WALO
Walo.
Mag si-sembreak na at kaunti nalang din ang pumapasok na estudyante. Kadalasan ay yung mga may kulang nalang para sa semester na ito.
Open gate ang school ngayon kaya kami ang bahala kung anong oras namin gusto pumasok.
Maaga akong pumasok dahil maaga ako nagising kanina. Ewan ko ba, parang nitong mga nakaraang araw napaka ganado ko at excited pumasok.
Kaya siguro wala pa sila Grace dahil wala din naman klase.
Naisipan ko tumambay muna sa garden dahil kakaunti lang ang tao sa classroom. Pinulot ko yung basurang nakita ko na nakakalat sa garden at kalmadong umupo sa isang bench. Sa sobrang ganda ng paligid, kahit ilang oras ako andito ay mananatili akong kalmado.
Napansin ko ang bulaklak na matagal ko nang sinusubaybayan. Malaki na siya samantalang noon, halos dahon palang ang nakikita ko. Ganun nga siguro ako kadalas dito upang mapansin ang mga nag babago sa paligid.
Isang ideya ang pumasok sa isip ko.
I'll join the club.
"Don't pick the flowers." Napatayo ako sa isang tinig.
"I will not." Sagot ko at kinuha ang bag ko sa bench dahil umupo siya roon. Naiilang ako.
"It's peaceful here." Out of nowhere niyang tugon.
Ako ba ang kinakausap niya? Bakit niya ako kinakausap? At higit sa lahat, bakit ako kinakabahan?
"It's peaceful yet your eyes seems confused."
Tugon ni Alejo.
SHS? I'm confused.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top