6
"Ami! (Mami)" Napabaling naman ako sa sigaw ng isang batang bulol. Mabuti na lang at tapos na ako dito.
"Baby. How are you? Did you sleep?" Tanong ko pagkatapos ko siyang kargahin. Nakasandal naman si Zeus sa gilid ng pinto habang nakangiting tinitingnan kami.
"No ami! (Mami), ita (tita) Ey and I watch obis (movies)" bulol na sagot nito. Ang cute naman talaga ng batang ito.
"Little dude, stop being bulol. You should enhance your talking skills. Girls will not like you if you keep being bulol," sabat naman ni Zeus pagkalapit.
"Zeus! Kung anu-ano tinuturo mo sa bata eh," sita ko sa kaniya na hindi niya pinansin. Tingnan mo ang isang ito. Tuturuan pa ang anak kong maging kagaya niya.
"Really ito? (Tito), I should start adiying (studying) then," masiglang saad naman nito sa tito niya. Baliw talaga itong si Zeus.
"No baby boy. You should learn for yourself not for the girls okay? Don't listen to your tito, he's just crazy," sabat naman ni Aether pagkapasok sa kusina.
"Crazy? Should we bring ito (Tito) to the hospital ami (mami)?" Inosenteng saad naman nito na tinawanan lang ni Aether at sinimangutan ni Zeus.
Ang talino talaga ng anak ko. Halatang may pinagmanahan.
"No baby. Tito Z and Tita Ey are just bullying each other," sagot ko bago siya binigyan ng maraming halik na pilit naman niyang iniiwasan.
"But bullying is bad ami (mami), should we call a bang-bang to arrest them?" Inosenteng tanong nito na nakapagpagulat hindi lang sa akin kundi pati na rin sa magkapatid. Bang-bang ang tawag niya sa mga pulis. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon ang tawag niya eh. Basta isang araw, nagising na lang ako sa mga pinapabili niyang laruan. Ano namang malay ko sa bang-bang na sinasabi niya?
Tiningnan ko ng masama si Aether. Kung anu-ano kasing tinuturo sa bata eh. Alam ng madaling matandaan ng batang ito lahat ng tinuturo sa kaniya.
"Hey. Ba't ganyan ka makatingin? Basta ang alam ko wala akong itinuturong ganiyan sa anak mo," depensa ni Aether.
"Mom, let's call cops," nagulat naman ako ng tinawag niya akong mom. It's the first time he calls me mom rather than ami. At first time ko rin siyang narinig na tawaging cops ang mga police instead of his usual bang-bang endearment.
"Can you please repeat what you said anak?" Tanong ko bago siya pinaupo sa island counter sa harap ko.
"I said let's call cops ami (mami)" ay! Akala ko pa naman hindi na siya bulol.
"What for anak?" Tanong ko habang nakatuon ang atensiyon ko sa kaniya. Saan niya naman nakukuha ang mga pinagsasasabi niya?
"You said that ito Z (Tito) and ita Ey (Tita) are bullying each other right? Teacher said that bullying is bad so we should call cops to arrest them," klarong saad niya.
"Wow! You're improving young man. You didn't sound bad at all," puri naman ng tito niya na ikinakunot ng noo niya.
"I know how to speak ito (Tito), if it is still not obvious to you," sagot nito na ikinagulat ko. Tama ba ang narinig ko? Binara niya ang tito niya?
"Aba, Aba, Aba, marunong ka ng mambara ha. Kagaya ka rin ng nanay mo ha," ibinaba naman ni Zeus si Venice para hindi mahulog bago hinabol para kilitiin. Naiwan kami ni Aether dito sa kusina habang hindi pa rin makapaniwala sa narinig kanina.
"Saan natuto ang batang 'yon na mambara?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Aba, malay ko! Ikaw palaging kasama niya dito kaya dapat ikaw ang nakakaalam," sagot ko naman.
Natutuhan niya ba sa akin 'yon sa tuwing inaasar ko si Zeus?
Rinig na rinig ang tawanan nina Venice at Zeus dito sa kusina. Ano naman kayang pinagkakaabalahan ng dalawang 'yon?
"Anyway, ang aga mo atang bumalik? Kasama mo pa si kuya. Anong meron?" Untag niya sa akin pagkatapos umupo sa harapan ng counter.
"Plano 'to ng kuya mo. Nakita niya kasing ang haba ng listahan ko sa orders na kailangan kong tapusin ngayong buwan. Halata namang gusto lang makita si Venice eh, gumawa pa ng palusot," sagot ko bago kumuha ng ice cream sa ref at tinabihan siya.
"Ano namang palusot?" Nakakunot-noong tanong niya.
"Kailangan ko daw munang umuwi at makipag-bonding kay Venice bago tuluyang makuha ng orders ang focus ko. Okay naman ako doon. 'Yon nga lang, mapapadalas akong malelate sa pag-uwi dahil sa orders kaya kailangan mong samahan si Venice dito," saad ko habang nilalantakan ang ice cream.
"Kung bakit ba kasi hindi mo na lang tanungin ang ama niya. Baka sakaling gusto niyang bigyan ng oras ang anak niyo," saad niya na ikinagulat ko. Tanungin si Vulcan? Ipaalam na may anak kami? 'Yon ang isang bagay na hinding-hindi ko gagawin.
"Okay ka lang?" Napabalik naman ako sa huwisyo dahil sa tanong niya.
"Ahh...oo. Tsaka...ayoko nga 'no! Ikaw na nga lang kasi. Sige na naman edang," pamimilit ko na ikinalukot lang ng mukha niya.
"Isang edang mo pa hahambalusin kita," banta niya na isinawalang bahala ko lang. Ayaw niya talagang tawaging edang.
"Sige na kasi," pilit ko ulit.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago naging seryoso ang mukha niya.
"Venus, may trabaho din ako. Pumapayag na nga lang akong maging yaya ni Venice eh kasi alam kong nahihirapan ka rin. Pero kung magiging busy ka na, hindi pwedeng pabalik-balik ako dito." Saad nito bago sumandok ng ice cream.
"Bakit kasi hindi mo ipaalam kay Mr. Genius na may anak kayo?" Tanong niya. Mukha namang tuwang-tuwa si Venice sa sala kasama si Zeus kaya sasagutin ko na lang ang tanong niya. Ayoko lang namang marinig ng anak kong pinag-uusapan namin ang daddy niya.
"Ayoko nga. Kinwento ko na sa 'yo 'di ba. Mahal niya pa ang ex niya at baka iba ang isipin niya kapag pinakilala ko sa kaniya bigla si Venice," paliwanag ko.
"Sino ba kasi 'yang si Mr. Genius? Bakit ayaw mo pang sabihin sa akin? Ako na kakausap sa lalaking 'yan," saad niya na nakapagpakaba sa akin.
Hindi! Hindi niya pwedeng malaman kung sino si Mr. Genius! Hindi nila pwedeng malaman kung sinong ama ni Venice!
"Huwag na. Nag-aaksaya ka lang ng oras," sagot ko na lang.
"Mmm...siguro kaya ayaw mong ipakilala sa amin ang tatay ni Venice kasi pangit siguro siya 'no? Ikinakahiya mo?" Pangungulit niya.
Pangit? Sus! Kung alam niya lang na kalahi ni Adan ang ama ni Venice paniguradong maging siya maglalaway.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top