Chapter 31
Dedicated to Charmaine Joyce Barde
Chapter 31
"Close ba silang dalawa?"
Napansin kong tumango siya. Hindi ko naman maalis ang tingin kay Josh at Ate Stella na masayang nag-uusap. Bukod sa kapatid ko, mukhang mayroon pa pala akong isang pagseselosan.
Ang dami ko naman kaagaw sa magiging asawa ko.
"Nakakainggit... bagay silang dalawa."
Nakita ko naman ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Kahit na naninikip na ang dibdib ko'y hindi ko pa rin inalis ang tingin doon sa dalawa.
Mukhang close nga talaga sila. Napansin kong kumportable si Josh na kausap si Ate Stella na para bang matagal na silang magkakilala.
Bagay silang dalawa. Maganda si Ate Stella, makikita talaga sa kaniya na mayroon siyang ibang lahi. Pero bakit kahit sobrang bait niya'y parang hindi ako kumportable na makasama siya?
Na para bang mayroon siyang tinatago? Napailing ako. Bakit ko ba hinuhusgahan ang isang tao kung hindi ko pa naman gaanong kilala?
Saka nang dahil sa kaniya'y nagkaroon ng kaibigan ang kapatid ko. Hindi nito naranasan na mag-isa. Idagdag pa si Kuya Marcus at Josh na palaging umaaligid sa kaniya.
Ang haba naman naman kasi ng hair ng babaeng iyon. Ayaw na lang ibigay iyong isa.
"Okay ka lang ba?"
I nodded. "Oo naman... isa pa wala naman akong karapatan na magselos."
Wala naman nga akong karapatan na magselos pero hindi ko talaga mapigilan na maramdaman iyon. Siguradong ganito rin ang nararamdaman niya sa tuwing nakikitang magkasama si Sapphire at Kuya Marcus.
Ngayon na gaganapin ang event sa school. Mabuti na lang napilit ko ang kapatid ko na pumunta rito. Nahirapan pa talaga ako bago ko siya mapapayag.
Nag-drama pa ako para lang pumunta siya rito. Alam kong nag-aalala rin siya na baka awayin na naman ako niyong tatlo lalo na kapag wala siya sa tabi ko. Hindi imposibleng mangyari iyon.
Siguradong uuwi siya na masaya ang kaniyang puso. Ngayong araw na aaminin ni Kuya Marcus ang totoo nitong nararamdaman.
Ang inaalala ko na lang ay kung anong gagawin ko sa oras na gawin ni Josh ang kaniyang balak.
Ayaw kong biguin si Kuya Marcus. Gagawin ko ang lahat para lang mapigilan si Josh. Hindi ko rin kakayanin na tuluyan na maging silang dalawa ng kapatid ko.
Ayaw ko nga siyang tawaging "Kuya".
"Rhys..." usal ko.
Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi mawala sa isipan ko ang katagang binitiwan niya. Anong ibig niyang sabihin?
Na mahal niya ako? Pero paano nangyari iyon kung mayroon siyang Ciara? Nababaliw na ba siya para magmahal pa ng iba?
Lahat ba ng pinapakita niya sa 'kin ay mayroon nang ibig sabihin para sa kaniya? Bakit hindi ko man lang napansin? Ganoon na ba ako ka-manhid para hindi mapansin na iba na ang nararamdaman niya para sa 'kin?
Kaya rin ba, halos isang linggo siyang hindi nagpakita kasi nasaktan siya noong sinabi kong mahal ko si Josh?
"A-Ako na lang... tangina... ako na lang ang mahalin mo..."
Natigilan ako sa narinig. Nanatiling nakapatong ang kaniyang mukha sa balikat ko, mas lalo pang nabasa iyon.
Naninikip ang dibdib ko kasi alam kong umiiyak siya. Umiiyak ang lalaking palagi akong pinapasaya.
"R-Rhys..."
Akmang itutulak ko siya pero mabilis niya akong ikinulong sa kaniyang bisig. Sobrang higpit. Para bang ayaw na niya akong bitiwan, na ayaw niyang mayroong umagaw sa 'kin mula sa kaniya.
Hindi ko siya maintindihan, lalo na sa katagang binitiwan niya. "A-Anong ib--"
"Please don't say anything... just let me hug you..."
Hinayaan ko siyang yakapin ako, nananatili ang pagtataka sa utak ko. Gusto ko siyang tanungin pero parang umurong na ang dila ko.
Para bang natatakot din ako sa maaari niyang isagot ko... kasi alam kong walang pag-asa para sa aming dalawa.
"Let's go... ihahatid na kita sa inyo."
Tinalikuran na niya ako. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Hindi na siya umimik pa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.
Mukhang ayaw niya rin na pag-usapan pa ang bagay na iyon. Hindi kaya para talaga iyon kay Ciara? Kasi mahal pa rin nito si Josh?
Practice lamang kaya niya nasabi iyon?
"T-Thank you..."
Mabilis akong bumaba ng sasakyan nang hindi man lang siya binibigyan ng tingin. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang katagang binitiwan niya.
Pinoproblema ko na nga si Josh, dumagdag pa siya. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako.
I can't lose him... hindi ko kakayanin na walang Rhys ang mangungulit sa 'kin. Mahalaga na siya sa buhay ko.
Siya ang kaibigang hindi ko magagawang ipagpalit sa iba.
"Good evening ladies & gentleman..."
Napatingin ako sa unahan nang umimik iyong emcee. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng estudyante kasi magsisimula na ang event.
Hindi ko naman magawang maalis ang tingin sa unahan lalo na nang magtama ang mga mata naming dalawa ni Josh. Siguradong ang kapatid ko ang pinagmamasdan niya simula kanina pa lang.
Marami rin ang nakamasid sa kaniya, bakit kasi sobrang gwapo niya lalo na kapag nakasuot ng tuxedo? Para siyang isang prinsipe.
"Well, well, well..."
Nilingon ko ang umimik. Napansin ko si Sapphire na malapad ang ngising nakatingin sa kapatid ko. Paano ba naman ay pareho sila ng suot.
Naiinis ako kay Kuya Marcus kasi pinagpareho niya pa talaga ang suot ng kapatid ko at ng babaeng iyon. O baka planado na naman ito ni Sapphire para lang inisin ang kapatid ko?
"Ayaw namin ng gulo, Sapphire, kaya pwede bang lubayan mo na kami!" asik ko.
Dumako naman ang tingin niya sa 'kin, tinaasan pa ako ng kilay kaya kumulo ang dugo ko. Napupuno na talaga ako sa kanilang tatlo.
"Oh dear, hindi ko naman kayo guguluhin..."
Bumaling nag tingin niya sa kapatid ko. Pinasadahan pa talaga ng tingin ang kabuuan nito. Mukhang natutuwa na pareho ang suot nilang dalawa.
Mas bagay sa kapatid ko ang red cocktail dress na iyon. Para siyang naging isang mamahaling regalo dahil sa malaking ribbon sa likod, samantalang kay Sapphire naman ay nag mukhang basura. Lalo na sa ugali nitong patapon.
"Dila ka ba?"
"What?!"
Nilapitan pa ng kapatid ko ang babaeng iyon, kunot ang noo nito. Nasa tabi ko naman si Ate Stella na pinapanood na rin iyong dalawam
"Kasi...." Hinaplos pa nito ang buhok ni Sapphire. Hindi na maipaliwanag ang mukha ng babaeng iyon. Maling tao ang kinalaban niya. "Tongue ina mo!"
Mahina kaming natawa ni Ate Stella sa kasunod pang sinabi ng kapatid ko. Siguradong napupuno na rin ito sa babaeng iyon lalo na nang dahil kay Kuya Marcus.
"May I have this dance?"
Natigilan ako nang marinig ang boses ni Josh. Kasalukuyan nitong niyayaya ang kapatid ko para isayaw. Dumako ang tingin sa amin ng babaeng iyon.
Para bang nagtatanong siya kung makikipag-sayaw siya rito. Tumango na lang ako kahit na naninikip ang dibdib ko.
Lalo na nang tuluyan na silang maglapit na dalawa at marahan na sumayaw sa harapan ko. Nakikita ko ang lubos na kasiyahan sa mukha ni Josh habang pinagmamasdan ang babaeng mahal niya.
"Do you like him?" Nilingon ko si Ate Stella na nakamasid pa rin sa dalawa.
Mukhang napansin na niya na mayroon akong nararamdaman para rito. Masayado na ba talagang halata? Pero si Josh ba? Mayroon din ba siyang ideya na gusto ko siya?
O nagpapanggap lamang siya na wala siyang alan?
"Paano mo nalaman? Masyado na bang halata?"
Muli kong ibinalik ang tingin sa dalawa. Agaw atensyon na sila sa maraming tao na napapahanga na lang kasi bagay talaga sila.
"The way you look at him. Nakikita ko sa 'yo ang sobrang paghanga sa kaniya. Bakit hindi mo aminin sa kaniya ang nararamdaman mo?"
Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil. "Paano ko magagawa iyon? Mahal niya ang kapatid ko at masaya siya rito."
Mapait akong napangiti. Nanatiling magkasayaw iyong dalawa hanggang sa lumuhod na sa harapan nito si Josh.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang ito na ang oras para gawin ang plano ko, para hindi matuloy ni Josh ang kaniyang binabalak.
Dumako ang tingin ko sa isang lalaki na malapit sa pintuan. Tumango si Kuya Marcus na para bang sinasabi na gawin ko na ang plano ko.
Napansin kong hindi na rin siya mapakali kasi baka tuluyan nang maangkin ni Josh ang babaeng mahal niya.
"I want you to be mine, Gianna. I want you to feel how much I love you. I want to be the reason of your smile. You're so special to me... "
Wala nang mas isasakit pa nang marinig ko ang katagang iyon na isinambit ng lalaking mahal ko para sa kapatid ko. Parang nadudurog ang puso ko.
Naramdaman ko rin ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Tumingala ako para pigilan na maluha.
"I love you."
Tuluyan nang nadurog ang puso ko sa katagang iyon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi nanghihina na ang mga tuhod ko.
Hindi ko naman pwedeng hilahin palayo si Josh para lang huwag itong matuloy. Mariin akong pumikit. "Bahala na..."
Bumagsak ako sa sahig. Napadaing pa ako kasi gumasgas ang binti ko. Sana lang ay hindi ako magkasugat dahil sa katangahan ko.
"Oh my god!" rinig kong sabi ni Ate Stella.
Hanggang sa maghiyawan na sila nang makitang nakahiga na ako sa sahig. Pinigilan kong mapahikab kasi inaantok ako sa ginawa ko. Bakit naman kasi ito pa ang naisip ko? Na chikang nawalan ng malay?
Tangina naman, wala bang bubuhat sa 'kin? O hahalik man lang? Nilalamig na ako!
"J-Josh, ang kapatid ko..." Nababakas ang sobrang pag-aalala sa boses nito.
Sana lang ay hindi niya mapansin na umaarte lamang ako. Baka hilahin niya na lang ako bigla sa inis na nararamdaman.
Hanggang sa maramdaman ko na lamang na lumulutang ako. Natigilan ako nang makilala ang pabangong iyon.
Totoo ba talaga ito? Binuhat ako ni Josh? Na iniwan niya ang kapatid ko para lamang sa 'kin.
Gusto kong umiyak sa kasiyahan na nadarama. Pakiramdam ko'y nanalo ako sa kapatid ko. Pero natatakot ako sa oras na malaman ni Josh na nagpapanggap lamang ako.
Naramdaman kong naihiga na ako sa malambot na kama. Siguradong nasa clinic na kami ngayon.
Alam kong magkasama na ang kapatid ko at si Kuya Marcus. Ngayon pa lang ay masaya na ako para sa kanila. Mahal naman nila ang isa't isa.
"Stop the act..."
Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko pa rin magawang imulat ang mga mata ko. Nararamdaman ko ang pagtitig niya sa 'kin.
"Why did you do that?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.
Iminulat ko na ang aking mga mata. Nakikita ko ang galit sa kaniya dahil sa ginawa ko. "A-Alam mo na nagpap--"
"I love your sister, I fucking do. Pero anong ginawa mo?! Ganiyan ka na ba ka-desperada para agawin ang atensyon ko?!"
My lips parted. Hindi ko namalayan na bumubuhos na pala ang mga luha ko sa katagang binitiwan niya. Parang dinudurog ang puso ko.
Ang sakit, putangina ang sakit na ganiyon na ang tingin niya sa 'kin. Desperada? Ganoon na ba ako sa paningin niya?
"H-How about you? Hanggang kailan ka magpapakatanga sa kapatid ko? Alam mo naman na mahal nila ang isa't isa. Tanggapin mo na ang katotohanan na kailanman ay hindi ka mamahalin n--"
"Stop."
Umupo siya sa gilid ng kama at sinapo ang kaniyang mukha. Walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap ang kaniyang likuran. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko. Aalisin niya sana ang yakap pero nagmatigas ako.
Desperada na pala ang tingin niya sa 'kin, bakit hindi ko na lang panindigan? E 'di, magpapaka-desperada ako para sa kaniya!
"A-Ako...kaya kitang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa kapatid ko. Mas hihigitan ko pa."
Hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. Nakasubsob ang aking mukha sa kaniyang likuran. "P-Please, hayaan mo na silang dalawa. Mas magiging masaya ang kapatid ko sa kaibigan mo. Ako na lang, Josh...ako na lang ang mahalin mo..."
Inis niyang inalis ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Hinarap na niya ako. Walang emosyon ang kaniyang mukha.
"Hindi ka ba nakakaintindi, ha? Ang kapatid mo ang mahal ko at kailanma'y hinding-hindi ako magkakagusto sa 'yo!"
Tinalikuran na niya ako. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Durog na durog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"J-Josh..." Hinawakan ko ang braso niya para pigilan pero mabilis niya rin na inalis iyon.
"Leave me alone!"
Nagsimula na muli siyang maglakad palayo. Naiwan akong luhaan. Parang akong isang virus na pinandidirihan niya.
"Si Stella, tol, ang kaibigan mo. Minanyak ng isang gago." Salubong ng isang lalaki.
Parang bula na nawala sa harapan ko si Josh para puntahan si Ate Stella. Hindi man lang ako inaalala. Sabagay, wala naman akong halaga para sa kaniya.
"Tangina, ang sakit..."
Sunod-sunod kong hinampas ang aking dibdib. Hindi na mawala sa isipan ko ang katagang binitiwan niya. Durog na durog ako.
Tama. Hindi porket kapatid ako ng babaeng mahal niya'y magagawa na niya rin akong mahalin. Bakit? Bakit kailangan kong masaktan nang ganito?
Bakit kailangan ko pang mahulog sa taong iyon? Nagmahal lang naman ako, ah. Isang pagkakamali ba itong nararamdaman ko?
Desperada na ba talaga ako? Siguro nga... iyon ang tingin niya sa 'kin, e.
"R-Rhys..."
Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko siya. Ilang dipa ang agwat naming dalawa.
Hindi ko alam pero mas lalo akong naluha habang naglalakad siya papalapit sa 'kin. "B-Bakit ka nandito?"
Tumigil siya sa harapan ko. "Gusto lang kitang makita... tangina... Ang ganda mo, pero bakit lumuluha ang mga mata mo? Hindi bagay sa 'yo."
Lumapit pa siya sa 'kin para punusan ang mga luha ko. Matapos noon ay pinaglapat niya ang noo naming dalawa.
"R-Rhys ang sakit..." Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib para doon umiyak.
Ikinulong niya lang ako sa kaniyang bisig. Hindi na siya umimik pa. Mukhang alam niya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.
Humiwalay na siya at pinunasan ang aking mga luha. Nanatili ang titig ko sa kaniya. Hindi ko akalain na pupuntahan niya ako rito.
Sa tuwing umiiyak ako'y palagi siyang nasa tabi ko. "Nahuli na ba ako ng dating?"
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Magkapako lang ang tingin naming dalawa. "Hindi na ba ako ang magiging first and last dance mo?"
Hinawakan niya ang mga braso ko at ipinalibot sa kaniyang batok. Yumakap naman siya sa bewang ko at mas lalo akong hinapit papalapit sa kaniya.
"Rhys..."
He stared at me and smiled. "Isasayaw kita kahit na hindi ako ang lalaking ninanais mo na gumawa niyon, kahit na hindi ako ang mahal mo..."
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Isinubsob ko na lang ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang mabagal kaming sumasayaw.
Sumasabay sa amin ang malakas na simoy ng hangin. Naririnig ko rin ang mabilis na tibok ng puso niya.
"Rhys..." Inangat ko ang aking mukha upang magtagpo ang tingin naming dalawa.
Patuloy pa rin ako sa paghikbi habang nakatitig sa kaniya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi, mapait, hindi totoo.
"S-Sobrang swerte ko kasi nakilala kita, na dumating ka sa buhay ko... na naging magkaibigan tayong dalawa."
Napawi ang ngiti sa kaniyang mga labi. Natigilan ako nang tuluyan na niya akong niyakap. Pumikit ako at dinama ang kaniyang mainit na yakap.
Kahit papaano'y nabawasan ang sakit sa dibdib ko kasi nandito siya sa tabi ko.
"Ang malas ko, Gennica, tangina sobrang malas ko... kasi hanggang dito lang ako... na hanggang magkaibigan lang tayo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top