Chapter 14

Hindi ko namalayan na ang kalaban na lang namin ay si Marj at Keith.

"Go CasSimon and KeithJorie! Fighting!" Sigaw ni Daff. "Hay naku etong mga beshies ko, nakakakilig!'

Sa huling round, nakabakay si Marj kay Keith at ng dumating ang countdown, hindi na maintain ni Keith ang kanyang balance at kami ang nanalo. Sa sobrang saya ko, inakap ko ng mahigpit si Simon.

"Nanalo tayooo!" Sigaw ko at nang marealize ko ang nagawa ko, humiwalay agad ako kay Simon. "Na-nanalo tayo."

"Galing ko noh!" Pangiti niyang sinabi. "Kaso ang bigat mo."

"Grabe ka naman saken!"

"Joke lang haha, dikana mabiro."

Maya maya ay nag-lakad lakad ulit kami.

"I want a rematch, Marj too heavy!" Reklamo ni Keith at sinuntok siya ni Marj.

"For your information, I weigh 52kg which is a normal weight for a female my age! You're just clumsy, hmph!" Depensa ni Marj.

"Mabigat? Gusto mo buhatin kita para malaman ko kung mabigat ka?" Tanong ni Juan kay Marj.

Lalapit na sana si Juan pero pumagitna si Keith.

"I'm just joking bro." Saad ni Keith at iba ang tingin niya kay Juan. "You don't need to carry her just to prove it."

"Okay bro, I surrender." Tinaas ni Juan ang mga kamay niya.

"Ikaw Simon, mabigat ba si Cass?" Tanong ni Yvonne at nag-tinginan kami ni Daff.

"May something." Daff mouthed and I nod in approval.

Baka nag-aaway silang dalawa. Pero kung mag jowa sila, why would Yvonne request Simon to be my partner? Maybe a test? Diko din alam eh.

"Hindi naman." Sagot ni Simon and I raised an eyebrow.

"Anong hindi naman? Magaan kaya ako! Sabi mo kanina joke lang yun!" I pouted at tumawa siya.

"Edi hindi." He smirked.

"Napilitan?"

"Hindi noh."

"Eh ano pala?"

"Wala lang."

"Ha? Ang gulo mo."

"Ha? Hakdog."

"Cheesedog!" Sabay na sabi ni Keith at Marj.

Nagkatinginan ang dalawa at pareho silang tumawa.

Halatang halata sa mukha ni Marj na may gusto talaga siya kay Keith at halata din na may gusto sa kanya si Keith. Hindi ko alam kung bakit hindi pa sila umamin sa isa't isa.

"Aherm, sana all. Eto na sana ang moment niyo ni Simon pero... may jowa na eh. Sayang na Sayaaaang..." Sabi ni Daff at nag-kunyare siya na may luhang tumutulo sa mata niya. "Talagaaaaa!"

Baliw ka talaga Daff!

"Anong sayang?" Bigla nalang nag-tanong si Simon.

"Ah eh yung isang kaibigan ko kasi, may gusto siya sa kaibigan kong lalake kaso may jowa na. Although di siya sure sa feelings niya sa jowa niya at matapos maging sila ay bigla silang naging close ng lalaking friend ko. Yung isang friend kotoh ah hindi si Cass." Daff explained and I mentally facepalmed.

"Ah, so parang love triangle." Nilagay ni Simon ang kamay niya sa chin nya.

"Oo parang ganun." Siniko ako ni Daff. "Pero sa tingin mo, ano ang dapat gawin ng kaibigan ko?"

"Well if I was her, I would follow my heart. But it's complicated. Kung may gusto ang friend mo sa lalake, bakit siya nag-jowa?" Reply ni Simon at napaisip ako.

"Oo nga, if I was her, I would choose me." Masungit na sinabi ni Sai at siniko ko siya.

"Corny mo." I commented and he just shrugged.

"Dun lang naman ako magaling noh?" Bulong niya na hindi ko narinig.

"Oo nga, kung mahal niya pa ang lalake bakit kaya siya nag-jowa!" Daff exclaimed while giving me an obvious look.

"Maybe because she wants to move on? You know nagustuhan na niya na ng matagal yung lalaki pero maybe she thought na wala na talagang pag-asa." Sabi ko and I gave Daff the look.

"Sinubukan ba ng babae na tanungin kung may gusto din sa kanya ang lalake? Malay mo meron." Saad ni Simon.

"Bakit babae ang magtatanong, job yun ng lalake noh."

"Walang mawawala kung itry noh."

"Meron, friendship. Marami ng mag-bestfriend ang hindi nagpapansinan ngayon dahil umamin ang isa."

"Porket babae, kailangan ang lalake ang mag make ng first move, paano kung torpe ang lalaki?"

"Torpe man o hindi, mali parin pag babae ang unang mag make ng move. May dignidad din kami noh."

"Guys! Kaibigan ko parin ba ang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Daff and she gave me a look na nagsasabi ng sitwasyon ko na ang napag-uusapan namin.

"Yung kaibigan mo, di ba obvious." I commented.

"Yeah, it's all about your friend." Simon added.

"Hey guys, it's time for the movie!" Sinagip kami ni Keith in the most awkward moment.

Nag-tinginan kami ni Simon pero agad naman akong nag look away. Ano bang nangyayari ngayon, bakit parang pinaglalaruan ata ako ng tadhana.

"G tara let's go!" Excited na sabi ni Marj and we went to the movies.

After the movie...

"Into the unknoooown!"

"Into the unknoooooooooown"

"Aaah haa aah haa!"

Yep, after the movie ay nag-sisikanta si Marj, Keith, Yvonne at Juan. As in non-stop! Ang daming taong tumitingin sa kanila pero parang wala silang pakialam. Yung energy ni Marj at Keith pantay na pantay!

"Into the unknooo-" Biglang napatigil si Keith sa kanta nya.

Lahat kami ay tumingin sa kanya at para bang nakakita siya ng multo. Sinundan ko kung ano ang tinitignan niya at nakita ko si Hans walking towards us.

Nang makita niya ako, lumaki muna ang mga mata niya bago eto napalitan ng galit. Binilisan niya din ang paglakad niya at nang makararing siya sa akin, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.

"Hans! Wai- nasasaktan ako!" Reklamo ko pero di pa rin niya ako pinakawalan.

"Pre, nakakasakit kana/Let her go!." Sabay na sinabi ni Simon at Sai bago kunin ni Simon ang kamay ni Hans.

"Wala kayong pake dito, jowa ko siya!" Galit na sabi ni Hans.

"Di mo dapat sinasaktan ang babae!" Tinulak ni Simon si Hans habang si Sai ay pumunta sa harap ko.

"Wala ka na dun dude!" Tinulak din ni Hans si Simon. "Samin na toh, wag kang mange-alam!"

Mag-susuntukan na sana sila pero pinigilan sila ni Juan at Keith.

"Bro, that's enough!" Saad ni Keith habang hawak si Simon.

"Ano, gusto mo ako ang kalaban mo?" Tinanong ni Juan si Hans but Hans backed away.

Sino ba naman di matatakot kay Juan eh ang laki laki ng katawan at muscle. Sumasali din sya sa boxing at wrestling kaya halatang walang laban si Hans.

"Umalis na tayo dito Cass." Hans demanded.

Nakaharang parin si Sai sa harap ko and I gave him a gentle pat. Tinignan niya ako and I gave him a sincere smile.

"Okay lang, kaya kona toh." I assured him at tumagilid siya.

Tinignan ko si Simon and gave him a sad smile.

"Sorry..." Was my last word before I left.

After nun ay nag walk out si Hans at mabilisan ko siyang sinundan.

"Hans! Hans pansinin mo naman ako! Hans ano ba! Uy!" Tawag ko sa kanya.

Di ko alam kung ilang beses ko nang tinawag ang pangalan niya pero di niya pa rin ako pinapansin.

"Hans!" Pumunta ako sa harapan niya and this time tumigil na siya. "Ano bang problema mo? Bat kaba nag-kakaganyan?"

"Cass tao din ako! Kanina pa kita tinatawagan at tinetext pero ni kahit isa di mo man lang sinagot! Tapos makikita ko nalang na kasama mo ang ex crush mo at ang saya saya niyo! Bakit hindi ka man lang nagpaalam saken!" Galit niyang sinabi.

Chineck ko ang phone ko at nakita ko na naka silent pala iyun para walang istorbo sa sine.

"Sorry, naka silent phone ko. Malakas kasi ang sound kapag di naka silent. Nag sine lang naman kami kanina." Sabi ko at nag sigh siya.

"Sorry din at nasaktan kita, tao din naman kasi ako Cass. Nagseselos din ako. Ayoko lang naman kasi na mawala ka, lalo na kasama mo si Simon. Talagang mag-seselos ako nun." His eyes went soft and he put out a hand. "So, we good? Promise ko sayo babawi ako."

"We're good." Hinawakan ko ang kamay niya at nag hand-shake na kami.

He pulled me into a hug while caressing my hair.

"Basta next time mag-paalam ka sa akin ah, ayaw ko lang naman kasing maagaw ka ng iba." He said softly.

"Oo na, hindi mo naman kailangan mag-selos. Wala na akong gusto kay Simon noh." I assured him.

"Kahit na, Simon Fraser pa rin yun. Sobrang pogi kaya nun." Biro niya at natawa ako.

Bigla na lamang siyang sumimangot.

"Hindi mo ba sasabihin na mas pogi ako dun?" Tanong niya with serious look.

"Luh, ikumpara mopa sarili mo sa kanya. Syempre mas pogi si Simon noh." I only told the truth. "Pero since jowa kita, ikaw na mas pogi."

"Ouch ah, sakit. Kaya grabe ako magselos eh." Natawa nalang ako sa sinabi niya.

Pag-uwi ko ay agad naman akong tinawagan ni Daff kung gusto kong makipag sleepover sa kanila kasama si Marj for girl's night. Umo-o agad ako at pumunta sa kanila. I told them what happened but they didn't question me like they usually do.

"Anong nangyari? Bakit parang wala ata kayong masabi?" Tanong ko sa kanila.

"Ayaw ka lang namin masaktan if we were to give you advice." Sagot ni Marj at nag nod si Daff.

"Masaktan? Bakit naman ako masasaktan?"

"Kasi-" Daff was interrupted when my phone started ringing.

"Oh Hans, bakit ka napatawag?" Tanong ko sa jowa ko.

"Umuwi kana." Demanda nya.

"Kakarating ko lang dito, mag sleepover kami." Sabi ko.

"Ang sabi ko, umuwi kana!" Natakot ako sa tono ni Hans kaya sinunod ko nalamang eto.

"Eto na, uuwi na."

Nag-tinginan si Marj at Daff at nag sorry na lamang ako sa kanila.

"Bebe time haha, sorry pero next time na lang tayo mag sleepover." Sabi ko.

"Sige, mag-ingat ka?" Sinabi ni M arj na tila nagtataka kung ano ang nangyayari.

Paano nalaman ni Hans kung nasaan ako? Pinadownload niya sa akin ang app na pwede niyang makita ang location ko. Alam niya din lahat ng social media accounts ko pati na ang gcash.

I gave it to him for assurance and trust para naman hindi niya ako pagdudahan na niloloko ko siya.

Baka nag-seselos lang yun, hayaan mo na Cass!

Back to school again, at di lang yun, medyo awkward na kami ngayon ni Simon tuwing nakikita ko siya. Gusto ko sanang mag apologize sa kanya ngunit lagi na akong sinasamahan ni Hans.

Ayoko din naman na ipakita kay Hans na parang hinahabol ko yung tao lalo na nagseselos toh sa kanya. Di ko alam pero parang yung relationship namin so complicated. And not only that, tuwing may pupuntahan ako kailangan ko laging mag-paalam kay Hans.

Para siyang bodyguard na bantay ng bantay saken. At ako naman, para bang isang ibon na nakakulong without any freedom. Ang weird diba? I shouldn't feel this way pero eto yung nararamdaman ko.

One more week before the field trip... sana nga makasama si Sai samen. Kawawa naman yung tao

Sabi ni Marj makakasama si Sai sa field trip so hindi ko alam kung ano ang balak nya. Kung ano man yun, basta makasama si Sai, masaya na ako.

"Punta lang ako sa bathroom." Sabi ko kay Hans at nag nod siya.

"Wag kang pupunta sa ibang lugar ah." Simangot niyang sinabi.

"As if may ibang lugar naman sa bathroom." Pabiro kong sinabi pero tinignan nya ako ng masama. "Joke lang."

It was lunch time at nauna na si Daff sa canteen. Hindi niya daw carry ang hintayin kami kasi ang dami naming labing labing.

Matapos kong gamitin ang bathroom ay hinugasan ko na ang mga kamay ko. Not long after, dumating si Demonia at Jessica.

"We finally over got you cornered." Patawang sabi ni Demonia. "This time, wala na talagang sasagip sayo. The acting is over the roof loser."

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya at tumawa ulit siya.

"Once a loser, always a loser. You will always be fooling, tandaan mo yan." Nag-labas si Jessica nang panis na pag-kain at tinapon sa akin. "Now that's is are the what I called pig! Expect more Cassie, this is only the begging."

Umalis na silang dalawa at wala akong magawa kundi linisin ang kanin sa akin. I guess di pa sila nag-sasawang apihin ako

"Be strong Cass, be strong. Kaya mo toh." Sabi ko sa sarili ko sa salamin bago ako lumabas.

Pag-kalabas ko hinanap ko si Hans na tila nawawala. Kaya pala hindi niya ako nasagip, umalis pala siya.

"Anyare sa walang ibang lugar na pupuntahan?" I said to no one at nilabas ang phone ko.

Tinawagan ko siya pero di siya sumagot. Nag-tanong tanong din ako kung may nakakita sa kanya pero wala daw. Palagi sa aking sinasabi ni Hans na dapat magpapaalam ako sa kanya.

24/7 naka monitor ang location ko at mga pinaggagawa ko. Ni hindi ko nanga masyadong nakikita si Daff at Marj nang dahil sa kanya tapos siya ni hindi niya magawang mag-update saken.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top