Protector: The Forest God
|ONE-SHOT|Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng mga mortal. Matapos nilang itanim, diligan at alagaan ay saka naman nila puputulin, sisirain at papatayin. Gusto nilang maisaayos ang kalikasan pero sila naman itong dahilan ng unti-unti nitong pagkawasak. Kung pagkain at iba pang pangangailangan ang dahilan nila ay yun ang hindi ko nakikita sa mga ikinikilos nila.Kasakiman at kapangyariahan. Iyon ang aking nakikita.Sa ilang libong taon kong pagmamasid sa mga mortal ay mas lalo lang umiigting ang galit ko sa mga ito. Ako si Gael, tagapagbantay at tagapagalaga ng kalikasan. Mas kilala kami sa tawag ng mga mortal na diyos at diwata ng kagubatan.…