Chapter XXV

I woke up early ngayong araw dahil tutulungan ko si Ali sa paglipat niya sa condo. Iba talaga kapag anak mayaman.


Nakaligo na ako, naghahanap nalang ng masusuot, I have decided na yung usual get up ko nalang. Tight jeans paired with white oversized longsleeve na naka-tucked in sa harap, sinuot ko na rin yung white converse shoes ko at kinuha na yung tassel bag ko.


"Tita alis na po ako, baka po gabihin ako"

"Sige Hannah basta ingat ka ha"

Umalis na rin ako agad at nagantay ng masasakyan.

Nakarating na ako sa bahay nila Ali, nadatnan ko naman yung lola niyang nasa garden tumitingin lang sa mga halaman.

"Ah goodmorning po, si Ali po?" magalang na tanong ko habang nagmamano.

"Hay sa wakas andito ka na, hmm yang si Ali nasa kwarto gisingin mo na nga, napakaantukin talaga"

"Ah? ganun po ba? sige po thank you po" anong oras na tulog parin si Ali parang walang pinaghahandaan e.


Pumasok na ako ng marahan dahil baka andito rin yung parents niya but as I look around parang wala namang tao.


"Goodmorning po ma'am" nagulat ako nang may nagreet sakin na isa sa mga katulong nila Ali.

"Ah goodmorning po, pero Sophia nalang po" sagot ko.

"Ah sige po ma'am Sophia" ha? sabi ko Sophia nalang e.

"Baka po may gusto kayong maiinom?"

Ihh ano ba to, nahihiya naman ako e. Pero kagabi pa ako nagcrecrave. Hmm what to do?

"Ahhh ate may chocolate milk po kayo? hehe" nahihiyang sagot ko.

"Opo ma'am Sophia, dadalhin ko nalang po sa kwarto ni ma'am Ali, mauna na po kayo"

"Sige po thank you ate ha"

Wow naman libreng gatas sa umaga is lyf.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Ali para gisingin siya, napansin ko namang nakaready na yung mga gamit niya pero bakit iisang maleta lang tapos puro boxes na.


As I entered her room nakita ko na agad siyang angsarap pa ng tulog.

Pumasok ako pero parang may pumipigil pa sakin na gisingin siya, I decided na magayos nalang muna ng gamit niya at ilagay sa backpack para wala na siyang problema paggising niya.

I went to her desk para kunin yung laptop niya when I noticed na naka on ito.

Ishushutdown ko na sana nang napansin kong basag yung screen ng konti, parang last time naman perfectly fine to ah, maalaga si Ali sa mga gamit niya.

I didn't mean to peak but when I saw kung ano yung nasa screen it dawned on me.


"Anna?"

Napaatras ako sa gulat. Gising na pala si Ali.

"Uhm ah hi boo, goodmorning" pasimple kong sabi bago lumapit sa kama.

"What are you doing?" mahina niyang tanong habang kinakamot pa ang mata.

"Ahhh wala boo nagaayos lang, sarap pa ng tulog mo e"

"No.." kinakabahan ako baka kung anong isipin niyang ginagawa ko.

"I meant what are you doing here when it's so freakin early"

Nakahinga rin ako ng malalim.

"Ah?! yun ba? ahaha kasi naman sabi ng lola mo tulog ka pa, aabutin tayo ng traffic niyan bumangon ka na nga"

"Right right as if magsasara yung condo" sabi ni Ali habang bumangon at papuntang cr.

"Aba may sinasabi ka?" pangaasar ko.

"Wala po sabi ko nga aalis na tayo, maliligo lang ako" sagot niya.

Napangiti nalang ako at naalala yung aayusin kong mga gamit. Binalewala ko nalang lahat at pinaglalagay na yung mga gamit ni Ali sa bag niya.

Natapos ko to agad kaya humiga muna ako sa kama ni Ali.

Nagulat ako nang natakpan ako ng tuwalya, tinanggal ko to agad at tumingin sa pinaggalian.

Kalalabas lang ni Ali sa banyo, naka unbotton pa yung jeans niya at nakasports bra lang. Rawr naman po may pa calvin klein.

Dumeretso siya sa closet niya at naghanap ng damit. Hindi ko naman maiwasang mapatingin lang sa katawan niya, those abs are so mad huh.

"Mainit ba sa labas boo?" tanong ni Ali na nagpawala sakin sa kung anong imahinasyon man yon.

"Di masyado boo mahangin pa nga e" sagot ko.

Naglabas siya ng black shirt at isinuot bago tinuck in.

Nagulat ako when she reached in so close to my face nararamdaman ko na yung hininga niya.

"A-ali.." natatarantang sabi ko.

"Hmm?" sagot niya at lumayo ng konti.


Inaabot lang pala niya yung sumbrero niya. shit nakakahiya ka Sophia.

"Ah? akala mo ba ha-"

"Ay shhhhshh pstt! hinde" pinigilan ko na agad yung sasabihin niya.

"Pwede naman ah.." nakangisi niyang sagot.


Lumapit siya sakin ng dahan dahan, nakailang atras na ako hanggang bumangga na yung likod ko sa pader.

She put her arms beside my head and tilted her face while still smiling. I can feel water na tumutulo pa sa buhok niya sa leeg ko.


"Stop. moving." pirmi niyang sabi.

Time felt so slow at the moment, di ko alam kung anong gagawin ko.


"Ma'am Sophia? yung chocolate milk niyo po" biglang bumukas ang pintuan kaya naman inalis na ni Ali yung kamay niya at tumingin kay Ate na pumasok.

"Ay ma'am Ali sorry po.." mahinang sabi nito.

"It's fine ate but bring it sa breakfast table nalang bababa na rin kami" sagot ni Ali.

"Sige po" sambit ni ate bago tuluyang umalis.

What was that..


"Do you eat cereals for mornings boo? sanay sila manang na hindi nagluluto ng agahan ko e" she asked me.

I can't get my mind straight pa so I just nodded.

"Don't worry, manang makes the best orange juice. I'll have her make a pitcher"

Kinuha na ni Ali yung backpack niya after tying her shoes and blowdrying her hair.

"You coming?" tanong niya bago lumabas ng pinto. I have to think of something else. Jusko Ali mababaliw ako sayo.

We sat down sa breakfast area sa baba at pinanood ko lang si Ali habang sumusubo ng cereals.

I sipped my chocolate milk before speaking.

"So? where's tito and tita? di ka ba nila ihahatid?" tanong ko.

"They went to Berlin last night, bussiness chuchu. We already had family dinners since last week, that's enough" sagot ni Ali habang kumakain parin.

"Aliya ha pumirmi ka na, uuwi ka dito sa weekends okay?" sabi ng lola ni Ali.

"Opo basta may ohelas" sagot niya.

Inilagay na ni manang yung orange juice sa table bago tiningnan si Ali.

"Oo na manang mamimiss din kita, kahit tinitingnan mo ako ng ganyan every breakfast"

"It's just cereals manang, it won't kill me"

"Cereal araw-araw ano ba yan puro asukal" ma awtoridad na sambit ni manang.

"Would you rather have me hungry?" pacute na tanong ni Ali.

"Sus ewan ko sayo" sagot ni manang bago umalis. I easily sensed their closeness nung una palang, she has served here sinced Ali was a little child daw e, which made her head of all the other ates hahaha.

Natawa lang si Ali bago napatingin sa likod niya,sa backyard nila.


"Hmm Lucas should be playing na by this time, shall we go see him boo?" tanong niya sakin bago inubos yung kinakain niya.

She's so tough looking sa labas ng bahay nila that seeing her like this is heart-warming.

I watched her play with Lucas bago niya ito panggigilan at dalhin sakin.

We played hanggang sa kailangan na daw matulog ni Lucas.


"Aw it's nap time boiii, Ate will leave na ah babalik balik ako for you okay?" pagpapaalam ni Ali sakanya bago iniabot sa yaya niya.

We went inside and were greeted by Ali's lola.

Ali hugged and kissed her before saying na uuwi siya pag free time niya.

"Oh sige na nga, you should go traffic na" sabi ng lola niya bago ngumiti.

"Sophia pakitulungan nalang to ha, ayaw kasing magsama ng katulong niya doon e" sabi sakin ni lola.

"Ahh opo La, bantay sarado siya sakin" nakangiting sagot ko.

I saw Ali in the kitchen nilalagay sa tumbler niya yung orange juice na gawa ni manang bago kinuha yung backpack niya at tinawag na ako para lumabas.

"God I'll miss my bed" sambit niya bago pinaandar ang sasakyan at tuluyan na kaming umalis sa bahay nila.

"Ah daan pala tayo ng mall mamaya boo" biglang yaya ni Ali.

"Hm? bakit?"



"It's my laptop.."

~~~~~~~

uwu :/

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top