Chapter XII

"Good morning Sophi!"Bungad sa akin ni Keily.


"Ganda ng mood natin ah. Sirain ko kaya" Napasimangot naman sa akin si Keily. Ang hyper kasi e.



"Wala daw si ma'am sa first subject kaya vacant tayo ngayon" Pagbabalita ni Keily. Ang gandang bungad ng umaga ah.



"Tara Keily may pupuntahan tayo" pagyaya ko sa kanya.




Dumeretso na kami sa building nila Ali at nadatnan naming busy sila sa upcoming event for teacher' s day.





"Bakit tayo nandito?" pagtataka ni Keily.



"Di ba gusto mo na mameet si Ali? Siya yung pupuntahan natin dito" pagpapaliwanag ko.



"Ah si Ali, yung bebe mo yung nakasama mo magbatangas tapus yunv nameet mo dahil hinahanap mo sina Br-" tinakpan ko na agad yung bibig niya. Ang daldal e baka may makarinig.




"Ali!" pagatawag ko para malaman niya na nandito kami. Napansin kong umaliwalas yung mukha ni Ali ng makita kami. Nagpaalam din siya sa mga kasama niya.



"Hi boo" matamis na bati ni Ali.



"Mukhang pagod na pagod ka boo. By the way si Keily yung new friend natin. Siya na nga paborito ko sa kanilang tatlo e mas mabait tapus hindi pa mataray at most of all, masunurin" panloloko ko. Napatawa naman si Ali.



"Hi Keily. Welcome to the club. Nagpabudol ka naman kay Sophi" pagbati niya.




"Omy! Is that Justice?!" imbes na abutin ni Keily ang kamay nito iba kaagad ang napansin. Ang childish talaga nito buti cute.




"ah.. oo.. wait tawagin ko" pagaalinlangan ni Ali.



"Ave! Halika muna dito may fan ka oh!" Tawag ni Ali kay Justice. Tinarayan lang siya ni Justice dahil may ginagawa ito.



Teka hindi na sila first name basis? Parang kami nalang din ni Ali. Hindi ako naka'keep up dun ah.



"Ave si Anna at Keily. Friends ko" Ano friend? ako?!



Wag gawing big deal Anna di ba hindi nga alam ng school? So relax.



"Hi guys" bati samin ni Justice ito namang katabi ko parang nakakita ng artista. Hindi na gumalaw at hindi na rin umimik.



"Ali una na ako para matapos na natin at makakain na tayo for lunch nagugutom na ako e. Una na ako guys" Pagpapaalam na Justice. Sabay sila maglulunch? Baka hindi pa niya nasasabi sakin kasi busy.




"Una na rin ako guys ah, Bye boo" pagpapaalam din ni Ali. Yayain ko na nga lang sina Bri at Ella na sumabay for lunch.



Dumeretso narin kami sa room saka dumating yung next teacher namin. Natapos din naman agad yung morning class namin kaya agad kong tinawagan sina Bri at Ella bigla nalang nawala e.



"Ella sasabay ka maglunch?" tanong ko.

"Sorry Sophi hindi muna may date kami ni boyfie e hehe" sagot niya sa kabilang linya. Kaya sunod na tinawagan ko ay si Bri.

"Bri sasabay ka ba samin kumain?" tanong ko.

"Hindi muna Sophi busy e para sa teacher's day. Treasurer Duties" agad din niyang inend yung call halatang busy.

Tinawagan ko na rin si Ali.

"Ali.. sabay ba tayo maglulunch?" pagaalinlangan ko.

"Hindi muna boo. Si Ave kasi e nagcacrave ng japanese food e wala kasing kasama kaya tinanong niya kung pwede samahan ko. Kayo na muna ni Keily a?" pagpapaliwanag ni Ali.

"Ali gutom na ako let's go! " narinig kong sigaw ni Justice sa kabilang linya.

"Boo mamaya na lang ah. Eat your lunch. I love you" pagpapaalam niya.

"Sige boo ingat kayo I love you" pagtatapos ko sa paguusap namin.



Mukhang lahat e busy. Bakit kami ni Keily hindi busy? Hahaha.



Pumunta nalang kami ni Keily sa mall para kumain.



"Uy Sophi! dun tayo o!gusto ko dun sa Pepper Lunch" pagaaya ni Keily.



"E ayaw ko jan, di ko trip" sagot ko.



"Sigiii naa! libre ko na!" excited niyang pagkuntsaba sakin. Aba aba siya na talaga ang favorite ko sakanilang tatlo.



"Di ko trip yung iba. Sige tara na diyan na tayo" natatawa kong sagot.




Pumasok na kami at humanap ng table, nagulat ako nang makita ko si Ali na may dala dalang tray papunta sa table nila ni Justice sa kabilang dulo ng restaurant.



Si Ali nagorder?! She never does that, well bago yun ah.



For some reason I don't know pinili kong hindi magpakita sakanila. Mukhang masaya lang silang nagkwekwentuhan e.



"Huy bat ka naman nakatulala jan?! andito na yung order natin o kain na tayo nagtatampo na yung cute kong tiyan" panggugulat sakin ni Keily.



"Kumain na nga tayo" sagot ko.




Naubos ko na nang mabilis yung inorder ni Keily.




"Lika na Keily, alis na tayo baka malate tayo" pagaaya ko.



"Ha? e wait anong oras na ba? teka lang naman di ko pa ubos tong juice ko magkano din to no." banggit niya bago inubos ang natitira niyang juice.






Bumalik na kami nang school and as always, boring at nakakaantok nanaman ang afternoon class. Di ko na namalayan yung oras hanggang maguwian.



I texted Ali..

"Boo are you still busy? sabay ba tayong uuwi?"

"Dami pang ginagawa boo e. But wait for me sa parking lot, I'll drive you home bago bumalik nang school" reply niya.


Agad na akong nagpaalam kina Keily at umalis papuntang parking lot.



Wala pang limang minuto ay natanaw ko na si Ali na paparating galing sa bandang building nila.



Halatang nagmamadali siya, fixing her hair to put on her cap, she looks tired. But why is she so good-looking, naka denim pants lang siya at white shirt and shoes but still manages to turn heads, I'm lucky sakin lang siya nakatingin.



"Hey boo.." nakangiting bati niya.



Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko bago inamoy amoy ang mukha ko. Ewan ko ba pero gawain niya talaga yun pag magkita kami after a long day.



"Damn my boo still smells fresh kahit tapos na yung araw" sabi niya.



"Sus yang pambobolo mo Ali ha." sagot ko.



Ngumiti lang siya at hinawakan ako sa bewang bago ako hinila palapit sa katawan niya.



"I missed you boo.." nakangiti niyang sambit.



"Namiss din kita Ali" sagot ko.



Pinagbuksan niya na ako ng pinto ng sasakyan at tuluyan na kaming umalis ng school.


Naging tahimik ang byahe pauwi sa bahay namin.




"Uhm boo.. I wanted to let you know that I'll have to sleep sa school tonight because of our two-part event for this evening and tomorrow morning" pagpapaalam niya.



"Ah sure boo, but please update me" sagot ko.



"Yes ma'am, I'll call you" hinalikan niya ako sa noo bago pinagbuksan ng pintuan nang nakarating na kami sa bahay.





Pagpasok ko ay walang bumungad sakin, san kaya sila? angkalat ng bahay kaya nagsimula muna akong maglinis bago magluto for dinner later. Paupo palang ako nang nagring yung phone ko.



"Hi boo.." sabi ni Ali sa kabilang linya.

"Oh okay ka lang boo? nasa school ka na ba?" tanong ko.

"Uhm yes boo, pero hihingi sana akong favor" nagaalinlangang tanong niya.

"Sure ano bang kailangan mo boo?"

"Well ah hindi ko na kasi maiwan yung trabaho ko dito but I forgot to bring mu org shirt for tomorrows 2nd part event e." sagot niya.

"Can you please get it sa bahay? I already told mom." dagdag pa niya.

"Of course boo, san ko ba iaabot sayo?" tanong ko.

"Ah sorry boo ah pero baka kasi nakaalis na kami ni Justice mamaya to buy last minute supplies, I'll ask Ella nalang to take it sa front gate" pageexplain niya.

"Oh-okay boo" mamaya nalang ako magpapaalam kila mama at papa.

Pumunta na ako sa bahay nila Ali.
"Goodevening po tita? ah pinapakuha lang po ni Ali yun-" pagbati ko kay tita





"Oh hi there sweetie, yeah she told me puntahan mo nalang sa kwarto niya upstairs, sorry di na kita maharap ha I'm in the middle of a business call kasi." pinutol na ni tita yung sinasabi ko.



Umakyat nalang ako at kinuha yung shirt ni Ali. Anglaki ng bahay nila lalo sa loob, her room is complete with king-size bed and walk-in closet, di rin mawawala yung flat screen tv and games niya. Napangiti ako knowing na nasa kwarto ako ni Ali, but I have to get to the school na.



I called Ella...



"Hello Ella! saan ka ba? nasakin na yung shirt ni Ali" sigaw ko.

"Ha?! wait! di kita marinig anglakas ng speakers dito nagdry run kasi kami, antay ka papunta na akong gate"





Umuwi na ako matapos maiabot kay Ella yung shirt, nakaalis naman na daw sila Ali to buy things.


I texted her when I got home.


"Ali? kamusta? nakay Ella na yung shirt mo, wag kang magpapagod ha."




Nagreply din naman siya after almost 15 minutes.

"Thank you boo, you're the best, saviour talaga kita. I love you."

"I love you too, text me later" sagot ko.


Mag eleven na ng gabi, tapos na mga trabaho ko dito sa bahay kaya humiga na ako para magpahinga.



Kamusta kaya si Ali, bakit wala parin siyang text. I decided to call her but still no answer.



Sa pagaalala ko naisipan ko nalang magbukas ng social media acc para malibang.


@JusticeAvery is live

Mabilis ko itong pinindot para manood.

"Hi guys! So the celebration for the World Teacher's Day is about to start and I would like to show you the place of the event and the people behind it" paninimula ni Justice sa video.


Umikot siya sa buong lugar nung event sa school and I can see kunh bakit pagod na pagod silang paghandaan yun. Maganda yung kinalabasan ng backdrop and props sa hall ng school.



Pinakilala niya rin yung mga officers niya and nagthank you sa mga students na sumuporta sa event.


"This is Ella, one of our representatives.."


"Hi madlang people kamusta kayo jan" excited na sigaw ni Ella sa video.



Natawa naman si Justice at nagpatuloy sa pagtour.


Nasan kaya si Ali.. bakit hindi pa siya napapakita.



"Guys I actually can't find my responsible auditor as of now but for those who don't know her, her name is Ali, Sam Aliya..."



Ha? pati si Justice hindi siya mahanap.


"Wait is that her?" nakalimutan ata ni Justice na naka live siya nang ibaba niya yung phone, sahig nalang nakikita ko.



"Ali?!" nagulat ako sa lakas ng sigaw niya pero wala parin nakikita sa video.



"Bat ka nandito? we're about to start the event ah okay ka lang ba?" nagalala na ako sa naririnig ko.



"I'm fine Ave napagod lang ata.. get back to your video silly" narinig ko yung boses ni Ali.



"Ay oo nga! hala guys sorry, so as we continue, wag na muna natin iharap sa cam si auditor.."



Binack ko na yung phone ko at sinubukan ulit tawagan si Ali pero hindi parin siya sumasagot.


"Ali okay ka lang ba?"

"Boo napanood ko yung live, are you good?"

"Ali please text me back"

"Boo what's wrong?"



Hindi ko namalayang nakatulog na ako sa pagaantay ng reply ni Ali..

~~~~~~~

uwu :<

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top