J-Josh..."

Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Sa pagkakataong iyon ay mas malala na. Hindi na ako makahinga. Ipinasok na rin niya ang kaniyang dila sa loob ko.

"Damn..." he cursed.

Humiwalay na siya at pinaglapat ang noo naming dalawa. Pareho kaming hinihingal dahil sa nangyari. Pero ilang saglit lang ay sumilay na ang ngiti sa aking mga labi.

"Hug me, Josh, please hug me..."

Para akong batang ibinuka ang aking mga braso. Sumilay lang ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Natigilan na naman ako.

Ako na ba ang dahilan ng kaniyang ngiti ngayon? Totoo ba talaga ito? Gusto niya rin ba ako?

"Alright..." He hugged me.

Isinubsob ko naman ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Nasa pagitan pa rin siya ng mga hita ko. Hindi ko na maipaliwanag pa ang kasiyahan na nadarama ko ngayon.

"Ipagtutulakan mo pa rin ba ako?"

Hihiwalay na sana siya pero hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Narinig ko ang kaniyang mahinang halakhak.

"No, hindi ko na gagawin iyon. I am really sorry. Naguguluhan lang ako kaya kita pinagtatabuyan... Sobrang tanga ko para magawa kitang saktan."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Talaga?"

Nanatili ang aking mukha sa kaniyang dibdib. Nakahawak naman siya sa magkabilang bewang ko. "Yes, I promise. I will never do that again..."

Humiwalay na ako ng yakap. Namumuo na ang luha sa aking mga mata sa kasiyahan na nararamdaman sa oras na ito. Lalo na siguro kung maririnig ko sa kaniyang mga labi ang katagang pinakahihintay ko.

"I love you, Josh..."

Hinawakan ko ang kanan niyang pisngi. Nanatiling magkapako ang tingin naming dalawa. Marahan niyang pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayan na bumabagsak na pala.

Muling sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi, na siguradong ako na ang dahilan ng kaniyang kasiyahan.

"Mahal din kita," he said and claimed my lips again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction