Chapter XXIV
"Ma nailagay na ba dito sa tricycle yung box na pink na nasa kwarto ko?"
Hindi ko pwedeng makalimutan yun andun lahat ng bigay ni Ali.
Agad din akong pumunta sa bahay dahil paalis na kami.
"There you are" kinuha ko na siya sa ilalalim ng kama ko. Hay.
Inikot ko yung tingin ko sa paligid. Bakit andaling iwan kina mama ito? Dito kami lumaki magkakapatid. Mamimiss ko lahat dito lalo na yung kama ko.
"Ma tara na" niyaya ko na sina mama papunta kina Tita Lyn para hindi kami gabihin sa paglipat ng gamit ko.
"Oh Ate Juliet, Kuya Romeo andito na pala kayo. Tuloy kayo" salubong sa amin nila Tita Lyn.
"Nako pasensya na sa istorbo ha natutulog din ata si baby" paumanhin ni mama.
"Ano ka ba ate magkapamilya naman tayo e. Tsaka para may kasama na rin kami dito minsan nakakalungkot kapag nasa trabaho si mister" Sabi naman ni Tita.
"Tita, tito salamat po sa pagpapatuloy sa akin" pagpapasalamat ko.
Sana maging maayos lahat. Sana maging maayos yung pagtira ko dito.
Kamusta kaya sina Ella, si Bri at Keily? Kamusta na kaya si Ali? Sana okay sila.
"Hannah, ito magiging kwarto mo, naayos ko na nung isang araw para maayos ka ng makapagpahinga" pagpapaliwanag ni Tita.
"Salamat po tita"
"Oh siya anak, kumain na muna tayo ng hapunan maaga pa bukas ang alis namin" sabi naman ni mama.
Aalis na talaga sila. Okay lang ba talaga sa mga kapatid ko? o ako yung hindi okay na lalayo sila? Kakausapin ko sila mamaya.
Kumain na kami at naghanda na rin para matulog.
Pinuntahan ko yung mga kapatid ko sa kwarto nila. Nadatnan ko namang nagaayos na rin sila ng kama.
"Cassy! Haze! Jaja!" pagtawag ko ng pansin sa kanila.
"Hi ate dito ka matutulog?" malambing na tanong ni Janeane.
"Oo sana kaso pwede lang ba sa mga ate mo?" nagpa'cute naman ako kina Cassandra.
"Ay ayaw ko na bigla. Nakakawala ng gana ate hindi mo bagay!" Maarteng sabi ni Cassy.
"Ang cute ko kaya di ba adings?" mas lalo akong nagpacute.
"Sige na ate dito ka na, Just stop pouting"
"Love yah!" sabay yakap ko sa kanya na mas lalong naging dahilan ng pagka'inis niya. Hahahaha made my day.
Umayos na rin kami ng pwesto saka ako nagumpisang magsalita.
"Okay lang ba sa inyo 'to?"
"Ang alin ate?"
"Yung paglipat, okay lang ba sa inyo?"
"Hindi, pero kailangan ate para sa atin" sabi naman ni Hazel. Ang mature na niya mag-isip.
"Hindi pa naman kami katulad mo ate na madaming maiiwan dito. Yung mga pangarap mo, Sina Ate Ali. Darating din kami sa point na kami naman yung may panghahawakan para hindi umalis." makabuluhang sabi ni Cassandra.
Sobrang proud ako sa mga kapatid ko. Ang galing na nila umintindi ng sitwasyon.
"Pero hindi pa ngayon yun ate kaya sasama muna kami kina mama" tuloy ni Cassy. Yung dalawa naman nakikinig lang.
"E ikaw ate? Okay ka lang ba na maiiwan ka? Hindi ka ba iiyak kapag wala sina mama? Ako kasi umiiyak kapag iniiwan ako nila mama magisa" biglang sabi ni Jaja at inosenteng tanong niya.
"Okay lang ako dito tsaka kasama ko naman sina tita. Kapag namimiss ko kayo tatawag ako o kaya pupunta ako sa inyo. 'Wag kayong mag-alala sakin. I'm your big sister di ba? Sisiw lang sakin ito" Pinipigilan ko nalang talaga umiyak.
"Kaya kayo study well at susunod kina mama at papa" bilin ko rin
"Opo ate makakaasa ka" sabi naman ni Hazel.
"Magdasal na nga tayo para makatulog na tayo maaga pa kayo bukas" sabi ko naman.
Pinatay ko na rin yung ilaw. Nakatulog na rin kaagad yung tatlo pero hindi parin ako makaramdam ng antok kaya kinuha ko yung phone ko at tinext si Ali.
"Hi boo gising ka pa?"
"Hmm hinde" reply niya.
"Ah ganon?"
"Char lang boo oo gising pa ako, how can I sleep without your goodnight?nakasettle ka na kila tita mo?" tanong niya.
"Goodnight" pagbiro ko.
"Okay tulog na ako" reply niya.
"Hmp di manlang ako sakyan" pagtatampo ko.
"Pano? you're so far away kaya"
Namula ako sa reply niya. Yun ba talaga iniisip niya? o ako lang talaga yung malandi?
"Hello? boo? tinulugan mo ako ulit?"
Myghad Sophia! get out of it.
"No boo may inisip lang" pagrarason ko.
"Ahh.. but if you're wondering oo yun talaga inisip ko"
Nabilaukan ako sa hangin sa nabasa ko at mukhang nagising ko si Jaja, buti nalang natulog lang siya ulit.
"Hoy Aliya tigil tigilan mo ako ha"
"Harsh mo naman po sige na nga next time nalang"
Aba humirit pa.
"Stop it Ali" kilig naman ako inside parang tanga.
"Yeah yeah okay boo, btw I'm moving in sa condo next week, you think you can come?"
Oo pala aalis na rin si Ali sa bahay nila, sa condo na siya near her campus para madali lang daw makapasok at umuwi kapag tumakas siya sa class, hindi ko alam tumatakbo sa utak niya, angkulit.
"I'll come boo"
"Ahh yes! thanks boo"
"I know naman na kailangan mo ako magaayos ng gamit mo" pagbiro ko.
"Dinner's my treat"
Aba alam kung pano bumawi.
"Dapat lang" mayabang kong sagot.
"Hahaha sure thing boo, I finally got my own card regalo sakin ni mom for graduating highschool daw"
"Itago mong maayos, maaamoy nila Ella yan" pagbibiro ko.
"Sainyo naman siya malapit boo hahaha PLM pa nga"
"Hahaha e ano naman regalo ng dad mo boo? he must be proud of you taking bussiness for college"
I opened a sensitive topic, but I also think it's time to break this wall with Ali. Maybe this will help her to open up a little bit more about it.
"Dad didn't even bat an eye when I broke the news, he just said he wanted to see high grades. Then he'll give me a gift"
Wow. Bakit hindi ko manlang naramdaman na ganun pala kabigat lahat kay Ali.
"It's fine boo don't think about it too much"
"Who says I'm thinking about it"
Sinubukan kong pagaanin yung atmosphere para hindi naman masyadong magisip si Ali.
"Haha fine, you should probably sleep boo I know maaga ka pa bukas."
Anong oras na pala, sarap naman kasi kausap ng paboritong tao mo no.
"Goodnight boo, I'll see you next week? I'm missing you so bad"
"Next week it is, I love you boo"
I love you Ali.
I put my phone down habang nakangiti.
It's not so bad after all, entering college is like starting anew naman daw diba? so I'll start anew, I can do this.
Ihahatid ko pa sina mama bukas. I have to gain a big amount of energy.
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top