CHAPTER THREE

A/N: Dedicated tot he first commenter.

**********

"Filipa Natalia Ferrer?" pagkokompirma ng matandang puti. Nakatingin ito sa papel na hawak-hawak niya bago napasulyap sa akin.

Nginitian ko siya at sinagot ng, "Yes, sir. That's me."

Napatingin uli ang lalaki sa hawak-hawak na papel bago humarap sa akin. Letse, nahalata ba niyang three years ago pa ang nilagay kong picture sa resume ko? Nakakainis naman! Akala ko madali akong makalusot dahil ang tanda na niya.

Binigyan niya ako ng mapaklang ngiti at sinabihang sumunod sa kanya. Pumasok kami sa loob ng isang maluwang na silid. Walang laman iyon bukod sa dalawang upuan na magkaharap. Palagay ko'y isa iyon sa mga classrooms ng mga bata dahil puno ang dingding ng mga nakadikit na alphabet posters at larawan ng samo't saring hayop at bulaklak.

"Have a seat," sabi ng mama.

Kimi akong naupo sa isang folding chair at humarap sa kanya. Sinikap kong ituwid ang mga balikat kahit na hindi ako masyadong komportable sa maliit na upuan. Nagmistulang upuan ng duwende ang silya nang maupo na rin sa harapan ko ang matandang lalaki dahil sa sobrang laki niyang tao.

"So---you consider yourself a native speaker?"

Nagulat ako sa tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot do'n kahit na ilang oras akong nag-ensayo para sa interbyung ito kagabi. Paano nga ba sasagutin iyon ng isang Pinoy na alam ng lahat na kahit magaling umenglis ay hindi kinikilalang native speaker ng naturang lenggwahe?

"We've actually advertised for a native speaker," patuloy pa nito. Para bagang sinasabi na bakit ka nag-apply gayong hindi ka naman native speaker? Napika ako. Gusto ko rin sana siyang sagutin na bakit mo ako pinatawag para sa intereview gayong iniisip mong hindi naman ako ang hinahanap mong aplikante? Ganunpaman, nagtimpi ako. Pinahupa ko agad ang namumuong galit at ngumiti sa kanya.

"I may not be a native speaker but I have a teaching license and a TEFL certificate so I feel I am qualified for the job."

Hiningi niya agad ang sinasabi kong mga sertipiko. Binigay ko naman agad iyon sa kanya. Tumayo siya at sinabihan akong hintayin ko na lang daw siya roon habang pinapa-photocopy niya ang mga iyon. Pagbalik niya, sinoli niya rin sa akin ang original copy at tinanong ako tungkol sa karanasan ko sa pagtuturo. Napatikhim-tikhim ako dahil sa larangang iyon ay wala akong gaanong masabi bukod sa practice teaching ko no'ng college. Medyo umasim ang kanyang mukha. Makaraan ang ilang sandali, pinasalamatan na niya ako at sinabihang hintayin ko na lang daw ang tawag nila kung tanggap ako o ano. Nanlupaypay akong lumabas ng silid na iyon. I didn't feel good about the interview.

Dahil siguro abala ang diwa ko sa pag-aanalisa ng mga sinagot ko sa mama, hindi ko namalayan na naging berde na pala ang ilaw trapiko. Naabutan ako no'n sa gitna ng highway. Nagulat pa ako nang binusinahan ng kung ilang sasakyan. Napatakbo agad ako papunta sana sa gilid, pero bigla ring napahinto nang may lumusot na humahagibis na sasakyan. Muntik na akong mahagip no'n. Ang sumunod sa kanya'y napapreno nang wala sa oras. Nakakarindi sa pandinig ang parang pagkiskis ng gulong sa aspaltong daan. Pinagtinginan ako ng mga Hapon nang makarating na ako sa tabi. Narinig ko pa silang nagsabi sa Nihongo ng, "Foreigner kasi, e." At napailing-iling pa. I felt so stupid. Tatakbo na lang sana ako sa JR Osaka station sa hindi kalayuan nang may parang tumatawag sa akin. Paglingon ko, nasa labas na ng kotse niya ang isang mama at tila galit na galit.

"Ako ba?" tanong ko sa kanya sa Japanese.

"Oh no! Iyong anino mo ang tinatawag ko," sarkastiko niyang sagot. Nangunot ang noo ko pagkarinig sa boses niya. Nang tanggalin niya ang sunglasses, saka ko nakilala ang hinayupak. Ang hambog na Hapong anak ng kaibigan ni Tita Chayong.

"Ikaw na nga ang muntik na makasagasa sa akin, ikaw pa ang galit? Kakaiba ka rin, ano?"

"Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Nag-jaywalking ka na nga muntik mo pa akong maperwisyo! Sa susunod kapag naglalakad ka sa highway dalhin mo naman ang utak mo!"

Napakuyom ang mga palad ko. Marahil dala na rin ng frustration sa interview ko, nagkaroon ako ng ibayong tapang at lakas ng loob na lapitan pa siya at duru-duruin. Sa kanya ko binunton ang hindi ko nailabas na himutok kanina.

"Sa susunod kapag nagmamaneho ka sa highway iwan mo ang ego mo sa bahay n'yo! Huwag mong laging dala-dala!"

"Hoy! Huwag mo akong dinuduru-duro sa bayan ko. You're here in Japan! Sumunod ka sa rules namin kung gusto mong manatili rito!"

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong napaiyak. Marahil dahil sa sinabi niyang kung gusto kong manatili... It reminded me of my soon-to-expire tourist visa. Ang sabi sa akin ni Tita Chayong, dahil hindi ko naman feel mag-asawa ng nirereto niyang matandang Hapon for a visa, umuwi na lang daw ako sa amin sa Pampanga. Ito na raw ang kahuli-hulihang pag-i-invite niya sa akin sa Japan dahil wala rin namang nangyayari sa pagpunta-punta ko rito. Gumagastos lang daw siya at sayang lang daw ang pera.

"Kawawa naman ang babae," narinig kong sabi ng isang Haponesang napadaan. Tinawag na hidoi o malupit ang lalaki. Hindi lang iisang passersby ang nagkomento ng ganoon. Napakamot-kamot sa ulo ang hambog na lalaki at tumigil sa kasisigaw.

"Kayo talagang mga babae ang wais-wais n'yo! Dadaanin n'yo lang kami sa iyak!" mariin niyang sabi pero mahina na ang tinig at mukhang hindi na rin siya galit.

"At kayo namang mga lalaki, dinadaan n'yo kami sa sindak! Akala n'yo siguro lahat ng babae'y kaya n'yong takutin!" sagot ko sa pagitan ng pagsinghot.

Napakagat-labi siya. Parang nagpipigil ng galit.

Nahagip ng tingin ko ang dalawang pulis na bigla na lang napalingon sa amin. Nakasakay sila pareho sa motorsiklo nila. Bago pa sila makalapit sa amin, hinawakan na ako ng lalaki sa kamay at hinila papunta sa kotse niya. Nang makalapit ang dalawa sa amin, naipasok na niya ako sa loob ng sasakyan.

**********

Sisibat na sana ako pero pinara ako ng mga pulis. I had no choice but to slow down and lower my window. Sinilip nila ang kasama ko at dahil umiiyak pa rin siya inulan na ako ng mga tanong. Nang sinabi kong nagkaroon lang kami ng misunderstanding ng girlfriend ko, hindi nila ako pinaniwalaan. Tinanong pa nila ang babae na hanggang ngayon pala'y hindi ko alam kung ano ang pangalan.

"Ayus-ayusin mo ang pagsagot sa kanila dahil pag sumabit ako lagot ka sa akin," paalala ko sa kanya sa lenggwahe nila. I was not looking at her when I said it. Nakatingin lang ako nang deretso sa kalye.

"Oo, takutin mo pa ako lalo, buwisit ka!" sagot din niya sa Tagalog. Lalong nangunot ang noo sa amin ng dalawang pulis. Hiningan niya tuloy ng alien registration card ang kasama ko. Bigla akong natakot dahil naisip ko, what if overstaying alien na siya? Shit! I was not thinking at all! Sasabit nga ako if ever dahil pinakilala ko siyang girlfriend.

Napalunok ako nang ilang beses nang inabot ng babae sa isang pulis ang ACR niya. Pinawisan pa ako kahit na malamig pa ang panahon. Nahagip ng tingin ko na tourist visa lang ang hawak niya at mag-e-expire na ito in two weeks. Nakahinga ako nang maluwag.

Naghabi na ako ng kuwento na girlfriend ko siya sa Pilipinas at pinapabakasyon ko lang ng Japan pansamantala. Iyon ang dahilan kung bakit nakakapagsalita rin ako ng lenggwahe nila. Mukha namang nakumbinsi ko ang dalawang pakialamero. Pinagsabihan kami na kung mag-away kaming dalawa ay huwag daw sa kalye at nakakaabala ng mga passersby. Humingi ako ng paumanhin kaya pinaalis na kami. Nagpasalamat din ako na hindi na ako kinontra pa ng katabi ko.

"You looked absent-minded," sabi ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Pero at least tumahan na rin sa wakas. Hindi ko alam kung bakit pero apektado ako masyado kapag nakikita siyang umiiyak. Para bang kinukurot din ang puso ko.

"Ano pala ang ginagawa mo rito? Ba't mukhang suicidal ka kanina?" tanong ko ulit sa Nihongo. Hindi na naman ako inimik. Napasulyap ako sa kanya. Naisip kong baka hindi niya ako naiintindihan. So stupid of me. Hindi pala porke walang accent ang Japanese niya'y magaling na siya. Tinagalog ko ang sinabi.

"Naiintindihan ko, ayaw lang kitang sagutin," asik niya sa akin.

Aba, suplada! Hmn. Nakuha na niya ang interes ko. Sinupil ko ang ngiti sa labi. Pinasadahan ko siya ng tingin. Naka-suit siya. Naghanap kaya siya ng trabaho? Umasim agad ang mukha ko. Pambihira. Magto-tourist dito tapos maghahanap lang pala ng trabaho. Sinabi ko iyon sa kanya.

"Ba't ba nakikialam ka?" singhal niya sa akin.

"Hindi naman ako mangingialam kung hindi mo inantala ang appointment ko. Alam mo bang kanina pa ako dapat nakarating sa meeting ko? But here I am, wasting my time with you."

Hindi na naman siya umimik. Humagulgol lang. Nagsalubong na naman ang mga kilay ko. Sinulyapan ko siya saglit at nakita ko siyang nakatingin sa screen ng cell phone niya.

"Ibaba mo na ako rito," utos pa niya sa akin.

"Saan ka ba pupunta dapat?" tanong ko.

Hindi na naman siya sumagot. Nagpumilit lang na ibaba ko siya sa gitna ng highway. Gusto ko na siyang kutusan. Tumingin-tingin ako sa paligid kung saan ako puwedeng tumigil. Wala akong mahihintuan. Bwisit na babae ito! Dapat kanina siya nag-inarteng bumaba.

"Why don't I just drive you all the way to Chayong-san's bar?" mungkahi ko. Ba, inangilan pa ako. Maarte din pala itong kutong-lupa na ito. Kung hindi lang siya umiiyak parang ang sarap patulan. Pagdating namin sa harap ng Sora Shin Osaka Building, hininto ko na ang kotse. Tinanggal niya agad ang seatbelt at binuksan na ang pinto sa gilid niya. Bago siya makababa, isinara ko uli iyon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko, pero ayaw ko siyang palabasin ng sasakyan na ganoon ang pakiramdam niya.

"Ano ba?!" galit niyang baling sa akin.

"Pakiramdam ko pag pinalabas kita rito, magbibigti ka na. Kawawa naman ang madadamay mo. Ang mabuti pa ihatid na kita sa inyo."

"Ba't ba kanina ka pa nangingialam?!"

Inagaw ko ang cell phone niyang hawak-hawak at tiningnan ang screen. Inagaw niya rin iyon sa akin agad, pero nabasa ko na ang mensahe ng walang hiyang eikaiwa school na nagpadala sa kanya ng rejection letter. Napakawalang puso naman. Hindi ko sukat-akalain na pati ang ganoong klaseng komunikasyon sa aplikante ay idadaan na lang sa text message. Nakaramdam tuloy ako ng ibayong awa sa babae. Bago pa ako makapag-isip, hinila ko siya at niyakap.

**********

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yakapin at hagkan sa ulo. Nagpumiglas sana ako no'ng una pero hindi rin ako nakapalag. I found myself hugging him tightly. Iyak ako nang iyak sa balikat niya. I felt so helpless. Nang humupa ang pakiramdam ko, saka lang ako nakaramdam ng hiya. Hindi tuloy ako makatingin nang deretso sa mga mata niya.

"S-salamat," sabi ko na lang. Tumingin ako sa labas ng bintana. Pamilyar na sa akin ang paligid. Maglalakad na lang ako papuntang JR Shin-Osaka at doon na sasakay papunta sa amin sa Takatsuki. "Dito na lang ako. Maraming salamat ulit."

"Ano'ng gagawin mo pag expire na ang visa mo in two weeks? Uuwi ka sa inyo?" bigla na lang ay naitanong niya sa akin. Nangunot agad ang noo ko. Paano niya nalaman na malapit na ngang mag-expire ang visa ko?

He smiled at me. Lalo nagsalubong ang mga kilay ko. Hinuhuli lang kaya niya ako? Wild guess? Gano'n?

"Nakita ko kanina nang binigay mo sa mamang pulis ang alien registration card mo. Kaya pala nirereto ka ni Chayong-san sa akin. Alam mo, kung hindi ka lang suplada, pwede naman kitang tulungan diyan sa problema mo, e."

Naningkit ang mga mata ko sa narinig.

Sinandal niya ang ulo sa headrest ng upuan and he looked at me lazily, then he smiled again. Aminin ko man o hindi he looked really attractive in that pose. Inaakit kaya ako ng damuhong ito?

"Ano, pakakasal ako sa iyo? Huwag na!"
"Aba, ikaw pa ang choosy?"

"Magpapakasal lamang ako sa lalaking gusto ko o di kaya sa lalaking maaari kong magustuhan. At hindi ikaw iyon."

"Kung magsalita ka akala mo naman dyosa ka ng kagandahan," naiinis na rin niyang sagot. Tila nasugatan ang pride. Buti nga. No'n ko na-realize na sa isang iglap ay balik aso't pusa na naman kami. Napabuntong-hininga ako. Imposible nga ang suhestyon ni Tita Chayong.

"Wala akong sinabing ganoon. Ang sabi ko lang hinding-hindi kita magugustuhan. Pero hindi ibig sabihin no'n, ampanget mo. Hindi lang talaga kita type. Gano'n lang iyon."

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinila at kinuyumos ng halik sa labi. Dahil napanganga ako sa pagkagulat, sinamantala niya iyon. Pinasok pa ang dila. I tried to push him away but he just held me tightly. Bago ko pa mamalayan, tinutugon ko na rin ng init sa init ang mapusok niyang halik. Tila nagprotesta pa ako nang bitawan na niya.

"Hindi pala type, ha?" nakangisi niyang sabi sabay dila sa lower lip niya. Nag-init ang mukha ko. I was speechless.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top