Chapter 2
"Wala na tayong dapat pag-usapan."
Iwas ang tingin ni Luan kay Heyzel at sa dalawa pang babaeng kasama nito.
Sariwa pa ang breakup nila. One month ago noong nagkalabuan sila. Walang matinong closure. Basta na lang hindi na sila nagpansinan mula nang mag-send si Luan ng photo na may kahalikang ibang lalaki si Heyzel sa bar.
Nonnegotiable kay Luan 'yon. Para sa kanya, hawakan ng iba ang girlfriend niya, kanila na siya.
First girlfriend niya si Heyzel. Aminado ang mga kakilala niya, maging siya, na maganda talaga ito. Mahaba at makintab ang buhok na kinulayan ng light auburn. Expressive ang mga mata. Usap-usapan na nagpa-nose lift lang daw ito kaya tumangos ang ilong, pero hindi naman 'yon naging issue sa kanya.
Kikay, mahilig pumorma, laging naliligo sa matamis na pabango. Hindi kayang lumabas nang hindi naka-eyeliner, walang eyelash extension, at lipstick. Mas gugustuhin pa nitong magtago sa mask kaysa magpakita sa lahat na walang makeup. Pero wala naman siyang pakialam sa mga 'yon noong umpisa.
Niligawan niya? Sakto lang. Minahal? Sakto lang din.
Kaya siguro noong nalaman niyang hindi lang siya ang lalaki sa buhay nito, sakto lang din ang sakit na naramdaman niya. Sapat lang para kalimutan ang deserving namang kalimutan.
"I was drunk, okay?" katwiran na naman ni Heyzel, na hindi niya mabilang kung ilang beses nitong ipinandepensa sa bawat pagtanggi niyang magpaliwanag ito.
"Zel." Nagmuwestra na si Aykee na lumayas na si Heyzel kasi nagsisimula nang mairita si Luan.
Nakatanaw na naman siya sa malayo at iwas ang tingin sa kausap.
"I didn't cheat on you!" malakas na paliwanag ni Heyzel.
"Pumunta ka sa bar nang wala ako at nakipaghalikan ka sa ibang lalaki," sarcastic na sagot ni Luan at hinamon ng tingin ang dalaga, nakangisi pa siya para mang-asar. "You didn't cheat on me? Talaga lang, ha?"
"I was drunk! How many times do I have to tell you that?"
"Pumunta ka sa bar nang wala ako," ulit ni Luan, umurong pa siya paharap para lang ipamukha 'yon kay Heyzel. "Paulit-ulitin mo 'yan hanggang ma-digest ng utak mo."
"Pumunta ako sa bar kasi wala kang time para sa 'kin!"
"Wala akong time kasi midterm namin! Dean's lister ako, Zel! 'Wag kang close-minded! Three nights lang ang kinuha ko sa schedule ko para sa 'yo kasi need kong mag-review!"
"Three nights kang hindi tumawag!"
"Nagte-text ako, nag-cha-chat ako, nagse-send ako ng ginagawa ko, kulang pa? Tapos ikaw, nakikipaghalikan lang sa ibang lalaki? Why? Kasi hindi ako tumawag? Kasi wala akong time? Kaya pumunta ka sa bar? Makikipaghalikan ka, and ire-reason out mo na lasing ka lang? Naglalasing din ako, Zel, pero itinutulog ko 'yon, hindi ako nakikipaghalikan. So better leave me alone. Tapos na tayo, at tinapos mo 'yon."
"And what about that student sa culinary?" biglang katwiran ni Heyzel na ikinakunot ng noo ni Luan. "Every day, nakikita ka nina Cristina, araw-araw mong pinupuntahan 'yong babae na 'yon sa cooking lab. Just admit na may iba ka na at ginagamit mo 'yong picture na 'yon sa bar para lang hiwalayan ako!"
"Ha! Hahaha!" Napabuga tuloy ng tawa si Luan at sarcastic na ngumisi sa sinabi ng ex niya. "Wow . . . at nabaligtad pa 'ko. Wow." Patango-tango pa siya habang nakatingin sa naiiyak na si Heyzel. Kino-comfort pa ito ng dalawang babaeng kasama.
Nagkapalitan tuloy ng tingin sina Aykee at Neyo, nakangiwi at napapailing na lang sa pagtatalong napapagitnaan nila.
Alam nilang dalawa na mahirap suyuin si Luan. Hindi pa tukoy kung ano ba ang makakapagpaamo rito. Wala rin tuloy silang mai-suggest kay Heyzel bilang peace offering. After all, kasalanan naman talaga ng dalaga kaya galit si Luan. Alam din nilang umiiwas ang binata sa mga bar at club. Mabaho raw kasi at ayaw nito ng nadidikitan ng pawis ng kung sino-sino. Maliban sa ayaw nito sa mabahong lugar, ayaw rin nitong mahuli ng mga kaibigan ng papa nito dahil karamihan sa mga bar owner at bartender, kilalang-kilala ng papa niya at buong barkada nito.
"Just tell me na hindi mo na 'ko mahal kasi mas mahal mo na 'yong babaeng 'yon!" naiiyak na hiyaw ni Heyzel, pilit pinatutulo ang luha pero wala namang pumapatak, duro-duro pa ang kanang gilid kung nasaan ang mga hall. "Never mo nga akong pinuntahan sa room ko, tapos siya, dinadalaw mo pa sa laboratory niya? That's unfair!"
Napangiwi sina Aykee. Malabo kasing mangyari ang ibinibintang ni Heyzel kay Luan. Alam din kasi nilang kung puwede lang tanggalan ni Luan ng ulo si Ikay sa sobrang inis, malamang na matagal nang walang ulo ang dalaga.
"Mas mahal ko siya, so?" biglang sagot ni Luan na ikinalaki ng mga mata ng dalawang katabi niya.
"P're!" mahinang sita ni Neyo, siniko-siko pa ang braso ni Luan para awatin ito.
Pero hindi natinag si Luan. Lalo pang nang-asar.
"Saka puwede ba? Kung sino man ang binibisita ko rito sa campus, wala ka nang pakialam. Break na tayo. Makipaghalikan ka na sa lahat ng lalaking gusto mong halikan, wala akong pakialam. Lumayas ka na sa harapan ko, naaalibadbaran ako sa 'yo."
Humagulhol si Heyzel matapos ang lahat ng sinabi ni Luan sa kanya.
"Zel!" tawag ng dalawang kasamang babae ng dalaga nang bigla itong tumakbo palayo roon.
Napapailing na lang sina Aykee dahil sa ginawa ni Luan sa ex nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top