Darating Din
Matagal nang single si Annie. Okay lang naman siya dahil masaya siya sa mga fictional boyfriend niya, crush na actors, at boy groups. Nag-eenjoy rin siyang sumama kapag nagkayayaan ang mga kaibigan niya ng group date kasama ang boyfriend at girlfriend nila, dahil nililibre siya ng mga ito.Okay lang talaga si Annie.Pero minsan, sumasagi na rin sa isip niya kung kailan kaya siya makararanas at magkakaroon ng boyfriend.Isang gabi ay napagpasiyahan niyang umattend ng free concert sa kanilang bayan. Bukod sa malapit lang mula sa kanila, ay guest performer din ang idolo niyang singer.Ang hindi niya alam ay doon pala magsisimula ang sarili niyang romcom story.…









