Chapter VI: Sorry

Kahel

SORRY—isang bagay na para sa iba ay madaling sabihin. Some people admire those who always apologize, even for the smallest of things. Humble raw, ika nga. Mapagkumbaba, mabait, matured, pinalaki nang maayos, at marami pang mabulaklak na salita upang ilarawan kung gaano kadikit ang paa ng isang tao sa lupa. Madali lang naman daw mag-sorry. Wala raw mawawala sa'yo.

But for me, I always see it from a different angle.

The more you use that word... The more it loses its value.

"Sa susunod kasi tumawag ka para mas marami akong lulutin!"

Umiiyak pa sa tuwa ang mama ko habang nagsasandok ng sinigang. Masaya silang nagkukuwentuhan ng dalawa kong kapatid. Inimbitahan namin si Kuya Kyo na saluhan kami sa hapunan. Magkatabi sina Kuya Kalim at Kuya Kyo. Sa dulo ng mesa si Mama habang ako ay katabi si Lila.

"Ilang araw ka rito, Kalim?" tanong ni Kuya Kyo.

"Ilang araw mo ba gusto?"

Natawa kaming lahat sa lamesa. Nagkatinginan sina Lila at mama habang ang magkaibigan ay natigilan sa paghigop ng sabaw. Napakagat ako ng labi habang natatawa sa itsura ni Lila na sinisiko ang mama ko.

"Mabuti naman at naisipan mong dito maghapunan, Kyosuke. Hindi ka naman ba hinahanap ng nanay mo?"

"Naku, Tita—"

"Ma! Minsan ko na nga lang makita itong si Tsubasa, pinapaalis mo na agad."

"Anong pinapaalis pinagsasabi mo, anak? Kung gusto mo, dito pa siya matulog nang isang linggo, e?"

Mabilis na natigilan si Kuya Kyo.

"Isang linggo? Isang linggo ang bakasyon mo, Kalim?"

"Ayaw mo ba, Tsubasa?"

Nakita ko kung paano mamula ang mukha ni Kuya Kyo. Hindi ko alam kung dahil sa init ng sabaw ng sinigang o dahil sa sunod-sunod na patutsada ng kaibigan niya.

Nang matapos kaming kumain ay kaming dalawa ni Mama ang naghuhugas ng mga plato. Ang dalawang kuya ay abala sa pag-uusap sa sala na tanaw lamang mula sa lababo.

Ang mama ko ang nagsasabon at ako naman ang nagbabanlaw ng mga pinagkainan. Panay ang dungaw ni mama sa dalawang lalaki sa sala habang ako ay nakatoon lamang sa mga binabanlawan ko.

"Ed, hindi ka ba nagseselos?"

"Ma!"

"O, bakit? Hindi ba matagal ka nang may gusto kay Kyosuke, kaya ka nga nag-Nursing, e."

Muntikan ko nang mabitiwan ang basong hawak ko. Buti na lang ay agad kong nasalo bago bumagsak sa matigas na gilid ng lababo.

"Straight na kasi iyang si Kuya Ed, Ma."

Mula sa likuran namin ay lumabas si Lila. May nginunguya itong tsokolate na halatang ninenok niya sa maleta ni Kuya Kalim. Agad akong kumuha ng sabon sa kamay ni mama at ipinahid sa mukha niya.

"Ma, si Kuya, o!"

"Tumigil nga kayo," saway ni Mama. "Ed, kailan ka pa naging straight? Puwede ba iyon?"

"Kahapon lang, Ma!" pang-aasar ulit ni Lila. Sumalok ito ng tubig na pinanghilamos niya sa kaniyang mukha. "Kagabi actually, noong sinabihan niya 'yong kapatid ni Drake na ayaw niya sa mga bakla."

Mabilis na napahinto si mama. Binanlawan niya agad ang kaniyang mga kamay at hinarap ang direksyon ko.

"Kahel Edknell Robinson," kompletong bigkas ng mama ko. "Kailan pa kita pinalaking ganiyan?"

"Sorry, Ma."

"O, sige na. Umakyat ka na doon at magpahinga."

Kumuha ako ng tuyong tuwalya at ipinunas sa mga kamay ko. Matapos ay inihagis ko kay Lila makabawi man lang sa ginawa niya.

Mag-isa ako sa kuwarto. Nakatulala ako sa kisame. Sa lahat ng pader ng aking kuwarto ay nakapaskil ang mga poster ng sikat na modelong hinahangaan ko. Nakatitig ako sa kanila habang iniisip ko kung ano marahil ang naging reaksyon ni Drake nang malaman niya ang sinabi ko kay Victoria. Kung galit ba siya sa akin, and if it's for real this time.

Pero okay din na nasa probinsiya ako at malayo sa trabaho. At least dito, nawawala ang phobia ko dahil hindi ako nakakarinig ng kung anu-anong hiss ng ahas.

"Kuya Ed!" Biglang katok si Lila.

"Tulog!"

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko. Tatayo na sana ako upang i-lock ang pinto nang lumipad ito pabukas. Bumulusok papasok si Lila. May dala siyang supot ng mga tsokolate at kusang humiga sa aking kama.

"Peace offering, Kuya!"

"Labas!"

"Sige na," suyo niya. "Sige ka, ibubunyag ko lalo kay Mama ang sikreto mo!"

Agad siyang dumapa sa higaan. Akamang may inaabot siyang bagay sa drawer ko. Mabilis siyang napaupo nang mailabas niya ang itinatago kong photo album.

"Hoy!"

Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya. Para naman siyang kuneho na tumalon sa kama at nakipagpatintero sa akin sa kabilang dulo. Humahalakhak lang siya habang puno ng enerhiya mula sa dami ng matamis na kaniyang nilantakan.

Kusa na akong umupo sa kama dahil alam ko namang hindi niya ibubunyag ang lihim ko. Sinimulan niyang buksan ang hawak niya.

"Grabe, ang bata ninyo pa rito!"

"Shh!"

"Nag-sorry ka ba sa kaniya kanina?"

Dumapa ako sa kama. Pinagsisipa ko ang paa ko sa kutson habang iniisip ang kasalanan ko. Naramdaman kong tumabi sa akin si Lila at siya na mismo ang nagpatong ng slambook sa ulo ko.

"Mag-sorry ka na kasi."

"Paano ako magso-sorry, hindi ko naman alam number niya."

Nakasubsob pa rin ang mukha ko sa kutson. Nakarinig ako ng mga pindot ng cell phone. 'Yong tipong may dina-dial.

"Here."

Inilingon ko ang ulo ko. Hawak ni Lila ang cell phone niya at nakabalandra ang numero ni Drake sa mukha ko.

"How on earth did you get his number?"

"Sabi sa'yo genius ako, e."

"Ulol, Lila! Sino na naman na-blackmail mo?"

Kilala ko ang kapatid ko. Magaling itong mang-stalk ng tao. Paniguradong may pinagkunan ito ng isa sa fans ni Drake sa campus.

"It doesn't matter. I-text mo na habang sariwa pa iyang issue mo."

Lantang-gulay akong umayos ng puwesto. Umupo ako sa kama. Kinuha ko ang photo album ko at ibinalik sa drawer.

Pagalit kong kinuha ang cell phone ni Lila. Inabot ko ang cell phone ko upang kopyahin ang numero ni Drake. Nagsimula akong mag-text pero nag-aalangan ako sa sasabihin ko.

Me: Ungas

Bigla kong binura. Pambihirang buhay 'to. Hindi ako sanay na siya ang nagtatampo.

Me: Ulupong—

Binura ko ulit. Si Lila ay natatawa na habang sinisilip ang tina-type ko.

"Lumabas ka na nga!"

"O, sige na! Kaya mo na 'yan. Basta mag-sorry ka, ha?"

Iniwan niya ko sa kuwarto. Siya mismo ang nagkandado ng pinto. Binalikan ko ang cell phone ko.

Me: Drake, si Kahel 'to. Puwede ba akong tumawag?

Mabilis kong pinindot ang send button. Binitawan ko agad ang cell phone. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang nakaabang kung magre-reply ba siya agad.

Lumipas ang ilang minuto. Hindi sumagot si gago. Marahil galit talaga siguro.

"Nakakaburyo, hindi ako sanay," bulong ko.

Umayos ako ng puwesto. Naghanda na akong matulog at ipiniatong ang cell phone ko sa lamesa sa aking gilid. Nakatitig ako sa kisame habang unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko nang biglang tumunog ang cell phone.

May tumatawag! Unknown number.

"Hello, sino 'to?" agad kong sagot.

"Labo, te-text-text ka tapos hindi mo sine-save ang numero?"

"Drake?"

Mabilis akong napaupo. Napayakap ako ng aking tuhod. May kung ano sa boses niya na nagpaalis sa aking antok.

"Bakit wala ka sa mall kanina, 'di ba duty mo?" tanong niya.

"Umuwi akong Tarlac, dumating ang kuya ko." Mabilis akong natigilan. "Teka, bakit mo ko hinahanap sa mall?"

"A... e..." nauutal si gago.

Mabilis akong napangiti. Napataas ang aking kilay.

"Teka, hindi mo 'ko pinansin kanina, e. And hinahanap mo ko... So, hindi ka galit sa sinabi ko kay Victoria?"

"Na homophobe ka?"

Mabilis na nawala ang ngiti sa mukha ko. Ramdam kong seryoso ang kaniyang tanong. Pinakinggan ko lamang ang kaniyang malalim na hininga sa kabilang linya habang pinagsisihan ang sinabi ko.

"Galit ako, Kahel."

Napakagat ako ng labi. Napasubsob ang mukha ko sa aking tuhod.

"Drake, sor—"

"No! Not over the phone!" pagpigil niya sa sasabihin ko. "Uwi ako riyan bukas, dadalhin ko ang kapatid ko. Bukas ka mag-sorry."

"Ha?"

"Ang laki ng kasalanan mo sa'kin, alam mo ba?" Dinig ko ang mga pasimple niyang tawa sa kabilang linya. "Kung alam mo lang."

Panay ang kuda niya at mga patutsada niyang halatang may gana nang mang-asar. Nang nagsimula na kong mainis dahil panay na naman siya puna sa itsura ko at kung paano ko subukang halikan si Victoria kagabi sa labas ng tiyatro.

"'Ge."

Mabilis kong pinatay ang telepono. Alam kong hindi na siya galit. Iyon kasi ang tono niya na tuwing may gana na siyang pagtripan ako.

Biglang nag-ring ulit ang telepono.

"Hello, sino 'to?"

"Labo! I-save mo nga ang number ko!"

Natatawa na ko sa naiinis niyang boses. Ramdam kong natatawa na rin siya dahil sa pinaggagagawa ko.

"Ayoko nga!"

"Ise-save mo o ipagkakalat ko na homophobe ka?"

Kinilabutan akong bigla. Napalunok ako ng laway. Kinabahan ako sa sinabi niya. Ang pinaka-ayaw ko pa naman ay ang mapag-usapan sa school.

"Ito na," tugon ko.

"Good boy!"

Tanginang 'to.

"Ito na, ilalagay ko na name mo. Drake U-N-G-A-S."

"I'll do you better," halakhak niya. "Ito ang isulat mo. Itse-check ko 'yan bukas kapag nagkita tayo."

"Tss! Ano?"

"Drake B-A-B-Y."

Buwiset!

Hindi ako sigurado. Pero parang umiinit ang mukha ko. Nasobrahan rin ata ako sa Sinigang kanina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top