Task

       
Armel's POV

"Aga mo yata dito," iyon agad ang bungad sa akin ni Rex ng pumasok sa opisina ko.

            "Dito na ako natulog," sagot ko at napahinga ng malalim tapos ay isinubsob ko ang ulo ko sa mesa.

            "Bakit?  Problema?" natatawang sagot ni Rex at naupo sa isang upuan doon.

            Naihilamos ko ang mga palad sa mukha ko at napailing – iling.

            "I kissed Sallie last night," at mahina pa akong napamura nang maisip uli ang nagawa ko kagabi. Hindi na ako pinatulog ng ginawa kong iyon.

            Napahalakhak si Rex.  "That's my man!"

            "Gago.  Anong nakakatawa doon?" inis na baling ko sa kanya.

            "Wala.  Natatawa lang kasi ako sa iyo.  Ibang klase talaga ang effect sa iyo ni Sallie 'no?  TL mo talaga siya." Tatawa-tawa pa ito.

"It's not funny, Rex. Parang sasabog na ang ulo ko sa dami ng iniisip." Napabuga pa ako ng hangin kasi parang masisiraan na ako ng bait sa kakaisip ko kay Sallie.  Hindi ko pala kaya na umiwas sa kanya. Kahit anong gawin ko, siya at siya pa rin talaga.

            "Anong sabi ko sa iyo?  Problema 'yan 'di ba?  You better tell it to Bianca, Armel.  Para hindi unfair." Seryoso na ngayon si Rex.

            "But I will hurt her.  Hindi ko kayang masaktan si Bianca." Padaing na sagot ko.

            "Sa ginagawa mo ba hindi mo pa sinasaktan si Bianca? Kaya ang gagawin mo magtitiis ka na lang. Magpapakasal ka sa kanya pero iba ang gusto mo.  Suicide 'yang gagawin mo, bro." naiiling na sabi ng kaibigan niya.  "Ganoon din 'yun. Tell it to her now or tell it later, it's still the same.  Masasaktan din talaga si Bianca.  Kaya sabihin mo na hanggang maaga kaysa sa iba niya 'yan malaman."

            "Hindi ganoon kadali ang sinasabi mo.  Even if I call off the wedding, may boyfriend na naman si Sallie,"  Pero naisip ko nang halikan ko siya kagabi.  She kissed me back.  Alam ko.  Ramdam ko na may nararamdaman pa siya sa akin.

            "Sino?  'Yung Chris?  Sigurado ka ba na syota niya 'yun?" Paniniguro ni Rex.

            "She told me.  I asked her if Chris is her boyfriend and she said yes.  Mukhang mabait naman ang lalaking 'yun,"

            Napangiwi si Rex. "'Yun lang nga.  May sabit din siya. Ikaw kasi padalos – dalos ka ng desisyon.  Sabi mo pupuntahan mo si Sallie.  Susuyuin mo na.  So akala ko magiging okay na kayo.  Tapos pagbalik mo dito bigla kang nag – propose kay Bianca.  I told you wrong move 'yun.  Ano ngayon?" parang matandang nagsesermon sa akin si Rex.

            "I still love her, man.  It hurts me everytime I see her with Chris." Pakiramdam ko ay may nawalang mabigat na bato sa dibdib ko nang sabihin ko iyon.

            Naramdaman kong tinapik ako sa balikat ni Rex. "Bro, ikaw lang ang makakaayos niyan.  Fix it before the shit hits the fan."

            Napahinga lang ako ng malalim.  Even if I fix it.  Even if I call if off with Bianca, there is no assurance that Sallie will stay.  Becauce I know her priorities.  It's not me.

            "Kailan ka babalik sa Bora?" iniba ko na ang usapan namin. 

            "Tomorrow.  Baka sabay – sabay na kami nila Sallie na pumunta."

            "Good.  I want her out of my sight.  Baka kasi hindi ko mapigil ang sarili ko at itanan ko na 'yang si Sallie."

            Napatawa si Rex.  "Siraulo ka. Mas lalo kang makukulong sa naiisip mo."

      "I need to get away from her before I become desperate and I might do stupid things." Napabuga ako ng hangin at napailing-iling. "Bakit kasi bumalik pa siya? Okay na ako. I am getting over her. Pero bumalik siya at ginugulo na naman niya ako."

     "Bro, ikaw ang nagpapagulo sa sarili. Ikaw ang nagbigay ng problema sa sarili mo. Bakit mo kasi niligawan si Bianca kung alam mo naman na hindi ka makaka-move on kay Sallie?"

     Sinamaan ko siya ng tingin at pareho kaming napatingin sa pinto at agad na kumunot ang noo ko nang makita kong si Chris ang pumasok doon. Nakangiti at may hawak na folder. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Guwapo din naman talaga ang demonyong 'to. Hindi kataka-taka kung bakit nagustuhan ni Sallie. Foreigner looking, tisoy, matangkad.

     'Tangina, matangkad din ako. I stood six feet tall. Tulad ng gagong 'to, guwapo rin ako. Maganda ang katawan ko. At ipinagpalit ako dito ni Sallie?

     Ipinagpalit ka niya sa mga pangarap niya.

     Iyon ang tila paalala ng isip ko. Tinapunan ko ng tingin si Rex at alam kong nagpipigil siya ng ngiti. Gusto kong siya na lang ang makipag-usap kay Chris. Hindi ko kayang makipag-usap sa lalaking ito at baka masapak ko lang. Just looking at him makes my blood boil. Lalo na at naiisip kong siya na ang yumayakap kay Sallie. Siya na ang humahalik.

     Putangina talaga. Pinanlalakihan ko ng mata si Rex at sinisenyas na kausapin niya si Chris pero hindi ito tumitinag.

     "What can I do for you, Mr. Kutcher?" Napilitan ako na kausapin siya.

     Ngumiti ang lalaki sa akin. Ang sarap burahin ng suntok ang ngiti na iyon. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

     "I have these reports from the main office that needs your signature," lumapit pa siya sa mesa ko at inilapag ang mga folders na dala.  Hindi ko iyon binuklat at tiningnan lang tapos ay siya. Nakatayo pa rin siya sa harap ko at nakatingin sa akin.

     "Do you need my signatures now? I need to check this first. I'll tell my secretary to call you once this is finished." Seryosong sagot ko sa kanya.

     Tumango-tango pa si Chris at muli ay ngumiti sa akin. Ang totoo, naiinis ako sa kanya pero tingin ko maayos naman siyang tao na humaharap sa akin. Mukhang maayos siya at mukhang hindi naman niya lolokohin si Sallie.

     "Alright. Have a good day," tumalikod na siya at tinungo ang pinto.

    "Mr. Kutcher."

    Huminto si Chris at nagtatakang humarap sa akin.

     Napa-ehem pa ako at ngumiti ng pilit sa kanya.

     "Sallie is a family friend. My dad treats her like her own daughter." Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob na sabihin iyon. "Please don't cheat on her."

     Kumunot ang noo ni Chris at saglit na nag-isip.

     "Sallie? Cheat? Why would I -" biglang nagliwanag ang mukha nito at nagpigil na mangiti. "You think she's my girlfriend?" Paniniguro niya.

     Nagtagis ang bagang ko. Ngayon ay nag-uumpisa na naman akong mainis sa kanya.

    "Just don't cheat on her." Matigas na sagot ko.

    Lalong lumapad ang nakakainis na ngiti ni Chris.

    "Alright. I won't. See you," tatawa-tawang sagot niya at iiling-iling na lumabas. Kung nakakamatay
Lang ang masamang tingin, kanina pa bumulagta ang lalaking iyon.

            Tumayo na rin ako.  I need to go home.  Gusto kong magpahinga.  Tumawag na ako sa sekretarya ko at ipina – cancel ko ang lahat ng meeting ko ngayong araw.  Gusto kong mag – isip.  Gusto kong mag – isa na muna.

            "Punta ka na lang sa bahay if may kailangan ka. But make sure it's important. Hindi ako magsasagot ng telepono ngayong araw.  Gusto kong mag – isip," sabi ko kay Rex at tinapik ko siya sa balikat bago ako lumabas ng office ko.

---------------------------------------------------
Sallie's POV

            "You are so naughty, you know that?" nakatawa na agad si Chris nang magkita kami sa lobby area ng Summer Rose.

            "Why?" seryosong tanong ko.  Naglalakad kami papuntang restaurant para mag – lunch.

            "You told Armel that I am your boyfriend?"

            Napahinga ako ng malalim at napairap.  "He just assumed na boyfriend kita."

            "And you didn't correct him?  Sallie, you are just hurting yourself.  Why don't you tell him that you still love him?  So you will know your stand." Padaing na ang pagkakasabi noon ni Chris. Tingin ko ay naiinis na sa nangyayari sa akin.

            "Alam ko ang stand ko.  Alam ko kunh saan ako. Ikakasal na 'yung tao so move on na tayo." Inirapan ko na siya at sabay kaming pumasok sa restaurant.

            "But are you moving on?" Seryosong tanong niya.

           Masama kong tiningnan si Chris.  "Asar ka," inis kong sabi sa kanya.  "Nakaayos ka na ba ng gamit?  Sasabay na daw tayo kay Rex papuntang Bora." Iniba ko na ang usapan namin.  Ayoko ng pag – usapan si Armel at baka maiyak na naman ako.  Magdamag ko ng ginawa iyon.

            "Yep.  All set." Naupo kami sa table na naka-reserve para sa amin. Agad na nagbuklat ng menu si Chris

            Hindi na ako sumagot.  Gusto ko na ngang umalis.  I still have two weeks left to stay at uubusin ko na lang iyon sa pagtatrabaho at pagsama sa anak ko.

            Narinig kong tumunog ang telepono ko at napailing ako nang makita ko kung sino ang tumatawag.

            "Nancy is calling," sabi ko kay Chris at sinagot ko ang tawag.  "What's up?"

            "How's your stay there?" tanong agad ni Nancy. 

"We are fine.  Chris is having blast because he is staying at the penthouse of Summer Rose," at inirapan ko pa si Chris. Tatawa siya habang patuloy sa pagtingin ng menu.

            "Wow.  Big time," at napatawa pa si Nancy sa kabilang line.  "Anyways, the reason I called is because I emailed a revised contract for the merging.  It needs to be signed asap by Mr. Fernandez," sabi niya.

            "Okay.  I can bring it to Sir Rufus," sagot ko habang nilalaro ko ang pagkain ko.

            "No.  It needs to be signed by Mr. Fernandez the douchebag son.  Since the old man stepped down, it should be signed by Carmelo."

            Napahinga ako ng malalim.  Ano ba 'to?  Gusto ko na ngang umiwas pero ito na naman.  Magkikita na naman kami.

            "Fine.  Sige.  I'll give the copy to her secretary tomorrow so he can sign," iyon na lang ang sagot ko.

            "It should be signed today, Sallie.  As in now and then, fax it to me.  The big boss is waiting for that," sabi niya.

            "Now na talaga?" napapailing ako.

            "Yes.  So you better move your butt dahil hihintayin ko 'yan within the day," sabi niya.  "Alright.  I'll call you again."

            Napasimangot ako ng patayin ko ang telepono.

            "Hulaan ko.  May impossible task na naman sa 'yo si Nancy," natatawang sabi ni Chris.

            "Umiiwas na nga ako kay Armel, ito na naman may trabaho naman na pinapagawa."  Inis kong inimis ang gamit ko at tumayo na.  "I have to go.  Just call me if you need anything." At iniwan ko na siya doon.

            Diretso ako sa opisina ni Armel pero sabi ng secretary niya ay umuwi daw ito.  Sinubukan itong tawagan ng secretary pero patay ang telepono.

            "Don't bother.  I'll try to call him later," sabi ko at umalis na doon.

            Napamura ako nang papunta na ako sa parking.  So hindi makontak si Armel, kaya mapipilitan akong puntahan siya sa bahay niya.  Napahinga ako ng malalim.  Ganito nga yata talaga ang buhay ko.  Kakaiwas at kakaiwas ko sa lalaking iyon, talaga namang pinagdidikit kami ng pagkakataon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top