CHAPTER 1: COLLEGE LIFE
Emily's POV
Ngayon ang araw ng alis ko papuntang Singapore. Graduate na kaming lahat at ito na ang oras para maghiwa-hiwalay kami. Di pa din ako makapaniwala na dadating na ang araw na 'to. Ang maghihiwa-hiwalay kami. Masyado pa naman kaming sanay na magkakasama sa bahay kaya nalulungkot ako. "Mamimiss ka namin Ems." Ani Sandra na katabi ko sa van. "Wag ka mag alala. Aalagaan ko sarili ko dun. Magsusulat pa din ako kahit magiging busy." Sagot ko. Pinaulit-ulit niya sakin yan noong despidida ko. Mas malala pa siya magbilin kesa kay Mommy. Alam ko naman na kapag naging busy na sa kolehiyo ay mawawalan ako ng oras magsulat pero maghahanap pa rin ako ng oras. Lalo pa't nasa 100k na ang bilang ng reads ng novel ko na sinulat nung grade nine. Mas naiinspire ako magsulat. "I bet nahirapan ka mag adjust sa culture dun." Saad ni Lean na nasa likod ko. "Di naman ga'no para lang akong nasa Manila pero puro nageenglish kasama ko." Sagot ko. Hindi naman kasi kalakihan ang bansa na yun at halos lahat ng naroon ay mga turista. "Eh naready mo na yung sarili mo para sa mga magiging classmates mo?" Tanong naman ni Ivan na nasa shotgun seat ng van. "Hindi. Kaya nga pinagdadasal ko maging kaklase si Vince eh. Kundi di ko alam gagawin ko." Sagot ko. Alam ko naman na kapag college na kami ay kada subject maiiba ang mga kaklase kaya pinagdadasal ko na lang na maging kaklase ko si Vince sa halos lahat. Napagdesisyonan kasi niya na samahan ako dun sa school para di ako ma-out of place. Mabuti na lang at pumayag ang mommy niya. Halos lahat sila maiiwan dito sa Pilipinas kami lang nila Andy ang aalis ng bansa. "Where are you going to stay there?" Andy asked. "Sa condo ni Ate Gabrielle. Natatakot ako magdorm dun. Di ko alam gagawin ko kapag nagka emergency." Sagot ko. "Mabuti. Parehas lang naman ata yung condo building ni Ate Gabrielle at Vince eh." Sang ayon ni Lean. "Oo." Sagot ko. Kasabay kong lilipad papuntang SG si Vince at Ate Gabrielle. Nasa ibang kotse sila Mommy. Sila talaga naginsist nito na mamimiss nila ko kaya kung pwede ay sa iisang sasakyan na lang kami sumakay. Katulad nung unang alis ko ay binigyan din nila ko ng regalo. Hindi na explosion box kundi customized hoodie na may nakalagay na pangalan ko. Ewan ko kung ano pumasok sa isipan nila at yun ang binigay. Para daw maramdaman ko lagi yung presence nila. Parang mga baliw talaga pero love ko sila. Hindi na mapapalitan ng kahit sino yung love na binibigay ng mga kaibigan ko kaya nalulungkot ako kasi kailangan namin maghiwa-hiwalay. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa airport. 7 pm ang flight namin. Mabuti na lang at gabi dahil makikita ko yung buwan. "Hala Ems. Nandito na tayo. Nalulungkot ako. Di na kasi tayo magkikita." Ani Sandra. "Sandra kaya nga naimbento ang internet at laptop para makapag usap tayo." Sagot ko. Kung makapagpaalam kasi kala mong wala namang internet at cellphone. "Ehhh kahit na. Wala nang magsesermon sa amin kapag di gumagawa ng school works." Sagot niya. "Ime-message ko pa rin kayo about dun. Wag ka magalala." Sagot ko. Totoo yun. Ever since naggrade ten kami palagi ko pinapaalala sa kanila yung kahalagahan ng homeworks. Kaya ang nangyari nailagay ko kaming lahat sa list of top students. Sabay-sabay kami gumagawa ng projects at homeworks. Hanggang grade 12 ganoon ang gawi namin. "Magachieve pa rin kayo kahit wala na ako dito sa Pilipinas. Sigurado ko makakatulong yun kapag nagtrabaho na tayo. I will miss you all!" Bilin ko. Nag group hug kami. "We will miss you too Ems! Wala na kaming Miss Author." Sagot ni Ivan. "Wag kayo manghinayang kasi nawala ako maging masaya kayo instead. May makikilala kayong mas better kesa sakin." Sagot ko. "May mas better sayo pero hindi niya mapapantayan yung pagmamahal namin para sayo." Sagot ni Sandra."Mamimiss ko kayo kapag nasa SG na ko. Hindi ko kayo papalitan promise! Kahit long distance friendship pa tayo." Sagot ko. "Hindi ka rin namin papalitan kahit nasa ibang universe ka pa!" Sagot ni Lean. "Ayieeeee! Loyal na loyal talaga kayo kay Binibini." Singit ni Vince. "Ayos na sana yung moment eh. Umepal ka lang!" Singhal ni Zoe. "Wag kasi masyadong epal Vince!" Saad naman ni Lean. "Jusme! Aalis na nga lang kami magbabangayan pa kayo!" Singit ko. "Sus Ems. Umasa ka pang di sila magbabangayan eh kapag nagsama-sama apat na yan. Sama mo pa si Ivan at Sandra eh debate ang kakalabasan kasi walang gustong magpatalo." Sagot ni Andy. "HAHAHAHAHA! Tayo na lang talaga ang natitirang matino sa seeners eh!" Sagot ko. "Grabe kayo samin!" Sagot ni Sandra. "Hoy! Hindi basta debate ang kaya kong daluhan noh! Kaya ko makipag balagtasan!" Sagot ni Vince. "Nako! Humangin nanaman ng malakas baka mamaya hindi na makalipad yung eroplano sa sobrang hangin!" Sagot ko. Dahil umiiral nanaman ang kayabangan ng tukmol na 'to. "Baka bawiin ko sayo scholarship mo Binibini ah!" Sagot niya. "Para kang timang Ginoo!" Sagot ko. Babawiin pa niya eh second day ko sa SG sinamahan agad niya ko sa hospital nila para sa interview. Loko talaga! Matapos ako irecommend sa Mama niya biglang babawiin. "Bahala na nga kayo diyan!" Sagot niya at nauna na pumasok sa airport. "Loko! Hindi siya makakapag check in kasi kay Ate Gabrielle niya pinahawak yung passport! HAHAHAHAHAH!" Saad ko. "Nako Ems pagpasensyahan mo na lang yung pinsan ko na yun. Tagal na kasing di nambabae kaya ganun." Sagot ni Lean. "HAHA Okay lang ano ka ba? Maiwan ko muna kayo. Kila Mommy naman ako magpapaalam." Sagot ko. Tumango lang siya bilang sagot. Pumunta na ako sa kinatatayuan nila Mommy. "Nak pakabait ka dun ah! Kapag nakaipon na ako dadalawin kita." Bilin niya. "Opo Mi. Kada semestral break sisikapin ko makadalaw dito." Sagot ko. May plane ticket kasi na binibigay yung school tuwing sembreak at christmas break. Si Tita Mhel na ang bahala sa pang araw-araw ko na budget dun. Yun ang napag usapan namin bago ko umalis. Di naman daw kaso ang tuition fee dahil full scholarship ang nakuha ko sa hospital nila Vince. "Kay Tita Mhel at Ate Gab ka lang tatanggap ng sustento ah! Kapag nagparamdam ama mo dun sa Singapore sabihin mo lang okay ka na sa meron ka." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. Mula kasi nung may nakabalita sa pamilya nila na aalis ako bigla na lang nagmemessage. Hindi ko naman pinapansin mga messages dahil busy na ako sa pagsusulat mas gusto ko pa na magsulat kesa makipag usap sa mga katulad nila. Iniwan ako nung mga panahon na kailangan ko sila tapos babalik sila kung kailan kaya ko na. "Oh anak oras niyo na. Ingat kayo." Paalam ni Mommy at yinakap ako. "Opo. I love you Mi." Sagot ko. "I love you too anak." Sagot niya at yinakap ako ng mahigpit. Ilang buwan ko din hindi mararamdaman ang yakap ni Mommy. "Ems tara na. Iniwan na tayo ni Vince." Aya ni Ate Gab. "Jusko. Pabayaan mo siya Ate. Arte kasi eh wala naman sa kanya yung passport kasi na sayo." Sagot ko. "Ingat kayo dun Gab. Ikaw na bahala kay Emily ah!" Pagbibilin ni Mommy. "Opo Ate Edna." Sagot ni Ate Gab. "Ems tara na." Baling ni Ate Gab sa akin at nauna na maglakad. Yumakap ulit ako kay Mommy at kila Lean bago ako sumunod kay Ate Gab. Si Kuya Mark di nakababa ng kotse kasi nahirapan pa maghanap ng parking. Saktong pagpasok namin sa loob ng airport nakita namin si Vince na inaabangan kami. "Ano? Arte pa Ginoo!" Ani ko at binatukan siya. "Sorry. Nakalimutan ko pinahawak ko nga pala kay Ate Gab yung passport ko." Sagot niya. "HAHAHAHAH! Masyado ka kasing independent Vince." Saad naman ni Ate Gab. "Tara na baka malate tayo sa gate." Sagot ko. Naglakad na kami papunta sa immigration. Wala naman naging problema dahil na kay Ate Gab lahat ng documents namin ni Vince. "Handa ka na ba sa panibagong curiculum Binibini?" Tanong ni Vince habang naglalakad. "Oo naman. Nagresearch ako 'no!" Sagot ko. "Well that's good. If kailangan mo pa ng other info's nandito lang ako." Sagot niya. "Ems tandaan mo kapag nagdisect na kayo ng palaka isuka mo na lahat sa cr bago mo hawakan. Ganoon si Kuya Mark mo. Sumuka muna bago humawak ng palaka." Ani Ate Gab. "Paghahandaan ko talaga yan Ate." Sagot ko. Alam ng mga kaibigan ko kung gaano ako katakot sa palaka. Yung tipong makikita ko lang siya sa libro kikilabutan na ako. Ewan ko pero ganun din si Kuya Mark eh takot sa palaka. Kaya minsan napagkakamalan kaming magtatay eh. Meron daw kasi kaming similarities. Naghihintay na lang kami na tawagin yung flight number namin para makasakay na sa eroplano. Lumayo muna sa'min si Vince dahil may tumawag sa kanya. Kausap naman ni Ate Gab si Kuya Mark sa video call. Mukhang nagdradrive at natraffic. Tumabi ako kay Ate Gab. "Hi Kuya!" Bati ko. "Hi Ems! Ingat kayo sa biyahe!" Sagot niya. Tumango lang ako at nilagay ko ang earphones ko para makapakinig ng music. Hindi kasi pwede sa eroplano ang bluetooth devices. Nagsimula na ako magsulat ganito ako everytime naghihintay ng matagal. May mga naiisip ako na plots. Kaya pagdating ng Singapore nakakaisang chapter ako. Kasi hanggang sa eroplano nagsusulat ako. Sa ganoong way ko naiiwas ang sarili ko sa pagkalula. Lalo na kapag take off. Tinawag na ang flight number namin kaya pumunta na kami sa designated gate. Si Vince ang katabi ko at sa tabi niya naman ay si Ate Gab. Ng makapuwesto na kami ay nag announce na ng safety protocol yung stewardess. Ginawa naman namin ang mga sinabi niya. Abala ako sa pagsusulat sa cellphone ko ng kalabitin ako ni Vince. "May tatanong lang ako sayo." Aniya. Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. "Ano naman? Kinakakabahan ako sa ganyan mo ah." Sagot ko. "Alam naman natin pareho na maraming good looking sa SG." Panimula niya. "Oh? Anong gagawin ko kung maraming good looking dun? Pumunta ko dun para mag aral hindi magpaligaw." Sagot ko. Iniisip ata nito na maghahanap ako ng gwapo dun eh. "Hindi! Paano kapag may nagkagusto sayo dun? Bibigyan mo ba ng chance?" Sagot niya. Natahimik ako sa sinabi niya. "Honestly, hindi." Sagot ko. "Why? Its been ages since Ken and you broke up." Sagot niya."Hindi pa ako ready pumasok sa panibagong relasyon." Sagot ko. "Eh paano kung willing to wait naman siya?" Sagot niya. "May ganun pa ba? Sa tingin ko wala na." Sagot ko. Para kong nasa Tonight with Boy Abunda sa ginagawa na 'to ni Vince. Nagpatuloy ako sa pagtatype sa phone ko. Natigilan ako sa sinagot niya ulit. "Eh paano kung ako yung manligaw sayo?" Sagot niya. "Sira ka ba? Ayos ka pa? Ako? Liligawan mo? Ginoo naman alam mo namang ayoko ng binibiro ako." Sagot ko. "Seryoso ko Ems." Sagot niya. "Tulad nga ng sabi ko kanina di pa ako ready." Sagot ko. Bumalatay ang sakit sa mga mata niya. "Pasensya ka na natanong lang kita." Sagot niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto sa akin si Vince sadyang hindi pa
Ako handa sa mga relasyon na yun. "Sorry Vince." Sagot ko. "Okay lang Ems. Willing to wait naman ako." Sagot niya. "Hay. Itulog mo na lang yan Vince may two hours pa naman tayo eh." Sagot ko. Epekto lang siguro ng jetlag yan. Speaking of Ken hindi ko na siya nakausap ever since nung nagkita kami sa airport. Pati sila Ate Kass hindi ko na rin nakausap. Parang after graduation ni Kuya Kenneth nawala din siya sa school. Siguro sumunod kay Ken sa NYC. Nakatulog din ako sa biyahe. Ginising lang ako ni Ate Kass kasi nakalapag na daw kami. Wala naman naging ilangan sa aming dalawa ni Vince ng makasakay kami sa taxi. "Bukas na lang ulit Binibini." Paalam ni Vince. Tumango lang ako dahil wala na akong lakas para magsalita pa dahil antok na antok na talaga ko. Madaling araw na din kasi dito sa Singapore. Chinat ko na si Mommy na nakarating na kami dito sa Singapore.
Ken's POV
Umaga na dito sa New York at katulad ng nakasanayan ko naghahanda na ako ng breakfast. Lasing nanaman kasi si Ana at si Kuya Kenneth naman ay puyat kakagawa ng projects. Di ko alam bakit sumunod sakin yun dito. Iniwanan ba naman si Kyle sa mansion. Sino kaya magaasikaso dun eh napaka busy ni Ate sa hospital. Ni hindi nga siya umabot dito ng three months eh. Ilang saglit pa ay tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa dining table para malaman kung sino yung tumatawag.
Ate Kass calling...
"Hello?" Bati ko. "Hello Ken. How are you?" Sagot niya. "I'm good." Sagot ko. "Are you sick? Bakit parang ang lata mo naman?" Sagot niya. "No. I'm okay." Sagot ko. "Okay. Just checkin' on you. Umaga na diyan. Nagluluto ka na ba ng
breakfast niyo?" Sagot niya. "Oo Ate." Sagot ko. Niloud speaker ko ito para naririnig ko pa din siya habang nagluluto ako. "Kamusta studies mo?" Sagot niya. "Okay naman." Sagot ko. Kahit naman paano ay namiss ko ang Ate ko. "When are you planning to go home?" Sagot niya. "Hindi ko pa alam. Kakasimula pa lang kasi ng class last week." Sagot ko. "Kapag di ka makakauwi ng sembreak mo kami na lang ni Kyle ang pupunta diyan." Sagot niya. "Wag na Ate. Inaabuso mo na yung hospital na pinagtatrabahuhan mo." Sagot ko. "Hindi yan." Sagot niya. "Eh basta ako na bahala pupuntahan ko na lang kayo diyan." Sagot ko. "Sige sabi mo eh." Sagot niya. "Kamusta nga pala kayo ni Kyle?" Sagot ko. "Okay naman. Dun na ko sa mansion nakatira para di naman malungkot si Kyle." Sagot niya. "Mabuti naman Ate. Ewan ko ba ano pumasok sa utak ni Kuya at sumunod sa akin." Sagot ko. "Wala ata tiwala sayo yung Kuya mo na yun eh." Sagot niya. "Walang tiwala o may sinusundan? Pabulong naman Ate." Sagot ko. Alam ko kasi may babaeng natitipuhan si Kuya at baka nandito yung babae kaya pumunta siya dito. "Bugok! Wala. Alam mo naman na we're bound to marry someone para sa business eh." Sagot niya. "Malay natin Ate. Hindi naman robot si Kuya para walang maramdaman." Sagot ko. Lahat naman ng tao nakakaramdam ng pag-ibig walang exception. "Basta nung umalis siya dito sabi niya gusto niya ng new environment." Sagot niya. "Okay. " Sagot ko. "Sige na. Mamaya ulit. Nandito ko sa ER nakaduty eh." Sagot niya. "Okay Ate. Bye." Sagot ko. "Bye. Ingat ka diyan ikamusta mo na lang ako kay Kenneth." Sagot niya. "Yes Ate. Bye." Sagot ko. Binaba na niya ang tawag at ako naman ay naghain. Tahimik akong kumakain ng bumaba na si Ana. "Ken, can you hatid me sa bar. I left there my car eh." Saad niya. "Okay." Sagot ko. Hindi ko na siya inusisa kung paano siya nakauwi. Ewan ko ano nangyari sa pananalita niya at naging conyo paglapag na paglapag ng eroplano namin dito sa NYC. Pero nung nasa Pilipinas todo english naman siya. Baliktad ata utak putek. Lalo lang siyang nagmukhang spoiled brat. "Morning Ken." Bati naman ni Kuya Kenneth. "Morning Kuya. Natapos mo na project mo?" Sagot ko. "Oo. 3 am na ata ako nakatulog. Sakit tuloy ng ulo ko." Sagot niya. "You should drink medicine na Kuya Kenneth." Singit naman ni Ana. "Thank you for your concern." Sagot ni Kuya Kenneth sa malamig na tono. Kahit matagal na kaming magkakasama dito sa condo hindi pa rin talaga niya gusto si Ana. Ako naman sinisikap kong pakisamahan siya. "Ken, pwede mo ba ko samahan mamaya? Bibili ko ink ng printer ko tapos bond paper." Saad ni Kuya Kenneth habang sumusubo. "Okay." Sagot ko. "Can I go with you both?" Tanong ni Ana. "Bakit? Hindi ka ba busy sa school?" Sagot ko. "Hindi naman. May kailangan kasi ko bilin para sa plates ko eh." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni Kuya Kenneth. "Okay lang naman Kuya diba?" Saad ko na pinagdidiinan ang salitang 'diba' kasi baka mamaya isumbong pa kami kay Tita Annalin. Kapag kasi si Ana ang nagkwento kay Tita naiiba yung plot eh. "Oo." Napipilitang sagot niya. Matapos kumain ay niligpit namin ni Kuya Kenneth ang pinagkainan. "Ikaw magurong Kuya. Ako nagluto!" Saad ko. "Sige sige." Sagot niya. Umalis na ako sa kusina para makaakyat sa kwarto at makapag toothbrush. Matapos magtooth brush ay inayos ko na lahat ng mga dadalin ko. May reporting kami sa isang subject. Grabe parang second week pa lang dami nang ginagawa. Di ko akalain na ganito pala ka-busy ang college life. Di pwedeng chill chill lang kasi once na magpakampante ka pwede ka bumagsak. Ng bumaba ako tapos na magprepare si Ana. "Let's go?" Aya ko. "Let's go." Sagot niya at ipinulupot niya ang braso niya sa braso ko. Hinayaan ko na lang. Pero mas magugustuhan ko kung si Ems yung gumagawa nito sa akin. Iwinaksi ko na lang sa isipan si Ems at sumakay na lang sa elevator. Pag naiisip ko siya naiisip ko tuloy pumunta na lang ng Singapore. Ng makarating kami sa parking area ay sumakay na agad ako sa kotse. At nilagay sa back seat yung mga gamit ko. "Saang bar ba kita ihahatid?" Tanong ko. "Sa Luxury blue bar." Sagot niya. "Okay." Sagot ko. Nagdrive ako papunta dun sa nasabing bar. "Thank you Ken. See you sa school." Paalam niya. Tumango lang ako. Hinintay ko muna siya makapasok sa kotse niya bago ako umalis. Ng makarating ako sa university sinalubong naman ako ng ka group kong si Elisse. Fil-Am siya. Marunong din magtagalog. Dito sa Interstellar University ako inenroll. Karamihan sa mga estudyante ay Amerikano at matatalino. Di ko alam bakit dito ko inenroll di naman ako ganoon katalino. Valedictorian lang ako nung grade 12. "Ken, naresearch mo na yung in-assign sayo?" Tanong niya. "Oo. Gabi na ko nakatulog dahil dun eh." Sagot ko. "Nasaan na?" Sagot niya. "Ere." Sagot ko at inabot sa kanya yung research ko. "Thank you. See you sa class." Paalam niya at sumama na sa mga kaibigan niya. Ako naman ay dumiretso sa canteen para makapag type naman nung kailangan ko sa report sa physics. Hindi ko natapos kagabi dahil mas inuna ko yung research. Ng magring ang bell hudyat na klase na ay tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko para pumasok sa unang klase ko.
Emily's POV
Gabi na dito sa Singapore. Kasalukuyan kong ka chat sila Andy dahil kakatapos lang namin mag video call ni Mommy. Nag iimpake na daw siya para sa paglipat nila sa NYC. Next week na daw ang lipad nila papuntang NYC. Si Sandra naman nakapag enroll na para sa pre med course niya. Si Ivan ganoon din. Nakaenroll na din siya business management ang kinuha niya. Sa Franklin U nila itutuloy ang college. Si Lean naman hindi niya pa daw sure kung sa Franklin U mag eenroll. Sa isang araw na first day of school namin. Di pa ko nakakabili gamit dahil sabay daw kami ni Vince. Bukas pa kami bibili dahil sabado naman. Inayos ko na ang kwarto ko kanina. Tumulong si Ate Gab sa pag unload nung mga damit ko sa maleta. Hindi na kami nagsaing dahil nag order si Ate Gab ng fast food. Bukas pa siya mamamalengke para sa stocks dito sa bahay. "Ems nandito na yung food. Halika na." Tawag niya sa akin mula sa may pinto. "Sige po." Sagot ko at tumayo na sa kama. Nagchat muna ko sa gc namin na kakain na ako kaya hindi makakapag reply agad. Ng umupo ako sa hapag ready na ang lahat. "Ano Ems ready ka na ba para sa first day mo?" Tanong niya. "Kinakabahan nga po ako eh. Baka mahirapan ako. Sabin i Kuya Mark first year may math eh." Sagot ko. "Malalampasan mo yung math kasi algebra lang yun. Sigurado ako kaya mo. Diba nga nagka honors ka sa last two years mo ng highschool?" Sagot niya. "Opo Ate. Pero kinakabahan pa rin ako sa mangyayari sa first day ko." Sagot ko. "Wag ka kabahan. Isipin mo lang na parang first day of school mo sa highschool pero ibang tao at ibang teacher ang makakasama mo." Sagot niya. "Sige po Ate I will." Sagot ko. Siguro nga maganda nang ganoon ang isipin ko para maenjoy ko. Matapos kumain ay niligpit ko na ito at bumalik sa kwarto. Meron naman cr sa kwarto ko hindi ko na kailangan lumabas pa ulit para sa common cr magtoothbrush nandito na lahat ng gamit ko. Matapos magtoothbrush at skin care ay nahiga na ako sa kama. Nakita kong may chat si Vince sa akin.
Vince:
Bukas ng 10 am susunduin kita sa condo niyo para makabili tayo gamit.
Me:
Okay. Alam mo commute dito ah. Di ko kasi nakabisado lahat eh.
Vince:
Hindi naman tayo magcocommute may kotse ako.
Me:
Sige. Salamat.
Vince:
Wala yun basta ikaw Binibini.
Kahit kailan laging on call si Vince pagdating sa akin. Sobrang ideal guy niya kahit na napaka playboy. Siya lang bukod kila Lean at Andy ang nakaintindi sa akin nung mga panahon na nagsusuffer pa ko sa break up namin ni Ken. Hindi naging sapat yung bakasyon ko nun para makalimutan si Ken dahil nung bumalik ako ng Pinas ay parang bumalik lahat nung sakit. Gabi-gabi ko umiiyak dahil di ko na alam gagawin ko. Di ko na alam paano sosulosyunan abg mga problema ko. Sa tuwing aalis ako sa dorm sa gabi lagi niya ako sinasamahan. Siya rin ang nakikinig sa mga rants ko at mga drama ko sa buhay. Hindi siya nagsawa kahit paulit-ulit na parang sirang plaka. Siya yung naging comfort ko kahit alam niyang masasaktan ko yung feelings niya nagstay pa rin siya. Umamin na siya noon sakin about sa nararamdaman niya kagabi lang ulit namin iyon napag-usapan. Hanggang kailan niya kaya kaya maghintay sa akin. Ayoko naman na maghintay siya kasi alam ko sa sarili ko kung sino ang nagpapatibok ng puso ko. Hanggang ngayon siya pa rin ang nagpapabilis ng tibok nito kahit na malayo siya at malabo kaming magkita siya pa rin ang tinitibok nito. Kahit napaluha at nasaktan niya ako siya at siya pa rin ang laman ng puso ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa pag iisip niya. 8 am na ko nagising. Nakaalis na si Ate sa condo dahil may duty siya ngayon. Bukas ang day-off niya. Minabuti ko muna na ayusin ang higaan ko at maglinis ng condo dahil maaga pa naman para sunduin ako ni Vince. 10 am pa naman kami mamimili ng mga gamit. Habang inaayos ko ang kama ko ay napatingin ako sa gawi ng study table ko. May nakaiwan dun na sobre malamang ay pera ang laman para ipambili ko ng mga gamit. Lumapit ako dahil may nakita akong note.
Ems, iniwan ko na lang dito sa study table mo yung pinadalang budget ni Ate Mhel para sa mga school supplies mo. Ingat ka sa pag alis niyo. Papasok na ako hindi na kita ginising. May breakfast sa dining table.
-Ate Gab
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext si Ate Gab.
Me:
Thank you po Ate Gab.
Ate Gabrielle:
You're welcome.
Sumunod naman ay nagchat ako kay Mommy na aalis ako mamayang 10 at kasama ko si Vince para makabili ng mga gamit. Titipidin ko ang pinadala ni Tita Mhel na pambili ng gamit para may maipandagdag ako sa dala kong allowance. Isang buwan ang pindala sa akin ni Mommy. Sa susunod na buwan ay si Tita Mhel na ang magbibigay. Matapos ko mag ayos ng buong kwarto ay lumabas na ako para sa breakfast. Merong pancake at bacon dito. Kumuha ko ng plato at nagsimula nang kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng makarinig ako ng doorbell. Lumapit ako sa pinto at sinilip kung sino. Nakita kong si Vince ito kaya binuksan ko agad. "Aga mo naman Ginoo." Saad ko ng pagbuksan siya. "Its better early than never." Sagot niya. "Diba dapat its better late than never?" Sagot ko. Minsan weird din ang tao na 'to eh. "Well para sakin yun ang phrase na yun. Pwede na ba ko pumasok?" Sagot niya. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya. "Kumain ka na?" Tanong ko. "Oo tapos na. Makikinuod na lang ako ng TV dito habang nag aayos ka." Sagot niya. "Sige. Dun ka muna sa sala namin. May gusto ka ba?" Tanong ko. "Ah water lang." Sagot niya. "Sige. Saglit lang." Sagot ko at pumunta sa kusina para makakuha ng tubig na maiinom niya. Bumalik agad ako at nakita ko siyang prenteng nakaupo sa sofa namin. "Eto na Ginoo. Kakain na ulit ako ah tapos maliligo." Saad ko. "Sige. Take your time." Sagot niya. Tumango ako at bumalik na sa dining para maipagpatuloy ang naudlot kong pagkain. Ng matapos ako ay agad kong inurungan ang pinagkainan ko. Matapos mag-urong ay pumunta na ko sa kwarto ko para maligo at magbihis. Nagsuot na lang ang ako ng ripped jeans at longsleeves dahil sa mall lang naman ang punta namin. Hindi naman ako mahihirapan magcommute sigurado dahil maliit lang ang bansang ito. Nagdala ko ng body bag para lalagyan ng wallet at cellphone ko. Kinuha ko na yung sobre at nilagay ko na ito sa wallet ko. Sinigurado ko na walang nakasaksak sa kwarto ko at nakapatay ang gripo. Pat isa kusina ay chineck ko kung may nakasaksak pa at pumunta na sa sala. "Tara na Ginoo." Aya ko dahil napasarap na at asa panood. Pinatay niya ang TV at binalingan ako ng tingin. "Ayos ka na? Tara na." Sagot niya. Tinanggal ko muna sa saksak yung TV bago ako bumaling sa kanya. "Yan okay na. Tara na." Sagot ko at pinauna na siya lumabas. Sinigurado ko muna na sarado ang lahat ng kwarto at bintana. Bago ako lumabas. Sinigurado kong nakalock mabuti ang unit ni Ate Gab para safe. Kahit naman digital doorknob ang meron siya ay maari pa rin yung mahack. "Cattleya na ang gagamitin sa collge binibini." Imporma ni Vince habang naglalakad kami papunta sa elevator. "Okay. May set naman nun na nakacompile diba?" Sagot ko. "Oo. Tapos kailangan mo ng stand by notebook para makapag notes ka sa mga sinasabi ng Prof. Kasi hindi lahat ng ipapa quiz panigurado ay nasa libro." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at nilista sa phone ko ang mga sinabi niya. "Tapos maraming ballpen na iba-iba kulay para matandaan mo yung mga terms." Sagot niya. Nilista ko naman yun. Alam ko na kailangan kong bumili ng mga ito dahil more on terms ang nursing. Ng makarating kami sa parking lot ay pinagbukas niya agad ako ng pintuan ng kotse niya na naghuhumiyaw ng karangyaan. Porsche cayenne ang tawag daw dito sa kotse niya. Alam kong napaka mahal niyo dahil napaka ganda ng interior niya. Umikot na siya sa driver seat. "Yayamanin mo naman." Saad ko. "Aba syempre ako pa." Sagot niya. "Sus. Humahangin nanaman baka mamaya liparin tayo." Sagot ko. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya nilabas ko na lang ang phone ko para matext ko na si Ate Gab na nakaalis na ko ng condo. Malapit lang ang mall sa condo namin kaya hindi ganun kahaba ang biyanahe namin. Nakapasok na ako sa mall na ito nung nagstay ako dito ng isa't kalahating buwan. "Book store ba agad tayo o may gusto mo pa maglibot sa department store?" Tanong ni Vince ng naglalakad na kami dito sa mall. "Book store na tayo. Wala pa kong budget pang shopping eh." Sagot ko. "Okay sa taas na tayo." Sagot niya. Umakyat kami sa taas para makapunta sa book store. "Saan tayo magsisimula Binibini?" Tanong ni Vince ng makapasok kami. "Sa mga notebooks na lang." Sagot ko. "Okay." Sagot niya at iginiya ako papunta sa section ng mga notebook. "Ilang set ba kailangan nating cattleya?" Tanong ko. "Kahit dalawa okay na yun at yung extra notebook mo para sa mga lectures." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at namili na ng dalawa sa mga designs. Maging siya ay sumabay na sa paghahanap. Ng makahanap na ako ng magandang design sam ga set ng cattleya ay naghanap na ako ng notebook na extra. Malaking notebook na ang pinili ko para maraming space ang masulatan. "Okay na ko sa mga notebooks Vince." Tawag ko sa atensyon niya. "Okay. Kumuha ka ng extra cattleya ah." Sagot niya na sinunod ko naman. "Sa pens naman tayo." Sagot ko. "Okay." Sagot niya. Nauna na ko sa section ng mga pens. Namimili na ako ng black ballpen ko ng tumabi siya sa akin at pumili din sa hindi inaasahang pagkakataon ay iisang ballpen ang nahawakan namin dahilan para magdampi ang mga kamay namin. Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Pakiramdam na matagal ko nang hindi naramdaman. Agad ko naman binitawan ang ballpen. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Sorry binibini." Paghingi niya ng paumanhin. "Okay lang." Sagot ko. Naghanap na lang ako ng ibang ballpen. Matapos nito ay bumili pa kami ng iba naming mga kailangan. Ng mabili na namin lahat ay nagbayad na kami at umalis na sa book store. "Saan mo gusto kumain? Lunch na oh." Tanong niya sabay tingin sa wrist watch niya. Kinuha ko naman ang phone ko sa bag ko para makita kung anong oras na. 11 na halos apat na oras din pala kami sa book store. "May Mcdonalds naman dito diba?" Sagot ko. "Oo meron. Sa baba." Sagot niya. "Dun na lang tayo." Sagot ko. "Okay." Sagot niya at naglakad na papunta sa escalator. Sumunod ako sa kanya. Ng makarating kami sa Mcdo ay tinanong niya lang ang order ko at siya na ang umorder ng pagkain namin. Di nagtagal ay pumunta na siya sa table namin dala ang mga order namin. "So Binibini mamaya pagkakain natin pumunta tayo sa school para makuha yung books natin." Panimula niya. "Books? Di ba sarado ang school ngayong araw? Sabado ngayon ah." Sagot ko. "Bukas naman yung library eh. Para makapag advance lessons na tayo." Sagot niya. "Okay." Sagot ko at kumain na. "Kinakabahan ka ba?" Tanong niya. "Oo. Hindi ko alam ano haharapin ko eh." Sagot ko. "Okay lang yan. Madadala yan sa research at advance lessons." Sagot niya. "I'll aim for the cum laude slot." Sagot ko. "Wow! Yan ang Ems na kilala ko!" Sagot niya. "HAHAHAHAHA. Kailangan magmove-on eh." Sagot ko. "Saan ka magtatrabaho after? Pwede ko naman irecommend kay Mama na kahit hindi ka na sa hospital namin magtrabaho." Sagot niya. "Hindi wag na. Yun din ang plano ko sa hospital niyo ako magtatrabaho pero di ko pa sigurado kung saan ako magtatrabaho na branch. Kung yung sa Pinas ba o dito." Sagot ko. "Bakit hindi na lang dito? Malaki ang kikitain mo kapag dito ka nagtrabaho." Sagot niya. "Eh paano naman yung isang pangarap ko? Ang maging published author." Sagot ko. "Edi sabay tayo maghanap ng publishing house para sabay din tayo sa mga book signing." Sagot niya. "After grad ko planong gawin yan eh." Sagot ko. "Oh edi sige after graduation." Sagot niya. "Eh paano kung magmessage yung publishing house at nandito tayo pareho sa Singapore?" Sagot ko. "Edi magpapatransfer agad tayo sa branch sa Pilipinas para mabigyan natin ng pansin yun." Sagot niya. "Naisip ko nga after ko magpasa ng manuscript eh wag na ako bumalik dito. Siguro naman by that time nakapag ipon na ako ng pera para sa sarili ko at sa pamilya ko." Sagot ko. "Eh after grad kamo eh paano ka magtatrabaho?" Sagot niya. "Matagal naman bago magreply ang mga publishing house. Tsaka di naman lahat ng bagay susunod sa plano natin eh." Sagot ko. Sigurado ako na hindi naman agad madidiscover yung gawa ko. "Sabagay. Tama ka naman." Sagot niya. "Sa ngayon okay na muna ko sa konting followers ko at reads ng mga libro ko. Magfocus muna tayo sa craft natin at sa pag-aaral natin." Sagot ko. "Tama. Focus on our craft and studies muna bago tayo mag aim ng iba pa." Sagot niya. Marami pa kaming napag kwentuhan habang kumakain. Matapos ay iniligpit namin para hindi na mahirapan ang maglilinis nito. Napansin ko kasi na may matatanda pang nagtatrabaho kaya isa ito sa way ko para hindi sila mahirapan sa paglilinis. Si Vince na ang nagbitbit ng mga pinamili ko. Sabay kaming naglakad papunta sa parking area. Ng makasakay ako sa kotse ay bigla namang nagring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
Ate Gabrielle calling...
Agad ko naman itong sinagot. "Hello Ate." Bati ko. "Hello Ems pwede ka ba magluto ng dinner natin paguwi mo?" Sagot niya. "Sige po Ate. Meron ka na po bang binili na mga iluluto?" Sagot ko. "Magpasama ka na lang kay Vince sa supermarket. May extra money ka pa naman diba?" Sagot niya. "Meron pa po." Sagot ko. "Okay. Babayaran na lang kita pag-uwi mo." Sagot niya. "Sige po Ate." Sagot ko. "Sige yun lang. Bye. Ingat kayo." Sagot niya. "Sige po. Bye po." Sagot ko at ibinaba ko na ang tawag. Mabuti na lang di pa kami umaalis sa parking lot dahil inantay niya muna matapos ang tawag. "Balik tayo sa loob ng mall Vince. Kailangan ko bumili ng dinner namin." Saad ko. "Sige tara." Sagot niya. Sabay na kami bumaba ng kotse at nagbalik kami sa loob ng mall. Dumiretso kami sa supermarket ng mall. Tinulungan niya ko sa pagbili ng mga condiments at karne. Mabilis lang kami nakabili dahil dinner lang naman ito. Naisip ko na magluto ng adobo dahil hindi pa ko sanay magluto ng western food. "Tara na sa school?" Tanong niya. "Sige. Ng makauwi na." Sagot ko. Sumakay na ako sa kotse niya. "Ako na lang bababa ako na kukuha ng book mo. Alam ko naman fullname mo eh." Paalam niya habang nagdadrive. "Hindi na. Sabay na tayo." Sagot ko. "Ako na lang. Maiinitan ka pa." Sagot niya. "Okay lang nakakahiya na sayo." Sagot ko. Siya na rin kasi ang nagbitbit nung groceries kanina. "Hay sige na nga. Para namang mananalo ko sayo eh." Sagot niya. Tinawanan ko na lang siya. Nilabas ko ang phone ko at pinicturan ko ang daan at sinend sa gc namin.
Me:
On the way to the university.
Sandra:
Sino nagdadrive?
Me:
Si Vince.
Lean:
Wow ngayon ko lang nalaman na driver pala diyan sa Singapore ang pinsan ko na yun.
Me:
Wag ka Porsche cayenne dinadrive ng pinsan mo na 'to.
Lean:
Hay hanggang SG ba naman napakayabang niyan.
Andy:
LOL. What do you expect to Vince? He'll give all the best for his Binibini.
Me:
Hala. Friends lang kami. Ano bang malay ko kung may iba pa pala siyang sinakay dito.
Lean:
Syempre meron yan. Hindi yan nauubusan ng babae eh.
Me:
So far wala pa. Wag ka mag alala ako na bahala sa pinsan mo na 'to.
Andy:
Monday ang flight namin. 16 hours on a plane sucks.
Me:
Safe skies!
"Hoy Binibini! Tara na." Tawag ni Vince sa atensyon ko. Hindi ko akalain na nandito na pala kami sa university. Lavender Nebula University ang pangalan nito. Pangalan pa lang tunog mayaman na. "Sorry. Ka chat ko kasi sila Andy eh. Tara na." Paghingi ko ng tawad. "Okay lang. Halika na." Sagot niya. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko pa gaano nalilibot ang university dahil hindi naman ako nag asikaso nung enrollment. Yung management ng hospital nila Vince. "Maaga tayo pumasok para malibot natin 'tong university." Bulong ko kay Vince. "Sige." Sagot niya. "What do you need?" Tanong nung guard sa amin. "We will claim our books Sir." Sagot ni Vince. "Oh okay." Sagot niya at pinagbuksan kami ng pinto. Hindi naman kami nahirapan sa paghahanap ng library dahil may directory naman at english naman ang sulat. "We will claim our nursing books." Ani Vince sa librarian. "Where's your receipt?" Sagot ng librarian. Inabot niya ang kanya sa librarian inabot ko naman sa kanya yung sa akin. Mabuti at sa wallet ko ito nilagay. Inabot ng librarian sa amin yung books. Si Vince na ang nagdala nung books namin. "Thank you." Saad ko ng lumabas kami. "Okay lang." Sagot niya. Naglakad na ulit kami pabalik sa parking lot. Kaunting kotse lang ang makikita mo sa parking lot dahil walang pasok. Sigurado ako kapag nagkaroon ng pasok puno ito ng mga luxury cars. Ng makarating kami sa condo ay ako na nagdala ng mga school supplies namin para hindi na maraming bitbitin si Vince. Siya na ang nagdala ng libro namin. Sumakay kami sa elevator at pinindot ko ang floor kung nasaan ang condo unit ni Ate Gab. "Gusto mo sa condo namin ka na lang magdinner?" Tanong ko habang hinihintay tumunog yung elevator. "Okay lang ba?" Tanong niya. "Okay lang. Pa thank you ko na din sayo." Sagot ko. "Sige. Para di na ko magluto." Sagot niya. Ng tumunog ang elevator ay lumabas na kami. Inenter ko ang code ni Ate Gab at binuksan ko ang pinto. Pinapasok ko muna si Vince bago ako pumasok. "Saan ko ilalagay yung libro mo?" Tanong niya. "Akin na." Sagot ko at sumunod sa kanya sa sala. "Diyan ka muna ah. Magbibihis muna ko." Paalam ko. "Nako hindi na kita hihintayin sa pagbibihis mo. Uuwi muna ko sa condo ko para makapag bihis na din at maiuwi ko yung mga gamit ko." Sagot niya. "Ah sige. Bumalik ka ah. Wala pa kasi ko kasama." Sagot ko. "Oo naman. Lock mo mabuti yung pinto ah." Sagot niya. "Opo." Sagot ko. "Sige uuwi muna ko." Sagot niya. Hinatid ko siya sa may pinto. Sinigurado kong nakalock ito dahil natatakot akong baka may ibang taong pumasok. Inilagay ko sa study table ko yung mga nursing books ko at yung school supplies na binili ko. Merong bond papers at inks para sa printer. Binigyan kasi ako ni Ate Gabrielle ng printer para mapabilis daw ang pagreresearch ko at hindi ko na kailangan pang maghanap ng internet cafe dito para magpaprint. Saktong paglabas ko ay may kumatok sa pinto ng condo ko. Sinilip ko muna kung si Vince ito at ng makasigurado akong siya nga ay binuksan ko na ito. "Bilis ah." Saad ko pero nakita kong dala niya yung laptop niya. Pinapasok ko muna siya at sinarado ko ang pinto bago ko siya usisain kung bakit may dala siyang laptop. "Bakit dala mo yung laptop mo?" Tanong ko. "Dahil first day na natin bukas as college mababawasan na ang oras ng pagsusulat natin. Dapat may matapos tayong isang chapter sa isang novel natin!" Sagot niya. "Ano? May writer's block ako eh." Sagot ko. "Nope. Wala kang writer's block. Paano ka nakapag sulat ng chapter sa eroplano?" Sagot niya. "Hay. Sige na nga. Kukunin ko muna sa kwarto yung laptop ko at inpods." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Patapos na ko sa chapter ko eh. Hayaan mo na nga para masimulan ko na yung draft ko next chapter. Teen fiction pa rin ang genre ng sinusulat ko kaso mas marami munang pinagdadaanan ang mga characters ko para makatungtong sa happy ending hindi tulad ng unang novel ko na straight to happy ending agad. Meron pa rin namang happy ending yung iba pero itong kasalukuyan kong sinusulat ay malungkot ang ending. Walang nakakaalam ng ending ng kwento na ito dahil maging sila Vince at Andy ay kinukulit ako na sabihin ang ending. Ng lumabas ako nandun na siya at nakaset nang magsulat. "Tatapusin ko yung chapter na sinusulat ko tapos idadraft ko na lang yung next chapter." Saad ko. "Wow. Sana all matatapos na. Ako wala pa." Sagot niya. Umupo ako sa carpet dahil mas comfortable ako sa ganoong pwesto. "Game na?" Tanong ko. "G!" Sagot niya. Kinonect ko na sa laptop ko yung inpods ko at sinet up ang laptop ko. Parehas kaming nakaheadset. Nakaupo din siya sa sahig pero nakakasandal siya sa sofa. Hindi ko nilalabas ang phone ko dahil matetempt akong magchat sa gc namin. Nagsimula na ako magtype ng karugtong. Mga fifteen minutes na ko nagtatype at patapos na ako. "Done!" Ani ko ng matapos ang sinusulat. "Bilis ah! Magsimula ka na sa next chapter." Sagot niya. "Wait lang. Kukunin ko muna cellphone ko baka mamaya tumatawag sila Mommy di ko pa alam." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Bumalik ako sa kwarto ko at tiningnan kung may tawag o chat si Mommy. Meron nga nagtatanong kung nakauwi na ako. Nagreply naman agad ako ng oo at kasama ko sa condo si Vince. "Game na ulit!" Saad ko. "Para mas enjoy oorder ako ng food natin habang nagsusulat." Aniya. "Nice idea!" Sagot ko. Tumawag siya ng isang fast food chain para makabili ng pagkain namin. Habang naghihintay tinutuloy ko ang draft ng next chapter ko. Pati din siya ay nagtatatype habang naghihintay. Ilang saglit pa ay may nagdoorbell na. "Andiyan na yung food." Aniya at tumayo para pagbuksan ang delivery man. Sinara niya ang pinto at inilapag sa dining table ang mga pinamili. Wings at chicken popcorn ang binili niya. "Tara na dito Ems! Kain na." Aya niya. Lumapit na ako sa dining table at umupo. Nagsimula na kaming kumain. "Ano nga kasing plot mo sa 'The Girl Who Got Broken In Love'? Di mo sinasabi samin eh." Pangungulit niya. "Basta. Surprise ko na yun sa inyo." Sagot ko. "Clue na lang." Sagot niya. "Magugulat kayo kasi di niyo naimagine na kaya ko pala magsulat ng ganun." Sagot ko. "So tragic yung plot?" Sagot niya. "Maybe yes maybe no." Sagot ko. Gusto ko talaga masurprise sila sa plot. Sigurado ko magugulat sila pati ang mga readers ko dahil nakapag sulat ako ng ganoong ending na kwento. "Pag talaga ako napaiyak mo diyan bibigyan kita Ten Thousand!" Sagot niya. "Sure! Pandagdag allowance din yon!" Sagot ko. "Sige. Basta mapaiyak mo ko sa The Girl Who Got Broken In Love." Sagot niya. "Sige." Sagot ko. Marami na kong kaalaman sa kung paano magpaiyak ng readers. Matapos namin kumain ay niligpit ko muna ang pinagkainan namin bago bumalik sa sala at ipagpatuloy ang pagsusulat. Buong maghapon niya ako sinamahan hanggang sa makarating si Ate Gabrielle. Ngayon ay kumakain na kami ng dinner. "Salamat pala sa pagsama dito kay Emily." Ani Ate Gab kay Vince. "Wala po yun. Palagi ko po siya sasamahan dito sa condo para sabay kami gumawa ng mga researches." Sagot ni Vince. "That's good para din may katulong si Ems." Sagot ni Ate Gab. "Nako Ate Gab wag na lang." Sagot ko. "Bakit?" Sagot niya. "Gagawin niya lang akong tiga print." Sagot ko. Kabisado ko na si Vince. Wala 'tong printer na nadala kaya sakin nakaasa. "Okay na yun at least may katulong ka sa mga research." Sagot ni Ate Gab. "Ano pa nga bang magagawa ko? Pagtitiyagaan ko na lang pagmumukha ni Vince." Sagot ko. "At least gwapong mukha yung pagtitiyagaan mo." Sagot ni Vince. "Nakoooo. Humahangin nanaman." Sagot ko. "Si Binibini naman." Sagot niya. "Ano nanaman?" Sagot ko. "Ang ganda." Sagot niya. Agad naman akong namula sa sinabi niya. "Ayieeee. Sa ganyan nagsisimula lahat!" Asar ni Ate Gab. "Ate Gab naman. Alam mo naman yung huli ko diba?" Sagot ko. "Ah di ka pa ready." Sagot niya. Tumango lang ako. Napuno ng tawanan ang hapag kainan namin. Inihatid namin si Vince sa pinto. "Ate Gab susunduin ko po bukas si Ems para sa first day ah." Paalam niya. "Sige." Sagot ni Ate Gab. "Good night Ate. Good night Binibini. Thank you sa dinner." Baling niya sa akin. "Welcome and Good night." Sagot ko. Tumango lang siya at naglakad na papunta sa elevator dahil sa taas namin ang condo unit niya. Pumasok na kami ni Ate Gab sa kanya-kanya naming kwarto. Naligo ako at nagbihis na ng pantulog tsaka ko tinawagan si Mommy. Sumagot naman siya. "Kamusta ka na diyan anak?" Tanong niya. "Okay naman po. Nakabili na ko ng mga gamit." Sagot ko. "Wow. Sino kasama mo? Si Ate Gab ba?" Sagot niya. "Hindi po. Si Vince po kasi pumasok si Ate Gab sa hospital." Sagot ko. "Hmm. Good luck sa first day mo ah. Okay naman kami dito. Hindi pa naman ba nagpaparamdam diyan yung multo ng nakaraan mo?" Sagot niya. "Hindi po. Sana huwag na dahil di ako magdadalawang isip lumipad pabalik diyan sa Pinas." Sagot ko. "Nako wag naman. Sayang scholarship mo diyan." Sagot niya. "Eh baka mamaya kidnappin na lang ako bigla." Sagot ko. "Basta kapag nagparamdam siya sayo itawag mo agad sa akin." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko. "Oh sige na. Mukhang aayusin mo pa yung gamit mo eh. Tumawag ka na lang ulit bukas ng umaga bago ka pumasok." Sagot niya. "Sige po. Bye Mi. Love you." Sagot ko. "Bye anak. Love you too." Sagot niya at ibinaba ang tawag. Inayos ko naman ang mga gamit ko sa sling bag. Dadalhin ko na labg yung books na para sa schedule namin bukas. Bibitbitin ko na lang. Di ko kasi nadala yung backpack ko sa Pilipinas. Matapos nito ay nahiga na ako sa kama ko at nagisip-isip. Ano kaya ang mangyayari sa first day ko? Sana wala nang bully. Baka kasi mamaya bullyhin nanaman ako. Alam ko marami pa akong haharapin kaya kailangan kong magpakatatag. Hanggang sa makatulog na ako. Nagising ako ng alas singko ng umaga. Alas otso ang pasok ko. Classmate ko si Vince sa halos lahat ng subjects. Dalawa lang ang hindi. Pero sa mga major kasama ko siya. Naligo na ako at nagbihis. Hindi ko pa nakukuha ang uniform ko kaya jeans at white shirt lang ang sinuot ko. Pinartneran ko pa ito ng white shoes para maganda tingnan. Lumabas na ako ng kwarto para magluto ng agahan namin ni Ate Gab. Meron naman mga pwedeng iluto sa ref. May binili si Ate Gab kagabi. Nagsangag ako ng kanin at nagprito ng bacon and eggs. Ng lumabas si Ate Gab ay bihis na ito ng scrub suit niya na may logo ng DMH (David Medical Hospital). "Good Morning Ate Gab! Ready na yung breakfast." Saad ko. "Sige. Tulungan na kita maghain." Sagot niya. "Hindi na po. Ako na po ang maghahain." Sagot ko. "Sige. Gagawa na lang ako coffee ko." Sagot niya at dumiretso sa coffee maker. Naghain naman ako. Mahilig si Ate Gab sa fresh brewed coffee kaya may coffee maker siyang binili. Nilagyan ko na rin ng kanin at ulam ang plato niya. Naupo na siya sa upuan sa harap ko at nagsimula na kumain. "Hindi lang pala adobo ang signature dish mo eh. Pati sinangag mo masarap." Pagpuri niya sa luto ko. "Thank you Ate Gab." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. Saktong tapos namin kumain ay may nagdoorbell. "Ako na po. Siguradong si Vince na yan." Paalam ko. "Oh sige. Ako na bahala sa pag uurong." Sagot niya. "Saglit lang Ate. Baka malate ka sa trabaho mo." Sagot ko. "Hindi. Maaga pa naman ikaw ang dapat huwag malate dahil alam kong lilibutin niyo pa yung school." Sagot niya. "Sige po Ate." Sagot ko at lumapit sa pinto para pagbuksan ang nagdoorbell. "Magandang umaga Binibini!" Bati ni Vince. "Morning!" Sagot ko. "Handa ka na ba?" Tanong niya. "Oo naman. Saglit lang. Kunin ko lang mga gamit ko. Hintayin mo na lang ako diyan." Sagot ko. "Sige." Sagot niya. Pumunta na ako sa kwarto ko at kinuha yung mga gamit na dadalhin ko. Tatlong libro ang kailangan ko ngayong araw. Meron namang locker na inissue ang school kaya lang masyadong mabigat kapag dinala ko ngayong araw lahat. "Alis na po ako Ate Gab. Sa daan ko na lang tatawagan si Mommy." Paalam ko. "Sige. Ingat kayo." Sagot niya. "Sige po." Sagot ko. Lumabas na ako ng condo at sinara muli ang pinto. "Okay na ko Vince." Saad ko. "Let's go." Sagot niya at kinuha sa akin ang mga libro ko para siya na ang magdala. Naghihintay na kami ng elevator ng tawagan ko si Mommy. Agad naman siyang sumagot. "Good morning Ems. Papasok ka na?" Bati ni Mommy. Hindi ako naririnig ni Vince dahil naka earphones ako dahil ayoko malowbat agad. "Opo. Si Vince po driver ko." Sagot ko at pinakita si Vince. "Hi po Tita." Bati niya. Kumaway lang si Mommy. "Mag-ingat kayo diyan ah. Wag kayo sasama kung kani-kanino." Bilin niya. "Opo. Sige na po. Mamaya po ulit pagkauwi ko galing school." Paalam ko. "Sige na. Bye." Sagot niya at ibinaba na ang tawag. Hinubad ko na ang earphones ko at sumunod na kay Vince sa kotse. "Maglibot muna tayo bago tayo pumasok sa first class." Ani ko ng makasakay. "Anatomy first class natin." Sagot niya. "Okay. Sa nutrition at biochemistry lang naman tayo di magkaklase diba?" Sagot ko. "Oo." Sagot niya. Tumango ako at nagsimula na siyang magdrive. Ng dumating kami sa school pumunta muna kami sa building ng college of nursing para ilagay yung mga gamit namin. Nasa corridors lang yung lockers kaya convinient. Hightech pa. Finger print unlock yung lockers kaya maganda. Maganda rin ang facilities. Magkatabi ang lockers namin ni Vince. Nilagay ko lang ang thumb ko para mabuksan yun. May hangeran para sa extrang damit at may space na nakalaan para sa mga libro at notebook. "Ganda ng lockers Vince." Ani ko. "Oo nga eh. Ngayon lang ako makakaexperience ng ganito." Sagot niya. "Ako man. Alam mo naman sa Pinas." Sagot ko. Matapos namin ilagay ang mga libro namin ay nagsimula na kami maglibot dito sa building namin. Malaki siya at halos fifteen minutes namin nilibot. Hindi namin nalibot yung labas ng building kasi nag ring na ang bell. Section 1 kami pareho ni Vince. Halos lahat ng kaklase namin ay galing sa iba't ibang bansa. Tatlo lang kaming Pilipino at yung isa ay scholar pa nila Vince. Nakasabay ko kasi siya sa interview kaya namukhaan ko. Ilang sandali pa ay dumating na ang professor namin at nagsimula na ang klase.
A/N: Enjoy Reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top