LIMA
Lima.
Kasiyahan.
Magulo, nagtatalunan at nag hihiyawan.
Hindi ko inakalang makakasama ako sa ganitong uri ng kasiyahan. At nag eenjoy ako.
Masaya pala ang ganitong uri ng pagdiriwang.
"Gurl, ayun yung crush ko oh!" Hinila ako ni Grace palapit sa performing stage.
Tinignan ko yung kaibigan ko. Kumikislap na mga mata, abot tengang ngiti. Para bang isamg obra maestra ang nasa harap niya.
Iba talaga ang nagagawa ng pagibig.
Naranasan ko na mag kacrush at may nanligaw nadin saakin nung junior high ako pero iba iba pala talaga ang klase ng pag ibig.
Nang matapos mag peform ang crush ni Grace, nag aya na agad ako umuwi pero makulit siya.
"Last band and we will go home." Kontra niya.
Fine.
"The String Chasers!" Pag papakilala ng emcee sa kasunod na banda.
"Tara sa harap! Kaklase ko yung drummer nung junior high ako!" Tinulak nanaman ako paharap ni Grace.
Pero habang pinapanood ko sila, may isang lalaki ang nakaagaw ng atensiyon ko.
The Lead Guitarist.
Nakikita mo sa mata niya yung focus at passion sa bawat pag pitik ng gitara. Na para bang mababago niya ang lungkot ng isang tao dahil sa musikang hatid niya at ng banda nila.
Yung focus at passion sa ilalim ng misteryoso niyang mata.
SHS? Please be good to me and to my feelings.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top