PITO
"Dinga? Bet mo? Bat mo tinatanong pangalan?" Pangungulit ni Eliza nung minsang tinanong ko yung pangalan nung lead guitarist.
"Hindi nga. Huwag ka makulit."
Dumating yung ilang linggo na hindi nila ako kinulit dahil hindi ko naman talaga crush 'yon. Curious lang ako.
Ilang linggo nalang matatapos na ang 1st semester kaya andito kami ngayon sa canteen dahil nag hahabol kami ng requirements at the same time ay kumakain.
"Tapos niyo na? Pasa na tayo." Sambit ni Grace at nag sitayuan na kami.
"Gurl, si Alejo oh." Siniko ako ni Eliza. Dineadma ko naman siya dahil hindi ko naman kilala yun at hinahalungkat ko ang clearance papers ko.
"Gurl, si Alejo, yung lead guitarist." Tawag niyang muli.
Automatic na napaangat ang ulo ko at sinuyod kung nasaan ang lalaking tinutukoy ni Eliza. Nung makita ko siya ay nag lalakad na ito papuntang direksiyon namin at nakikipag apir pa sa madadaanang kakilala.
Nilagpasan niya kami at tumungo sa lamesa kung saan andun ang iba pa niyang kabanda.
Masiyahin pala siya.
At nung nag tama ang mga mata namin,
Bigla akong..
SHS? Hindi naman 'yon recitation pero bakit ako kinabahan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top