Chapter 46

Simon

Pagkatapos ni Cass gawin lahat ng paperworks, pinabili ko siya ng lunch para sa lahat ng workers. It took her an hour kasi pabalik balik siya sa Jollibee. Then I ordered her to clean all the rubbish in the room and wipe all the dirt in my office.

"I want it spotless, not a speck of a dust!" Sabi ko.

"Yes sir Simon." Matamlay niyang sagot.

Ngayon ay sinend ko siya sa napaka-layong restaurant para bumili ng lunch ko at pagbalik niya, nag-reklamo ako na steak ang inorder at hindi chicken kaya bumalik ulit siya.

Maya maya ay biglang pumasok si John at masama ang tingin niya saken.

"Bro bakit mo naman pinapahirapan yung tao?" Tanong sa akin ni John.

"We're testing their loyalty, paano tayo makaka-sigurado na loyal ang Crystal company if we don't test them?" Sagot ko and he shook his head.

"We can test it in other way, hindi sa paraang ganito. Mali toh bro! Why don't you open your eyes para makita mo kung gaano nahihirapan si Cass sa mga pinaggagawa mo! Hindi niya deserved etoh! She doesn't deserve you!" He stated before leaving the room.

Napaisip naman ako na hindi naman siguro ganun kahirap mga pinapagawa ko para kay Cass. Not until I decided na sundan siya papunta sa restaurant at obserbahan siya.

Nakita ko kung gaano na siya kapagod ng lumabas siya sa kotse niya pero nag-mamadali pa ring makabalik sa kompanya. Nagtago ako sa gilid para di niya ako makita. Not long after, dumating si John.

"Oh Cass, dapat hindi ka nag-mamadali! Hayaan mong mag-hintay din si Simon, kanina kapa niya inuutusan noh." Sabi ni John.

"Kailangan eh..." Sabi ni Cass na tila hinihingal na siya. "Para sa kontrata gagawin ko ang lahat kahit na alipin ang trato ng boss niyo sa akin at sa lahat ng staff niyo!"

"Hindi kaba nagsasawa? Halos araw araw niyang ginagawa toh sayo." Galit na sabi ni John.

"I'm use to it, ganto rin ginagawa ko noon kaya wala lang saken mga pinapagawa ng boss niyong matapobre." Sagot ni Cass at parang natulala si John.

Teka, ganto din ginagawa niya noon?

I admit, oo it's been more than a month na nag start si Cass sa kompanya ko and ever since her first day, I've been treating her like a maid. Diko narealize na nahihirapan na pala siya hanggang sa kinonpronta ako ni John kaninang umaga.

Tama nga si John, masyado ko nang inaabuso si Cass. I won't be able to win her back kung hindi ko papalitan ang approach ko.

"Di naman siya laging ganon, mabait ang boss namin once na makilala mo siya." Biglang natawa si Cass sa sinabi ni John.

"Wag mo nang pag-takpan ang boss niyo, matagal ko na siyang kilala at hindi parin siya nag-babago." Sabi ni Cass bago niya iniwan si John at nag-madalung pumasok sa kotse niya.

Lumabas naman ako sa tinataguan ko at nakita ako ni John.

"Masaya kana bro?" Was all he said before leaving me.

What have you done Simon?

Cassandra

"Mabait? Mabait mo mukha mo! May mabait bang tinatrato ng katulong ang staff niya! Why am I tolerating this? I am the owner of the Crystal company!" Galit kong sinabi habang nasa elevator ako.

Successful naman na ang kompanya ko so bakit ako natatakot mawalan ng isang investor? Bakit? Kasi hindi ko hawak ang future and getting the Golden Staff to continue investing for us is worth every pain I've gained.

"Hindi yan mabait, demonyo yan! Napa-kademonyong maitim na budhi ng manloloko-" Natigilan ako ng marealize kong may camera sa elevator.

Patay ako, nabisto ako! Cass naman eh, dimo tinitignan yung camera! Paano kung pinapanood niya ikaw?!

Paglabas ko ng elevator, dahan dahan kong tinignan ang opisnia ni Simon. I took a deep breath before making my way there at pag-bukas ko ng pintuan, wala doon si Simon.

Nilagay ko ang pagkain sa lamesa niya and when I turned around, napasigaw ako ng makita kong nakatayo siya sa pintuan.

Lagot ako...

"Demonyong maitim na budhi tapos manloloko pala ah!" Sigaw niya at pumunta siya sa lamesa habang tinapon ang pag-kain na binili ko.

"I DON'T NEED SOMEONE LIKE YOU IN MY COMPANY, YOU'RE FIRED!" Galit niyang sinigaw at napaiyak ako.

Natulala nalang ako ng marealize kong nakatayo parin ako sa same position at imagination ko lang ang nangyari.

"Is that my lunch?" Tanong ni Simon and I flinched dahil nagulat ako bigla sa boses niya.

"Y-yes sir and there's no chicken in it." Sagot ko at nag-lakad siya sa lamesa niya.

I was hoping for the worst, itatapon niya ang pagkain tapos papabilhin nanaman ako o sisigawan niya ako kasi sinabihan ko siya na maitim ang budhi niya.

"Salamat." Nabigla ako sa sinabi niya, para bang hindi ako makapaniwala na si Simon ang kausap ko ngayon.

"Pardon sir?" I asked again para maka-sigurado ako sa sinabi niya.

"Sabi ko salamat." Inulit niya.

Di ko alam kung anong nangyari pero para bang nabuhusan ng tubig si Simon. Bigla na lamang siyang nag-bago. Baka etoh yung isa niyang kambal na mabait?

"Oh and from now on your new office will be beside my office." Tinuro niya ang room na katabi niya at parang nagdududa ako.

Nakatitig lang ako sa kanya for a few seconds until he looked up.

"May problema ba?" Tanong niya at napatalon ako ng konti.

"W-wala sir, yung paperworks po asan-" Dikopa natatapos ang sasabihin ko ay inunahan na ako ni Simon.

"Ako na gagawa ng paperworks, alalahanin mo nalang ang mga lunch ng staff. Dimo na rin kailangan itapon mga basura kasi may cleaner naman and I'll get John to help you bring the the lunches. Although today will be the last day you will be doing that, I want you to research a proposal that's worth investing for." Sabi niya at naninibago ako sa pinapakita niya.

Si Simon ba talaga eto? As in, Simon Fraser?

Pati tono ng boses niya nagbago, nasaniban ata siya ng napakamabait na kaluluwa. Kung ganun man ang nangyari, mag stay ka sa katawan niya mabait na kaluluwa ah!

Naalala ko na birthday pala ni Jiro bukas so I need to ask for a day off. Alam kong malabo na payagan ako ni Simon dahil seven days a week niya ako pinapawork, pero kailangan kong ipaglaban ang kinabukasan para sa anak ko.

"Ah sir?" He hummed in response at nagdasal ako na sana payagan niya ako. "Pwede po bang mag day-off ako bukas?"

Binaba niya ang file na binabasa niya at tinignan niya ako.

"For what reason?" Tanong niya at naalala ko na ang reason ay dahil sa anak ko.

"Birthday po kasi ng anak..." Natigilan ako kasi ang alam ni Simon ay pinalaglag ko ang anak ko noon kaya nag-isip ako ng magandang reason na pinaniniwalaan niya. "Anak ni Marj!"

Napa-kunot noo siya ng malaman niyang may anak si Marj.

Sorry bes, sana maintindihan mo!

"May anak si Marj?" Tanong ni Simon. "Diba single yun?"

"Ay opo pero malandi kasi si Marj, kung sino sinong lalaking tinitira nun kaya BOOM, nabuntis siya." I just hope na he'll buy my lies.

"Pangarap niya kasing maging single mother!" Dagdag ko and he nodded.

"Okay, I'll approve your leave request." Ang saya ko sobra na napaniwala ko siya ngunit gumuho ang mundo ko sa susunod niyang sinabi. "As long na invited din ako at si John."

Nag-shoshopping kami ni Marj ngayon para sa birthday ni Jiro bukas at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"So ayun kaya sorry." Sabi ko kay Marj matapos kong ikwento ang nangyari kanina.

"Grabe ah, ginawa mo pa talaga akong malande." Sabi niya habang tinutulak ang trolley at parang may galit sa tono ng boses niya.

Si Jiro naman ay nasa tabi ko.

"Sorry bes, yun lang naisip kong paraan para di siya mag-hinala eh." I pouted and she rolled her eyes.

"Kung sino sinong lalaking tinitira kasi pangarap niyang maging single..." Inulit niya ang sinabi ko tapos tinignan niya ako ng masama. "Kung sino pa yung walang jowa sa ating magkakaibigan, yun pa ang unang nag-karoon ng anak dahil sa kalandian niya. Ang galing, sobrang galing. Dapat bigyan ka ng award eh pero saken ang award kasi dinamay moko sa kalokohan mo at ang gusto kong award, lilibre mo ko ng Burger steak!"

"Salamat bes." Ngiti kong sinabi and she mocked me.

"Shalamat besh, pasalamat ka talaga bestfriend kita. Si Keith lang ang titirahin ko noh!" Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

Simon's POV

"Bro, mag shopping tayo!" Aya sakin ni John matapos ang shift namin.

"Para san bro?" Tanong ko sa kanya and he gave me an 'Are you serious look'

"Wow bro, nag-pa invite ka kay Cassandra tapos ngayon sasabihin mo para saan? Need nateng mag-hanap ng regalo para sa anak ni Marj, tara bilis!" Hinila niya ako papuntang kotse niya.

Di parin ako makapaniwala na may anak na si Marj at mag six years old na siya bukas.

"Di kaya coincidence? Five years old yung anak ni Marj at five years ago nag-palaglag si Cass. Ano sa tingin mo? Nabuntis sila the same year?" Tanong saken ni John pero diko siya pinansin dahl napapaisip din ako sa sinasabi niya ngayon.

"Akalain mo, yung single hanggang ngayon, may anak na pala! Tas hindi man lang natin nalaman. What if anak pala ni Cass yung anak ni Marj?" Sabi ni John at binatukan ko siya.

"Mag-focus ka sa daan! Salita ka ng salita eh." I exclaimed.

"I'm just joking bro, I'm just making assumptions cause it doesn't make sense na nagka anak si Marj five years ago. Math ain't mathing.

Five years ago...

Hindi kaya...

"Hoy pre!" Sinigawan ako ni John and I snapped out of my thoughts.

Nakarating na pala kami sa pupuntahan namin at nakalabas na siya ng kotse.

"Yan, daydreaming pa more. Tara na bilis!" Sabi niya at lumabas na ako ng kotse.

"Eto cute toh." Pinakita niya ang pink na teddy bear.

"Lalake anak ni Marj hindi bakla." Sabi ko at binalik niya agad ang teddy bear.

"Sabi ko nga."

Nag-tingin tingin ako ng laruan hanggang sa may nakita akong batang lalake na nakatingin sa Bumblebee na kotse.

Nang pag-masdan ko ang bata ay para bang napalapit agad sa kanya ang kalooban ko. He reminds me of myself when I was younger na mahilig din sa transformer.

"Hi there, gusto mo toh?" Tanong ko sa kanya at lumakad siya palayo ng konti.

"My mommy told me not to speak with strangers." Sabi niya and I smiled.

"My name is Simon, would I still be a stranger if you knew my name?" Pakilala ko sa kanya but he was still wary.

Kinuha ko ang laruan na Bumblebee at pinakita sa kanya.

"Do you want this toy?" Tanong ko sa kanya and he nodded. "I could buy it for you."

"Really?" Bigla siyang sumaya at napa ngiti ako.

Binigay ko sa kanya ang laruan while patting his head.

"Sure, as long as we can be friends." I said and he smiled at me.

"Okay!"

Hindi ko alam pero para bang sobrang gaan ng loob ko sa kanya at gusto ko siyang makilala.

"Oi Simon, andito ka pala-" Nahulog ni John ang teddy bear na hawak niya ng nakita niyang buhat ko ang bata. "Oh my God! Anak mo bayan, parang kamukha mo!"

Tinignan ko ang bata at tama siya, kamukha ko nga ang bata.

"Jiro? Jiro asan kana ba!" I heard a familiar voice.

Nakita namin si Cass at Marj na pumunta kung san kami and when Cass saw the child, Jiro, agad niyang kinuha siya saken.

"Jiro anak I told you to stay beside me." Sabi ni Cass at lumaki ang mata ni Marj.

"Oo nga baby, I told you to stay with auntie Cass. Alam mo namang sobrang mag-alala ang mommy diba?" Bigla na lamang kinuha ni Marj si Jiro kay Cass.

"Uy Marj, yan ba anak mo?" Tanong ni John and Marj nodded.

"Oo, si Jiro nga pala. Ji-anak, meet tito John and tito Simon." Marj introduced us at iba ang tingin sa kanya ni Jiro.

"Why you calling me anak? You're not my mommy auntie Marj." Sabi ni Jiro at tumawa ng malakas si Marj.

"Writer kasi ako at tinuturuan kong mag acting si Jiro. Latest story ko yung Tadhana, nabasa niyo na?" Tanong ni Marj.

"No/yes!" Sabay naming sagot ni John.

"Hindi ko pa nabasa." Sabi ko.

"Ako nabasa ko na, main character ay si Andrea at Nimos." Napa tingin ako ng malaman ko ang main character ng storya.

Teka, bakit parang... Simon and CassANDREA?

"Mostly same story siya sa nangyari kay Cass at Simon. Hindi nga lang tapos ang istorya kasi nabuntis si Andrea at nag ibang bansa. Ngayon, hinihintay ko ang part two para malaman kung magkakabalikan ba sil!." Inexplain ni John at na confuse ako.

"Teka, writer pala si Marj?" Tanong ko.

"Ou bro, you should read the story. Ang ganda kaya!" Sagot ni John.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top