Chapter 21

Dedicated to Audrey Aviona Segovia

Chapter 21

"Should I call him?"

Napahigpit ang hawak ko sa aking phone. Mariin din ang kagat ko sa aking pang-ibabang labi. Ilang oras na ba akong nakatulala sa screen?

Sa tingin ko'y malapit na sa kalahating oras. Hindi ko talaga alam kung tatawagan ko ba si Adrian para mapag-usapan ang tungkol sa aming dalawa.

Nakipaghiwalay na siya sa 'kin nang hindi ko man lang nalalaman. Naiinis pa rin ako sa ginawa ni Josh. Matagal ko na sanang alam kung hindi lang niya binura ang message ng lalaking iyon.

"Huwag na nga lang!"

Inis kong binato ang aking phone sa ibabaw ng kama. Napadako ang tingin ko sa hoodie ni Josh. Mabilis akong napailing at iniwas ang pansin doon.

Naiinis ako sa kaniya. Nang malaman ko ang bagay na iyon, mabilis akong umalis ng condo niya. Hindi ko na nagawa pang matikman ang niluto niya.

Naiwan ko rin iyong mga isda. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa mga iyon. Kahit lutuin niya pa at ulamin. Gawin niya pang alaga, e.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit ganiyan ang mukha mo?"

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Umupo ako sa mesa habang busy naman siya sa pagluluto.

Bigla kong naalala si Josh. Bagay talaga silang dalawa. Pero syempre mas boto ako kay Kuya Marcus. Sila lang dalawa ang pwede sa isa't isa.

Akin si Josh, e.

"Tumawag na ba si Mom? Sobrang miss ko na siya."

Malakas akong napabuntong-hininga. Hindi na napapadalas pang tumawag si Mom na siguradong busy sa trabaho sa States.

Balak na rin sana nitong umuwi kung hindi lang dahil sa lumalaganap na virus. Nakakainis na ang covid na iyan.

"Hindi pa rin. Intindihin na lang natin, siguradong busy lang iyon sa kaniyang trabaho. Para rin naman iyon sa ating dalawa."

Napahalumbaba na lang ako sa kaniyang sinabi. Palaging ganoon ang sinasabi niya para lang pagaanin ang loob ko.

Pero nalulungkot talaga ako kasi miss ko na siya. Gusto ko na siyang muling mayakap.

"Ano pa nga ba? Mukhang tayo na lang talagang dalawa ang nagdadamayan."

Bumahid ang kalungkutan sa kaniyang mukha. Madalas man kaming mag-away, alam kong sobrang lambot pa rin ng puso niya.

Kahit kailan ay hindi niya nagawang banggitin si Dad. Sobra siyang nasaktan sa nangyari. Nasisiguro ko na galit ang nananalantay sa kaniya ngayon.

"Nandiyan pa naman si Lolo na hindi tayo magagawang iwanan."

Hinawakan niya ang balikat ko at marahan na pinisil. Napangiti naman ako nang maalala si Lolo. Hindi ko kakayanin na pati siya ay mawala sa piling namin.

"Okay, Gennica, relax. Huwag mo na lang silang pansinin para maging tahimik ang buhay mo."

Napahigpit ang hawak ko sa strap ng aking bag nang matanaw ang tatlong iyon. Masaya pa silang nag-uusap.

Hindi ko naman mapigilan na malungkot, na sana totoo na lang na naging parte ako ng pagkakaibigan nila para hindi ako nag-iisa.

"Gennica!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Sapphire. Nilingon ko naman sila na kasalukuyang na sa 'kin na ang kanilang atensyon.

"B-Bakit?"

Napansin kong tumaas ang kilay ni Sapphire. Napatikhim naman si Tracey habang si Lianna ay umiwas ng tingin.

"Akala mo ba ay sobrang naaapektuhan kami sa hindi mo pagpansin sa amin?" Ngumisi si Sapphire.

Natigilan naman ako. "A-Anong sinasabi mo?"

Pinilit kong labanan ang titig ni Sapphire. Napansin ko ang pag-ngisi niyong dalawa habang pinagmamasdan ako.

"Girl, wake up! Kahit kailan ay hindi ka magiging belong sa amin. Ang boring mo kayang kasama." Napalingon ako kay Lianna na mas lumapad pa ang ngisi.

"Lahat nang ipinapakita namin sa 'yo ay hindi totoo. Kaya huwag kang umasa na itinurin ka naming kaibigan. Simula noong dumating ka, nagsimula na ring masira ang araw namin."

Naramdaman ko ang pananakit ng aking lalamunan nang marinig pa ang sinabi ni Tracey. Nag-iinit na rin ang sulok ng aking mga mata sa kagustuhang tumulo ng mga luha ko.

"A-Ah, ganun ba? P-Pasensiya na kayo, ha? Lalayo na lang ako para hindi na masira pa ang araw niyo. S-Sorry sa lahat."

Mapait akong napangiti sa kanilang harapan. Pagkatalikod ko sa kanila'y tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. Sobrang sakit na marinig iyon mula sa kanilang mga bibig.

Kaya pala ganoon na lang sila sa 'kin. Siguro nga, tama sila na palagi kong sinisira ang araw nila. Hindi ko alam. Wala akong ideya na ganoon na pala ang presensiya ko para sa kanila.

Ang tanga ko para maging manhid sa bagay na iyon.

"I-I am sorry..."

Hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako. Pagtunghay ko'y natigilan ako nang makilala kung sino iyon.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at pinilit na ngumiti sa kaniyang harapan. Nakakunot naman ang kaniyang noo na nakamasid sa 'kin.

"G-Good morning, Josh..."

Hahakbang na sana ako palayo nang hawakan niya ang braso ko. Natigilan naman ako.

"Bakit ka umiiyak?"

Muli ko siyang nilingon at pinilit na ngumiti. "Ako? Umiiyak? Hindi no! Napuwing lang ako. Wala lang ito."

Inalis ko na ang pagkakahawak niya sa aking braso at mabilis na nagtatakbo palayo sa lugar na iyon. Naiinis ako kasi nakita niya akong nasa ganoong kalagayan.

Siguradong nasa isip niya na kaya ako umiiyak nang dahil sa pakikipaghiwalay sa 'kin ni Adrian.

"Umiiyak ka na naman."

Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay mas lalo pa akong naluha.

Dinala ako ng mga paa ko sa field para malaya akong makaiyak pero hindi ko inaasahan na makikita na naman ako ng lalaking iyon na nasa ganitong kalagayan.

"N-Nakakainis ka! Sobrang naiinis ako sa 'yo!"

Lumapit ako sa kaniya at pinaghahampas siya. Malapad naman ang kaniyang ngisi kaya mas lalo pa akong nainis.

"Ah, talagang nakakatawa ka pang lalaki ka matapos mong hindi magpakita sa 'kin ng matagal. Naiinis ako sa 'yo! Dapat hindi ka na nagpa--"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang bigla niya akong hilahin at ikulong sa kaniyang bisig. Hinayaan ko lang na makulong ako sa kaniya.

"Sige, iiyak mo lang iyan. Nandito na ako."

Marahan niyang hinaplos ang aking buhok. Mas lalo pa akong naluha sa kaniyang ginagawa. Sobrang namiss ko siya.

"B-Bakit ngayon ka lang nagpakita, ha? Sorry sa nagawa ko sa 'yo. Hindi ko na uulitin pa."

Gumanti na ako ng yakap sa kaniya. Nanatili pa rin niyang hinahaplos ang aking buhok para pagaanin ang loob ko.

Hindi ko maintindihan. Pero nang makita ko siya, nabawasan na lang ang sakit sa puso ko. Parang siya ang happy pill ko kasi alam kong handa siyang makinig sa drama ko sa buhay.

"Namiss mo ba ako? Ako kasi, namiss din kita..."

Tumunghay ako kaya nagtagpo ang tingin naming dalawa. Sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Marahan din niyang pinunasan ang mga luha ko.

"N-Namiss kita, Rhys... sobrang namiss kitang gago ka! Ang sarap mong suntukin kasi naiinis pa rin ako sa 'yo!"

He chuckled. "Damn. Ang sweet."

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Umupo siya sa damuhan at hinawakan ang aking braso upang hilahin. Napaupo ako sa kaniyang tabi.

"Nalaman ko na isang linggo ka rin na hindi pumasok at alam kong kasalan---'

"Wala kang kinalaman kaya huwag mong sisihin ang sarili mo."

I looked at him. "Kung ganoon, anong nangyari sa 'yo? Sobrang nag-alala ako sa 'yo kasi baka kung napaano ka na. Na baka mayroon kang kaaway at nadala ka sa ospital."

Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko. Pinaningkitan ko siya ng tingin.

"Pinuntahan ko lang ang Lola ko kasi sobrang miss ko na siya." His voice broke.

Tumingala siya sa kalangitan at mapait na ngumiti. Hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya. He was wearing a white a polo shirt and a pair of black pants.

Sa tingin ko'y may pinuntahan pa siya bago pumunta rito. Hindi kaya si Ciara?

"Gusto sana kitang ipakilala sa kaniya pero malabo nang mangyari..."

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Anong ibig mong sabihin?"

"Wala na siya. Hindi niya man lang ako hinintay bago nawalan ng buhay. Tangina. Ang sakit, hindi ko man lang nagawang makita ang huling ngiti sa mga labi niya."

Nagpatakan na ang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Kumirot naman ang dibdib ko. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahan na pinisil.

"H-Hinahanap niya ako, ilang beses niyang binanggit ang pangalan ko bago siya nawalang tuluyan. Hindi niya akong nagawang masaksihan sa huli ng kaniyang buhay. Wala akong kwentang tao kasi wala ako sa tabi niya. Wala akong kw---"

Tinakpan ko ang kaniyang bibig at mabilis siyang ikinulong sa bisig ko. Umiyak siya sa aking balikat habang panay ang haplos ko sa kaniyang likuran.

"A-Ang sakit, sobrang sakit na maiwan ng isang taong minamahal sa buhay."

Humigpit ang yakap niya sa 'kin. Wala nang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Hindi ko akalain na ganito na pala kasakit ang dinadala niya.

Kailangan niya ng taong masasandalan... at ako iyon.

"Nandito lang ako, Rhys, nandito lang ako na pwede mong maging sandalan sa lahat ng problemang kinakaharap mo."

Humiwalay ako ng yakap at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Marahan kong pinunasan ang luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.

Napansin ko ang pagtitig niya sa 'kin. "Paano na ako kung hindi kita nakilala?"

Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Hinawakan niya ang kamay kong nasa kaniyang pisngi. Pumikit siya at dinama iyon.

Para siyang isang kuting na nanlalambing. Hindi ko napigilan na haplusin ang kaniyang buhok.

"Oh my god!"

Napatakip ako sa aking bibig nang biglang may tumalon na bola na malapit sa amin. Muntikan na siyang matamaan.

"Dumulas."

Namilog ang mga mata ko habang nakamasid kay Josh na nakasuot na ngayon ng jersey. Hawak na niya iyong bola na muntik nang makatama kay Rhys.

"What the hell is your problem?" May diin na sabi ni Rhys.

Tumayo na ito at nakipagtitigan kay Josh. Bigla naman akong kinabahan sa posibleng mangyari.

Mas lalo pang bumilis ang kabog ng puso ko nang matanaw ko sa field ang kapatid ko. Mukhang P.E nila ngayon.

Siguradong malalagot ako sa oras na makita niya akong nandito. Time pa naman ng aming klase.

"T-Tara na..."

Hinawakan ko ang braso ni Rhys para hilahin palayo sa lugar na iyon nang biglang may humawak sa isa ko pang braso.

Gulat kong nilingon ko si Josh. Seryoso lang ang kaniyang mukha na nakamasid sa 'kin.

"Where are you going? Hindi ba't time na ng kla--"

"The hell you care!"

Bigla akong hinila ni Rhys kaya napabitiw sa 'kin si Josh. Napansin ko na habol ang tingin nito sa amin. Bigla akong kabahan kasi baka isumbong niya ako sa kapatid ko.

"Saan tayo pupunta?"

Hawak niya pa rin ang braso ko. Nagpatangay naman ako sa kaniya.

"Ihahatid kita sa ro---"

"A-Ayoko roon!" Mabilis akong umiling.

Binawi ko ang braso sa kaniya kaya napahinto siya sa paglalakad. Kunot ang kaniyang noo na nilingon ako.

Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. Sa tingin ko'y siya iyong tipo ng tao na kayang sarilihin lang ang problema.

Para bang natatakot siyang may mabigat siyang dinadala. Sana lang ay maging kumportable siyang ibahagi sa 'kin ang lahat kasi ang hirap na kimkimin ang sakit na nararamdaman.

"Bakit? Anong pro---"

"P-Please... ayokong pumunta roon."

He let out a heavy sigh. "Sila na naman ba ang dahilan kaya ka umiiyak?"

Hindi ko siya sinagot pero mukhang mayroon na siyang ideya sa nangyari. Hanggang ngayon ay nananatili pa rin sa utak ko ang mga salitang binitiwan nila.

"Gusto mo bang kausapin k--"

"Hindi na kailangan. Hayaan mo na sila. Okay lang ako."

I smiled at him. Napailing na lang siya kasi alam niyang hindi totoo ang sinabi kong okay lang ako.

Wala na rin namang magagawa kundi ang maging okay sa lahat kahit na hindi naman talaga. Ayoko rin na dumagdag pa sa problema niya.

"Nasaan ang sasakyan mo?"

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ko makita ang kaniyang sasakyan. Mabuti na lang napapayag ko siyang lumabas kami ng school.

Ayoko talagang pumasok ngayon. Sariwa pa rin sa utak ko ang nangyari kanina.

"S-Seryoso ka? Sasakay ako riyan? Hindi ba't delikado ang ganiyan?"

Napaawang ang bibig ko habang nakamasid sa kaniya na may hawak na dalawang helmet. Nasa harapan niya ang itim na motor bike.

"Hindi kita pababayaan." He winked at me.

Pinaningkitan ko siya ng tingin. Lumapit naman ako sa motor bike at pinagmasdan iyon. Hindi ko akalain na mayroon siyang ganito.

Nasa legal age na naman siya para magmaneho ng ganito. Hindi ko lang mapigilan na kabahan kasi ngayon lang ako makakasakay sa motor bike.

"Paano ba sumakay dito? Hin-- oh my god!"

Namilog ang mga mata ko nang hawakan niya ang magkabilang bewang ko at inangat para mapaupo sa upuan.

"M-Mahuhulog ako!"

Naramdaman ko ang pagdulas ko sa motor. Ipinikit ko ang aking mga mata habang hinihintay ang aking pagbagsak.

Muli kong naramdaman ang paghawak niya sa magkabilang bewang ko. Hindi lang iyon ang naramdaman ko.

Naramdaman ko rin ang malambot na bagay na nakalapat sa aking mga labi. Pagmulat ko'y namilog ang aking mga mata nang mapagtantong nahalikan ko siya sa kamuntikan ko nang mahulog.

Maging siya'y namimilog ang mga mata. Mabilis akong humiwalay sa kaniya pero hinawakan niya ang batok ko para pigilan.

Nanatili ang hawak niya sa bewang ko upang huwag ako tuluyang bumagsak sa dulas ng upuan ng motor bike.

"Rh---"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang muli niyang angkinin ang mga labi ko. Pilit ko siyang itinutulak palayo pero nagmatigas siya.

Hanggang sa namalayan ko na lang na nakapikit ang aking mga mata habang dinarama ang kaniyang mga labi.

Marahan niyang pinisil ang bewang ko. Mas lalo rin niya akong inilapit sa kaniya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko sa oras na ito.

Humiwalay siya at pinaglapat ang noo naming dalawa. "God, Gennica. You mean so much to me..." he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction