Chapter 2

Chapter 2

"Bakit ko ba gagawin 'yon?!"

Inis n'yang kinagat ang tinapay habang pinigilan ko naman na mapangisi. As expected, s'ya ang nahuling nagising dahil binabad na naman n'ya ang sarili sa panonood ng kdrama.

Kung hindi ko pa ginising malamang tulog pa rin s'ya hanggang ngayon. Tulo pa ang laway n'ya sa kasarapan nang tulog.

"Para naman maranasan mo ang pakiramdan na makipag-kiss, hindi 'yong screen lang ang hinahalikan mo. Kawawa ka naman..."

Sinaman n'ya ako ng tingin. Hinanda ko na ang sarili ko kasi anumang segundo ay may lilipad na bagay papunta sa 'kin.

"Edi wow! Ikaw na ang may experience sa kiss. Ikaw na! Oo na! Ako na ang wala pang first kiss! Ako na ang wala pang naging boyfriend!"

Inubos na n'ya ang isang basong gatas at iniwan akong mag-isa sa kusina. Nilabas ko naman ang aking phone at pinagmasdan ang mukha nung Marcus.

Ayoko ngang iba ang maging first kiss ng babaeng 'yon. Mas maganda na ang sigurado kaya kailangan talaga na tumatak sa isipan ko ang mukha ni Marcus.

"Ang ganda mo talaga, Gennica..."

I smiled in front of the mirror. Pinagmasdan ko rin ang kabuuan ko. Sobrang ikli ng palda kaya sinigurado ko na fitted ang cycling na suot ko kasi ayokong masilipan. Bagay din sa 'kin ang uniform ng Cross Sign.

Kanino pa ba ako babagay? Siguro kay Josh Andrew Spencer?

"Oh no!" Napahampas ako sa aking noo sa nasa isip ko.

Hindi ako faithful sa boyfriend ko kasi nagagawa kong mag-isip ng ibang lalaki habang wala s'ya sa tabi ko. Pero ako lang ba ang hindi faithful?

Paano kung mas malalala pa ang ginagawa n'ya habang wala ako sa tabi n'ya? Na ginagawa n'ya lang dahilan ang school works para lang maparamdam sa 'kin na wala na talaga akong halaga pa sa kanya.

"Alright! Huwag ka nang aasa na tatawagan ka n'ya, ni hindi ka nga n'ya magawang i-message..."

I sighed. Napahigpit na rin ang hawak ko sa aking phone. Hindi s'ya magpaparamdam hangga't hindi ako ang nauunang mag-message sa kanya.

Para bang napipilitan na lang talaga s'ya sa 'kin, sa relasyon na meron kaming dalawa.

Tangina ka, Adrian! Palitan kita ng lalaki, e, na nagngangalang Josh Andrew!

"Good morning, baby..."

Napaawang ang aking mga labi nang mabasa ang kanyang message. Bakit pakiramdam ko may kakaiba talaga sa kanya? Na meron ng iba?

Sa halip na mag-reply sa kanya, itinago ko na lang ang aking phone sa loob ng bag. Bahala s'ya sa buhay n'ya!

Isinakbit ko na ang aking bag at muling humarap sa salamin. Pinilit ko na ngumiti kasi hindi ko mapigilan na kabahan na baka wala akong maging kaibigan.

"Tara na!"

Sinamaan ako ng tingin ng babaeng 'yon na kasalukuyang sinusuklay ang mahaba n'yang buhok. Hindi ko man aminin sa kanya, sobrang humahanga ako sa angkin n'yang kagandahan.

Lalo na sa mahaba n'yang buhok na bumagay sa kanya. Siguradong bagay din sila nung Marcus Caden. Kinikilig na ako!

"Iyong dare natin, ha?"

Mas lalo pang bumasangot ang kanyang mukha sa sinabi ko. Tutol man s'ya, alam kong gagawin n'ya pa rin. Minsan talaga ang sarap n'yang utuin.

Walking distance lang kami papunta sa Cross sign. Masyadong malapit ang tinitirhan namin at aksaya sa pera kapag sumakay pa kami.

Nang nasa tapat na kami ng gate. Hindi ko na s'ya hinintay pa kasi nilayasan ko na ang babaeng 'yon.

"Oh, God!"

Napatakip ako sa aking bibig nang makita ko ang lalaking hinahanap ko. Napansin kong papalapit sila sa gate kung nasaan si Ate na mukhang hinahanap n'ya ang kanyang ID.

"Patay ako nito!"

Nakalimutan ko na nasa akin nga pala ang kanyang I.D kasi balak ko s'yang takutin sa oras na hindi n'ya magawa ang dare.

Lalapitan ko sana ang babaeng 'yon nang makita kong kausap na n'ya si Marcus na kunot na ang noo. Hindi ko naman mapigilan na mapangisi habang pinagmamasdan sila kasi kinikilig talaga ako.

"Nasaan si Josh?"

I looked around. Pero walang Josh akong nakita. Hindi ko alam pero bigla akong nawala sa mood. Bakit ba ang lakas ng epekto sa 'kin ng lalaking 'yon?

Naiinis na ako! Kailangan ko na yata ng pagmamahal n'ya!

"Ms. Gennica Arellano, right?" tanong ng isang matandang teacher.

"Yes po, sir!"

Tumango ito at sumenyas na sumunod ako sa kanya. Dahil ayokong maligaw ay sumunod na ako kasi mukhang s'ya ang Adviser namin.

"Class, settle down, meron kayong bagong kaklase..."

Tumahimik na sila habang nakamasid sa 'kin. Hindi ko naman mapigilan na makaramdam ng kaba.

Mabuti na lang hindi ako nautal nang magpakilala ako. Nakamasid lang sila sa 'kin na para bang isa akong Dyosa na dapat sambahin.

Bakit naman kasi ang ganda ko? Mukhang nababagay talaga ang ganda ko kay Josh...

"Hi, Gennica..." Biglang bati ng isang babae na mahabang buhok at curly ang bandang dulo.

Mukha s'yang mataray.

"Dito ka na lang sa tabi namin..." Saad naman nung maikli ang buhok na maputi.

"Sa amin ka na lang sumama..." Wika naman nung maikli rin ang buhok na morena.

Muli akong napalingon sa unang kumausap sa 'kin nang tinuktok n'ya ang mesa habang nakahalumbabang nakatingin sa 'kin.

"Sapphire..."

Nilahad n'ya ang kanyang palad na mabilis ko naman tinanggap.

"I'm Tracey..." pakilala naman niyong maikli ang buhok na maputi.

"Lianna..." Saad naman niyong morena.

Umupo ako sa tabi ni Sapphire kasi roon lang may bakanteng upuan. Kami lang apat ang nasa pinaka-likuran.

Mukha silang matataray pero mababait naman pala. Sabi nga nila, don't judge the book by its cover... Sana lang sila na talaga ang maging kaibigan.

"Class, get one whole sheet of paper..."

Napaawang naman ang labi ko sa sinabi nung Teacher. Wow ha! Kakapasok ko lang dito mukhang exam ang sasalubong sa 'kin.

"Meron ka bang papel? Pahingi kami!" Halos sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

Mabuti na lang may papel ako kasi sinigurado talaga ni Lolo na kumpleto ang gamit namin. Binigyan ko na silang tatlo. Halata naman na mayaman pero hindi man lang makabili ng papel!

Ang unang subject namin ay Math, tama nga ang hula ko na may exam agad. Halos twenty items pa na puro solving ang sasagutan. Mabuti na lang alam ko kung paano sagutan kaya madali kong natapos.

"Gennica..."

Napalingon ako sa kanilang tatlo. "Huh? Bakit?"

"Pagaya kami! Hindi kami nakapag-aral!" sabi ni Tracey.

Nilingon ko si Sir na panay ang sulyap sa pwesto namin dahil narinig nito ang boses ni Tracey.

"Nakatingin si Sir sa pwesto—"

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin kasi nakuha na ni Sapphire ang sagot ko sa ibabaw ng aking lamesa. Nilingon ko si Sir na nakatingin na sa labas kaya nakahinga ako nang maluwag.

Kinuhanan nila ng litrato ang sagot ko bago ibalik sa akin.

"Thanks..." Sapphire winked at me.

I just nodded. Mukhang kaibigan na rin naman ang turin nila sa 'kin kaya okay lang na pagayanin ko sila. Saka ayoko ngang lumayo ang loob nila sa 'kin kasi sila lang naman ang unang pumansin sa presensya ko.

Matapos ang klase. Naisipan ko muna na magtungo sa cr kasi naiihi na ako. Hindi naman sumama ang tatlo na busy sa pagku-kwentuhan.

"Kaya ba hindi sila sumama kasi ako ang pinagku-kwentuhan nila?"

Nanatili ang tingin ko sa salamin. Napailing naman ako sa sinabi ko. Mukha naman talagang mababait 'yong tatlo kasi hindi naman nila ako kakausapin kung hindi, 'di ba?

Naglalakad na ako sa hallway nang nakita ko si Ate na kasama si Marcus. Halata sa mukha ng babaeng 'yon ang inis habang nakikipag-usap kay Marcus.

Wow, hindi pa nga sila, may LQ na agad? Hihintayin ko talaga na dumating araw na maging sila.

Pero nasaan ba talaga si Josh? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita? Hindi kaya lumipat na s'ya ng school?

Nang makaalis si Kuya Marcus. Of course, kailangang Kuya na ang tawag ko kasi s'ya ang future ng ate ko. Future asawa...

"Ate.."

Nakangisi akong nakatingin sa kanya habang hindi pa rin maipinta ang kanyang mukha. Palibhasa LQ sila ng future asawa n'ya.

"A dare is a dare..."

Nanatili ang inis sa kanyang mukha sa sinabi ko. Hindi na talaga ako makapaghintay sa magawa n'ya ang dare ko sa kanya.

"So?"

"Susundin mo ang utos ko at iyon ay halikan iyong gwapong lalaki na kasama mo kanina lang. Subukan mong umangal at alam mo ang kabayaran sa hindi pagsunod sa usapan natin...."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin n'ya kasi nilayasan ko na ang babaeng 'yon habang may ngisi sa aking mga labi. Naiwan naman siyang tulala.

Ako ang magsisimula ng love story nilang dalawa.

"Ilang years na kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Lianna habang iniinom ang kanyang chuckie.

Nandito na kami ngayon sa cafeteria kasi lunch na namin. Mabuti na lang talaga na nakilala ko sila kasi siguradong mag-isa lang ako rito ngayon.

"Almost two years na ang relasyon namin."

Lianna nodded. Tahimik naman kumakain si Tracey ng kanyang carbonara habang si Sapphire ay nakahalumbabang nakatingin sa 'kin.

"Masarap ba ang boyfriend mo?"

Halos masamid ako nang marinig 'yon. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni Tracey.

"A-Ano?"

"I mean masarap ba 'yang macaroni? Hindi pa kasi ako kumakain n'yan."

Nginuso n'ya ang kinakain ko. Napansin ko naman ang pagtawa nung dalawa pero nagkibit-balikat na lang ako kasi baka mali lang ang narinig ko na sinabi ni Sapphire.

Nagsimula na silang mag-kwentuhan tungkol sa club na pinuntahan nila kagabi. Mukhang mahilig silang mag party kasi halata naman sa kanila.

Napalingon ako sa ate ko na hindi pa rin maipinta ang mukha. Mag-isa lang s'ya ngayon kasi mukhang nahirapan s'yang humanap ng kaibigan.

Kailangan na n'ya talaga ng boyfriend!

Napansin ko si Kuya Marcus kaya itinuro ko ito gamit ang pag-nguso ko. Mas lalo pang nadagdagan ng inis ang kanyang mukha kaya hindi ko mapigilan na mapangisi.

"Huy, Sapphire, naroon si Marcus, oh!"

Napalingon ako kay Tracey na kasalukuyang sinisiko si Sapphire na ngayon ay nakamasid kay Marcus.

Don't tell me? May gusto si Sapphire kay Kuya Marcus? Hindi nakakapagtaka kung maraming magkagusto rito kasi gwapo naman talaga si Kuya Marcus. Maganda pa ang ngiti.

Napansin kong natapunan ng isang babae ng juice si Kuya Marcus. Nang biglang may pumasok sa isipan ko kasi hindi imposible na magpalit ito ng masusuot dahil nabasa na ang kanyang uniform.

Syempre, sa galing ko ba naman na stalker. Alam ko ang kulay ng Jersey ni Kuya Marcus na posibleng gamitin n'ya ngayon.

Mabilis akong lumapit sa Ate ko na habol ang tingin kay Kuya Marcus na paalis na upang magpalit dahil sa nabasa nitong uniform. Nang lumingon s'ya sa 'kin ay pinaningkitan n'ya ako ng mga mata.

"Fine! Huwag na ang lalaking 'yun. Hanapin mo 'yung nakasuot na pulang jersey. You will thank me sis. Gotta go! A dare is a dare..."

I kissed her cheek. Nakangisi akong bumalik sa pwesto ko para kuhanin ang wallet ko. Lumabas na ang babaeng 'yon kaya sumunod ako. Hindi napansin ng tatlo na umalis ako kasi busy sila sa pakikipag-kwentuhan.

Hindi na mawala ang ngisi sa aking mga labi habang pinapanuod ko silang dalawa. Marami naman ang nagulat sa biglaang paghalik ni Ate kay Marcus.

Pero isa sa mas nakakapag-pakilig sa 'kin...

He kissed her back...and I knew this was the beginning of their love story...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction