Chapter 23


"Hooooo! Go, Sir Jake!! Ang gwapo mooooo!!" 


"Hoy bakla! Kumalma ka nga!" Natatawa kong pinalo ang braso ni Darrel dahil sa sobrang lakas ng boses niya. 


Paano ba naman kasi ay may performance ang mga teachers per faculty. Kaya heto itong katabi ko na ayaw magpatalo mula sa third year advisory class ni Sir Jake na wala rin tigil sa pagchee-cheer. 


"GO, SIR JAKE!!!" At pati itong si Faith ay fan na fan ni Sir. Marami talagang nagkaka-crush diyan kay Sir dahil talagang hindi maitatangging gwapo siya, at ayon dito sa bakla kong kaibigan, may abs si Sir dahil sa paggy-gym nito. Kahit kailan talaga itong baklang 'to. Pati ang pagkakaroon ng abs ni Sir Jake ay alam niya. 


"Mga malalanding 'to. Akala mo naka-mega phone sa lakas ng boses." Komento ni Jonathan. Classmate namin. 


Ang engrande ng venue dahil talagang pinaghandaan ng mga teachers ito pati na ang buong program ng Year-End Party. Dapat lang, dahil ang mahal kaya ng binayaran namin rito. Dapat talaga na masulit namin ang gabing 'to mula sa venue, at syempre lalong lalo na sa mga pagkain! Nakatutuwa rin dahil madaming activities ang program na talagang mae-enjoy ng lahat, mula sa aming mga estudyante pati na rin ang mga teachers. 


Royal Blue, Silver, at Gold ang theme ng party. Suot namin ang class shirt naming mga estudyante kung saan makikita ang logo ng section na kinabibilangan namin. Color coding ang kada Grade Level mula first hanggang fourth year. Emerald green ang para sa mga 1st year schooler, mustard yellow sa mga nasa 2nd year, royal blue sa 3rd year, at maroon naman sa aming mga 4th year. Sa mga seniors naman ay naka-color coding din depende sa strand na kinabibilangan nila. At syempre, ang mga kabilang sa Supreme Student Government o SSG ay may sarili ring shirt. Naka-polo shirt sila ng black na may disenyo itong dark purple. Sa bandang dibdib nakalagay ang logo ng school at sa likod ng shirt nakalagay kung anong titulo ang hawak nila sa SSG. 



"Ate." Napalingon ako nang may kumalabit sa likod ko. 


Isang lalaki ang nag-aabot sa akin ng paper bag. Fourth year din katulad namin, dahil suot din niya ang maroon class shirt nila. Naka-print sa suot niya ang logo ng Section Herons. "Para po sa inyo. May nagpapabigay lang." Sa pagka-sorpresa ko sa sinabi niya ay hindi ko agad kinuha ang regalo. Napaawang pa ang bibig ko, hindi malaman ang sasabihin.


"Ay shutang inabels! Haba ng hair ah." Napatingin ako sa katabi kong si Darrel na biglang inagaw ang regalo sa lalaki. "Pakisabi sa nagpapamigay nito, taken na itong kaibigan ko. Pero, thank you parin." Hindi nagsalita ang lalaki at alanganin lang na ngumiti bago umalis. 


"T*ng ina ka, babae!" 


"Aray!" Napahawak ako sa braso kong hinampas niya. Putulan ko kaya ng kamay 'to? Lagi nalang nanghahampas. 


"Sinong nilalang ang nabihag sa 'yo eh hindi ka nga marunong lumandi?" Tanong niya habang sinisilip ang laman ng paper bag. "T*ng ina, feeling ko tasa 'to." Itinapat niya sa tainga niya ang paper bag tyaka inalog-alog. "Tasa talaga, ghorl." Tyaka niya inabot sa akin, mukhang disappointed pa nga siya. 


Sino naman kaya ang magbibigay nito sa akin? Galing sa fourth year Herons din kaya? Sa apat na taon ko rito sa Valenciano, ngayon palang ako nakatanggap ng regalo. Nakatanggap naman na ako dahil sa bunutan sa classroom christmas party. Syempre, obligado talagang bibigyan ka ng nakabunot sa 'yo, pero iba kasi ito. Kusang ibinigay at hindi ko pa talaga inaasahan. Naku-curious tuloy ako kung sino ang sender.


"Sana all gifted." Napatingin ako sa upuan sa bandang likod ko. 


Iniwan na pala ni Grey na bakante ang upuan niya kaya heto na naman itong si Santino. Hindi kasi namin siya ka-table. Natuwa nga ako dahil walang maingay at makulit kanina, pero heto na naman siya at lumipat para maghasik ng ka-gag*han.


"Sinong nagbigay niyan?" Inginuso niya ang regalong hawak ko. 


"Mama mo." 


"Nasa abroad mama ko." Sagot ba naman niya sa akin. Inirapan ko siya. Rinig ko pa ang pag-tawa niya. Edi siya na ang masaya. 


"Bakit mo tinanggap?" Patuloy na pangungulit niya. 


"Wala kang pake." 


"Ako wala pero 'yong leader ni'yo meron." Natatawang sagot niya dahilan para lingunin ko siya para samaan siya ng tingin. Kung ano-anong sinasabi. 


"What?" Nakangising tanong niya. "Look" Inginuso niya ang direksiyon sa bandang kanan ko kaya napatingin ako rito. 


Parang nagising bigla ang mga kabayo sa puso ko at nagsimula na naman silang mag-karerahan. Ikaw ba naman ang makakita sa crush mo na nakatingin sa 'yo? Hindi ka ba kikiligin? Hindi lang tingin eh, nakatitig siya. Hindi naman siguro ako nagi-ilusyon lang. 


"Ayiieee! Contact eye pa nga." Kanstaw ni Santino dahilan kaya ko mabilis na iniiwas ang tingin ko kay Arc pabalik dito sa saltik kong kasama. Nasaan na ba sila Darrel at hindi man lang ako sinabihang aalis sila? Kami nalang tuloy nitong saltik ang natira rito sa table namin. 


"Sino kayang nagpapamigay nito?" Tanong ko at ibinaling nalang ang tingin sa regalong natanggap ko. 


"Malay ko. Ano ba 'yan?" Inagaw niya sa akin ang paper bag at kinulog ito. "Pambansang christmas gift. Wala bang magre-regalo ng thermos para maiba naman? Lagi nalang tasa." Natawa tuloy ako sa sinabi niya. 


"Buti hindi picture frame." Dagdag pa niya tyaka inilapag sa mesa ang regalo ko. 


"Hindi naman mahalaga kung anong laman ng regalo eh, ang mahalaga may regalo tiyaka malay mo naman nag-effort 'yong nag-bigay nito sa akin na balutin 'to."


"Pati ang pagbabalot ng regalo ngayon binabayaran na. 'Di ka updated? Malay mo ipinabalot lang niya 'yan." Kontra niya. Ang dami talaga nitong alam sa buhay. Panira. 


"Palibhasa wala kasing nagbibigay sa 'yo ng regalo." Pang-aasar ko. 


May kinuha siya sa gilid ng inuupuan niya. "Sure ka?" Tanong niya tyaka inilapag ang malaking paper bag sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko tyaka 'yon kinuha at tiningnan kung ano ang laman. Bumungad sa loob ang mga naipong box ng regalo. 


"Sa 'yo 'to? Weh?" May pagdududa ko siyang tiningnan. 


"Heartthrob ako. 'Di ka updated?" Nonchalant na tanong niya. 


Nawalan tuloy ako ng ganang kalkalin ang paper bag dahil sa sinabi niya kaya ipinadulas ko nalang ito pabalik sa kaniya. "Kung alam lang ng mga nagkaka-crush sa 'yo kung anong klaseng tao ka..." Pailing-iling ako. 


"Maka-anong klase ng tao ka naman. Ano ako serial killer? Rapist?" 


"Rapist ka?" Gulat na sumawsaw sa usapan si Theo na bigla-bigla nalang sumusulpot.


"T*ng in----" 


"Kung ako sa 'yo, Eli, layuan mo 'tong gagong 'to. Rapist pala eh." Hinawakan ni Theo ang braso ko na parang ipinalalayo ako mula kay Santino. Ang OA. 


"Tol, hindi sa pagbubuhat ng bangko, pero itong hitsura ko kinukuhang model sa L.A, tapos pagbibintangan mo lang akong rapist? Where's the justice?" 


"Luh, nasa Pilipinas ka, wala ka sa Los Angheles." 


Napailing nalang ako. Sasakit ang ulo ko sa dalawang 'to. Napainom nalang ako sa natitirang juice sa baso ko. Nagawi ang tingin ko sa direksiyon kung saan ko nakita si Arc kanina. Halos maubo ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Hindi nagtagal ay tumayo siya mula sa inuupuan niya.


"Uy, Eli, ayos ka lang?" Hinawakan ako sa balikat ni Theo. Nag-thumb's up lang ako dahil inuubo parin ako. 


"May nakaalala sa kaniya, tol." Komento ni Santino. 


"Ay totoo. Magbigay ka ng number, Eli dali." Ano?! Tiningnan ko ng masama si Theo. "Dali na!"


"Three." Sagot ko nalang para tumigil na siya. Patuloy ko paring kinakabog-kabog ng mahina ang dibdib ko. Binilang pa nilang dalawa sa mga kamay nila kung anong letter mula sa alphabet ang katumbas ng three.


"C?" Tanong ni Santino.


"Callisto!" Pinag-apir pa ni Theo ang mga palad niya. Timang talaga 'to. Ang lakas-lakas ng boses. 


"Theodore." Napa-angat ang tingin namin sa nagsalita. Si Arc...Bakit ang gwapo niya sa suot niyang simpleng maroon shirt?  


"Ayiiie, Insan! Iniisip mo si Eli noh?" Napatingin ako kay Theo. Anong sinasabi nito? Tiningnan ko si Arc na walang ganang nakatingin sa pinsan niya. "Iniisip mo siya, aminin mo." Kulang nalang ay kilitiin niya sa tagiliran si Arc. 


"Someone's looking for you." At bakit ang angas ng english niya? Ma-angas si Santino dahil laking L.A, pero si Arc Pilipinong-Pilipino, pero ang cool ng englishan. Mapapa-sana all ka nalang talaga eh. 


"Sino raw?" 


"Nasa labas." Tipid na sagot ni Arc tiyaka naupo sa katapat kong upuan. Nakatuon pa ang atensyon niya sa malaking paper bag na nasa tapat ni Santino. Sigurado na marami ring  natanggap na rega itong si Arc. Karamihan ay siguradong galing sa mga nagkaka-crush sa kaniya. 


"Bakit 'di mo tinanong---"


"Pake ko?" Buti nalang ay napigilan ko ang tawa ko dahil sa napaka-bastos na sagot niya sa pinsan niya. Napatingin sila sa akin at ang sama ng tingin ni Theo sa akin. "Hindi kita bati." Parang batang nagmamaktol siyang tumayo.


"Pake ko?" Panggagaya ko kay Arc bilang sagot kay Theo. Hindi makapaniwala ang tingin sa akin ni Theo dahil pinagka-isahan namin siya. Bumaling tuloy ang tingin niya kay Santino, "H'wag nating bati 'tong dalawang 'to, tol." Itinuro pa niya kaming dalawa ni Arc.


"Pake nila. Pake ko rin." 


Natawa ako. 


"'Di sana kayo i-crush back ng mga crush ni'yo." Walang nagawa si Theo at umalis nalang. Hindi naman talaga ako ika-crush back ng crush ko. Bulong ko sa isip ko bago ko ibinalik ang tingin kay Arc. Ayan na naman. Nakatingin na naman siya sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya at pinanood nalang ang emcee sa stage. Awarding na kasi ng mga nanalo sa performance ng mga faculty teachers. 


"Usap lang kayo. Isa lang akong hamak na chaperone rito." Napatingin ako kay Santino na dinudutdot ang dairy milk. Oh edi siya na ang binigyan ng chocolate. 


"Hoy, t*ng ina ka." Biglang dumating si Darrel at talagang binungaran pa ng malakas na hampas si Santino. 


"Tyuma-chansing ka na naman eh." 


"T*ng ina mo, Lagmar, hindi ako interesado sa 'yo." 


Nagkatinginan kami ni Darrel matapos niyang murahan si Santino. Pinanlakihan niya ako ng mata na parang sinasabi niyang 'Gaga, simulan mo ng lumandi!' 


"Hindi rin naman ako interesado sa 'yo." Sagot ni Santino. 


"May ipapakita ako sa 'yo. Tara ro'n." Hinila ni Darrel ang kamay ni Santino at hindi na pinansin ang sinabi nito sa kaniya. Ayaw pa ni Santino, pero dahil patuloy sa pag-hila sa kaniya si Darrel, nag-kusa na rin siyang tumayo. "Sa'n ba tayo pupunta? Bawal mag-yaya sa Sogo ah, bata pa ako, tiyaka 'di ako pumapatol sa bakla."


"Ina mo ka. Anong Sogo ang sinasabi mo?" Nakutusan tuloy siya kay Darrel. 


Nalatagan ng katahimikan ang table namin nang kami nalang ni Arc ang naiwan. Iyong boses ng emcee, ang background music at pati ang mga sigawan at palakpakan lang ang naririnig. 


"You did your makeup?" 


"H-huh?" 


"Hakdog." 


"Ewan ko sa 'yo, Arc." Nakakagulat naman kasi 'to. Bigla-bigla nalang magtatanong. Enebe! Hindi ako prepared. Bakit ba kinakabahan ako? Samantalang tuwing practice ng banda, okay naman. Parang iba kasi ang dating ni Arc ngayon. Parang mas gwapo ba? Hindi ko alam. 


"Makeup mo kako! Ikaw nag-lagay niyan?" Sigaw ba naman niya. 


Humalukipkip ako at nginisian siya ng nakaloloko, "Bakit? Inggit ka? Gusto mo rin?"


"T*ng ina." Natawa ako dahil sa halos pabulong na mura niya, halatang naasar. 


"Happy ka sa ginagawa mo?" Tanong niya, pero obvious na obvious ang pagiging sarkastiko dahil sa nakataas niyang kilay.


"Happy naman. Kaharap ko ba naman ang heartthrob na leader ng Neptune." May pang-aasar parin sa boses ko. "Hintay lang tayo sandali. Baka may biglang lumapit at magpa-autograph sa 'yo o 'di kaya ay magbigay ng regalo." 


"Crazy" Pailing-iling siya, pero nakangisi. Hindi man lang nage-effort magpa-gwapo 'to. 


"Crazy in love with you." Dinugtungan ko ang sinabi niya. 


Okay. Ang random ng sinabi ko. Pa'no ba naman kasi ay bigla siyang natahimik at nakatingin lang siya sa akin pagkatapos kong sabihin 'yon. 


"Ikaw..."


"By Yeng Constantino!" Agad kong dinugtungan ang dapat na sasabihin niya dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Napailing nalang siya na parang nababaliw na ako sa kung ano anong sinasabi ko. 


"Who gave you that?" Tanong niya, tinutukoy ang paper bag sa tabi ko. Kahit ganito ka-simpleng interaction lang kay Arc, ang laking bagay na sa akin. Hindi man halata, pero sa loob-loob ko, ang saya ko. 


"Galing yata sa Herons. May inutusan lang na mag-abot kanina sa akin." 


"Secret admirer?" Nakakunot na tanong niya. Hindi sumagi sa isip ko na may secret admirer ako o kahit man lang ang isipin na magkakaroon ako ng gano'n. Ano kayang nakain ng nagbigay sa akin nito?


"Seems like someone fell from your voice." Komento niya. 


"Grabe ka naman. Parang sinasabi mo namang boses lang ang laban ko. Wala bang laban ang hitsura ko? Kahit ilang percent lang?" Walang hiya-hiyang tanong ko sa kaniya. Maganda naman ako sabi ni Mama. O baka sinungaling lang talaga ang mama ko. 


"Alam mo dapat pala hindi nalang ako nagtanong sa 'yo. Maisyado mo ng pinag-iisipan ang sagot mo eh." Parang simpleng yes or no lang naman. "Hindi naman ako mao-offend----"


"You look beautiful." Natahimik ako. Nakatingin lang ako sa kaniya. "Seryoso nga." Pahabol pa niya na parang nabasa niya ang pagdududa ko sa una niyang sinabi. 


Kung maganda talaga ako, i-crush back mo nga ako. Natawa ako sa biglang pumasok sa isip ko. 


"Why are you laughing?" Nakakunot na tanong niya. 


Umiling ako nang may pagpipigil na ngiti sa labi. "Kaya siguro may naligaw akong secret admirer. Kahit papa'no maganda naman siguro talaga ako." 


"But you're loyal aren't you?" 


Oo, sa 'yo. Loyal ako sa 'yo. "Oo naman. Loyal 'to." Confident na sagot ko. 


"So if your secret admirer ask you if he can court you, are you going to turn him down?" Ano bang mga tanong 'yan, Arc? Parang gusto ko tuloy umasa na nagseselos ang lalaking 'to. 


"Depende." Depende kung magiging secret admirer din kita at tatanungin mo ako kung pwede akong ligawan, syempre tatanggi ba ako? 


Feeling ko sobrang landi ko sa mga bagay na naglalaro sa isip ko. 


"Depends?" Parang gulong-gulo si Arc. Curious 'yan? 


"Depende kung sino 'yong secret admirer na tinutukoy mo." Sabihin mong ikaw, at sasabihin ko ring hindi ako tatanggi kapag ikaw ang nanligaw sa akin. Syempre, joke lang. 


Napakunot siya kaya natawa ako. "Bakit ba ligawan agad? Hindi ba pwedeng mag-college muna tayo? Tuparin muna natin 'yong mga pangarap natin?" Wika ko. 


"Yeah. We must do that...before anything else."


Napangiti ako. Kung sino man ang taong darating sa buhay mo, Arche Callisto, sana palagi kang maging masaya kasama siya, pero bago 'yon, hinihiling ko na sana maging successful ka sa lahat ng pangarap mo sa buhay. 




...

"Hoy, babae, alas nuwebe na. Anong 'hihintayin ko ang sundo ko' ang pinagsasabi mo?"


"Hindi pa nga kasi nagre-reply iyong pinsan ko. Baka busy na naman sa bilyaran. Basta mauna ka na." Sagot ko kay Darrel. 


Kung pwede lang sana akong sumabay sa kaniya pauwi, kaso motorsiklo ang sasakyang dala ng ate niya kaya hindi ako makakasabay. 


"Si ate naman kasi, ba't ba nag-single-single ka pa? Wala tuloy masakyan 'tong kaibigan kong hindi marunong lumandi." Mataray na puna ni Darrel sa kapatid niya. 


Tinaasan tuloy siya ng kilay ni Ate Marga. "Gaga ka mare? Ikaw ang nagsabing ito ang sakyan ko tapos ngayon magre-reklamo ka sa 'kin?...Samahan nalang muna natin si Ae hanggang dumating 'yong pinsan niya."


"H'wag na po, Ate. Okay lang, tiyaka marami-rami pa namang tao ngayon do'n sa Eros Park, do'n nalang po ako maghihintay." Kahit naman close ako kay Ate Marga at Darrel ay may hiya parin naman ako. 


"Ba't ba naman kasi sinabi mong itong single ang i-drive ko para sunduin kayo?" Masungit na sabi ni Ate kay Darrel. Nakalimutan yata ni Darrel na sabay dapat kaming uuwi ngayon. Hay naku, palibhasa inuna niya ang kalandian niya kanina. 


Hindi siya sumagot dahil busy siya sa pagtipa sa screen keyboard ng phone niya. 


"Wala ka bang kakilala riyan na pwede mong pakisabayan umuwi? Ako ng bahalang makiusap sa kanila." Suhestiyon ni Ate Marga. Luminga ako sa mga kapwa ko estudyanteng nagsisilabasan sa main gate. Kumakaunti na rin ang bilang nila, dahil nakaalis na ang iba kanina. 


"Wala po, Ate. Baka nakauwi na rin po sila." Sagot ko tiyaka ibinalik ang tingin kay Darrel na nakangiti. Nakuha pa talaga makipag-landian nito sa chat. 


"Hoy, bakla. Samahan mong maglakad 'tong si Ae papunta sa Eros. Hintayin ko nalang kayo ro'n." 


"Wait lang, girl. Parating na raw ang sundo ng babaeng hindi marunong lumandi." Nakangiting sagot ni Darrel na parang may inaabangan habang nakatingin sa bukas na main gate ng school campus.


Sa pagkakatanda ko ay chinat ko na ang pinsan ko at hanggang ngayon ay hindi parin nase-seen ang message ko. Imposible namang si Darrel ang replayan niya tapos ako hindi? Tiyaka bakit sa gate siya nakatingin at nag-aabang? Ano 'yon? Galing sa loob ang pinsan ko? Ano na naman bang trip ng baklang 'to? 


"Oh ayan na pala!" Halos pumalkpak sa tuwa si bakla.


Napatingin ako sa pamilyar na tunog ng motor palabas ng gate. Akala ko nakauwi na siya? Tumigil siya sa harap namin. 


"Ikaw ng bahala rito sa babaeng 'to, Arc. Siguraduhin mong makakauwi 'yan ng buhay ah." Bilin ni Darrel. Tumango naman si Arc tiyka ako tiningnan, "Hop in." Pwede bang time out muna sa kaka-english niya? Masiyado na siyang maangas eh. 


"Akin na 'yang bitbit mo." Tukoy niya sa paper bag na hawak ko aktong aangkas na ako sa likod ng motor niya. Hoy! Kinikilig ako! Hindi na ako nag-inarte pa at inabot na sa kaniya. Kahit na hindi ko tingnan si Darrel ay alam kong tuwang-tuwa siya sa nangyayari. Hindi lang talaga sa acads matalino ang baklang 'to. 


"Mag-ingat kayo, huh. Diretso uwi." Paalala pa ni Ate Marga. Sa ngisi niya ay parang may kakaiba. Ano na naman kayang tsismis ang ipinagkalat nitong Darrel na 'to sa kapatid niya? 


Umangkas na rin si bakla sa sasakyan nila. 


"Bye. Mauna na kami. See you next month." Paalam ko at kumaway sa kanila. Siguradong magba-bakasyon sa siyudad nila si Darrel kaya malabong magkita kami nitong bakasyon. Ilang linggo lang naman ang Christmas at New Year break bago ulit ang pasukan. 


Kampante ako rito sa likod na nakaangkas dahil hindi mabilis ang takbo ng sasakyan. Hindi kami naka-helmet ngayon ni Arc kaya damang-dama ng mukha ko ang lamig ng hanging panggabi. 


Buong biyaheng walang umiimik sa amin hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Pagbaba ko mula sa pagkaka-angkas ay iniabot ni Arc sa akin ang paper bag. "Thank you, Arc."


"Sa'n ang bakasyon mo bago magpasukan?" 


"Taong bahay lang siguro. Hindi pa kasi sigurado kung makakauwi kami sa probinsiya ngayong bakasyon. Ikaw ba? Anong plano mo ngayon Christmas at New Year break?" Tanong ko. 


Pinatay muna niya ang makina ng sasakyan tiyaka niya ulit ibinaling ang tingin sa akin, "Baka makadalaw kami sa Manila. Do'n na rin siguro kami magpa-pasko't bagong taon."


"Sayang naman." Ang bigla nalang lumabas sa bibig ko. 


Napakunot tuloy si Arc, "Sayang?" 


"Ah, ang ibig kong sabihin...sayang naman kasi wala pala ang leader ng Neptune. Edi walang raket  ang banda ngayong bakasyon kapag gano'n, umasa pa naman akong may galaan sa Campo de Lakwatsero nitong bakasyon." Hindi ako nagda-dahilan para makita si Arc ah. Sadyang gusto ko lang talagang rumaket ngayong bakasyon.


"Gusto mo bang rumaket sa pagkanta?" Tanong niya bigla. 


"H'wag naman sa lamayan ah. Hindi ako handa." Paalala ko na ikinatawa niya ng mahina. 


"No. I know a bar aside from Lakwatsero. Around Luksiao. They invited me twice to perform there, but I was busy with school works so I needed to turn it down." Hindi lang gwapo, study hard pa. Sa'n ka pa 'di ba? 


"They asked me again last week to play for their New Year celebration..."


"Tinanggihan mo rin?" Hindi ko na nahintay pang matapos niya ang litanya niya. 


Umiling naman siya na ikinatuwa ko. "Sabi ko tingnan ko pa. I wanted to ask you if you're free--"


"G! Kailan ba?" Excited na saad ko na ikinangisi niya. 


"Parang kailan lang no'ng nahihiya ka pa't kinakabahan kumanta sa stage, ngayon ang kapal na ng mukha mo."


Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hoy, anong makapal? Ikaw kayang nagsabing kapalan ko ang mukha ko kapag nasa stage ako." Kontra ko. "Tiyaka bokalista ako ng Neptune. Malamang makapal dapat ang mukha kong kumanta." 


"Aeliaa!!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mama. "Andiyan ka na ba? Anong oras na. Pumasok ka na rito!" 


Ibinalik ko ang atensyon ko kay Arc. "Mukhang kailangan ko ng pumasok sa loob. Thank you ulit sa paghatid. Ingat sa pagda-drive." 


Sinindihan na rin ni Arc ang makina ng sasakyan niya. "I'll chat you the other details tomorrow...Good night, Aelia." 


Tumango ako nang may matipid na ngiti sa labi, "Good night din." 


Hinintay kong makaalis si Arc bago ako pumasok sa loob. Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng suot kong pants para kunin ang guitar keychain na nabili ko sa tiangge sa palengke noong nakaraan. Pa'no ko ba 'to ibibigay sa kaniya?... Bahala na nga. Next time nalang siguro. 









Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top