Chapter 24

Dahil naman sa reaction ko, natawa ang iba at tumalikod sila para hindi makita ni Cass.

"Mahal kita Simon!" Bumalik ang atensyon namin kila Cass at Simon. "Mahal na mahal kita dati pa! Simula pa nung sinagip moko sa rooftop. Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa ako kaya please... wag mokong iwan..."

Tuloy ang pag-iyak ni Cass at parang nakuha nadin ni Juan ang gusto niya. At biglang nag-tawanan ang lahat. Nagulat si Cass kung bakit sila nag-tatawanan.

"Uy bro, siguro naman narinig mo na ang gusto mong marinig! Bumangon kana diyan!" Malakas na tawa ni Juan at di makapaniwala si Cass sa nakita niya.

Dahang dahang minulat ni Simon ang mga mata niya.

"Mahal mo ako? Wala nang bawian yan ah." Ngiting abot langit ang nasa mukha ngayon ni Simon.

"Walang hiya ka! Pinag-mukha mokong tanga! Mapapatay kita!" Galit na sigaw ni Cass habang pinag-susuntok si Simon.

Dumipensa si Simon tapos sinalo ang mga kamay ni Cass.

"I'm sorry..." Sincere na sabi ni Simon at yun ang signal para mag-silabasan kami.

"Pero gusto ko pang manood. Ang sweet kaya! Sanaol!" Sabi sa akin ni Dranreb at tinulak ko siya palabas.

"Sanaol sweet." Saad ni Sai at alam ko na nasasaktan siya sa nakikita niya.

Childhood friend si Sai at Cass. Naging magkaibigan sila dahil magkaibigan ang mga nanay nila. Bata palang sila, gusto na ng mga magulang nila na magkatuluyan sila. Hindi ko alam kung naalala pa ni Cass ang pangako nila sa isa't isa nung bata sila, pero mukhang nakalimutan na niya eh.

Kawawa naman si Sai, pero kahit nasasaktan yun, hindi niya pinakita kay Cass. Masaya siya para sa kanya and that is one of the most painful love. Ang mahalin ang bestfriend mo pero laging iba ang pinipili niya.

Hayst, ang buhay nga naman...

Paano ko nakilala si Sai at Marj? Well, ako lang naman ang pinsan ni Sai at ako lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao ni Sai. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon ni Cass kapag nalaman niya ang identity ni Sai pero sure ako na magugulat yun ng husto.

Pwede ko naman sabihin kay Cass, ngunit nangako ako kay Sai na hinding hindi ko sasabihin kahit na kanino kung sino ba siya talaga. Oh well, hahayaan ko nalang ang tadhana ang mag reveal.

Cassandra

"Uyy sorry na, patawarin mo na ako please?" Nag-pout si Simon at talagang napaka-cute niya.

Kanina pa siya nagpapacute sa akin para lang mapatawad ko siya. Syempre ako, dapat tampo tampo din pag may time. Sarap kaya sa feeling na sinusuyo noh.

"Osige na nga, since sinubukan mong sagipin ang buhay ko." Pabebe kong sinabi.

"So... tayo na?" He wiggled his eyebrow and I rolled my eyes.

"In your dreams, ligawan mo muna ako.. I want grand surprise kapag inask mo akong maging girlfriend mo. I want to feel special." I sticked my tongue out at imbis na malungkot siya ay tila naging masaya pa siya.

"Ayun lang pala eh, I will make you the most special and happiest girl ever. Thank you for giving me this chance Cass." Nanlaki ang mga mata ko kasi diko narealize ang sinabi ko.

"I mean, nililigawan mo naman na talaga ako diba? Di ko alam kung bakit nasabi ko na ligawan mo muna ako ehehe" Napakamot ako ng ulo.

"Pero para sayo, hindi pa opisyal ang panliligaw ko dahil hindi mo pa tinatangap ang pagmamahal ko. Ngayon opisyal na!" Masaya niyang sinabi.

Bago pa ako makasagot, ay bigla niya akong hinila at hinalikan ang noo ko. Syempre, ako naman etong namula at kinilig.

"Cute mo pag kinikilig ka." He commented and I rolled my eyes.

"Yeah yeah whatever." Yun na lamang ang sinabi ko before I turned around para itago ang mukha ko.

Chill lang Cass chill! Syempre pa hard to get muna tayo hehe

"Alam mo..." He trailed off at sinilip ko siya sa balikat ko. "Di ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sayo. Sorry at nasaktan ka dahil nag-ingay ako, uminit lang kasi ang-"

Natigil siya sa pagsasalita dahil inakap ko siya. Tumulo ang mga luha ko nang naalala ko ang nangyari.

"A-ako dapat ang humingi ng tawad, nasaktan ka nang dahil sa kahinaan ko." Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga mata ko gamit ang hinlalaki niya.

"Hindi kahinaan yun..." He trailed off while giving me a sincere smile. "If I was in your position, I would do the same. Hayop lang talaga yung Hans at Demonia na yun."

"I'm just glad you're okay, masaya na ako kasi walang nangyaring masama sayo. I mean, meron pero hindi major." I cried.

"Wag ka nang umiyak, ayoko na umiiyak ka. Pumapanget ka eh." Okay na sana ang mood pero sinira niya pa.

"Mapang-asar ka talaga!" Hinampas ko siya at napa-aray siya. "Ay sorry sorry, nakalimutan ko-"

Tumawa siya nang malakas at dun ko lang natanto na binibiro na naman niya ako.

"Loko loko ka talaga!" Pinag-hahampas ko siya at wala akong pake kung masaktan siya.

Sinalo niya ang mga kamay ko at nilapit niya ako sa kanya. Sa sobrang lakas ng kutob ng puso ko, ay hindi ko na alam kung lalabas ito sa dibdib ko. Napakalapit niya sobra at para bang bibigay na ako. Then bigla niya akong hinalikan sa pisngi at natulala na lang ako.

"Dyan muna hangang hindi pa tayo. I love you Cass, hinding hindi ko na hahayaang may mangyaring masama sayo. Mahal na mahal kita." Inakap niya ako at inakap ko din siya.

I wanted to say 'I love you too' pero pinigilan ko muna ang sarili ko. At the moment, I feel like I'm living in a dream na kapag sinabi ko ang words na yun, bigla nalang akong magigising at mawawala si Simon. Sabihin ko nalang yun kapag naging kami na officially.

Habang nakaakap ako kay Simon, nilanghap ko ang amoy niya at napaka-bango niya. Hindi ko gustong humiwalay sa kanya, gusto ko andito lang kami habang buhay at hindi ko na itatangi pa, mahal na mahal ko din siya.

At syempre hindi mawawala ang mga tao na tila laging sumisira ng moment niyo.

"Cass- hala sila, dito pa talaga nag-landian." Nang pumasok si Marj ay humiwalay agad ako kay Simon.

Namumula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

"Wrong timing ka talaga Marj." Simon sighed in disappointment.

"Agik ka, binigyan na nga namin kayo ng thirty minutes. Need ko kasi yung list, pinapakuha ni Keith." Sabi ni Marj at may binigay na papel si Simon sa kanya.

Normal POV

"Ano yun?" Tanong ni Cass.

"Wala yun, listahan lang ng pagkain na balak naming lutuin." Sagot ni Simon.

Hinihintay ni Keith, Yvonne at Juan ang pag-labas ni Marj para makita ang listahan na binigay ni Simon. Pag kabukas ni Juan ay may nakita silang limang lalaki na naka drawing at may notes sa gilid.

Guy 1: Tatlong suntok, apat na sipa
Guy 2: Isang suntok, tatlong sipa
Guy 3: Limang suntok, isang sipa
Guy 4: Limang suntok, anim na sipa
Hans: Bugbugin para matatak sa utak niya to never mess with me or Cass ever again!
Demonia: Girls will deal with her

"Di parin talaga siya nag-babago. Nilista lahat ng ginawa nung mga taong ng bubog sa kanya." Comment ni Juan while shaking his head. "Eto may sulat pa, iwan daw natin si Hans para sa kanya. Kawawang Hans."

"Mas kawawa yung guy 4." Turo ni Yvonne.

"What's the letter for?" Marj asked.

"Revenge."Keith answered.

Naintindihan agad ni Marj kung ano ang pakay nila.

"Sige, tara na. Been a while since the last time na nang-bugbog ako noh." Pinatunog ni Juan ang kanyang mga daliri at leeg.

"Lez gaw! I haven't had a proper fight in a long time!" Ngumisi si Keith.

"Tawagin ko na ang mga kasama ko, magbabayad yang demonya na yan." Saad ni Yvonne.

Back at the Infirmary, pumasok ang teacher na si Mike sa room ni Simon.

"Di niyo ba talaga nakita ang gumawa nito sa inyo?" Tanong ni Mike at tinignan ni Cass si Simon in a questioning look.

"Hindi po sir, lahat po sila naka-maskara." Sagot ni Simon at nanatiling tahimik si Cass.

"I see, ikaw Cass? Nakita mo ba sila?"

"Hindi po sir, sorry." Alam ni Cass na parang may balak si Simon kaya sinakyan na lamang niya ang trip ni Simon.

"I apologize at nangyari toh sa inyo, kung may maalala kayo please pakisabi at kung masyadong traumatizing, pwede nating i-kansel ang trip." Explanation ng teacher.

"Yes po teach and di niyo na po kailangan i-kansel ang trip, sayang naman po yung biyahe at excitement ng iba." Depensa ni Simon.

"Thank you, Simon, thank you Cassandra. I leave you to it." At umalis na ang titser.

Cassandra

"Bakit di mo sinabi ang totoo?" Tanong ko kay Simon.

"Let's just say na, sayang yung revenge kung makakansel ang trip." Sagot niya at napa-nod nalang ako.

He make a good point, pag malaman nila na si Demonia at Hans ang may pakana ng atake, baka mawalan bisa nanaman dahil sa nanay ni Demonia. Kung may balak si Simon for revenge, then wala na ako dun. Hahayaan ko nalang siya ang mag handle.

"Anyways, sino pala ang nakahanap sa atin?" Tanong ko sa kanya.

"Si Sai, may masama daw kasi siyang kutob nung nakita niyang lumabas ng building sila Demonia at Hans na may kasamang apat na lalake. Ayun sinundan niya at nakita niyang pinuntahan tayo, after that nag-request backup siya tas yun, naka savage." Explain niya at natawa ako.

So si Sai pala ang nakahanap, pero bakit sinabi niya na na late na naman siya? Kung hindi dahil sa kanya, baka napano pa si Simon. I need to thank him later.

"Ano yun? Mobile Legends?"

"Parang ganun na nga, tayo yung unang na gank tas dumating sila." Pareho kaming nag-tawanan.

"So ikaw ang firstblood?"

"And you were my Angela."

"Huh, anong connect?"

"Cause you saved me."

"Haha, corny mo. Ikaw yung nag save sakin noh."

Natigil ako nang maalala ko ulit ang ginawa niya para sa akin. Sinubukan niyang patumbahin ang apat na tao para maligtas lang ako pero kahit hindi niya nagawa, masaya akong malaman na may taong gagawa nun para sa akin.

"Bakit ka nakatitig? Baka matunaw ako niyan." I snapped out of my thoughts nang marinig kong mag-salita si Simon.

"Wala, wag mo nang isipin yun." Sagot ko and he gave me a puzzled look.

"Mukhang importante eh, sabihin mo na." Nag-pout siya at nacutan talaga ako.

"O sige..." Lumapit ako sa kanya biglang binulong na "Secret."

"Daya mo!"

Bumalik na kami ni Marj sa room namin at andun nga ang babaeng nanakit sa amin. As soon as Marj saw her, inatake niya ito ng walang warning.

"Hayop ka! How daring daring you na saktan ang kaibigan ko! Tapos ngayon may gana ka pang mag-pakita sa amin! Papatayin kitang bruhang babae ka!" Sigaw ni Marj habang sinasabunutan si Demonia at kinailangan ko siyang hilain.

"Oh my gosh you crazy witch! Isusumbong kita kay sir Mike!" Banta ni Demonia.

"Sige! Mag-sumbong ka at mag-kaaalaman na kung sino ang nambugbog sa mga kaibigan ko! May video ako!" Hindi natakot si Marj sa kanyang banta at nanahimik na lang si Demonia.

"Crazy witch." Bulong ni Demonia at humiga na siya sa kama niya.

"Wala akong pake! Sa susunod na gawin moyun ulet, hindi lang yan ang matitikman mo! You better watch sleep the eyes is you when your eyes is close!" Ginaya ni Marj ang grammar ni Demonia at need kong pigilan ang tawa ko.

Bigla namang pumasok si Daff at sinabunutan si Demonia.

"Demonyita ka talagang babae ka!" Sigaw ni Daff at kami ni Marj ang pumigil.

"Nasabunutan kona sya Daff." Sabi ni Marj.

"She deserves more than that! Pasalamat sya at iba ang room ko!" Galit na sinabi ni Daff.

"You're all crazy witches!" Saad ni Demonia at inumbagan sya ni Daff at natakot si Demonia. "Tama na please, Yvonne and her friends already ready done punishing I."

"Huh? Ano daw?" Tanong ni Marj at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Demonia.

Baka ayun ang ibig sabihin ni Simon when he mentioned revenge. Ano kaya ang ginawa nila Yvonne at parang takot na takot si Demonia. Maya maya ay biglang may kumatok at ako ang nag-bukas.

"I heard a noise, anong nangyayari dito?" It was sir Mike.

I glanced at Demonia at bumilog ang mga mata niya, fear was clearly shown in them at nanginginig na siya.

"Wala sir, prinapraktis lang po namin ang roleplay namin." Sagot ko at umalis na siya.

"Subukan mo pang gawin ulit yun sa kaibigan ko, hindi lang yan ang matitikman mo mula sa akin." Banta ni Marj bago pumunta sa kama niya.

"What she said, dalawa kami ang fight fighting sayo. Malalagot ka talaga sa mga kamao ko, susunod na si Hans!" Sabi ni Daff bago siya umalis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top