DALAWA

Dalawa.

"Tara, Canteen." Aya ng kaibigan ko.


Ilang buwan nadin ang nakalipas. Masaya dahil madami akong nadidiskubreng mga bagong bagay na kunektado sa interes ko.

Nakahanap nadin ako ng mga kaibigan. Dalawa sila at magkakalapit lang kami ng tinitirhan kaya kami naging close. Nagkita kasi kami sa paradahan ng fx. Mula noon, sabay sabay na kaming umuuwi.

"Atheena, mauna na kayo umuwi ni Grace ha? Mag aaudition ako sa glee club. Gusto mo ba sumama?" Minsang tanong saakin ni Eliza. Kaibigan ko.

Nakakatawang isipin na mag aral lang pala talaga ang pakay ko dito at wala man lang akong balak sumali ng mga extra curricular activities. Ilang linggo ang lumipas, natanggap si Eliza. Tuwang tuwa kami ni Grace at nag celibrate para sakaniya. Bukas daw, mag iinquire si Grace sa Youth Ministry ng school dahil gusto niya sumali sa club na iyon.

Naiinggit ako kasi alam nila ang hilig nila samantalang ako, hindi ako sigurado sa kung ano ba talaga ang gusto ko.


"Gurl? pansin ko na lagi ka nasa garden. Gusto mo ba sumali sa CAG Club?" Minsang tanong ng isang studyante saakin nung makasalubong ko siya sa Garden. Grade 12 na ata siya. CAG Club? Clean And Green.

Gusto ko ba? Kaya ko ba?

"Pag iisipan ko po."

SHS? Masaya.


At nakakaexcite.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top