Chapter Ten
"Yes, ate, they get along so well," sabi ko habang komportableng naghihintay sa waiting area. "Hindi sila mapaghiwalay na dalawa. Parehong-pareho kasi."
Natawa siya sa kabilang linya. "Good 'yan. Ako na magsasabi kay Sol na hindi na siya ang favorite!"
Napailing nalang ako sa kalokohan niya. "Parang 'di matanda ah."
"Ganyan talaga. Young at heart," aniya at na-imagine ko ang pagngisi niya. "Anyway. Kayo naman ni Vince, kumusta? Any... progress?"
I remembered Vince's confession a few days ago and smiled. "Ayoko ngang magkwento sa'yo. Baka ano sabihin mo kay mama!"
"Ah-hah! So meron nga!" Tumawa ito ng mapang-asar at mas lalo akong napangiti dahil doon.
I feel like a schoolgirl being teased to their crush! Kung kailan naman ako tumanda, tsaka ako kinilig ng ganito!
"I won't tell mama, Luna! Pero, sige, huwag mo nang sabihin sa'kin. Kunwari magugulat nalang ako pag-uwi ninyo," sabi niya kaya natawa ako. I knew it. Lumilipad na ang imagination niya!
"Ewan ko sa'yo, ate," sabi ko nalang.
"Teka, akala ko ba nasa Disneyland kayo? Ba't mo 'ko kinakausap?" tanong niya.
"You called me," paalala ko sakanya.
"Yeah. Bakit ka sumagot?"
Nasapo ko ang noo ko. "Kasi nga tumawag ka, ate."
"Nasaan ba mag-ama mo?"
Mag-ama... Hmm...
My smile came back. "They went to this one ride. Hindi na ako sumama."
"Tsk. Pasalamat ka talaga dumating 'yang si Vince! Kawawa naman ang baby Gab ko 'pag ikaw lang ang kasama! Tinaguriang duwag ng taon!"
Imbes na ma-offend, sumang-ayon nalang ako dahil tama naman siya. Isa 'yon sa mga kinakatakutan ko noon kasi takot talaga ako sa mga rollercoaster, but with Vince here, silang mag-ama ang magkasama sa mga rides. Taga-bitbit lang ako ng gamit at ayos lang sa'kin 'yon. Walang reklamo!
"Duwag ka rin naman, ate," paalala ko sakanya. At least I can ride the ferris wheel and merry go round! I remember she cried when mama tried to bring her to one.
Natawa si ate. "True. Anyway. I called because I read the news about the case you're there for," sabi nito gamit ang mas pormal na boses. "Your testimony was good, Luna. Sana lang ay i-sustain 'yon ng judge dahil mahirap na kung hindi."
"I think it will be sustained. It was relevant and they can't really discredit me so easily." Naisip ko si Luca, ang lawyer na humahawak sa kaso na 'yon. "And Luca is really good, ate. Marami rin siyang experience."
"That's true. Just keep me updated. Alam kong live testimony mo sa Lunes, hindi ba?"
"Yup. Will you watch it?"
"Of course. Pati daw si Sol, makikinood. Good luck with it, Luna!"
"Thank you! I have to go, too, ate," sabi ko nang makita sina Vince at Gabriel na palapit na sa'kin. Gab was hopping with a huge grin on his face while Vince was smiling, too. Ang g'wapo nila pareho at ang sarap nilang panoorin na magkasama. Magkamukhang-magkamukha kasi.
"Okay. Kiss Gab for me! Bye!"
"Hey, how was it?" tanong ko nang makalapit na sila. Agad tumabi sa'kin si Gab kaya inabutan ko siya ng tubig.
He took a huge gulp before responding. "Fun, mama! Pero sabi ng isang guy kanina, the ride is more fun at night! Sama ka mamaya, mama!"
Nanlaki ang mga mata ko pero pinilit kong ngumiti. "Uh, I'm fine, Gab. You and papa can go again later."
Ngumuso siya. "Ayaw mo, mama? You can see the whole Disneyland from up there!"
Iniisip ko palang ay parang nahihilo na ako. I chuckled nervously. "It's okay. Dito nalang ulit si mama later, okay?"
Sandaling natahimik si Gab bago umiling. "It's fine, mama. Papa and I already tried it. No need for later again."
Nagkatinginan kami ni Vince pero nagkibit-balikat lang siya bago umupo sa kabilanh gilid ko. Kinuha niya mula sa'kin 'yung tumbler at uminom, tahimik lang.
"Why not? Sabi mo, it was fun," tanong ko kay Gabriel.
Nagsalubong ang mga kilay niya, para bang hindi natuwa sa sinabi ko. "Kasi, mama, dark na mamaya. Hindi ka p'wedeng mag-isa dito."
Nagulat naman ako doon. I chuckled, a bit touched with his thoughtfulness. "Everyone's nice here, Gab. I'll be fine."
"No, okay lang, mama. Papa and I won't go. Right, papa?" hanap nito ng kakampi mula sa katabi ko.
Tinignan muna ako ni Vince at nginisihan bago tumango. "Right, young man. 'Di p'wedeng mag-isa si mama."
Napailing nalang ako at hindi na umangal pa. I won't be able to convince them otherwise.
"We should rest a bit, huh, Gab?" tanong ni Vince at umakbay sa'kin. Nakapagitna ulit ako sakanilang dalawa.
Hindi tumingin sa'min si Gab pero tumango naman. He was busy looking at people walking around. Mukhang masyado siyang namamangha sa mga naka costume pa at iba-iba ang kulay ng buhok.
"You tired?" biglang bulong ni Vince malapit sa'kin. He leaned in and kissed my bare shoulder.
Ngumiti ako at umiling. "You?"
Upo naman kasi ako ng upo dahil 'di ako sumasama sa karamihan sa rides, samantalang siya ay laging sinasamahan si Gabriel. Kaladkaring ama siya.
He shrugged. Tinulak niya ng konti ang ulo ko at nagpatianod ako. Sumandal siya sa balikat ko at mas lumapit sa'kin. Gabriel saw his move and cuddled closer to me, too. Napangiti nalang ako sakanilang dalawa. I am also a bit relieved that I woke a simple tank top. Kung ganitong siksik sila ng siksik sa'kin, talagang pagpapawisan ako lalo.
"Pagod na ata kayo, e," pang-aasar ko sakanila pareho.
"So much walking, mama," munting angal ni Gab at ngumuso pa.
Hinaplos ko ang buhok niya. "Talaga lang. These parks are huge."
"Pagod na rin si papa," sabi niya at sinilip ang papa niya na nakasandal parin sa'kin. Gabriel smiled. "I think he's asleep, mama."
Vince chuckled and moved his head to meet Gab's eyes. "Of course not. 'Di pa ako pagod."
"But you're old, papa," parang namamanghang sabi niya.
I bit my knuckles to hide my laugh. Inirapan ako ni Vince bago tumingin kay Gabriel ulit.
"No, I'm not."
Gabriel pouted. "You're older than tito Sol. And way older than my mama."
Totoo rin naman 'yon. He's five years older than I am, pero wala namang kaso sa'kin 'yon. Age gaps only matter when you're in high school, anyway.
"So what?" Nakanguso na rin ngayon si Vince, ginagaya ang anak niya.
"You get tired easily, papa, if you're old. Like mamu. Diba, mama?" baling ni Gabriel sa'kin.
I grinned and nodded. "Uh-huh. That's right."
"Talaga lang ha..." Ngumisi si Vince at pasimpleng hinaplos ang hita ko.
Namula ako at napaiwas ng tingin sakanya. Gabriel was looking at us curiously kaya sinubukan kong normal na ngumiti.
"I don't get tired easily, Gab, don't worry," sabi ni Vince at mas lalong lumawak ang ngisi. "I can keep up with two more of you."
Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Gabriel, me from shock and him from sudden excitement.
"Talaga, papa? Like... kuya ako, ganon?"
Vince grinned widely. "Yeah. Ilang kapatid gusto mo?"
Kumunot ang noo ni Gabriel at mukhang nag-iisip. Ako naman ay pinanlalakihan ng mata si Vince dahil sa pinagsasabi niya. Walang dudang pulang pula na ako! He saw my expression but only chuckled.
"Maybe two, papa. Tapos dapat sisters," sabi ni Gabriel kaya napatingin ako sakanya.
"Ayaw mo ng kapatid na lalaki?" tanong ni Vince, para bang kayang-kaya niya itong pagbigyan.
Umiling si Gabriel. "I want sisters, papa. Sabi ni tito Sol, mas masaya kapag babae ang kapatid."
My heart melted. I suddenly missed kuya a little bit more after hearing that. Lagi siyang nagrereklamo kay mama kung bakit dalawang babae ang kapatid niya, pero iba pala ang sinasabi niya sa anak ko.
"Uh-huh. Especially if they'll look like mama, huh?"
"That sounds nice, papa! Kailan?" Gabriel eagerly asked.
Napaubo ako doon. "Gab!"
He innocently looked at me. "Yes, mama?"
Napailing nalang ako. Wala rin naman akong p'wedeng sabihin. Natawa si Vince at ginulo ang buhok ni Gabriel. They both sat up properly.
Hinarap kami ni Vince. His arm rested on the bench and one of his hands rested on my knee. Pinanood 'yon ni Gabriel bago ginaya ang papa niya. Both their hands were on my knees kaya napangiti ako.
"Where's our next ride? O kakain ba muna tayo?" tanong niya.
Tinignan ako ni Gabriel. "Mama?"
"Let's go eat..."
He nodded once. "Okay. Let's go eat."
"Ang hirap 'pag spoiled ang mama," Vince teased as we all stood up.
Ngumisi nalang ako dahil totoo 'yon. And I love it.
We spent the rest of the day in Disneyland. Kahit pagod na kami nang maggabi, nakontento nalang kami sa pag-upo sa mga bench doon. Buti nga at nakakuha kami ng mauupuan dahil manonood pa kami ng parade.
Muli ay nakapagitna ako sakanilang dalawa habang nakaakbay si Vince. Gabriel was busy checking all the pins he got for the day. Kanina pa nga sumasakit ang ulo ko sa dami ng pins na binili nila, at may kamahalan pa, pero hindi rin ako nakatutol nang sabihin ni Vince na minsan lang naman. He's right, anyway. Who knows kung kailan ulit kami makakabalik dito. It's not like I'm fond of traveling.
"We should wear those next time," sabi ni Vince at tinuro ang isang pamilya.
They were wearing shirts that said "mom" and "dad" respectively. Even their kids had "son" and "baby" shirts on. I found it so cheesy but sweet.
Ngumiwi ako. I still won't wear it. "Pass."
Vince chuckled. "Ayaw mo? It will be cute."
Naramdaman ko ang mga paru-paru sa tiyan ko, pero hindi nawala ang ngiwi ko. No matter how romantic it sounds, hindi ko ata makakayang magsuot ng ganyan. I can already imagine some of my colleagues seeing me in those cheesy shirts!
"No way, Vince. Magpapaiwan nalang ako kung ganyan."
He laughed even more. "Arte. I bet Gabriel can convince you."
Umiling ako. "Nope. Not a chance."
Ngumisi siya at biglang lumapit sa'kin. "If not him... maybe our future daughters can."
Agad kong naramdaman ang pamumula ng mukha ko. Umiwas ako ng tingin sakanya at tumikhim. This whole day, paulit-ulit niyang sinasabi 'yan at aaminin kong nadadala na ako. Everything was still so new and a bit too fast, pero pakiramdam ko ay ayos lang naman.
Naiilang lang talaga ako dahil tuwing sinasabi niya 'yan... all I can think about are the remaining nights I have with him here, alone in a bed. Mas lalo pa akong nawawala sa sarili tuwing iniisip 'yung mga sinisingit niya sa ilalim ng unan namin.
But then... if he wanted more kids... we wouldn't use those...
He chuckled deeply. "Thinking about it, babe?"
Kinurot ko ang braso niya. "Shh," suway ko sakanya. "Katabi ko ang anak mo. Tumigil ka."
Ngumisi siya. "Busy naman ang anak natin, e."
"Kahit na," kaswal kong sabi kahit nagwawala na naman ang puso ko. The simple things he says really gets to me. Simpleng 'anak natin' ay kinikilig talaga ako. I feel like a damn teenager!
"Fine. Mamayang gabi nalang," malisyosong nitong sabi at kumindat pa.
Umiwas nalang ako ng tingin, hindi na nagtataka kung kasing-pula ko na ang kamatis.
"I'll tuck him in," Vince whispered while I quietly closed the door.
Tumango ako sakanya at pinanood siyang pumasok sa kwarto ni Gabriel. Agad rin akong pumanhik sa kwarto namin at dumiretso na sa shower.
After a tiring day ay Disneyland, nakatulog si Gabriel sa gitna ng byahe. It was really fun, pero pati ako ay sobrang pagod na rin dahil sa kakalakad namin. The traffic going out of Disneyland was also horrible kaya natagalan rin kami sa daan. Thankfully, malapit ng konti ang hotel na tinutuluyan namin kaya nakauwi rin agad.
As I got out of the shower, saktong nagtatanggal ng relo si Vince at ng belt.
He glanced at me. "'Di mo 'ko hinintay?"
I blushed. "Shut up and shower."
Ngumisi siya. "Yes, ma'am. Wait for me," aniya bago pumasok sa ensuite.
Napailing nalang ako at sinimulang patuyuin ang buhok ko. He took a quick shower, saktong kakatapos kong i-blowdry ang buhok ko. Gaya ng ibang gabi, he only had on his pajama bottoms and a plain white shirt.
I was sitting in front of the vanity mirror and he stood behind me. Dumapo ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ko at yumuko siya para sumiksik sa leeg ko.
I felt goosebumps when he sniffed me languidly. "Vince..."
"Tulog na tayo," bulong nito sa mapang-akit na boses. He started kissing my neck slowly.
"Hmm. Pagod na 'ko..."
He chuckled as his arms lowered, wrapping around me. "Ako rin naman. Ano ba'ng iniisip mo?"
Ngumuso ako at sinalubong ang mga mata niya sa salamin. "Malay ko sa'yo. Buong araw mo pa gustong bigyan ng kapatid si Gabriel, e."
Napahalakhak siya sa sinabi ko. "Don't worry, Luna, I'll marry you first."
"H-ha? Nagmamadali ka ata?" kinakabahan kong tanong. It hasn't even been a month yet!
He smiled softly. "I know. Hindi pa ngayon. But I've never been more sure in my life. Like what our son said, I'm old. At this point in my life, I only want long-term."
"M-masyado paring mabilis, Vince," I said uneasily. "Alam kong ako ang mama ni Gabriel, pero ibang usapan na 'yan."
He bent down and placed a soft kiss on my lips. Awtomatiko akong napapikit at ninamnam ang halik niya. When he licked my lower lip, I parted my lips and allowed him entry. The kiss became more intense and deeper, reminding me of his now familiar taste.
Hinihingal kaming naghiwalay pero patuloy ang pagpatak niya ng mga halik sa labi ko. My sleepy brain became even more dazed from his multiple short kisses.
"You can doubt this all you want, Luna, but I have never wanted nothing more. A life with you, Gabriel, and our future children... that's all I will ever want in this lifetime."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top