APAT

Apat.

"Kita mo? Grade 12 na siya e. Graduating." Turo ni Grace sa isang lalaking nakaupo sa hagdan.

Crush niya daw.

5 months na kami bilang Senior High School Student. Nag sisimula na silang mahulog at magkagusto sa ibang strand o di kaya'y sa mga kaklase namin.

Kumportable na kami sa lugar na'to.

"Sige na Atheena please? Libre ko ticket mo!" Isang araw na inaya ako ni Eliza dahil may event sa school at ang club nila ang mag oorganize.

"Ayoko nga." Walang ganang sagot ko.

"Please gurl! Sumama kana! Wala akong kasama manood. Alam mo naman na tayo lang magkakaibigan ang andito diba? Si Eliza magiging busy. Gusto ko lang naman pumunta dahil papanoorin ko mag perform yung crush ko." Halos mag makaawa na si Grace saakin.

"Sige. Pero uuwi ako ng maaga ha?" Pag payag ko.

Hindi ako sanay sa mga ganung events at uri ng pagsasaya. Marahil lumalabasa kami kasama ng ilang kaklase pero hindi ako sanay sumama sa isang kasiyahan na halos buong studyante sa school ang dadalo.



SHS? Maraming bago. At hindi pa ako nasasanay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top