Chapter XIII
"Anong oras na ba?" Tinignan ko yung oras sa phone ko. 7 am palang itutulog ko muna to. Event lang naman meron.
"Anak, gising na. Anong oras na oh wala ka bang pasok?" paggising sa akin ni mama.
"Anong oras na ma?" inaantok na tanong ko kay mama.
"7:53 am nak" tumayo na rin ako at dumeretsong naligo. Hindi naman kasi mandatory yung attendance ngayong araw.
Nang makakain na ako at ready ng umalis nagpaalam na rin ako kay mama.
"Ma alis na ako!" sigaw ko.
"Sige anak ingat ka wag magpapagabi" nagantay na ako ng masasakyan para makaalis na.
Nakarating ako ng 8:45 am sa school kaya hindi ko na nadatnan yung opening remarks.
Nasaan kaya si Ali? Bakit hindi parin nagrereply sakin yun?
Hinanap ko siya pero si Justice yung una kong nakita malapit sa stage kaya tinanong ko na lang din sa kanya.
"Excuse me, Justice nasaan si Ali?" napansin kong nagulat siya sa bigla kong pagdating.
"Ah si Ali? Kanina nakita ko siya may kausap sa phone tapus after nun nagpaalam sa akin na may personal matter na aasikasuhin. I saw her getting inside a black car"
Black car?hindi naman black yung sakanya, personal matter? Mas nagalala ako kay Ali. Magiisang araw na rin kaming hindi naguusap.
"Sige Justice thank you and ang ganda ng event ha" pagpapasalamat ko kay Justice. Maganda nga yung set-up for the event halatang pinageffortan.
Hinanap ko na rin si Keily kasi for sure busy rin si Ella at Bri.
Tinawagan ko si Keily.
"Saan ka?" Bungad ko kay Keily.
"Hi Sophi! Bakit antagal mong pumasok o pumasok ka ba?!" pasigaw na sabi nito sa kabilang linya. Bakit sumisigaw 'to hindi naman maingay sa linya niya.
"Grabe saan diyan yung sagot sa tanong ko?" tanong ko ulit.
"Ay sorry hehe andito ako sa room wala akong kasama e kaya dito muna ako ayoko pa sa conference hall" pagpapaliwanag niya.
"Sige antayin mo ako diyan" binaba na ko na rin yung tawag saka tinawagan si Ali.
"The subscibers cannot be reached please try again later"
Naka'off ba yung phone niya? Ilang beses ko pang tinry pero ganun pa rin kaya nagleave na lang ako ng message.
"Boo nag-aalala na ako sayo. Sabi ni Justice may sumundo daw sayo kanina. I'text or tawagan mo ako kaagad kapag nabasa mo to. Ingat ka ah. I love you"
Dumeretso na rin ako sa room at nakitang nakaupo si Keily sa gilid.
"Keily tara na sa confe panoorin natin yung performances o kaya sa canteen gusto ko ng Vitamilk" pagaaya ko kay Keily.
"Tara sige! gusto ko rin nun e tsaka boring na dito" Sana all happy.
Natapos na rin yung event for morning hinintay namin si Ella for lunch break. Si Bri naman on the way na rin dito sa Rocco park.
Nang makarating na si Bri sumunod na rin sa pagdating si Ella.
"Hi mga sis! namiss ko kayo!" Bungad ni Ella. Isa rin to e ang hyper parang laging naka'energy drink.
"Saan tayo kakain?" tanong naman ni Bri.
"Sa greenwich na lang gusto ko ng carbonara tsaka cheese pizza pero syempre hati tayo sa bayad sa isang box ng pizza" pagaaya ko.
Pumayag na rin naman sila. Nagorder na kami at inaantay na lang yung order.
"Sophi nasaan pala si Ali?" tanong ni Bri.
"Hindi ko rin alam e kagabi pa walang paramdam nagaalala na rin ako" sabi ko naman.
"Siya nga pala Ella magkakasama kayo nila Ali kagabi di ba? Anong nangyari sa kanya dun sa live ni Justice?" Naalala ko kasama pala siya dun.
"Ay oo Sophi dinala siya sa clinic kagabi kasi nahirapan huminga ayun pinag'rest at nag'nebulizer grabe nga pagaalala ko rin nun e pano ba naman kase, bat angsipag nang bebe mo ha?!" natatarantang sabi ni Ella.
She really is responsible..
Dumating na rin yung order namin at kumain dahil si Ella may hinahabol pang oras kasi may program pa ng afternoon.
"Guys uwi na muna ako inaantok ako e" Pagpapaalam ni Bri kaya nagpaalam na rin kami sa kanya.
"Keily sasama ka ba muna sa akin? Dito muna ako manonood ng program" tanong ko sa kanya. Si Ella pumunta na rin sa office ng organization nila.
"Sama na muna ako sayo wala rin akong kasama sa bahay e boring pa" sabi naman niya.
Pumasok na rin kami sa conference hall at naghanap ng mauupuan.
Madaming naready na performances at may mga guest speakers, may pa'contest pa sa mga teachers with cash prize and appliances. Andaming budget ng school.
Natapos yung program around 4 pm kaya lumabas na rin kami.
Biglang nag'ring yung phone ko. Nang tignan ko si Ali. Agad akong nabuhayan.
"Shit si Ali" excited akong sagutin yung tawag.
"Anna? can we go out for a drive? I need to unwind and I want to do it with you" ang hina ng boses niya. Ang bigat ng pakiramdam ko habang pinapakinggan siya.
"Sure boo where should we meet?" malambing na tanong ko.
"Sa 7/11 malapit sa school nalang boo wait for me there" Naglakad na ako agad papuntang 7/11.
"Sige boo ingat ka ha? I love you." mahinahong sabi ko.
"Yes boo. I'll drive safely. I love you most" ang lambing parin niya.
Habang nagaantay ako sa 7/11 naisipan kong bumili ng dalawang hot chocolate para sa aming dalawa.
Nakita kong pumarada yung sasakyan niya sa tapat kaya tumakbo na rin ako papalit doon.
"Hi boo! Here's your hot chocolate nakaka'calm sa pakiramdam yan" sabi ko at sabay inabot yung inumin.
"Thank you boo. You're the best. Let's go? " nginitian ko siya at binigyan ng halik sa pisngi. Umalis na rin kami at napansing nasa labas na kami ng siyudad.
May mga matataas na puno at mga burol. Kaya napagisipan kong ibaba yung bintana ng sasakyan.
"Boo pwede?" tanong ko.
"Sure boo" sabi niya habang nagdadrive.
Nakarating kami sa burol na may simbahan sa tuktok. Kitang kita yung ilog sa likod ng simbahan at yung mga bahay sa di kalayuan. Ang sarap ng simoy ng hangin. Paano niya nalaman yung lugar na to? Ang ganda.
"I used to go here with my grandparents" sambit ni Ali habang pinagmamasdan ang paligid.
Bakit niya naman ako dadalhin dito?
"Oh.. you really were close no?" tanong ko.
"Before lolo died.. yes, but now, lola just wants to be home kahit iinsist ko na lumabas kami. He was my superhero Anna.." nalulungkot na sabi ni Ali.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo siya sa damuhan pababa ng burol.
"When ever I feel down, he would bring me sa bahay sa Batangas.. we'll play from sunrise to sundown, then he'll play the piano before we head to the beach.." kaya pala she played the piano before namin pumuntang beach noon with her cousins.
"I'm sorry boo, I didn't mean to worry you, or be a burden" tumingin siya sakin na tutulo na yung luha niya.
"Shh, hey boo don't cry. I'm here now, you have me always" pagpapakalma ko sakanya.
"That's why I want to bring you here, to show you this.." sabi niya habang tinuturo ang palubog na araw.
"It means a lot to me boo, seeing the sun set and disappear like this.. means I again have conquered another day" pageexplain niya.
"And seeing you beside me while it happens, it gives me another reason to wake up again kinabukasan." bakit pati ako naiiyak na rin.
I know Ali has a lot of secrets, hindi siya vocal, so to see her like this is another milestone for us. She's opening up and gumagaan rin yung pakiramdam knowing that ngayon meron na siyang mapaglalabasan.
"If lolo was here, he'd say I do what I want and what will make me want to see the sun rise and set again." tumingin siya sakin nang nakangiti.
"And you make me feel the same thing boo.." tumulo na yung luha ko habang nagkatinginan kami.
"Ali.." mahinang banggit ko sa pangalan niya.
"Never leave.. boo? never leave me.. please?" nanginginig na sabi ni Ali.
Hindi ko alam kung anong gagawin o sasabihin ko sakanya, this is the first time I've seen her this weak.
I pulled her close and made her lay on my lap.
"You'll always have me Ali.. forever" sagot ko habang pinupunasan ang mga luha niya.
Tumigil na sa kakahikbi si Ali at umupo.
"Now I'm hungry" masigla niyang sabi.
Kanina lang anglungkot nito ah, she's just too cute to handle.
"Boo I want mcflurry and fries.." naka pout niyang sabi.
Gusto ko rin sana pero parang mas masarap ka... mahalin! ano ba?! sarap mong mahalin Ali!
"Drive-thru?" pagsusuggest ko.
Biglang laki ng ngiti ni Ali habang tumatango ng paulit ulit.
Sa wakas masaya na siya ulit.
We were driving back to the city while eating, sinusubuan ko nalang siya kasi safety first no papakasalan ko pa to.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay, jusko baka palayasin na ako nito mag alas otso na e.
I thought idrodrop off lang ako ni Ali pero she came with me hanggang sa pinagbuksan na ako ng door ni Janeane.
"Ma! andito na si ate, kasama si ate Ali!" sigaw niya.
Anak ng! ipapahamak talaga ako nito e.
Natawa lang si Ali at tumingin sakin.
"Hannah?! gabi na ah bat ngayon ka lang?!" sigaw ni mama na nasa kusina.
Sumilip naman sa pintuan si Ali at nagsalita.
"Uhm.. goodevening po tita, sorry po natagalan kong maiuwi si Anna, dinala ko lang po siya sa simbahan. Di na po mauulit." pagpapaliwanag niyo.
"Ah ganun ba? tong batang to kasi hindi manlang nagtetext e, salamat sa paghatid ha." sagot ni mama.
"Walang anuman po tita, di ko naman po hahayaang umuwi magisa ang ganyan kagandang dalaga" nakangiting sambit ni Ali at napatingin sakin.
Ehe enebe..
"Hahaha! si ate!? maganda?!" pangaasar na tawa ni Cassandra.
Natawa nalang rin si Ali sakanya bago kumindat sakin.
"Sobra" bulong niya.
Anglandi naman nito Lord, angsaya ehe.
"Dito ka na maghapunan iha" suggest ni mama.
"Ay hindi na po tita, hinahanap na rin po ako sa bahay." pagtanggi ni Ali.
"Ganun ba? sige magiingat ka." sagot ni mama.
"Opo.." pagpapaalam ni Ali.
"Papakasalan ko pa po anak niyo.." mahina niyang sambit na hindi naman narinig ni mama.
Pinalo ko siya ng mahina bago nagpaalam.
"Thank you for today boo, I love you"
"No boo.. thank you, this day meant so much more because of your existence" sagot niya bago nag flying kiss at sumakay na sa sasakyan.
"Narinig ko yon" pangaasar ni mama.
"Ihh mama naman" inis na sagot ko.
Natawa nalang si mama at nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos ko sa mga trabaho ay humiga na ako sa kama.
You have a message from Boo❤️🐻
"Hey boo, nakauwi na ako. Have your dinner na and take a rest, thank you again for today, I love you so so so much."
Napapikit nalang ako sa saya bago siya nireplyan.
"Get some sleep boo, see you bukas I love you.."
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top