Chapter 7
"Anyways, dapat lang na maging overprotective kami sayo kasi nasaktan ka na noon noh nakalimutan mo na?" Nalungkot ako sa sinabi niya at iniwasan kong mag eye contact sa kanya para di niya makita na malungkot ako.
"Ayoko nang balikan ang nakaraan noh, past is past. Yun na yun." Ang sabi ko and I heard her sigh.
"Ang gusto ko lang naman ay kung may manliligaw sayo, dapat yung hindi ka sasaktan o lolokohin. At hindi Hans ang pangalan."
"Tama, for the first time we agree on something." Sai said.
"Haha, ayos lang ako at kung mangyari pa ulit yun edi itatawa ko nalang kasi atlis nalaman ko na hindi siya ang para sa akin diba?" Ngumiti ako at nag shook head siya.
"Asya bahala ka, pero tatadyakan ko ang bayag nang kung sino man ang manakit ulit sayo." Ang sabi niya at nag nod ako.
"Salamat bes."
"Walang anuman basta akong bahala pag sinaktan ka ulit."
"Alam niyo naman naririnig ko kayo di ba?" Tanong ni Hans.
"Alam namin." Sabay na sagot ni Daff at Sai.
Tignan mo nga naman, bagay na bagay silang dalawa. Pati mindset magkaparehas, etong mga beshies ko, dapat sila na lang magkatuluyan eh.
"Good morning class, today we have a new student here." Pumasok na si Sir. "Mr. Valentino, please introduce yourself."
Tumayo si Hans at nag-pakilala siya.
"Hello, my name is Hanso Valentino, but you can call me Hans for short." Ang sabi niya.
"Tell us something about yourself Hans." Request ni Sir.
"Well I came from Bisaya. Ang mama ko ay taga Bisaya at ang papa ko naman ay half Bisaya at half Ilocano." Kinalabit ako ni Daff at tumingin ako sa kanya.
"Alam ata nito kung saan tayo nanggaling ah, Bisaya ako, ikaw naman Ilocano." Pabulong niyang sinabi at nag shrug ako.
"Baka mere coincidence lang." Sabi ko.
"Di ko alam, sounds sus." Nag shrug din siya at bumalik ang attention namin kay Hans.
"Pero di po ako marunong masyadong mag Ilocano. Bisaya, Ilonggo at Tagalog lang po ang kaya kong masalita." Pagkatapos mag-salita ni Hans, umupo na siya.
"Uy Daffzkie, mag-kakaintindihan kayong dalawa ah." Sabi ko sa kanya at nag roll eyes siya.
"Intindihin niya sarili niya." Galit niyang sinabi at tumawa ako.
"Chill lang uy, baka ma-highblood ka diyan."
"If you guys are forgetting, don't forget me." Sabi ni Sai.
"Huh? Ano daw?" Tanong ni Daff na may kasamang sarcasm. "If you guys are Englishing, then my English is not Englishing."
Pagkatapos ng klase ay morning tea na.
"Bes mauna ka muna sa Canteen, may titignan lang ako sa Library." Sabi ko kay Daff.
"Ha? Ano yun?" Tanong niya.
"Apparently ngayon daw lalabas yung part three ng Maze Runner, yung Death cure. Gusto ko sana ako yung maunang humiram ng libro. At titignan ko din kung naiwan kodun yung notebook ko." Sagot ko.
"O sige, basta bilisan mo." Sabi niya.
"Mag-ingat ka ah." Sai said at natawa ako.
"Luh, pupunta lang ng library mag-iingat na?" Pabiro kong sinabi.
"Malay mo madulas ka on the way." Sagot niya at nag shook head ako.
"Osige na, mauna na ako. Kitakits nalang mamaya." At umalis na ako.
Excited na akong mabasa ang pangatlong storya ng The Maze Runner. To be honest mas paborito ko ang part two kaysa sa part one at mas maraming beses ko nang napanood ang part two keysa sa part one.
"Hi po Ma'am, meron na po ba yung The Maze Runner, Death Cure?" Tinanong ko yung librarian.
"Check ko lang." Reply niya at nag-type sya sa computer. "Sorry, pero may nakauna na sa inyo."
"Hala, sino po?"
"Si Simon Fraser." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"S-si Simon Fraser po?"
"Oo, kakahiram nya lang kaninang umaga."
Hindi ko alam kung sasaya ba ako o malulungkot dahil hindi ko nahiram ang libro pero... si Simon ang humiram! Ibig sabihin, mahilig din siya sa Maze runner? Nanonood at nagbabasa din siya ng Maze Runner?
Hala! Pinag-tadhana ngaba tala kami? Is this the sign?!
Sa sobrang focus ko sa kakaisip, di ko nakita na may mababanga na pala ako at may nahulog na libro. Nagulat ako kasi the Maze Runner 3 iyun.
"Ay, sorry. Di ako tumitingin." Sabi nang nakabangaan ko at natulala ako dahil si Simon iyon.
"Oh Cass, ikaw pala. Kanina pa kita hinahanap." Ang sabi niya.
"Ha?" Ayun lang ang nasabi ko.
Pinulot nya ang libro.
"M-maze Runner? Mahilig ka pala dito?" Naglakas loob ako na tanungin siya.
It's now or never! Sabi nga ni Daff, walang mawawala if I were to start a conversation!
"Ah, oo. Actually, kakatapos ko lang nung part 2. Nalaman ko na ngayon ang release ng part 3 kaya hiniram ko kaagad sa library." Reply nya. "Ang ganda ng story eh."
"Haha nice." Ngumiti siya at parang gusto ko nang tumalon talon sa kilig.
Naging wild ang puso ko at di ko na alam ang susunod na sasabihin ko. Like na mind blank ako haha!
"Ah nga pala, nahulog mo ito noon." Binigay niya sa akin ang notebook na hinahanap ko. "Ibabalik ko sana pero you were in a rush noon kaya binasa ko muna." Nagulat ako sa sinabi niya at kinabahan.
"Ha? Nabasa mo?" Tanong ko at nag nod siya.
"Ganda na nga ng storya eh, pwede bang iupdate mo ako pag natapos mo na? Diyan ko nakuha ang inspirasyon para basahin at panoorin ang Maze runner." Request niya at nag nod nalang ako. "Sige, mauna na ako kasi may practice pa kami."
Inabot niya sakin ang libro at notebook at kusang gumalaw ang mga kamay ko.
"Since mas paborito mo ito keysa saken, ikaw na muna ang maunang mag-basa." Offer niya na may kasamang matamis na ngiti.
"OH MY GOSH WAAAAAH!" Sigaw ko pag-kaalis nya.
"HOY!" Nagulat ako sa boses ni Daff. "Anong ginagawa mo at para kang baliw diyan?"
"Ou nga, anyare sayo?" Tanong ni Sai.
"Si Simon, nakabangaan ko ulit at nag-ushap kame!" Bigla ko na lang naalala ang story ko. "Pero patay! Siya ang nakapulot ng story na sinusulat ko! Waaaah, Imma die! Imma dieeeeeee!"
Humiga ako sa lapag habang iniisip ang nangyari.
"Hoy anong ginagawa mo jan!" Tanong ni Daff.
"Bes, patayin mo na ako dito. Nabasa na niya ang storya ko. Ayoko nang mabuhay..." Sabi ko.
"Bumangon kana diyan! Ang oa mo baka mamaya may makakita pa sayo!"
Hindi ko nanotice na pinulot pala ni Sai ang story ko at binasa niya ng malakas.
"Three years nang may gusto si Andrea kay Nomis pero hindi niya eto masabe sabe. Paano-" Bago pa matuloy ni Sai ang kanyang sinasabi, tumayo agad ako at inagaw ang notebook.
"Ano ba! Mamamatay na yung tao, papabilisin mo pa!" Sabi ko.
"Pinapabangon lang kita, tignan mo, effective." Kinurot ni Sai ang pisngi ko pero hindi ko naramdaman ang sakit.
"Oo mga beshies pero... ibang usapan pag mga kilala ko ang nakabasa ng istorya ko. Pwedeng basahin pero wag lang nilang sasabihin sa akin na nabasa nila kasi mamamatay ako sa kahihiyan."
"Ang oa mo talaga, diba nga pinalitan mo yung pangalan? Edi di alam ni Simon na tungkol sa kanya yun!" Daff pointed out.
"Ou nga, Nomis at Andrea naman nakalagay ah. I mean, yes hindi naman masyadong halata kahit baliktad ang pangalan ni Simon pero yung Andrea, hindi malalaman na nakabase sa pangalan mo." Nag agree si Sai.
"Pero shi Shimon ko ang nakabasha nun! Omagash besh anong gyagyawin kooooooo! Shi Shimon kashi ang pinag-uusapan dito, shi My Labs koooo. Patayin mo nalang akooooo. Oh my gosh nabasha niyaaaa!"
"O sige kung yan ang gusto mo." Ang sabi ni Daff tapos bigla niya nalang akong kiniliti.
"Oi! A-anong ginagawa m-mo!" Tanong ko sa kanya habang tumatawa.
"Pinapatay ka! Eto ang weakness mo eh at way para patayin ka!" Reply niya.
"T-tama naaaaa!" I squealed pero nag-patuloy niya pa rin ang pag-kiliti. "Sige, ganyan pala gusto mo ah!"
"And there they go again." Sabi ni Sai habang sumandal sa pader, arms cross at pinanood lang kami.
Kiniliti ko Daff at parehas na kameng nahulog sa lapag ulit at nagsigawan sa hall. Pinag-patuloy namin ito hanggang sa may nag-patigil sa amin.
"Anong ginagawa niyo?" Si Hans ang nakakita sa amin.
"Nag-kikilitian, hindi ba obvious?" Tanong ni Daff at napatawa ako.
"Umm... alam kong nag-kikilitian kayo pero bakit dito sa hallway?"
"Pake mo ba? Edi kilitiin mo din sarili mo kung gusto mo." Tumayo na si Daff at tinulungan niya akong tumayo.
"Sorry naman..." Nalungkot si Hans at pinigilan kong mag-salita si Daff.
"Okay lang yun Hans, binibiro ka lang ni Daff." Ang sabi ko at tinignan ako ni Daff ng masama.
Tinignan ko rin siya ng masama at nag roll eyes na lamang siya, meaning that she will let me do the talking.
"Ah ayos lang, uuwi na ba kayo?" Tanong ni Hans.
Magsasalita na sana si Daff pero pinangunahan ko siya.
"Oo uuwi na kami, gusto mong sumabay?" Reply ko at narinig ko si Daff na nagmura ng pabulong at si Sai naman ay parang makakasapak ng tao.
Buti na lang ay hindi siya nakisabat sa usapan.
Paktay ako nito pero eto lang ang mababayad ko kay Hans kasi di maganda ang pagtrato sa kanya ni Daff. Sorry Daff ah, love you pa rin hehe
San ka ba nakatira?" Tanong ni Hans.
"Andito din ako, hindi lang siya." Daff commented.
"Kasama din nila ko brad, gusto mo dalhin kita sa bahay ko." Sai continued.
"Ah, sa kabilang kanto lang." Sagot ko. "Si Daff malapit lang sa amin mga ten minutes walk tapos si Sai medyo malayo."
"Ah, malapit lang din pala ako sa inyo. Sa Gordon lang ako eh." Sabi niya habang nakangiti.
"Lipat narin kaya ako para malapit din dito, gusto mo kapitbahay tayo brad." Umakbay si Sai kay Hans habang pinapakita ang kamao niya.
Hinila ko siya agad at inambagan ko.
"Wag ka nga." Bulong ko sa kanya at tinaas niya ang mga kamay niya to show he surrender.
"Anyways susunduin pala kami ng kuya ko so... mauna na kami." Sabi ko kay Hans at nag-paalam na kami sa isa't isa.
"Tama ka, kapal nga ng mukha ng mokong na yun." Biglang sinabi ni Sai.
"Right! Sabi sayo eh! Tyaka di talaga maganda pakiramdam ko dun! Mga Hans nga ba naman." Daff shook her head.
"I agree, if I were you, you were me, we will avoid Hans together." Sabi ni Sai.
"Huh? Ano daw, Demonia is that you?" Pabiro kong tanong at kinurot na naman niya ang pisngi ko. "Aray!"
"Anyways, you owe me one ah." Sabi ni Daff.
"Haha... okay fine anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya at natatakot ako kung anong ipapagawa niya.
"Dapat pala nakisali ako sa larong toh." Complain ni Sai.
"Wag na, baka kung ano ano pa ipagawa mo." I stated.
Anyways, ang larong eto ay kapag pinigilan namin ni Daff mag-salita ang isa't isa, it means na may dare kami mamaya only if that person notices it. Which Daff noticed nung pinigilan ko siya kanina with Hans. Just for fun lang para may magawa kaming kabaliwan.
"Sige, hmmm... gusto ko..." Daff trailed off and she smirked which natakot ako. "I-chat mo si Simon and make a conversation with him."
"Bakit si Simon pa? Pwede ba ibang tao nalang?" Nag protest ako at nag-cross arm siya.
"Yun ang dare ko at hindi lang yun, you have to chat me English. Bawal Tagalog."
"Sige, gagawin ko yung pangalawa kung gagawin mo rin. Unfair naman ata pag-dalawang dare diba?" Tanong ko at nag shrug siya.
"Sige ba." Sabi niya. "At kung sino ang mag-Tagalog, aamin sa crush niya."
"Okay, challenge accepted."
"Mauna na ako." Biglang sabi ni Sai at umalis na.
Problema nun?
After namin makauwi, ginawa ko muna ang homework ko tapos umiglip. Nagising ako sa tunog ng phone ko. Tinignan ko at nakita ko na ang daming sinend na message ni Daff. Tinignan ko ang oras at alas otso palang.
______________________________
Daffzkie: Yo Marj! What are you doing?
Hey!
Hello!
Yow!
Bes!
Cass!
Cassandra!
Cassandra De Guzman answer me!
Don't tell me you feel asleep!
You cannot go to sleep cause you need to do your dare!
You cheating cheating ah!
You very cheating!
Wake up!
Oi!
Waaaaaaake up!
Me: Just woke up but I'm still tired, sorry for the late reply
Daffzkie: hahaha did I woke you up?
Me: Isn't it obvious???
Daffzkie: Who cares? Have you chat your Knight and Shining armour?
Me: ...nope...
Daffzkie: Dude! You should! Just say hi or something like that! You got nothing to lose gurl! Plus it's my dare so DO IT!
Me: Umm... what should I say???
Daffzkie: A simple 'hi' won't hurt
Me: What if he doesn't reply?
Daffzkie: 😑 you don't even know yet! Just say hi to him and see what will happen
Me: Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmm...
Daffzkie: Do you want me to go at your house right now, take your phone then send send the message ah?
Me: You're crazy hahah
Daffzkie: I WILL do it... only takes ten minutes to walk there
Me: Hmmm, I'll wait for you to arrive!!!
Daffzkie: Just message him! 😑 otherwise I'll be the one telling him!
Me: Alright alright, geesh!!! You chill Chill ah, you berry berry rode. My bleeding is nose because of this English spokening😂😂😂
Daffzkie: I don't care! Just do it ah! And make sure to send a screenshot! Plus my english is not englishing but your english is englishing!
Me: Lol XD why I need screenshot ah???
Daffzkie: To prove that you DID chat him!
Me: Okie okie fine
______________________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top