Chapter-18 (NEED TO WORK HARD)
(SAM)
Nasa loob na ako ng room at naka tulala sa hangin hahhahahah...... may iniisip kasi ako yung kahapon ba.
Hindi na kasi ako nag linis ng canteen at ng garden sabi ni miss wag na daw ako maglinis gawa nga noong banda diba, kaya sinabi ko kay manang yung magandang balita kaya nalungkot siya ewan ko nga kung bakit siya na lungkot baka walang mag lilinis na ng canteen hhehhee lol djoke lang may janitor na naman eh.
Buti nga at nag hire sila ng dalawang janitor. Hay nako kung kaylan tapos na ako mag linis ay saka sila mag hihire ng janitor ay nako po yung dati namin kasi janitor nasa hospital ewan ko ba kung anong nangyari sa kanya.
Okay back to kay manang. hahahah ang totoo niyan bakit daw siya nalungkot ay gawa daw ng wala na daw titikim sa mga niluluto niyang ulam tas wala na daw siya makakausap tuwing umaga at hapon kaya sabi ko kay manang wag nang malungkot dahil pupunta naman ako minsan sa canteen eh.
At isa ko pang Iniisip kahapon pa ay kung lahat ba ay makakapunta o makiki operate tas kaylangan ko daw sumama paano ako sasama kung wala ako dress diba hindi ako mayaman para makabili ng dress tas color black pa daw para sa acquaintance party.
Ayos lang kung tungkol sa banda yung mag babantay ako at magiging yaya nila kaya ko iyon kahit may galit sa akin yung ibang ka member ko. Yung acquaintance party, wala na naman ako pambili ng dress wala rin naman ako kausap duon pati wala ako pambayad no.
May bayad kasi yung acquaintance party namin 250 pesos ba saan ako kukuha ng ganong kalaking pera tas yung dress pa. Bakit kasi mag babayad pa ng 250, pwede naman mag balot nalang ng pagkain ah. 250 para lang ba sa pagkain mas daig pa ang Mcdo ay, sa mcdo 60 pesos may kanin at ulam tas drinks diba.
Kung hindi naman ako pupunta baka mamatay ako........ Saklap noon diba may pangarap pa ako ayoko pang mamatay huhuhu.
Wala na ako magagawa kaya kaylangan ko mag trabaho kay tita na may sweldo na. Ang totoo niyan matagal na ako nag tratrabaho kay tita pero hindi ako humihingi ng sahod noong bata pa kasi ako si tita na ang tumulong sa akin hanggang ngayon tinutulungan parin ako ni tita pag may problema ako.
Kaylangan ko nang mag simulang magtrabaho ngayon araw na ito, kahit hindi pa ako pinapatawag ni tita, mas nakakahiya naman kung hihingi ako ng pera sa kanya tas ano walang kapalit mas maganda na yung nag tratrabaho ka tas may matatangap ka diba, para magandang tignan.
"Hoy!!!"
"AYKALABAW" pambihiranaman oh
"Wag ka nga mang gugulat ian kainis ka!" galit na sabi ko sa kanya.
"Eh paano naman kasi kanina pa ako nag sasalita dito eh hindi kanaman pala nakikinig at ang lalim pa ng iniisip mo" reklamo niya saakin.
Aba malay ko ba na nasa tabi ko pala siya. hindi ko kasi siya kasabay pag pasok kaninang umaga maaga kasi ako nagising kaya umuna na ako.
"Ano ba yung sinasabi mo kanina?" tanong ko sa kanya.
"Wala" oh tignan mo wala naman pala, tsk.
------------
(JAYSON)
"Bakit ka kasi nag volunteer na saatin sila matutulog?!" galit na tanong ko kag jaycob.
"Hayaan mo pati pinag dududahan na tayo ni mama!" sabi niya sa akin.
"Kung malaman man ni mama yung totoo eh ma-" Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin at umalis nalang ako at bumalik na sa class room.
tsk......
----------
(MIKO)
Nasa canteen kami ngayon ni jiro at ni eightan para mag lunch.
"Pupunta ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Oo. Ayoko nga maparusahan. Nabalitaan ko na nakakamatay daw yung parusa na binibigay ng principal" mahinang sabi ni eightan sa amin.
"Tsk maniniwala ka duon" galit na sabi ni jiro.
"Pati mukhang masaya ata" sabi ko sa kanila.
"So pupunta ka?" tanong sa akin ni eightan.
"Sabi ko lang mukhang masaya wala ako sinasabi na pupunta ako diba" sabi ko sa kanya.
"Kilala kita miko alam ko na pag ganan ka sa isang bagay eh gusto mo diba" sabi ni eightan sa akin.
"Paano nga kung pumunta ako pupunta rin ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Diba kakasabi ko lang na oo ayoko pang mamatay no!" pagrereklamo ni eightan sa akin.
"Eh ikaw ba jiro anong balak mo?" tanong ni eightan kay jiro.
"Ewan ko!" sabi niya at umalis na siya.
Tignan mo mang iiwan.
---------------------
(SAM)
Pag kaawas ay nag paalam ako kay ian na may pupuntahan lang ako kaya palihim ko binigay sa kanya ang susi ng bahay.
Pumunta ako sa bar ni tita at sinabi sa kanya ang tungkol sa acquaintance party namin at kaylangan ko ng pera kaya mag tratrabaho ako sa kanya araw araw tuwing hapon para may pagkakitaan ako kaya pumayag naman si tita.
Sabi pa nga niya noong una bibigyan nalang daw niya ako ng pera para hindi ko na daw kaylangan na pumunta sa bar ni tita araw araw tatawagan nalang niya daw ako pag kaylangan daw niya ako eh ayoko naman ng ganon, gusto ko na nag kakaroon ako ng pera sa tamang paraan diba, yung mag tratrabaho ka tas mag kakapera ka dahil nag pagod ka at nag tiyaga ka.
Ayoko naman tumulad sa mga ibang tao na mama pange pera, papa pange pera may bibilhin lang ako. Ayoko ng ganan hindi kasi matututo ang tao kung hingi lang ng hingi diba
(A/N: Tama siya mga bata....Gayahin ninyo ninyo siya heheheh....)
Hahaha ano ba iyan ang rami ko nang nasabi.
Nag palit na ako ng damit at pumunta na sa back stage, ngayon ay magiging Z muna ako dahil yun ang gusto ni tita.
Ilang oras lang ako kumanta dahil may banda pa daw na mag peperform kaya nag palit na ako ng damit at nag waitress na ako.
Order dito, order doon, order diyan.
Habang abala ako sa pag kuha ng mga order ng customer ay bigla lumakas ang hiyawan dahil ata sa nag peperform sa may stage kaya napatingin ako sa may stage.
Ahhhhh si X ata yon. noong isang araw pa nila hinahanap.
Hmmmm sino kaya si X?????
-------------
(Bahay)
Kakauwi ko lang galing sa bar ni tita kaya nag palit na ako ng damit at pumunta sa kusina para tignan kung ano pag kain ng bigla lumabas sa banyo si ian.
"Kakapalit mo lang ng damit?" tanong ko sa kanya dahil may dala siyang damit na sinuot niya kanina ng pumasok siya ng school. Nakakapag taka naman mas nauna pa siya umuwi pero hindi pa siya nakakapag palit ng damit?
"Ah ano kasi may pinuntahan din ako eh sasabihin ko sana sayo kanina eh nag madali kang umalis kaya hindi ko na nasabi sayo" pwede naman niya ako i text ah.
Ano ba iyan pinoproblema ko pa yang mga ganang bagay.
"Ano pala ulam?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa ako nakakapag luto" sabi niya na papuntang kwarto ko.
Pumunta ako sa may refrigerator para tignan kung ano ang mga binili niyang ulam noong isang araw.
Hmmmmm egg, gulay, isda at meat....... ah may sibuyas kaya. pumunta ako sa may lagawan ng mga sibuyas at ng bawang
hmmmmmm..... ah ayon pag sinuswerte ka nga oh nakakuha ako ng sibuyas
Kinuha ko sa refrigerator ang egg at inilagay sa pinggan tas hiniwa ko ang sibuyan gagawa kasi ako ng egg na binatig na may sibuyas masarap kaya yun tas ang bilis pang lutuin.
Pinirito ko na ang binatig na egg with sibuyas ng maluto na ito ay inilagay ko na sa pingan at nilagay na sa lamesa.
Tinignan ko kung may kanina pa ba natira kaninang umaga ng wala na pala ay nag saing pa ako.
Gutom na ako huhuhu.....
"Ambango ah" sabi ni ian na nasa likod ko na pala.
"Nag luto na ako ng ulam, nasa lamesa" sabi ko sa kanya kaya pumunta siya sa may lamesa para tignan kung ano ulam ang niluto ko.
"Ano klaseng ulam iyon?" nag tatakang tanong ni ian sa akin na nasa likod ko na pala.
"Egg siya" sabi ko sa kanya.
"Oo alam ko bat may parang may kasama yung egg" nididiring sabi niya sa akin.
Ang arte naman ng isang ito.
"Basta masarap yon mag hintay ka malapit nang maluto tong kanin" sabi ko sa kanya at umupo na kami sa may sofa.
Ilang minuto na ang lumipas ay lutu na ang kanin kaya nilagay ko na sa lamesa at tinawag si ian para kumain na.
"Sigurado ka nakakain yang niluto mo?"
"Bakit ko pa niluto kung hindi naman pala nakakain. edi ibig sabihin nakakain yan kasi nuluto ko" pilosopong sabi ko sa kanya.
"Alam mo ang rami mong arte umupo kanangalang at tikman mo hindi yang reklamo ka ng reklamo"
sabi ko sa kanya kaya umupo na siya at kumuha na ng kanin at ulam tinignan pa talaga ni mokong kung ano naka lagay sa egg hay iba na talaga ang mga mayayaman.
"Wag mo nang titigan yan hindi yan lilipad sa bunganga mo no!" galit na sabi ko sa kanya.
"Oo eto na kakainin ko na" sabi niya at sinubo na yung egg na may kanin slow motion pa ang mokong ay.
"Ano masarap" tanong ko sa kanya ng mailunok na niya yung pag kain.
"Hmmmmm..... okay na" mayabang na sabi niya.
(-_-)wow ha.
To be continue.......
-------------
Vote and Comment😊
October 28 17
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top