Chapter 9

"Kuya di ka galit?" Tanong ko at tinignan niya ako tapos sa phone niya.

"Bat naman ako magagalit?" Sagot niya.

"Kasi... may ipapakilala akong manliligaw sayo and normally ayaw mong may nanliligaw sa akin?"

"Basta wag ka lang niyang sasaktan, kung hindi makakatikim siya sa akin. Tyaka first time mong mag-pakilala sa akin ng manliligaw mo noh. Four years ago di mo napakilala yung jowa kaya di ko alam kung manloloko yun pero ngayon sisiguraduhin ko na di ka lolokohin ng Hams na toh."

"Ayiee, may pag-kacute karin pala kuya." Niloko ko siya at tinignan niya ako ng masama. "Hans po pala hindi Hams.

"Nga pala, bakit nasabi mong ata?"

"Ah..." Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya na baka nagbibiro lang si Hans o hinde.

The reason why I introduced Hans is because maybe he was serious about meeting kuya or not. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Hans kaya pinakilala ko nalang just in case na mag turn up nga siya.

"Wala po kuya, mali lang po pag-kasabi ko." Ang sabi ko nalang at kinawayan ako ni kuya na wag na siyang istorbohin.

"Oh sige na, baka mamatay ulit ako, kasama kopa naman si Glaiza." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Si ma'am Glaiza? Yung titser ko? Paano mo nakilala si ma'am?" Tanong ko.

"Wala kana dun, go na text mo yung jowa mo sa requirements para bukas."

Dinilaan ko na lamang siya at Kinuha ang aking cellphone. I can't believe kilala niya si ma'am but it's none of my concern. I opened Hans icon and sent a message.

___________________________
Me: Hans, marunong kabang mag-basketball???

Hans: Syempre naman hehe bakit?

Me: Punta ka daw dito sa bahay tapos sa court, 1v1 daw kayo ni kuya sa Basketball

Hans: Ah sige ba 😊😊

Me: Pero dapat mag-patalo ka ah

Hans: Haha okie sabi mo eh😊😊 what time nga pala?

Me: Nine sharp daw, BAWAL ma-late

Hans: Okie 😊😊

Me: Sige na, tulog na talaga me

Hans: Ghe night night sweetdreams see you tomorrow😊😊❤❤
___________________________

Inupdate ko si Daff kung anong mangyayari bukas at iniisip niya na baka nga seryoso si Hans.

"Basta mag-ingat ka nalang bukas, di natin alam kung ano ang paka nya."

"Wag kang mag-alala, kasama ko naman si kuya."

The next day, nagising ako agad kasi hinampas ako ni kuya gamit ang unan.

"Ano ba kuya natutulog ako!" Sigaw ko at ibinato ko yung unan sa kanya.

"Bangon na, may bisita ka pa diba! Dalawang oras kapa naman abutin kapag mag-ayos." Paalala niya at tinignan ko yung oras.

"Grabe ka naman sa dalawang oras, thirty minutes lang noh!" I defended at napa scoff sya.

"Thirty minutes, thirty minutes mo mukha mo! Di ko alam kung anong ginagawa mo sa kubeta, natutulog ka ata dun eh. Dikanaman nag mamake-up so bakit ang tagal tagal mo?"

"Hindi kaya! Eh ikaw kuya, bat ang aga mong nagising?" Tanong ko trying to change the subject.

"O baka magluluto ako at kailangan ko din ng taga hiwa since di ka pa marunong mag-luto. Kaya bumangon kana diyan at mag-ayos. 18 years old na di pa rin marunong mag-luto."

"Marunong ako! Scramble egg, boiled egg, pritong sausage, pancit, tocino, meat loaf at longanisa alam kong lutuin!" Sabi ko at tumawa siya.

"Mga basic lang yun, wala ka pang alam lutuin na ulam. Takot ka nga pag tumatalsik yung mantika eh." Binalik niya ang unan ko. "Kaya bangon na para makaluto na ako. Tyaka sabi mo pag-gigisingin ka sa umaga at di ka magising, hampasin kalang ng unan at gising ka na nun agad. Effective naman eh."

"Ewan ko sayo!"

Napahiga ulit ako sa kama ko nung lumabas na siya ng kwarto ko. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya chineck ko.

___________________________
Hans: Goodmorning, how's sleep??

Me: Kulang 😑😑😑

Hans: Hala! Bakit galit na agad ang prinsesa ko?

Me: Prinesa talaga

Hans: Naman

Me: Eh ikaw ba naman gisingin ng napaka-aga 😑😑😑 and I don't like getting disturb when I'm asleep😒😒😒

Hans: Huh?? So ginising ka ng kuya mo??

Me: OO!!! 😒😒😒

Hans: Yo chill!! Now I know na bawal kang gisingin pag natutulog... katakot ka 😨😨

Me: Anyways, ready ka na ba???

Hans: Yep😊😊 para sayo, reading ready

Me: Ah ok mag-ready na din ako

Hans: So bola lang dadalhin ko??

Me: Dala ka ulam gusto mo???

Hans: Sige ba ano gusto mo??

Me: Fav kong pagkain Burger steak, dapat mala-Jollibee ang lasa

Hans: Ah yun lang pala eh, marunong akong mag-luto ng kahit ako. Gusto mo iluto kita ng Jollibee??

Me: Joke lang uyy nagluluto si kuya, sige na kitakits nalang mamaya

Hans: Okie see you soon😊😊
___________________________

Pagkatapos nun ay bumangon na ako, did my daily routine, which by the way took thirty minutes bago ako natapos, at tinulungan si kuya mag-hiwa ng mga ingredients para sa lutuin nya.

"Wala kang makeup? Malapit ng dumating si Hans." Tanong ng kuya ko.

"Bat kailangan ko pang mag-makeup kung may natural beauty naman ako?" Sagot ko. "Ay panget pala ako kaya wala akong natural beauty."

"Baliw, maganda ka inside and out. Palagi ngalang sawi sa pag-ibig." Tumawa siya at nag fake smile ako.

"Haha, very funny." Pa-sarcastic kong sinabi at naalala ko ang sinabi sa akin kagabi ni kuya. "By the way kuya, kapag dadalhin mo dito si ma'am Glaiza, dapat ako ang mag-luluto ah."

"Baliw, baka mawalan payun ng interest sa akin dahil sunog yung pag-kain."

"Grabe ka po talaga sakin. Anyways, di ko talaga akalain na si ma'am pa ang makaka-bihag ng puso ni kuya ko."

"Mag-focus ka na lang diyan, dami mo dada."

Matapos naming mag-luto ay nag-bihis na ako.

"Okay na toh kuya?" Tanong ko sa kanya habang pinakita ang damit ko.

"Okay naman, di ka talaga mag-mamakeup? Kahit ngayon lang?" Reply niya.

"Parang mama narin kuya? Tyaka gusto ko magustuhan ako dahil sa personality ko at kung ano ako hindi dahil sa mukha na punong puno ng makeup."

"Di naman sa ganun, okay na yan." Ngumiti siya.

Soon, dumating na si Hans at binuksan ko ang pintuan. Now it dawned in my mind na seryoso nga talaga siya.

"Hi!" Bati niya.

"Oh hi, pasok." I stood at the side and let him in.

Since nandito siya, seryoso nga sya sa mga sinabi nya. Liligawan niya talaga ako? Na love at first sight ba talaga siya sa akin? I mean, he did kiss my hand when we first met pero hindi ko inexpect to ah, apatay anong gagawin ko?!

Daffzkie, please help me! Hindi ko pinag-isipan kung ano ang gagawin ko kapag dumating nga talaga si Hans! Please help me Lord!

Tatangalin niya na sana ni Hans ang sapatos niya pero pinigilan ko siya.

"Di mo na need tangalin sapatos." Sabi ko.

"Siya na ba yan?!" Sigaw ni kuya.

"Opo kuya!" Sagot ko at maya maya dumating si kuya. "Hans, si kuya Jave. Kuya Jave, si Hans."

"Nice to meet you po." Sabi ni Hans habang inoffer ang kamay niya which kuya gratefully took.

Nakita ko sa mata ni kuya na parang may hinahanap siya and I saw disappointment in his eyes? Might be my imagination kasi mabilis siyang tumalikod.

"Tara kain, kakatapos ko lang mag-luto." Ang sabi niya at sumunod kaming dalawa ni Hans.

Habang kumakain kami, si kuya ay parang naging interviewer.

"So anong dream job mo?" Tanong niya.

"Gusto ko pong maging piloto one day po." Sagot ni Hans.

"Aba ayos ah, si Cass gusto maging Flight Attendant."

"Meant to be nga po." Tawa ni Hans at tinignan siya ng seryoso ni kuya.

"Ikaw, kapag pina-iyak mo ang kapatid ko, makakatikim ka talaga sa akin. Sisiguraduhin ko na hinding hindi mo na makikita ang kinabukasan." Banta ni kuya at napa-lunok si Hans.

"H-hindi ko po gagawin yun kasi mahal ko po ang kapatid niyo." Bigla na lamang napatawa si kuya.

"Wag mong sabihin na mahal mo na agad kasi di mo pa siya gaano kakilala. Tyaka tapusin niyo muna pag-aaral niyo para may kinabukasan kayo."

"Willing to wait naman po ako at promise po na hinding hindi ko sasaktan ang kapatid niyo."

"Wag magsalita ng patapos kasi karamihan sa mga lalake, puro matamis ang lumalabas sa bibig ay manloloko."

"Aherm... parang ikaw ba kuya?" Tanong ko at tinignan niya ako.

He gave me a look of 'Anong ginagawa mo' and I gave him a look of 'Tinatakot mo yung tao!'

"Anyways, sa ngayon ganyan pa ang mga sinasabi mo pero tingnan nalang natin sa future." Yun na lamang ang sinabi ng kuya ko.

Matapos naming kumain ay nag-lakad na kami papuntang basketball court since it's only fifteen minutes walk sa bahay.

"Pagpasensyahan mo na kuya ko ah, overprotective lang yan." Sabi ko kay Hans at ngumiti siya.

"Ayos lang, naintindihan ko naman. Ganyan din ako sa ate ko eh." Hans stated.

Pagdating namin sa basketball court, andun si Cj at ang mga kaibigan niya nag-lalaro.

"Uy hi! Ikaw pala!" Bati ko at ngumiti siya.

"Haha hi Cass, mga kaibigan ko pala. Si Jolo, Mike, Ralph, Gio at-" Nakilala ko yung huli.

"Aeron. Nice to meet you all." Sabi ko. "Magkakilala pala kayong dalawa?"

"Yep, we're like bros. Wait, magkakilala din kayo?" Tanong sa akin ni Cj.

"Ya, nanay ko siya." Sagot ni Aeron at parang na-confuse si Cj.

"Oo anak ko siya, dati pa haha." Kinonfirm ko. "Like nanay nanayan."

"Kung anak mo siya, sino ang tatay?" Tanong sa akin ni Hans at napaisip ako.

"Si Mitsuki ang tatay niya." Sagot ko at nag pout si Hans.

"Aaah."

"Kuya ko pala, si kuya Jave." Pinakilala ko si kuya sa kanila.

"Nice to meet you po." Bati ni Cj. "Sila nga pala si Cass at Hans."

"Ayun pala may kalaro tayo. Tara four v four." Aya ng kuya ko.

"Sige!" Nag-agree yung iba.

"Ako referee!" Aya ni Cj.

"Teka, ako lang babae? Diba ako dapat referee?" Tanong ko at tinignan nila ako.

"Kanina pa kasi ako naglalaro, need magpahinga so kayo muna." Sagot ni Cj.

"Ayos lang yan, naging player ka naman four years ago eh." Reply ni kuya.

"Four years ago na yun, tagal ko nang di nag-lalaro." Sabi ko.

"Kapag naging player, di na kailangang mag-laro araw araw para gumaling. It's in your blood like me." Sabi ng kuya ko and I shook my head.

Nag-kampihan kami at naging kakampi ko si Aeron, kuya at Ralph. Hans, Gio, Mike at Jolo naman sa kabila.

"Yes kakampi ko si anakis ko!" Masaya kong sinabi.

"Sayang yung MVP namin nasa inyo." Sabi ni Mike at nag-shrug ako knowing na si Aeron ang tinutukoy nila.

"Cass, gagawin ko pa ba yung sinabi mo kahapon na mag-patalo sa kuya mo?" Pabulong na tinanong ni Hans.

"Di na, pag one v one lang kayo pero ngayon di mo kailangan mag-hold back." Sagot ko.

"Okie!"

At nag-simula na ang laban. Minarkahan ko si Hans, Gio kay Ralph, Jolo kay Aeron at si kuya kay Mike. Kila Hans ang unang bola.

"Cass, san ka magaling sa Basketball?" Tanong ni Hans habang drinidrible ang bola.

"Ako?" Tanong ko at nag-isip. "Wala ehh haha."

Habang distracted siya, inagaw ko ang bola at pinasa kay kuya ko. Pinasa niya eto kay Aeron at na-shoot niya yun.

"Wala daw." Sabi ni Hans at nag-shrug ako.

"Wala nga."

"Wala pero naagaw?"

"Distracted ka eh, I just took advantage." Kinindatan ko sya and he smirks at me.

"How about a bet?" Tanong niya.

"What sort of bet?"

"Manlilibre ang matalo." Reply niya at narinig ng iba.

"Sige ba! Mackers at coke libre mamaya!" Sigaw ni Gio at nag-agree ang lahat.

"Burgor! Burgor! Burgor!" Masayang sabi ni Aeron.

"Hala, hindi ako kasali daya!" Angal ni Cj.

"Kasama kana sa mananalo." Aeron stated.

"Want me to take it easy on you?" Tanong ni Hans.

"No thanks, I hate unfair fight." Reply ko at naagaw ko ulit ang bola sa kanya.

Sa first ten round natatalo kami pero nung nag-seryoso si Aeron, mablis kaming nakabawi. Magaling naman mag-laro si Hans pero sadyang mas magaling si Aeron.

Kaya nga he is one of the best player sa school!

Bigla ko na lamang naalala si Simon. Ano na kaya ang ginagawa nya? Matagal nadin since the last time nakalaro ko siya sa ml or nakachat.

Bakit ba kasi biglang may bakasyon? Di ko tuloy siya nakikita. Diko rin expected na seryoso si Hans sa pan-liligaw niya, I mean ang daming beses na pwede niya akong ligawan before summer time pero ngayon nya lang ako in-approach.

"Cass!" I was brought back to reality ng tawagin ni Aeron ang pangalan ko.

Nasalo ko ang bola at pinasa ko agad kay kuya. Pareho sila ni Aeron na umabante sa hoop at inassist ni kuya si Aeron and them boom, shoot.

I guess medyo magkalapit ang skills ni Aeron at Simon but of course, si Simon parin ang the best. We played a few more rounds and in the end, our team won.

"Mackers and coke? Libre mo haha." Sinabi ko kay Hans at nag pout siya.

"Tanong ko lang, bakit taga-agaw kalang at di mo shinoshoot yung bola?" He ask at nag-kamot ako ng ulo.

"Kasi di ako marunong mag-shoot!" Tumawa ako and he gave me a confuse look.

"Gusto mo turuan kita?" Offer niya.

Actually marunong akong mag-shoot, di nga lang accurate at takot ako na kapag ishoot ko ang bola, hindi papasok. Baka laitin lang ako ng mga kateam ko. I mean, mabait naman silang lahat but okay na ako sa taga agaw ng bola.

"Ayos na ako sa taga-agaw, ayokong mag-shoot. Bahala na ang kateam ko na mag-shoot... haha!" Sabi ko at buti na lang dumating si kuya.

"Good game." Sabi niya at inapir si Hans.

Maya maya ay nag-paalam na kami sa isa't isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top