Chapter 33 : Phase One
33 : Phase One
Nagising ako nang tumama sa mga mata ko ang liwanag na nanggagaling sa bintana. Nang idilat ko ang mga mata ko, agad kong iniwas ang mga 'to dahil nasilaw ako.
Kasabay nang pag-iwas ko, ang pagdapo ng mga tingin ko sa mukha ng katabi ko— sa mukha ni Charles.
Mahimbing siyang natutulog. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ito na ang pinakamagandang umaga ko simula nang magsimula ang gulo na 'to. He's sleeping as if everything's fine. Na para bang walang nangyayari ngayon sa mundo.
"Ganiyan ba 'ko kagwapo para titigan mong mabuti?" biglang sabi ni Charles kaya napalingon ako sa iba.
"H-ha? Anong sinasabi mo? Nananginip ka ba?" sabi ko bago ako umupo.
Narinig ko 'yung mahinang pagtawa niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sistema ko, at bakit pati pagtawa niya nagdudulot na ng halo-halong emosyon sa kalamnan ko. Tila naadik na ako sa tawa niya.
Tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinatak. Nawalan ako ng balanse pero inalalayan niya ako hanggang sa parehas na ulit kaming nakahiga. Tatalikod sana ako sa kaniya pero pinigilan niya ako, kaya ang nangyari, magkaharap kami ngayon.
Nakatingin siya sa akin. May ngiti sa labi niya. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ngumiti nang ganito.
Pinilit kong iwasan ang mga mata niya, pero namalayan ko na lang na nakatitig na rin ako sa mga 'yon. Parang lahat ng bagay kay Charles, nakaka-adik. I want all of them to be mine— nasa tamang katinuan pa ba ako? Kung anu-anong naiisip ko.
But I really want all of those to be mine.
"Good morning," he said. Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya.
"Mmm," tangi kong saad. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. I am mesmerized by the view in front of me. P'wede bang manatili sa ganitong posisyon hanggang sa mangalay ako? Gusto ko manatili sa oras na 'to. I feel safer.
Nanatili kami saglit sa gano'ng posisyon. Nilagay ni Charles ang braso niya sa ulo ko para magsilbing unan. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Nararamdaman ko ang bawat paghinga niya. I feel a lot comfortable. Akala ko mag-ccringe ako sa ganito kalapit, pero hindi.
I blinked once bago ako tumayo nang marinig namin ang pag-iyak ng baby nila Jiro at Alex. Pagtayo ko, sakto namang lumabas sa k'warto si Jiro. Nag-ngitian kami pareho.
May kinuha siya sa bag niya na nandito sa sala. Naiwan namang nakabukas ang pintuan ng k'warto kaya nakita ko si Alex sa loob na hawak-hawak ang anak niya.
Napatingin ako saglit kay Charles na inaayos ang pinaghigaan namin, bago ako naglakad papasok sa k'warto. Dahan-dahan akong naglakad papunta ro'n dahil hindi na safe lakaran 'yung sahig. Kapag minalas ka, baka maapakan mo 'yung pinakamarupok na parte nito.
"Good morning," bati ko pagkatapos kong kumatok nang mahina sa pintuan.
Lumingon si Alex sa akin. Ngumiti siya sa akin. Sobrang genuine ng ngiti niya. Ramdam na ramdam ko 'yung tuwa niya. Sino bang hindi matutuwa na nakaraos ka na sa panganganak? After nine tough months ng pagtitiis, hawak-hawak mo na ngayon 'yung anak mo.
Lumapit ako at tumabi kay Alex.
Tiningnan kong mabuti 'yung baby niya— which is hindi ko nagawa kagabi dahil medyo madilim na.
"Hello baby," mahina kong saad bago hinawakan ang maliit nitong kamay na nakakuyom. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin na "welcome to the world" pero nag-decide na lang ako na huwag sabihin 'yon. "Nakapag-decide na ba kayo kung anong ipapangalan niyo sa kaniya?" tanong ko kay Alex.
Sakto namang pumasok si Jiro sa loob ng k'warto.
"Ymari," ani Jiro. "Yam for short," dagdag pa niya bago tumawa.
May dala siyang long sleeve na pinasuot niya kay Alex. Tinulungan niya ang asawa niya sa pagsusuot nito kaya pinahawak muna ni Alex sa akin ang anak niya. Ingat na ingat ako nang mahawakan ko na ito.
"Baby Yam," tawag ko rito bago marahang pinindot ang pisngi nito. Nakita ko ang pagngiti niya kaya sabay kaming natawa ni Alex.
Nang masuot na ni Alex ang long sleeve, binalik ko na rin agad ang baby niya sa kaniya.
Kumatok si Aries sa pintuan kaya napatingin kami sa kaniya. Sinenyasan niya kami na pumunta sa sala bago siya umalis. Nagkatinginan kami nila Jiro bago namin alalayan na makatayo si Alex. Pumunta kami sa sala.
Nakita namin si Aries, Mandy, Hershie at Richard na naka-upo sa sofa na nababalutan ng puting tela. Si Charles naman naka-upo sa sahig habang nakakandong sa kaniya si Maldi na halatang kagigising pa lang dahil pipikit-pikit pa ang mga mata niya. Nakatayo sa tabi nila si Randy.
Tumayo si Aries at umalis sa sofa para do'n umupo si Alex. Tumabi naman si Jiro sa asawa niya habang nakatayo. Umupo ako sa tabi ni Charles. Ngitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kaniya bago kami tumingin kay Aries.
"Kailangan nating makahanap ng mas safe na lugar. At hindi dito 'yon," sabi ni Aries.
"May iba ka pa bang idea kung saan tayo p'wedeng pumunta?" tanong ni Randy.
Naglakad-lakad si Aries sa harapan namin, halatang nag-iisip bago siya magsalita. "Kung may isa man tayong lugar na kailangang puntahan, hindi lang dapat safe sa lugar na 'yon," aniya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jiro.
"Kailangan din natin ng supplies ng pagkain, at mga gamit na kakailanganin natin pang-depensa sa mga infected," saad ni Aries.
"Lugar na safe at may complete supplies ng pagkain at gamit. Tingin mo may gano'ng lugar?" kwestyon ni Richard.
"Wala pang gano'ng lugar," ani Aries bago humarap sa'min.
"What do you mean?" tanong ni Charles.
"Tayo ang gagawa ng gano'ng lugar," ani Randy na tila naisip ang nasa isip ni Aries.
- - -
"Sigurado ba tayo sa gagawin natin?" tanong ni Mandy.
Kasalukuyan naming inaayos ang mga gamit at sarili namin dahil aalis na kami ngayon dito sa bahay na 'to. Nagmamadali kami sa pagkilos dahil baka abutan kami ng dilim sa daan.
"Wala tayong ibang choice. Kung mag-sstay tayo sa lugar na 'to, magugutom tayo. Hindi rin natin alam kung hanggang kailan tayo ligtas dito," sabi ni Randy.
Napabuntong-hininga na lang si Mandy. Tinulungan ko siya sa pag-aayos ng mga gamit. Tinulungan ko rin siya sa pagsukbit ng bag sa likuran niya. "Ayos ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Kaya mo na bang maglakad?"
Umiling siya sa akin.
"Ako nang bahala sa kaniya," sabi ni Randy.
Kinuha ni Charles 'yung bitbit na bag ni Randy. "Let's go," aya sa akin ni Charles. Susunod na dapat ako sa kaniya pero narinig ko sila Jiro at Alex na nagtatalo.
"Kaya ko," rinig kong sabi ni Alex.
"Alam ko, pero kakapanganak mo lang," sabi ni Jiro.
Lumapit ako sa kanila. "Anong problema?" tanong ko.
"Ang sabi ko, bubuhatin ko muna siya dahil kakapanganak pa lang niya, baka kung mapa'no siya sa daan," sabi ni Jiro.
"Pero kaya ko na maglakad," saad naman ni Alex.
"Alex, makinig ka muna kay Jiro. Magpabuhat ka muna para sigurado tayo. Ako muna maghahawak kay baby Yam," sabi ko. "Ayaw mo naman sigurong may mangyari sa inyong masama ng baby mo 'di ba?" ani ko pa.
Pagkatapos nang ilang segundo, marahan niyang inabot sa akin si baby Yam. Binuhat na rin siya ni Jiro. "Bakit mas lalo kang bumigat," aniya sa asawa niya kaya agad siyang hinampas ni Alex.
"Ibaba mo 'ko!" ani Alex pero tinawanan lang siya ni Jiro.
Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.
"Kita mo 'tong mama at papa mo, parang wala tayo sa harap nilang dalawa," bulong ko kay baby Yam. Nakita kong muli ang pagngiti ng sanggol kaya mas lumawak ang ngiti ko bago sumunod kay Charles.
Lahat kami isa-isang lumabas sa bahay.
Buhat ni Jiro ang asawa niya na para bang bagong kasal. Si Mandy naman naka-piggy back ride sa likod ni Randy. Hawak ni Richard sa magkabilang kamay niya si Hershie at Maldi.
Hawak naman ni Aries at Charles ang halos lahat ng gamit. Wala akong bitbit na bagahe, tanging si baby Yam lamang.
Maingat kaming lahat sa paglalakad sa gubat. Tinalasan namin ang mga pandinig namin. Nasa unahan si Randy at Richard. Si Aries naman ang nasa likuran namin.
Naririnig ko ang mahihinang pagtawa ni Jiro. Mukhang nagtatalo pa rin silang dalawa ni Alex. Naririnig ko rin ang boses ni Richard, mukhang may kikukwento siya sa dalawang bata.
Huminga ako ng malalim at nilasap ang sariwang hangin. Narinig ko na ginawa rin ni Charles 'yung ginawa ko kaya napalingon ako sa kaniya.
"Kaya mo pa ba? Baka nabibigatan ka na sa mga dala mo," sabi ko.
Umiling naman siya bago ngumiti sa akin. "Ikaw? Baka nabibigatan ka na sa dala mo, akin na bubuhatin ko," aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Sige nga, pa'no mo bubuhatin si baby Yam?" tanong ko sa kaniya. Tinawanan lang niya ako bago lumapit sa akin.
Tiningnan niya si baby Yam kaya bumagal kami nang kaunti sa paglalakad. "So baby Yam pala ang pangalan mo?" aniya sa sanggol.
"Baby Ymari, pero Yam ang nickname. Ang cute 'di ba?" sabi ko.
Tumingin si Charles sa akin at ngumiti bago tumingin ulit kay baby Yam.
Naramdaman ko sa tabi namin si Jiro at Alex.
"Baka naman makalimutan ninyong anak namin 'yan," natatawang saad ni Jiro kaya muli siyang hinampas ni Alex.
Natawa na lang din kami sa pagtatalo nilang dalawa. Kung titingnan, parang magkasintahan lang sila at wala pang anak kung makapagtalo.
Bukod sa mahihinang pagtatalo ng mag-asawa, yabag ng mga paa namin na nakaka-apak sa tuyong mga dahon sa sahig at mga ibon sa paligid, wala ng iba pang ingay sa lugar na nilalakaran namin.
Ang kailangan naming gawin ngayon ay ang phase one ng plano.
Makahanap ng masasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top