Chapter XI
Nagising ako sa pagkatulog ng namalayan ko ang oras. Sunday pala ngayon. Magsisimba pala kami.
"Ate kain ka na daw tapus maligo na para susunod na si mama" Sabi ng bunso namin si Janeane.
"Sige 'ding. Si papa pala?" tanong ko ng mapansin na wala si papa.
"Bumyahe muna para daw may kikitain parin tapus kakain daw tayo mamaya sa Jollibee!" excited na sabi ng kapatid ko. Kaya um-oo na lang ako.
Naghanda na rin ako para magsimba. Pagkadating namin sa church tapus na ang Worship at nagsisimula ng magpreach yung pastor namin.
"His plans will always be greater than ours.. We can make many, but His will prevail." patuloy na pagsasalita ni pastor.
"Ate giniginaw ako ang lakas ata ng aircon ngayon dito" sabi ni Cassandra.
"Eto kunin mo muna jacket ko" iniabot ko sa kanya yung denim jacket ko. Napansin ko sa gilid ni Cassandra na naluluha si mama.
"Whatever doubts you have right now. Just trust His ways. He will never leave nor forsake you." Makabuluhang sabi ni Pastor Phillip.
Nang matapos ang service dumeretso na kami sa Jollibee at kumain.
Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami ng mga 2 pm.
"Pa bakit umiiyak si mama?" tanong ni Hazel bigla kaya napatingin ako kay papa.
"Hayaan niyo muna anak kakausapin ko ang mama niyo" agad ding pumasok sa kwarto nila si papa.
"Hindi ko na kaya magtrabaho dun pa! Mababaliw ako sa mga death threats nila araw-araw!" hagulgol ni mama.
"Tiisin mo muna ma hanggat makahanap ka ng bagong trabaho hindi ko kaya lahat ng gastusin dito sa bahay" mahinahong sabi ni papa.
Napansin kong naiiyak na rin yung bunso kong kapatid sa naririnig niyang sigaw kaya minabuti kong papasukin muna sila sa kwarto.
Lumabas na din si Papa sa kwarto matapos ang ilang minuto nalang namumula ang mga mata.
"Pa okay lang po ba kayo?" pag-aalala ko.
"Oo naman anak. Kung ano man tong pinagdadaanan natin maayos din ito." Lumabas muna si papa.
Kinuha ko yung phone ko at tinext si Ali.
"Ali pwede ba tayong magkita? I need you. "
"Sure boo. Be there in 15 mins."
"Thank you boo"
Hinanap ko si papa para magpaalam.
"Pa pwede pong lumabas? Kasama ko po si Ali susunduin po ako dito" pagpapaalam ko.
"Sige anak basta balik ka bago 7 pm ha?" sabi ni papa. Kaya inayos ko yung buhok ko. Hindi na ako nagpalit kasi okay pa naman yung suot ko.
"Anna!?, tito? tita? andiyan po ba si Anna?!" rinig kong pagsigaw ni Ali sa pinto.
Binuksan ko ito at deretsong niyakap si Ali.
"Wow miss na miss mo ako ah" pangaasar nito kaya naman pinalo ko siya ng mahina.
"Don't worry, I will always miss you more."dagdag na paglalambing niya.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Ali.
"So where are we off to madam ganda?" pangaasar na tanong ni Ali.
"Ih Ali naman e." sagot ko.
Tumingin naman siya sakin nang may pagaalala bago hinawakan ang kamay ko.
"Hmm? why boo? may problema ba tayo? did I do something wrong? are you breaking up with me? kaya mo ba ako gustong kitain?" naluluhang tanong ni Ali.
"Boo.. no. Kumalma ka nga" natatawa kong sagot.
You never failed to lift my mood Ali.
Napahinga naman siya ng malalim at halatang kumalma na.
"Soooo why not samin nalang?" suggest ni Ali.
"Ha? sainyo!?" gulat na tanong ko.
"I mean sa subdivision, may abandoned park kasi sa dulo part after nagpagawa ng bagong club house" pagpapaliwanag niya.
Tumango nalang ako at sumandal sa bintana ng kotse bago ito paandarin ni Ali.
Hmm ready na ba akong iopen up kay Ali to, or should I say, ready na ba si Ali sa kung sino talaga ako?..
Andaming tumatakbo sa isip ko at di ko namalayang nakarating na kami sa subdivision na tinitirhan nila Ali.
"Anna tara dito" tinuro ni ali yung wooden bench sa galid para duon kami umupo. Ang sarap ng simoy ng hangin. Pakiramdam ko nawawala lahat ng iniisip ko.
"Okay ka lang Anna?" pagaalala ni Ali.
"Siguro. I mean feel ko hindi okay" pagalinlangang sagot ko.
"You can tell me, makikinig ako. Just vent it out" sa mga salitang yun bumigay na ako.
"Feel ko kasi may problema talaga sina mama e. Nagiging dahilan siya ng hindi pagtulog ni mama tapus madalas na rin siyang nasa kwarto lang. Nagaalala na ako pati mga kapatid ko nakikita na rin yun" nakakagaan sa loob ng may napagsasabihin nito.
"Napansin ko rin na nahihirapan din si papa sa paghahanap ng pera. Narinig ko din na naghahanap siya ng iba pang trabaho. Pakiramdam ko rin dahil yun sa balak ni mama umalis sa trabaho niya." Naiiyak na kwento ko.
"Ang hirap kasi gusto kong tumulong pero wala pa akong magawa. Gusto kong ireach out si mama pero nilalayo niya yung sarili niya. Si papa nakikita kong umiiyak sa gabi" patuloy parin ako sa pagiyak
"Nahihirapan akong makitang nahihirapan sila. Masakit sakin na pati mga kapatid ko nahihirapan narin tinatanong nila sakin kung anong nangyayari pero hindi ako makasagot. Kahit ipilit kong balewalain at sabihin sa kanila na okay lang lahat,napapansin na rin naman nila" Nanghihinang sabi ko.
"Alam ko naman na hindi talaga kami okay this past few months. Madalas na rin mag-away sina mama. Meron pang pagkakataon na hindi umuwi si papa kasi nagaway sila. Hindi muna ako pumasok ng dalawang araw para asikasuhin mga kapatid ko at mabigay na lang sa kanila yung baon ko" gusto ko na lang iiyak lahat kay Ali.
"Ang bigat na Ali pero wala akong karapatang magreklamo kasi alam kong mas nahihirapan sina mama at papa. Kailangan kong maging okay para sa mga kapatid ko" Yun na lang yung kinaya kong sabihin dahil sa pagiyak ko.
Niyakap ako ni Ali at pinunasan yung mga luha ko.
"I'm sorry, I didn't know."sambit niya.
"Hindi mo na nga kailangan malaman pa e. Sorry kasi sayo ko nalalabas.." paghingi ko ng tawad.
"Hey.. don't even say that, of all that's been happening and all that will happen to you I should be the first one to know Anna. I'm sorry I didn't ask sooner but you don't have to go through it alone." pagpapakalma niya sakin.
"I'm here, like always. To try and take away what I can from your pain. You know from what you said wala akong masabi, but you.. you're strong" tumingin siya sa kalangitan, palubog na rin pala yung araw.
"I didn't think I'd be this lucky... having someone as strong and understanding as you" dagdag niya habang nakatingala parin.
"Times like this prove that boo.. na kahit bumagsak pa yung langit satin ngayon, you'd still come out alive" nakangiti niyang banggit.
"What ever it is, if your parents choose not to associate you with it, then maybe that's what is for the best, maybe they're trying to keep you out of it to spare you the pressure. Cause sometimes parents do that, sometimes they don't..." mahina niyang sabi.
"You're in good hands Anna, God knows that, after all I pray for you everynight." tumingin siya sakin at ngumiti.
Pakiramdam ko tuluyan na akong bumitaw sa mainit na bakal, tuluyan ko nang hinayaang mahulog ako, kung saan hindi ko alam pero alam ko kahit saan pa yun, itatayo ulit ako ni Ali.
"Stand up Anna, this is nothing compared to your level headedness. If you can keep my head above the clouds, you can save yourself too." banggit niya bago ako hinalikan sa noo.
Anggaan na ng lahat. Pagkatapos ko mailabas kay Ali, what she said was right. She did a lot to take my mind off of it din naman, she brought her skateboard and taught me how to skate but what can I say, ghad angbobo ko din dun I'm really starting to lose hope na pinanganak akong magaling sa isang bagay, kahit isa lang Lord.
But Ali.. she always make me feel like I can have it all, like I'm always a step closer to the pot of gold.
"So, napagod ka ba? hahaha" pangaasar ni Ali nang umupo kami saglit, gabi na rin pala sabi ni papa uuwi ako bago 7 pm.
Sasabihin ko na sana kay Ali na kailangan ko nang umuwi pero parang may pinapahiwatig yung mga mata niya.. na gusto niya pa munang magstay dito.
"What's bothering you?" nagaalala kong tanong.
"Hmm wala nakakapagod ka lang turuan." pangaasar niya.
"Ah ganon" pagtatampo ko.
Tumingin naman siya sakin at pinisil ang pisngi ko bahang tumatawa.
"To naman di mabiro, it's just pressure.. you know yung upcoming event naming student government. What if hindi successful, even Justice kept bugging me for assurance na magiging okay yun, and I always comfort her saying yes but even ako nagaalala rin, the teachers are not easy to please." sabi niya.
Ah yun pala yun. Teka.. si Justice?!
"Justice?!" gulat kong tanong.
"Yes, our president? Justice Avery Damian?" sagot ni Ali.
"You're friends with her?! wowww.. she's very popular! she's a debater, good in arts, academics and even represents the school sa mga malalaking events! " amazed kong sabi.
"Wow yun lang napansin mo sa mga sinabi ko boo?! sino ba kaibigan satin? mas madami ka pang alam sakanya ah hahaha, but yes she's a friend now since nalipat ako sa section namin, siya nga namilit sakin to join her party nung election e." pageexplain niya.
Ah ganon. "Pakilala mo ako sakanya ha, para friends na rin ako with her hehe, Pakilala rin kita sa new found friend namin nila Ella at Bri and don't worry sa event niyo, we'll be there to support you" pagkuntsaba ko.
"Okay boo, thank you ah." sagot ni Ali.
"But we really should get going na boo, it's getting late" pagpapaalala ko sakanya at sumakay na kami sa sasakyan para ihatid niya ako pauwi.
Later that night bago matulog, I opened my social media account.
@alithegreat tagged you in a post
Caption: You look so much better when you're happy 💜
Kaya minabuti kong magpost din ng picture niya.
Caption: @alithegreat then I always look so much better when I'm with you 💜🐻
Comments:
@ellaellae!e!e! :"so ano kame display?!🤡"
@BRItneyspears:"oo inaalikabok na nga e."
With that I ended the day and drifted off to sleep with a smile..
~~~~~~~
uwu :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top