Chapter 3: High


Ang lakas pa rin ng ulan. Umabot na hanggang gutter ang baha sa may gate ng campus, nangingitim pa naman. Nakakarimarim, pakingshet.

Lalo tuloy nakakatamad umuwi.

Tripping pa rin si Astro, palibhasa nakalkal na ang gallery ko. Pati mga nananahimik kong picture, ginalugad ng animal.

Nakauwi na sina Mikayla, naiwan na lang ako. Nakikita ko pa rin naman sa room sina Albert, kaso nilalamon na ng ML kaya hindi na ako bumalik doon. E, di si Astro na naman ang kasama ko pati sa pagtambay sa lobby.

Ang ayoko lang sa lobby, ang daming rebulto ni Mama Mary. Hindi ako madasaling tao. Mula noong may mapanood akong horror movie na sumasabay ang multo sa Hail Mary, ginusto ko na lang maging atheist.

Hindi na nga rin ako magtataka kung maraming multo rito sa school.

"Iced coffee tayo, Syl," biglang aya ni Astro sa gitna ng pagmumuni-muni ko.

"'Tang ina mo, bumabagyo na, iced coffee ka pa?!" sermon ko.

"Bakit? Kung hindi ako mag-iced coffee, hihinto ba 'yan? Tara na!"

Hayup din 'tong animal na 'to. Manigas-nigas na 'ko rito sa lamig, gusto pa ng nagyeyelo.

Seryoso 'yong lamig. Isang hangin lang, gigiyangin ka agad. Ewan ko ba rito kay Astro kung bakit pipili na lang ng kape, yung iced pa.

Lumabas kami ng gate. Bungad na naman ang nangingitim na baha sa gutter. Mas tumaas pa nga!

"Ang taas ng baha, gagi!" paalala ko kasi punyeta namang ulan 'yan. Pati mga drainage, barado na.

"Hindi 'yan, gagi! Karga na lang kita."

Hinabol ko siya ng hampas sa likod. "Ang gago mo! Lulusong ka diyan? Gusto mong ma-PGH?"

"Karga nga kita!"

Seryoso siya! Seryoso siya!

"'Yon lang 'yong kapihan, o!" turo niya sa coffee shop sa kabila.

"Eto lang din 'yong baha!" turo ko sa harap ng gate. "Ang lakas ng ulan, gago, basa na 'ko rito!"

Hindi lang ulan ang malakas, pati hangin. Kaya kahit may waiting shed sa gate, talagang basa kung basa kasi ang bagsak ng ulan, slanted.

"Paano tayo tatawid?" tanong ko.

"Gusto mong lumipad?"

Hinabol ko agad siya ng hampas. "Punyeta ka, magkakape ka na lang, babasain mo pa 'ko."

"May payong nga kasi ako!"

"Baha nga kasi!"

"Bubuhatin ka nga, e!"

"Nakapag-third year ka talaga niyan, ha?"

Ang ingay na namin. Feeling ko, mahahampas na kami ng batuta ni Manong Guard kakareklamo namin sa baha, sa ulan, at kung gaano kalayo ang pesteng coffee shop sa kabilang kalsada. Tumalungko siya sa harap ko. Para lang hindi na siya pagtinginan, sumampa na lang din ako sa kanya.

O, e, di para kaming tangang dalawa.

Hawak ko ang payong niya. Tatawid kami. Malinaw.

"Gago, seryoso ka ba?" natatawang tanong ko pa habang naglalakad na siya patawid.

"Eto na nga, paabante na!"

Ang taas ng baha. Lampas na ng sapatos niya. Tatawid kami papunta sa kabilang kalsada.

Sa kamalas-malasan, may dumaang motor na feel na feel ang pagharurot. Gumawa ng butterfly effect ang tubig-baha. Parang um-enter the dragon si Moises sa harap naming dalawa at hinati ang tubig.

Ang sarap mag-insert ng background music ng "Shower me with your love" habang pinaliliguan kami ng tubig-baha sa gitna ng kalsada.

Wow na wow!

"Putang inang payong 'yan, walang silbi!" Ibinato ko na lang sa gitna ng kalsada ang payong ni Astro.

"Payong ko 'yon, hoy! Hahanapin pa 'yan ng mama ko!"

"Ay, sorry, gagi!" Napababa na lang din ako sa kanya para lang kunin 'yong payong na binato ko.

Pumasok lang talaga ako ngayon para gumawa ng kagagahan.


***


"Umiinom ka ng spiced latte?" tanong niya habang tambay kami sa labas ng coffee shop. Bawal daw pumasok kasi basa kaming dalawa. Nasa silong pa rin naman kami, hindi nga lang kasing-init gaya sa loob.

"Ano lasa niyan?" usisa ko nang tingnan ang iniinom niya.

"Lasang ano . . . latte . . . na spiced."

"Hahaha!" Napalakas ang tawa ko. "Ang talino mo do'n. Hindi ko naisip 'yon."

Pero in fairness sa iniinom niya, mabango saka mukhang masarap.

Inginuso niya ang iniinom ko. "Kambing ka ba?"

"Bakit?" tanong ko.

"Favorite mo matcha?"

"Oo, bakit?"

"Kadiri."

"Hayup!" Hinampas ko siya sa braso. "Kadiri pala, e, di sana hindi mo binili! Vuvu ka?"

Ang lakas ng tawa niya, nauntog pa siya sa glass wall na sinasandalan namin.

Ayaw talagang magpatila ng ulan. Buti medyo malawak ang silungan sa gilid ng coffee shop na puwedeng maupuan. Iyon lang, basa pa rin kami kasi natatamaan kami ng patak ng ulan mula sa dulo ng pinaka-roofing.

Hindi talaga magandang idea na mag-iced coffee habang maulan. Nanginginig na ako sa lamig.

"Saan ka pala nauwi?" tanong niya.

"SJDM," sagot ko.

"Saan doon?"

"Doon sa condo malapit sa SM."

"Ah . . ." Napatango-tango siya. "Hindi ko alam 'yon."

"Makatango ka naman!"

Pero malapit lang naman sana 'yon kung hindi lang talaga mahirap humanap ng sakayan ngayon. Mas mahihirapan pa akong mag-Grab ngayon kasi basa na 'ko.

Try ko kayang maglakad? Sure namang paglagpas ko sa Hilltop, may sakayan na.

"Ikaw, saan ka?" tanong ko.

"Hilltop ako."

Sakto, parehong daan.

"Gusto mong maglakad?" alok ko.

"Ang layo . . ." Napanguso siya. "Tara."

Malayo-layo ang Hilltop sa condo ko pero dadaanan naman ang subdivision bago ang amin. Saka may mga jeep na roon o kaya bus. Mas madaling makakasakay dahil may terminal.

Hawak na ni Astro ang payong niya. Hindi nga lang nakabukas.

Gusto ko 'yong kung kailan bumabagyo, saka kami naglalakad nang naka-uniform. Buti na lang talaga, may tsinelas ako sa locker. Ayokong lumusong sa baha nang naka-leather shooes.

Ewan ko kung ano'ng trip ni Astro at talagang nagbukas pa ng music player kahit babad na kami sa ulan. 'Yong payong niya, nasira ko pa yata. Hindi na kasi mapindot ang bukasan.

"Shawty, I don't . . . miiiind . . ."

"Umuulan na, boy!" sermon ko kasi kumanta pa talaga! "Awa na lang, o!"

"Hahaha!" Sinuklay-suklay niya ang basang buhok at mabilis na umiling kaya nagtalsikan pa lalo ang tubig at tumama ang iba sa mukha ko.

"Ano ba 'yan? Aso ka ba?" Napahilamos na lang ako kahit wala na rin namang silbi.

"Alas-dos na pala! Nagugutom ka na ba?" tanong niya pagtingin sa akin.

"Sa bahay na 'ko kakain. Nasira ko ba payong mo?"

"Okay lang 'yon." Tumango siya. Nakahinga naman ako nang maluwag. "Sumbong na lang kita sa mama ko."

Nauna ang tawa ko bago ko pa siya hampasin kaya sabay na lang kaming tumawa habang pagewang-gewang maglakad.

"Hindi nga! Papalitan ko na lang!" natatawang sabi ko.

"Okay nga lang! Para namang ano 'to?" Nagsuklay na naman siya ng basang buhok. "Hulaan ko kulay ng bra mo."

Hinabol ko agad siya ng sipa at lalong lumakas ang tawa niya.

"'Tang ina ka!" mura ko.

"Alam na kasing umuulan!"

"Baka uniform?"

"Ay, sorry na, boss." Kinuha niya ang bag niya saka binuksan ang zipper. Naghatak siya roon ng blue na towel saka inabot sa 'kin. "O?"

"Wow, genelmen."

"Singkuwenta na lang 'yan."

"'Tang ina mo!" Hinapuras ko agad sa kanya ang towel na nababasa na rin ng ulan.

"One hundred bili ko diyan!"

"Pakihanap ng paki ko."

Ito si Astro, hindi ko talaga alam kung paano tumatakbo ang utak nito. Nilakad lang talaga namin mula sa school hanggang sa Hilltop. Nakaka-kalahating kilometro na kami nang makakita kami ng bukas na bilihan ng fish ball saka kwek-kwek.

"Saglit, bibili ako. Nagugutom na 'ko," sabi ko sa kanya.

Pagpag siya nang pagpag ng buhok niyang paulit-ulit din namang nababasa.

"Ang mga bata, paulan-ulan," sabi ni Manang tindera pagtapat namin sa tindahan niya.

"Manang, isang cup nga nitong kwek-kwek. Painit na lang po," sabi ko. "Ikaw, Astro. Kakain ka?"

"Libre mo ba?"

"Wow, kapal."

"Manang, isang squid ball sa akin," sabi niya.

May mga upuan sana doon kaso basa na rin. Bakal yung upuan at naka-tuck sa semento kaya siguradong hindi maisisilong. Doon naupo si Astro at naghatak ng kung ano sa bulsa niya. Pagtingin ko, panyo pala at nakuha pa niyang punasan ang mukha niya kahit nasa gitna naman na siya ng ulanan.

"Cancel na raw ang pasok, a? May pasok pa rin kayo?" tanong ni Manang.

"Na-cancel nga lang po bago mag-lunch," sagot ko.

Inabot na sa akin ni Manang ang order namin ni Astro. Hinintay ko siyang sumilong sa puwesto ko pero pinadala pa talaga niya sa ulanan ang order niya at doon pa talaga kumain.

"G na G ka sa ulan, a?" sita ko.

"Sisilong pa, basa na rin naman."

Sa bagay, may point.

Inubos ko ang order ko at nakitapon sa basurahan ni Manang. Si Astro, itinapon ang baso pero hindi isinama ang stick.

Bumalik kami sa paglalakad sa ulanan. Punuan ang mga jeep na lumalampas sa amin. May mga bus na dumaraan pero ayoko nang parahin kasi basa na ako. Ayokong makipagsiksikan na ganito ako.

"Hilltop ka, di ba?" sabi ko kay Astro.

"Uh-huh?"

Itinuro ko ang kanang gilid namin. "Hilltop na 'to."

"SJDM ka, di ba?" tanong din niya.

"Oo. Ngayon?"

"Hilltop na 'to."

"Oo nga. Ngayon?"

"Gusto mong dumaan sa bahay?"

Pinandilatan ko agad siya. "EH?"

"Wala akong ibebenta sa 'yo, promise."

Lalo akong sumimangot. Paki ko naman sa ibebenta niya?!

"Dali na. Sumbong lang kita sa mama ko. Baka sabihin, ako sumira ng payong niya."

"Gago!"

"Sige na! Mag-explain ka lang 'tapos uwi ka na."

"Seryoso ba?!"

"Oo nga!"

Bakit parang pakiramdam ko, member 'to ng Budol-Budol Gang?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top