Chapter 10
"Samantha..."
"Everlyse..."
"Samantha... Samantha!"
"Everlyse... Everlyse!"
"No... No..."
"No... No..."
Mabilis na tumatakbo si Joaquin patungo sa roof top ng kabilang building, hindi niya alintana ang pagod at paghihingalo niya kahit halos maubos na ang kanyang hininga makapunta lang agad sa itaas.
Pagbukas niya ng pinto sa may roof top ay bumungad sa kanya si Everlyse na nakatayo pa rin sa pwesto nito kanina, pero kitang kita niya ang panginginig ng tuhod nito.
"Everlyse!" Sigaw ni Joaquin, agad napatingin sa kanya ang dalaga.
Namumula ang mga mata ni Everlyse, halatang pagod na pagod na sa dami ng luhang bumagsak sa kanyang mga mata, kasabay ng panginginig ng tuhod ni Everlyse sa mataas na lugar ay siyang panginginig rin ng kamay ni Joaquin sa takot na baka mahulog ang dalaga.
"Everylse, please, hawakan mo yung kamay ko..."
Inabot ni Joaquin ang nanginginig niyang kamay kay Everlyse, napatingin lang si Everlyse doon ilang saglit itong nakatulala sa kamay ni Joaquin pero nag-iwas rin ito ng tingin doon at muling binalik ang tingin sa ibaba.
Mas lalong lumakas ang pangangatog ng tuhod ni Everlyse nang makita niya ang taas ng lugar, ganun rin ang lakas ng tibok ng puso ni Joaquin sa mga oras na 'to.
"Hindi mo kailangan gawin 'yan Everlyse, madaming masasaktan sa gagawin mo—"
"Walang masasaktan!" Sigaw ni Everlyse sa kabila ng lahat ng takot na nararamdaman niya ngayon.
"Paano ko? Wala ba ako? Masasaktan ako Everlyse!" Mariin na sabi ko.
"Yun nga ang problema, wala namang may pakealam sa akin, wala namang masasaktan kapag nawala ako pero dumating ka pa!"
Napakagat si Joaquin sa labi niya dahil sa sinabi ng dalaga, natatakot na magsalita pa dahil baka mas lalong mabuo ang desisyon nito.
"Dumating ka pa sa buhay ko! Buo na yung desisyon ko na sumama kay Lolo kapag nawala siya kasi siya lang naman yung tao na may pakealam sa akin, pero dumating ka at pinakita mo sa akin yung mga bagay na si Lolo lang yung nagpapakita sa akin."
Malakas ang hangin sa roof top kaya naman hinahangin ang buhok ni Everlyse, nadidikit na ang ilang stand ng buhok nito sa kanyang pisngi dahil sa mga luhang bumabagsak doon.
"Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko..." Mahinang sabi nito pero rinig na rinig ni Joaquin iyon.
Para bang may tumusok sa puso ni Joaquin nang mabitawan ni Everlyse ang mga salitang yun, unti unting bumagsak ang mga luha sa mata ng binatang guro.
"Edi sana hindi ako natatakot na may masaktan kapag nawala ako," Kasabay nang pagbagsak ng luha sa mga mata ni Everlyse ay siya ring pagbagsak sa mga luha sa mata ni Joaquin, "edi sana hindi na ako nagdadalawang isip pa ngayon..."
Mas lalong itinaas ni Jaoquin ang kanyang kamay para mas mapalapit iyon kay Everlyse, "piliin mo lang yung pangalawang desisyon, bibigyan kita ng isang daang dahilan para manatili sa mundo."
Nagsimulang mapatingin si Everlyse kamay ni Joaquin, nanginginig man ang tuhod niya sa sobrang taas ng pwesto niya ay nagawa niyang manatili dun.
"Please Everlyse, piliin mo lang yun," saglit na pinilit ni Joaquin na huwag pumatak ang mga luha sa mata niya,
"piliin mo lang ako..."
Natulala saglit si Everlyse kay Joaquin pero ilang saglit lang ay nag-iwas na ito ng tingin, takot na baka mahila pa siya pabalik ng kanyang guro.
Pilit nilakasan ni Everlyse ang kanyang loob at muli niyang tiningnan ang kanyang babagsakan ngunit mas lalo lang nangatog ang kanyang mga tuhod, ramdam na ramdam niya ang panglalambot ng kanyang katawan.
"Everlyse!" Malakas na sigaw ni Joaquin nang makita niyang mapapikit ang dalaga.
Mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at hinila, sakto naman nang mapapikit ang dalaga ay nahila niya agad ito kaya't bumagsak ito sa kanya.
Ramdam na ramdam ni Joaquin ang pamamanhid niya dahil sa biglaang pangyayari, tiningnan niya agad ang kondisyon ng dalagang bumagsak sa kanya.
Wala na itong malay.
Mabuti na lang at nahila niya agad ito kung hindi ay malamang sa ibaba ang bagsak nito, kanina pa pansin ni Joaquin ang pangangatog ni Everlyse at ang pamumutla nito, para bang naramdaman na niyang mahihimatay ito kaya't umaksyon agad siya nang makita niyang napapikit ito.
Mabilis niyang hinawi ang buhok nitong tumatabing sa mukha ng dalaga, pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito na para bang mahimbing lang na natutulog.
"Everlyse..."
Tipid na napangiti si Joaquin bago niya tuluyang binuhat ang dalaga.
—
Nang magising si Everlyse ay napansin na agad niya na hindi pamilyar ang lugar na pinagmulatan niya, kaya naman mabilis siyang napalingon sa buong paligid para maghanap ng kahit anong bagay na pamilyar sa kanya.
Pero bumungad lang sa kanya si Joaquin na may hawak na pagkain, "gising ka na!" Masayang sabi nito.
Hindi nagsalita si Everlyse, pinagmasdan lang niya ang kanyang guro na nag-aayos ng pagkain sa side table.
"Nahimatay ka kanina kaya't dinala muna kita sa apartment ko para makapagpahinga ka, nagluto na rin ako ng pagkain dahil ilang na oras ka nang natutulog, gabi na ngayon at baka wala ka pang kain."
Pinagmasdan ulit ni Everlyse ang kwarto, kung gayo eto pala ang kwarto ng kanyang guro...
Mabilis na umupo si Everlyse akmang aalis sa kama pero mabilis siyang pinigilan ni Joaquin, "huwag ka munang tumayo, baka mahilo ka lang, maupo ka muna diyan at kumain."
"Pero—"
"Ayos lang, diyan ka muna, kumain ka muna, sasamahan kita bukas na umuwi sa inyo." Ani Joaquin habang kinukuha ang mini table at ipinatong ito sa kama, "tutulungan na rin kitang maghakot ng mga gamit mo."
Napakunot ang noo ni Everlyse at nagtatakang napatingin kay Joaquin, "b-bakit maghahakot?"
Ngumiti sa kanya ang guro, "dahil dito ka muna titira sa apartment ko."
"H-Huh?"
"Yun ay kung gusto mo lang naman na dito muna tumira sa apartment ko, may isang kwarto dito sa kabila na hindi ko ginagamit, pwede nating linisin yun bukas at gawin nating kwarto mo yun, gusto mo bang ibahin yung kulat ng kwarto? Bumili na rin tayo ng pintura, hmm..." napatigil itong saglit at nag-isip, "parang maganda sana yung light pink, ano bang hilig mo?"
Hindi sumagot si Everlyse, "gusto mo ba na black and white lang? Pwede rin naman."
"Meron akong kakilala na nagbebenta ng kama na second hand pero saglit lang nagamit, kasya siya dito sa kabilang kwarto—"
"Bakit mo ginagawa 'to?"
Napatigil si Joaquin at dahan dahang napatingin kay Everlyse, napabuntong hininga ito bago tipid na ngumiti.
May dinukot si Jungkook sa kanyang bulsa, isang maliit na papel na nakatupi, marahan niya iyong inilagay sa palad ni Everlyse.
Muli niyang nginitian si Everlyse at mahinang sinabing, "reason number one."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top