Chapter-33 (Day-8)

Nasa open practice room ako ngayon para tignan kung maayos ba sila mag practice kung walang problema o kung may ipapautos ba sila sa akin hanggang ngayon kasi wala parin si zoe.

Malay ko ba kung nasaan ang babae yun sabi nasa batanggas daw tssk.

Kanyakanya naman sila kung mag practice ayaw kasi nila na mag paturo dahil alam naman daw nila. kahit hindi naman maalam katulad ni jiro at nicko na pahirapan sa pag gigitara mukhang hindi naman kasi mga maalam ayaw naman mag paturo paano sila matatapos niyan kung ang aarte naman.

Si eightan naman ay mukhang maalam gumamit ng electric guitar samantala naman si ranz ay sinusubukan niya yung makakaya niya yan kasi ang napapala ng mga adik sa cp buti nalang at sinamsam ni jaycob yung cp ni ranz kung hindi hanggang ngayon ay abala parin sa pag cecell phone si ranz si miko naman ay kinakapa muna niya yung drum mukhang may konti lang siya nalalaman.

si ken naman ay halatang hindi maalam mag drum paano naman kasi parang tanga naman siya tinitignan lang ba niya yung drum. ano! pag tinitignan mo lang ba eh gagalaw na yan hindi naman ah!.

si sed naman ay naka upo sa tabi ko at may hawak siyang papel mukhang siya yung kakanta dahil hawak niya yung papel na may kanta na gawa ko.

Maganda kaya boses nito.

Samantala si ian naman ay nasa kabilang side ko at hawak rin niya yung isa pang kanta na ginawa ko.

Si jaycob at si jayson naman ay pinag mamasdan lang nila ang mga ito.

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan natatawa ako sa mga mukha nila at mga pinag gagawa nila pinipilit ko ang aking sarili na hindi mapatawa baka kasi sabihin nila na baliw ako pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Bwahahahhaha bwahahhahahaha!!!!!!!" natatawa talaga ako ayan hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Dahil sa kakatawa ko ay tumingin sa akin ang lahat nasobrahan ata ng lakas yung pag tawa ko.

Binigyan nila ako ng tingin na nag tataka yung iba kung bakit ako tumatawa kaya napatawa ako dahil sa mukhang pinapakita nila ngayon sa akin.

"Hahahhahahahha!!!!" yan natatawa nanaman ako.

"Ano problema mo?" tanong ni ian sa akin na nasa tabi ko.

"Ha hahahhahahha a-ano kasi hahahhaha wait lang hahhhahaha" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Eh nababaliw na ata yang isang yan" narinig kong sabi ni jiro.

"Hay sawakas natapos nadin ang pagkakatawa ko sa mga mukha ninyo nakaka tawa kasi yang mga mukha ninyo at yang mga kinikilos ninyo" sabi ko sa kanila.

"So ano pinalalabas mo ha!" galit na sabi ni jiro sa akin.

"Na mukha kayong joker bwahahhahah hay hay ayoko na. Alam ninyo hindi kayo makakatapos diyan sa mga ginagawa ninyo kung hindi kayo mag tutulungan. Alam naman ninyo na ilang araw nalang at malapit na ang acquaintance party natin kaya dapat tapos na iyan." sabi ko sa kanila.

"Edi ikaw na dito mukhang nag mamagaling ka eh" galit na sabi ni jiro sa akin.

"Hindi ako nag mamagaling sinasabi ko lang yung totoo." sabi ko sa kanila.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit kay jiro para kunin yung gitara sa kanya.

Nag umpisa ako tumugtog at kumanta noong kanta na ginawa ko para sa kanila.

Pag katapos ko mag gitara ay lumapit ako sa may drum kung nasaan si miko at pina tayo ko siya sa kanyang inuupuan para umupo ako duon, at nag umpisa na ako mag drum.

Pag katapos ko mag drum ay hindi ko na napansin na halos lahat sila ay nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa hawakhawak kong stick. Hindi ko namalayan na napasarap na pala ako sa aking ginagawa. Binitawan ko na agad ang hawak kong stick at umalis na na wala man lang sinasabi sa kanila.

Pag nalaman nila ang totoo tungkol saakin patay ako nito mapapahamak nanaman ako.

Nasa kwarto ako ngayon para mag palit na ng damit kakatapos ko lang kasi maligo, pupunta na kasi ako sa sm mag 10:30 am na kasi. baka nag hihintay na si ate y sa akin nakakahiya naman.

Pag katapos ko mag suot ng damit pangalis ay inilagay ko na sa aking maya ang contact lense at saka ko sinuot ang cup at sunglasses na bigay sa akin ni ate y.

Pag katapos ko mag ayos ay bumaba na ako dalawang step nalang ng bigla ako mag out of balance kaya nahulog ako.

ilang minuto ang lumipas ay parang wala ako naramdamang sakit sa ano mang parte ng aking katawan.

Akala ko ba mahuhulog ako bakit wala ako naramdamang sakit?????

"Alam mo ang bigat mo" Nagulat ako duon sa nag salita kaya dahandahan ko binuksan ang aking mata para tignan kung sino yung nag salita.

"ja-jaycob hala so-sorry" pautalutal na sabi ko sa kanya at saka ako bumanhon sa kanyang katawan.

Ganto kasi yan nahigaan ko kasi si jaycob kaya yun buti nalang at yung likod ko ang tumama sa kanyang harapan at hindi yung mismong harapan ko ay tumama sa harapan niya baka kung anong.......Ano ba yang iniisip ko.

"Oy hindi mo ba ako tutulungan" napatingin ako sa kanya at nag loading muna yung utak ko bago ko siya tulungan.

"Bakit ganan ang suot mo?" sabi niya sa akin habang nag papagpag siya ng kanyang likod.

"Bakit may problema ba sa suot ko? dapat ba naka bra at panti ako ha?" Hala gusto ko na tuloy bawiin yung sinabi ko sa kanya yan kasi ang laki laki kasi ng bunganga ko hindi ko tuloy na pigilan ay.

"Bwahahahahhaha" nag taka ako ng bigla nalang siyang tumawa may nakakatawa ba duon sa sinabi ko.

"Tsk tawa ng tawa kala mo naman ay may nakakatawa. Ayusin na ninyo yung mga banda ninyo at malapit na mag acquaintance party" sabi ko sa kanya na hanggang ngayon ay natatawa parin siya.

"Sige aalis na ako" sabi ko sa kanya at saka ako umalis na sa kanyang harapan.

Bago ako makasakay ay tinignan ko muna yung salamin na suot ko kung may basag ba tas yung cup tinignan ko kung nasa ulo ko pa nang ayos na at wala namang damage ay sumakay na ako ng jeep.

---------

(Jiro)

"Hindi pa parang nakakapag taka naman ng isang tulad niya ay maalam mag drum at mag guitar" sabi ko kay eightan.

Nasa kwarto kami ngayon. Naka higa ako ngayon sa aking kama si eightan naman ay nasa table niya at may sinusulat. Kami lang ni eightan ang nandito si miko ewan malay ko duon sa taong yun.

"Bakit naman?" tanong niya sa akin.

"Parang impossible na ewan ko!" Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Impossible porket ganon lang ang istura noong tao. impossible agad! hindi pa natin kilala yung tao kaya wag ka mag salita ng ganan" mahinahong sabi niya sa akin.

Tumayo siya sa kanyang inuupuan at nag paalam siya sa akin na mag prapractice lang daw siya.

Kaya naiwan naman ako dito mag isa ano ba iyan.

Hmmmmmm......Nerd.

Ano ba iyan bat kasi pinoproblema ko pa yung babae yun eh.

------------

(SAM)

Nasa mc'do na ako at hanggang ngayon ay wala parin si ate y huhuhu kanina pa ako gutom mga isang oras na ako nandito.

Tatayo na sana ako ng bigla may umupo sa harapan ko na naka sunglasses.

"Aalis kana agad?" napatingin ako duon sa nag salita na nasa harapan ko.

"Ha?" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ano ba iyan z" Nagulat ako ng marinig ko yung pangalan ko sa bar.

"A-ate y!" napalakas ata ang boses ko dahil halos lahat ng nakain sa mc'do ay nakatingin sa akin.

"He......He....... sorry" sabi ko sa mga tao naka tingin sa akin at saka ako umupo.

"Yan ang lakas kasi ng boses" sabi ni ate y sa akin.

"tsk.....akala mo kung sino makapagsalita" Mahinang sabi ko sa aking sarili na parang narinig ni ate y dahil tumingin siya ng masama sa akin.

"Hahaha Hindi ka naman mabiro ay. akala ko kasi hindi kana pupunta he...he...he" pabirong sabi ko sa kanya.

"Pigsinabi ko tinutupad ko hindi tulad ng iba hindi tinutupad kung ano man ang binitawan nilang salita" seryosong sabi ni ate y sa akin.

"Ah edi wow" pabirong sabi ko kay ate y.

------------

(IAN)

"Break muna daw kayo at kakain na" sabi ko sa kanila nasa open practise room ako ngayon, tinatawag ko kasi yung mga nag prapractice para kumain muna ng tanghalian 11:54 am na kasi.

Bumalik na ako sa kusina bahala sila kung ayaw nilang kumain basta ako kakain na ako gutom na kasi ako.

"Oh nasaan sila?" tanong ni jaycob sa akin ng pagkapasok ko sa kusina.

"Ayon abala sa pag prapractice" walang ganang sabi ko sa kanya.

"kanya kanya nanaman ba sila kung mag practice?" tanong sa akin ni jaycob.

"Neh....... hindi. nag papatulong sila kay jayson si jiro naman malay hindi ko alam kung nasaan yun tas si eightan maalam naman kaya hindi na siya nag paturo pa buti nga hindi nahihilo sa pag tuturo si jayson sa kanila" sabi ko sa kanya.

"Ah...." matipid na sagot niya sa akin.

"Oo nga pala akala ko ba ayaw nila mag paturo bakit ganon na agad sila? nawala lang ako ng mga isang oras at natulog eh biglang pinag kakaguluhan na si jayson ng pag kabalik ko duon sa open practice room" Derederetsong sabi ko sa kanya.

"Ah ayon ba baka napa isip sila na talo pala sila ng isang nerd na babae sa mga ganong bagay hahahahha" Natatawang sabi niya sa akin.

"Sabagay nakaka mangha naman diba pati hindi natin inaasahan na magaling pala siya sa mga ganong bagay" sabi ko sa kanya.

"Saglit nga lang nasaan pala siya?" Nag tatakang tanong ko kay jaycob.

"Si sam ba. ewan nakasalubong ko nga kanina eh naka bihis pang alis akala ko nga mag nanakaw eh" pag bibirong sabi niya sa akin.

mag nanakaw?????
Ha?????
Ano?????

-------------

(SAM)

Pag katapos namin kumain.
syempre naman nilibre ako ni ate y na kumain sa mc'do, kaya naparami yung binili kong pagkain kaya naman ngayon na nag lalakad kami eh parang hindi ako makahinga sa katakawan ko kasi.

Hindi ko nga alam kung bakit ang payat payat ko kahit ang takaw ko naman kumain kapag may kakainin ako.

"Yan ang napapala mo eh ang takaw takaw mo kaya yan napala mo" sabi ni ate y sa akin napansin pala niya, kaya nag pout ako sa kanya.

"Tssss ang pangit mo kaya wag ka mag ganan" pag bibiro sabi ni ate y sa akin kaya binigyan ko lang siya ng masamang tingin kahit hindi niya kita.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Nbs may titignan kasi ako na book ba" sabi niya sa akin.

"Ah...... Ano book naman?" tanong ko sa kanya.

"Ahm yung 100 tula para kay stella. Alam mo naman ako mahilig ako bumili at mag basa ng mga libro" Sabi niya sa akin.

"Ah......." yun lang ang sabi ko sa kanya.

------------

(Jayson)

Pag katapos namin kumain ay parang tanga naman sila na nag unahang lumabas ng bahay at pumunta sa open practice room namin.

Iba talaga ang nagagawa ni nerd sa mga to.

Eto nanaman ako mapapagod nanaman ako hazzzzzz......

---------------------

(SAM)

Pag katapos namin pumunta sa nbs ay namasyal kami at kung saan kami pumupunta tumitingin ng mga damit at kung ano ano pa.

Ng mag 3:30 pm na ay naisipan ko na pumunta na sa bar ni tita baka kasi ako pagalitan noon at bungangaan kung bakit ako late may meeting kasi kami yung mga kaylangan lang para bukas.

Kaya nag paalam na ako kay ate y na kaylangan ko nang pumunta sa bar ni tita.....Sabi naman niya sa akin na ihahatid daw niya ako sa bar ni tita kaya pumayag ako libreng pamasahe eh hahahhaha.

Nasa tapat na kami ng bar ni tita bago ako makapasok sa loob ng bar ni tita ay may sinabi muna ako kay ate y.

"Salamat sa libre ate y sa susunod ulit bye bye....." sabi ko sa kanya at saka ako pumasok sa loob ng bar ni tita.

-------------

(Sam)

Nag hintay pa ako ng mga ilang oras syempre hindi ako nag tanggal ng cup at ng sunglasses baka kasi ako makita diba at baka mag taka ang mga iba kong kasama mung bakit nandito ang isang sam na waitress dahil hindi naman ako pinapatawag ni tita diba.

Bakit kasi ang tagal nila ako lamang ang nandito sa room ni tita at nakikinig ng music kapag hindi pa sila dadating uuwi na ako langya naman ay.

ilang minuto ang lumipas ay bigla nag bukas ang pinto kaya napatingin ako si x lang pala.

"Yow! " bati ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Hi...." parang nag dadalawang isip na sabi niya sa akin.

Bumalik na ako sa pag lalaro ko sa cp ko. kahit pindutan lang ito at di touchscreen ay may laro parin ito ay may music hahahahahahhaa kakaiba kaya ito cell phone ko.

Ilang minuto ang katahimikan..........Ng bigla siya nag salita kaya napatingin ako sa kanya.

"Mag peperform ka rin ba bukas?" tanong niya sa akin.

"Oo" sabi ko sa kanya.

At nanahimik nanaman ang paligid namin.

Ng biglang ma lowbat ang cp ko kaya nag hanap ako ng charger para sa cp ko meron kasi dito sa room ni tita na charger eh, basta mag hanap kalang at may makikita ka.

Kung saan saan sulok ng kwarto ni tita ako nag hanap.

"May hinahanap kaba?" Napatingin ako duon sa nag salita at si x lang pala.

"Ah oo, charger eh lowbat na cp ko kasi" sabi ko sa kanya at nag patuloy na ako sa pag hahanap.

"Meron ako dala" Napatingin ako sa kanya.

"Saglit lang kunin ko lang sa bag ko" sabi niya kaya lumapit ako sa kanya at binigay niya saakin ang charger niya.

Mukhang mabait ang isang to ah pamula kasi ng mag umpisa siyang kumanta dito ay hindi ko masyado nakakausap siya halos ngayon nga lang yung pinakang mahabang pag uusap naman.

------------

(SAM)

Nakakatuwa naman sila ahm sino tinutukoy ko syempre sino paba edi yung mga banda na kakanta para sa acquaintance party namin paano naman kasi pag kauwi ko ngayon 7:00 pm pag pasok ko ng bahay ay walang tao kaya nag taka ako baka nasa kwarto sila at nag mumukmok mali pala ako dahil nasa open practice room pala sila at nag prapractice kaya ng makita ko sila ay agad ako bumalik sa loob at pumunta sa kusina para kumuha ng merienda nila at ng maiinom nila.

hmmm......Biglang may pumasok sa isip ko. Nakakapag taka bakit parang hindi ata maalam ang mga barkada ni nicko pati pala siya sa mga instrument. Akala ko ba may banda sila dati sa school nila ayon ang narinig ko noon. noong unang araw na nag transfer sila sa school naman.....hmmmm...Neh...malay ko.

Bigla ako natauhan ng may bigla nag salita sa likod ko kaya muntikan ko nang mabitawan ang baso na may laman na juice.

"Oh zoe" si zoe lang pala ang nag salita akala ko mumo na huhuhu

"Hi nerdy" maarteng sabi niya sa akin hindi ko na siya pinansin at nag patuloy nalang ako sa pag aayos ng merienda nila.

"Ang bastos naman natin ah i have a secret do you want to know it?" sabi niya sa akin at tumawa ng nakakakilabot.

Kahit na tumawa siya ng nakakakilabot ay hindi ko parin siya pinansin.

"So you do not want to know it ha?" maarting sabi niya sa akin.

"Okay fine then i will say it to other next time pag nakabalik na ako sa school that every one will know may ultimate secret hahahahhaha....... bye bye Nerdy" sabi niya at ayan nanaman ang nakakakilabot na tawa niya.

Paki ko sa ultimate secret mo no hindi ka na nga tumulong dito ni hindi ka man lang nakapag linis bago ka umalis kahit wag ka nang bumalik di ko naman kay langan ng tulong mo tsss.....

--------------

(Eightan)

Syempre nasa secret place ako ngayon syempre ako lang ang nakakaalam bakit ng secret eh.

Break kasi namin ngayon kaya pumunta muna ako dito para mag pahangin.

Oh si zoe yun ah ano ginagawa niya dito akala ko ba may business na ipinagagawa sa kanya si daddy

Ewan ko ba kung bakit ako pinalipat ng daddy ko dito sa school na ito ano ba plano niya at bakit dito pa sa school na ito??????

Pag nagawa ko lang naman yung pinapautos ni daddy sa akin, I can live in this stuped school.

syempre jiro and miko do not even know may secret.

Kaylangan ko nang bumalik sa open practice room baka hinahanap na nila ako.

-----------

(Sam)

Naayos ko na ang lahat ng merienda nila kaya dadalhin ko nalang sa kanila ng bigla mag bukas ang pintuan ng kusina kaya napatingin ako duon sa pumasok

"Oh sam gising ka papala" gulat na sabi ni ranz sa akin.

"Bakit ka naman nandito akala ko ba nag prapractice  kayo?" nag tataka kong tanong sa kanya.

"Bawal mag break ha!" pabirong sabi niya sa akin kaya napatawa nalang ako ng bigla ako may maalala.

"Bat hindi mo ata dala cp mo?" tanong ko sa kanya.

"nehh.... Boring kaya, pati wala ako ka chat no. Saan mo pala dadalhin yan mga yan?" tanong niya saakin.

"Dadalhin ko sana sa inyo mukha kasi hindi pa kayo nakakapag merienda kaya to nag handa ako. pwede mo ba  ako tulunga dito sa isang tray?"
tanong ko sa kanya.

"Aba! aba! sakto na gugutom na din ako. sige tutulungan na  kita" sabi niya sa akin at kinuha na sa may table yung isang tray at saka kami pumunta sa open prectice room.

Kitang kita sa mukha nila ang pagod.

"Oh merienda muna kayo!" sigaw ni ranz kaya natauhan agad ako.

Unahan sa pag kuha akala mo naman ay mauubusan ay.

Ibinigay ko kay jaycob yung tray na hawak hawak ko bahala na sila mag kagulo basta ako uupo nalang ako kapagod ay.

Parang may nawawala sa kanila hmm......

"Nasaan pala si eightan at si ian?" tanong ko kay miko nakaupo lang sa tabi ko.

"Ha! malay ko" sabi niya sa akin at saka siya kumagat sa hawak hawak niyang tinapay.

"Hmmmm..... Ang sarap ah! saan mo naman ito natutunan?" Sigaw ni miko kay ranz na nakain sa may electric guitar niya.

"Nehhhh hindi ako gumawa nito no yang katabi mo kaya" sabi ni ranz na bigla naman na patingin sa akin yung iba at parang nag tataka na ewan ba yung iba naman napatigil sa pag kain so ano ako ha.....

"Wala yang lason no hindi ako pumapatay ng tao no!" Galit na sabi ko sa kanila. sila na nga yung ginawan ko sila pa yung mga ano kung mag isip.

"Oyyyyy!!!! wala kami sinasabi na ganan sayo ha!" sabi ng katabi ko.

Napangiti nalang ako sa kanya paano naman kasi ang amos niya sabagay ang takaw kasi niya eh hahahhahaha.........

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napatawa ako ng malakas.

"Hahahahahhah....." Napatingin nanaman silang lahat sa akin.

"Hahhahaha.....So-Sorry ang....ang amos kasi ni miko eh kaya natatawa ako" Natatawang sabi ko sa kanila na kanila naman tingin sa mukha ni miko na kanilang ikinatawa except kay ken, jiro at kay sed na ang mga mukha ay seryoso.

"Tss. dahil lang diyan natawa kana ang babaw mo naman" sabi ni jiro sa akin.

wow ha ako lang ba yung tumawa tanong ko? hindi naman ah.

Kaysa mag salita ako o makipag talo pa sa kanya ay umalis nalang ako baka epal pa kasi ako sa pag prapractice nila.

Bago ako tuluyang umalis ay may sinabi muna ako kay jaycob.

"Tawagan mo nalang ako kung may kaylangan kayo" sabi ko sa kanya at saka ako umalis.

Habang nag lalakad ako sa labas ay natanaw ko sa may gate si ian na mukhang may pinuntahan dahil sa suot niyang damit kaya lumapit ako sa kanya.

"Oy! ian saan ka galing?" tanong ko sa kanya.

"Ah may pinuntahan lang ako" seryosong sabi niya sa akin.

"Ah ganon ba..."

"Oo nga pala buti at nakita mo ako. mag papaalam sana ako kay jaycob eh kaylangan ko na talagang umalis kaya hindi ko na nasabi sa kanya pwede ikaw nalang mag sabi sa kanya na may kaylangan lang ako gawin sa amin kaya sa Tuesday pa ang balik ko. Oh sige ha yan na  kasi sundo ko ge bye sam ingat ka" derederetsyong sabi niya sa akin. bago pumasok sa utak ko ang mga sinabi niya ay nakaalis na siya kaya hindi na ako nakapag paalam man lang sa kanya.

Aalis ulit siya......

Ano ba mahalagang bagay yun alam ba ni tita kaya yun????

Eh malay ko....

Babalik na sana ako sa open practice room ng bigla ko naman nakita si eightan na papunta din duon kaya tinawagan ko siya at agad ako pumunta sa kanya.

"Uy! eightan pupunta ka naman sa open practice room diba? pwede pasabi naman kay jaycob na may kaylangan lang daw gawin si ian sa kanila kaya sa Tuesday pa daw ang balik niya. Uy pasabi ha kay jaycob" derederetsyong sabi ko sa kanya.

Tumango nalang siya sa akin at saka siya nag lakad papuntang open practice room.

Kaugali pala niya si sed tahimik at seryoso pero....... Si sed may pagka siga. si eightan hmmmmmm.... Tahimik siya kaso may pag ka creepy.

Hay ano ba yang nasa utak ko makapunta nalang sa kwarto ko at makapaglinis na ng katawan para makatulog na ako.

Hayzzzzzz.........

To be continue.......

-----------------------

Vote and Comment 😊😊😊😊

December 7 17

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top