Chapter 20
"WHO'S THAT GUY?"
Nakatigagal ako kay Harry na ngayon ay palapit sa akin. White shirt, gray sweatpants, at pambahay na tsinelas ang suot niya. Kahit kapiraso ang ilaw na mula sa buwan at sa malayong lamppost ay malinaw sa akin ang kaseryosohan ng mga mata niya.
Binagyo ng kaba ang dibdib ko. Nakita niya ako. Nakita niya rin si Hugo. "A-anong oras na, bakit gising ka pa at bakit nandito ka sa labas?"
"You know I should be the one asking you questions right now. Bakit ka nandito sa labas ng ganitong oras?"
Bagamat kalmado ang boses niya ay nakakangilag.
"Hindi alam ng parents mo, even Jordan, na nandito ka. Na may kasama kang lalaki kanina. Saan kayo nagpunta? Bakit ngayon ka lang? And who is that guy?"
Napayuko ako. "Classmate..."
Hindi ko na pinangalanan dahil hindi naman niya kilala.
"He's not your boyfriend, is he?"
Umiling ako. "Kaklase ko lang. May kinailangan ako kaya tinawagan ko para magpasundo at magpahatid."
"You know I'm coming. Why didn't you just wait for me?"
"I didn't know, okay?" I lied. "I thought you were busy."
"Yeah, sure." Kahit mahinahon ang boses niya ay naramdaman ko roon ang sarcasm.
Ang tagal ko nang kilala siya kaya hindi makakaligtas sa akin ang ganoon. Nauna siyang naglakad habang alumpihit na nakasunod ako. Pinapasok niya muna ako sa gate bago siya pumasok. Siya ang nag-lock. Ganoon din sa pinto sa bahay.
Hindi na niya binuksan pa ang ilaw sa sala dahil maliwanag naman ang lumalagos na liwanag mula sa katapat na lamppost ng bintana. "Matulog ka na." Papunta na siya sa kuwarto ni Kuya Jordan nang tawagin ko.
"Ha—Kuya Harry!"
Lumingon siya.
"Would you tell them about what you saw?"
"I won't."
Napatitig ako sa kanya.
"Jillian, kahit gusto kong isumbong ka ngayon mismo, hindi ko gagawin."
"T-thank you..." namutawi sa mga labi ko.
"You know that's now what I wanna hear from you."
Nang tumalikod na siya ulit at pumasok sa kuwarto ay naiwan akong nahulog sa pagkalito. Tumagal bago ako nakatulog. Dalawa sila ni Hugo na salit-salitan sa panggugulo sa isip ko.
Nah, bakit naisama pa si Hugo? Hugo was nothing compared to Harry. Harry was a better pick if only he was not forbidden. Napabuntong-hininga ako. Masakit na ang ulo ko at kailangan ko nang itulog ito.
"JILLIAN, MAHAL KO NA SI HUGO!"
Monday. Bago matapos ang recess ay nilapitan ako ni Dessy. Nangingislap ang mga mata pati yata ang suot na braces niya.
"Jill, ang tahimik katabi ni Hugo. Parang hindi siya. Tapos magaling pala talaga siya sa math! Sa kanya na naman ako nangopya sa quiz kanina!"
Hinayaan ko lang siyang magkuwento habang ako ay tuloy lang sa pagbabasa ng libro.
"Nakalimutan ko na ang ex ko. Si Hugo na talaga ang mahal ko! Ang bango-bango pati niya! Malamang iyon, imported ang pabango. Kasi mayaman iyon, di ba? Ang laki nga ng bahay nila sa Buenavista. Saka iba na naman ang phone niya. Basta, mahal ko na talaga!" May paghampas pa siya sa balikat ko dahil sa kilig.
Nakatiim lang ang mga labi ko habang nakikinig.
"Alam mo, Jill..." Sumeryoso ang mukha ni Dessy. "May secret ako. Sasabihin ko sa 'yo tutal mapagkakatiwalaan ka namang kaibigan."
Napabuntong-hininga ako. "Hindi mo naman kailangang sabihin sa akin ang secret mo."
"E basta gusto ko pa ring sabihin." Bumungisngis siya. "Alam mo, matagal ko nang crush si Hugo. Super crush ko na siya kahit noong elementary pa lang. Nakikita ko na kasi siya noon pa sa Buenavista. Ang pogi-pogi niya tapos ang puti. Lagi pang bago ang damit kaya nagustuhan ko."
Tiningnan ko si Dessy. Seryoso ang mukha niya at kakaiba ang kislap ng kanyang mga mata.
"Na-turn off lang ako kasi parang lahat yata ng naging kaibigan kong magaganda sa Buenavista, pati mga taga private, naging GF niya. Pero bago ako ma-turn off noon, may nangyari..."
Nangyaring?
Umusod si Dessy sa akin para bulungan ako. "Si Hugo ang first ko."
First? First kiss?
Sa sumunod niyang ibinulong ay nawindang ako. "Si Hugo ang naka-virgin sa akin!"
Nanlaki ang mga mata ko kay Dessy.
"Siya ang first ko at hindi ang kahit sino sa mga naging BF ko. Siya talaga. At sa tingin ko ay ako rin ang first niya. Simbang gabi iyon noon sa Malabon. Nasa may motor niya nangyari."
Nalaglag ang panga ko. Paanong doon? Paano at paano nilang nakukuhang umakto nang normal sa isa't isa gayong may nangyaring ganoon noon sa pagitan nila?!
Nasagot ang aking mga tanong ko sa sumunod na kuwento ni Dessy. "Badtrip lang dahil hindi alam ni Hugo na ako ang naka-boom-boom niya kasi may scarf na nakapiring sa kanya."
Paano iyon? Panibagong dagdag tanong na naman ang nabuo.
Napahagikhik si Dessy sa nakitang pamumutla ko. "Ganito kasi 'yan, Jill. Iyong pinsan kong si Zandra Asuncion na taga Bgry. Pinagtipunan ang syota talaga ni Hugo noong time na iyon. Mag-aano na dapat sila kaso biglang umurong iyong pinsan ko. Naduwag."
Ha?
"Swerte dahil nandoon ako noon. Ako iyong nakaisip na lokohin namin si Hugo. Mabuti na lang talaga kasi tangengot si Hugo kaya napapayag siya ni Zandra na magpiring ng scarf sa mata. Tapos doon na nga nangyari. Ako ang pumalit nang sumalisi paalis si Zandra."
Pagtunog ng bell ay hindi ko na namalayan ang pamamaalam ni Dessy dahil dinudugo pa rin ang utak ko. Alam ko na iba-iba ang takbo ng isip ng mga kabataan na katulad namin. Na marami ang rebelde at merong mga curious lang, pero hindi ako makapaniwala na sa mas batang edad pa ay makakaisip ng ganoon.
Ilang taon ba sila nang nangyari iyon? Fourteen? Fifteen? Ayaw ko nang alamin.
Saka wala akong pakialam sa ibang babae na naugnay kay Hugo, but to think that something happened between him and Dessy? That was unacceptable!
Kaibigan ko si Dessy. Si Dessy lang halos ang kaibigan ko rito sa school. Gaano kalalang isipin na iyong lalaking ilang beses kong nakahalikan ay ang lalaking nakauna sa kanya? Na may nangyari sa kanila?
Hanggang matapos ang klase ay wala na akong naintindihan sa itinuro. Kating-kati na ako na mag-uwian na. Nasasabik ako na makauwi para mag-toothbrush at magmumog nang matindi.
Papunta ako sa pinto para lumabas nang makasabay ko si Hugo. Para akong kinilabutan na agad umatras palayo. Natigilan naman siya sa reaction ko. Pagkuwan ay nakasimangot na siyang naunang lumabas ng pinto.
UMIIWAS.
Nagkasabay kami ni Hugo sa pinto kinabukasan pero ni hindi ko siya sinulyapan man lang. Kahit nang makaupo na ako sa upuan at siya ay nasa aking harapan ay nakayuko pa rin ako. Nagkakalkal ako ng kung anu-ano sa bag ko. Nang umalis na siya ay nag-beep ang phone ko.
Aguilar:
Okay ka lang?
Napalunok ako at agad binura ang text message. Nag-beep ulit nang sunod-sunod.
Aguilar:
Akala ko goods na ulit tayo. Izza prank lang?
Inilagay ko na sa block ulit ang number niya. Ibinuhos ko ang buong atensyon sa mga lesson. Pakinig na pakinig ako sa lahat. Pag walang teacher ay nagbabasa na naman ako.
Lunchbreak ay nag-stay ako sa faculty kasama si Mommy. Bumalik lang ako sa room 3 minutes matapos tumunog ang bell. Ini-expect ko na nasa loob na ng room ang lahat ng classmates ko. Inaasahan ko rin na nasa kanya-kanya nang upuan sina Dessy at Hugo.
Naglalakad ako sa hallway ng Grade 11 building. Wala na masyadong tao sa paligid dahil nagpasukan na ang mga ito.
Malapit na ako sa room nang matanaw ko si Hugo na nakasandal sa pader. Hawak niya ang bagong phone at ang atensyon niya ay doon nakatuon. Napahinto ang mga paa ko sa paglalakad at hindi malaman kung magpapatuloy ba ako.
Nang mag-angat siya ng paningin sa akin ay kumunot ang kanyang makinis na noo. Sandali lang ay bumuka ang kanyang mga labi para magsalita pero hindi ko na iyon hinintay, nagmamadali at halos patakbo ako na lumampas sa kanya. Bago makalayo ay na ay nakita ko pa ang paguhit ng pagtataka sa mukha niya.
Alam ko na iniisip niya na bati na kami. Nagtataka siya kasi bakit ganito na naman ako. Honestly, I couldn't understand myself too.
Alam ko naman na rebelde si Hugo. He showed me his real self and he didn't hide anything from me. Hindi naman siya nagpanggap kahit kailan. Umpisa pa lang, alam ko na kung gaano rin siya kababaero at kasiraulo. Hindi naman iyon sekreto kahit kanino. Bakit kung umakto ako ngayon sa kuwento ni Dessy ay parang nabibigla pa ako?
Ano ngayon sa akin kung may nangyari sa kanila? Weird man na kung umakto sila sa pagitan ng isa't isa ay parang wala lang, ay kung pakakaisipin ay wala namang alam si Hugo. Hindi niya alam na si Dessy iyong first niya. Kumbaga, naloko siya.
Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ba pinagtatanggol ko siya? So what if he was fooled? Binalewala ko ang mga titig at nag-focus ulit ako sa lesson hanggang mag-uwian. Pagkatunog na pagkatunog ng bell ay ako ang nangunang lumabas ng pinto.
DUMATING ang weekend. Harry was here again. Dito siya ulit matutulog. Gustong-gusto nina Mommy at Daddy na nandito siya para may kausap si Kuya Jordan. Ako naman ay hindi alam kung saan susuong. Kapag wala kasing nakakapansin ay tumitingin si Harry sa akin.
Ayaw ko na mag-assume. I had nothing to expect from Harry. Ano ba kami? Magpinsan lang kami! I was just stupid for falling for him.
Kinalakihan ko na kasi ang pagkakagusto sa kanya, hanggang ngayong 17 ako ay gusto ko pa rin siya. He was my prince charming ever since I could remember. Mahirap talaga makalimot kasi nga well invested na sa feelings. But I was not losing hope.
Sa amin nanggaling si Harry pagkatapos ng weekend. Siya ang naghatid sa amin nina hMommy at Kuya Jordan sa school gamit ang dala niyang SUV. Idinaan niya muna kami bago siya dederetso sa DLSU.
Ako ang huling bumaba sa sasakyan. Akala ko aalis na si Harry pero bumaba rin siya. Nagulat ako nang siya pa ang magbukas ng pinto sa akin.
"Baka ma-late ka," nag-aalalang sabi ko.
"So?" kaswal na balik niya.
So? Paano nga kung ma-late siya? Hindi lang sa school kundi sa pagkikita nila ng girlfriend niya.
"Thank you," pasasalamat ko. Tinalikuran ko na si Harry para lang makita si Hugo na nakatayo sa may bandang gilid ng gate. Nag-v-vape ang lalaki. Umuusok ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin.
Paabante na ako nang maramdaman ang pagsabay ni Harry sa aking paglalakad. Tiningala ko siya. Seryoso ang kanyang mukha.
Napaisip ako kung nakita ba ni Harry si Hugo? Saka nakilala niya kaya ito? Nang pasimple kong sulyapan si Hugo ay nasa di kalayuan ang motor niya. Kinabahan ako dahil baka nakita iyon ni Harry at natandaan.
Hanggang sa loob ng bench ng school ako inihatid ni Harry. Parang ayaw niya pang umalis. Baka makita na siya ni Mommy at magtaka pa iyon kung bakit nandito pa siya.
Napalingap ako sa paligid. Ang mga schoolmates ko ay napapatingin na kay Harry. Lalo ang mga babae. Iyong iba ay sumusubok nang magpapansin sa kanya. Naiintindihan ko naman dahil guwapo siya, mukhang mabait, mukha ring matalino. Siya ang kabuuhan ng ideal guy na magugustuhan ng hindi lang mga teen agers na sabik sa crush, kundi ng kahit sino.
Nagpaalam na ako. "Papasok na ako. Umalis ka na rin. Thank you ulit."
Seryoso pa rin ang ekspresyon niya. Napabuga siya ng hangin. "Where's your room here?"
"Hindi na. Kaya ko naman na e. Baka ma-late ka na pati sa school... Saka baka hinahanap ka na ng girlfriend mo..."
Napahaplos siya ng palad sa kanyang batok. Tumango-tango. "Alright."
"Bye..." Maliit akong ngumiti. "Kuya Harry..."
Ngumiti rin siya. Ngiti na may lungkot. Maging ang magandang mga mata niya ay malungkot. "Bye, Jill."
Bumalik na naman tuloy sa akin ang pagkalito. Ipinilig ko ang aking ulo para hindi na siya tingnan pa. Naglakad na ako paalis. Hindi na ako lumingon. Hindi pa ako nakakalayo nang may sumabay sa akin. Hindi na si Harry. Nalanghap ko ang banayad na amoy ng juice. Amoy ng vape.
"Pinsan mo pala iyon."
Saan naman kaya niya narinig?
"Pinsan mo pero kung makatingin, parang syota."
"Tumigil ka," mahinang saway ko. Binilisan ang paglalakad.
Wala naman kahirap-hirap kay Hugo na sabayan pa rin ako sa paglalakad dahil di haman na mas mahahaba ang kanyang mga binti. Effortless ang hakbang niya.
"May gusto ka ba roon?" tanong niya na muntik ko nang ikasamid.
Nahinto ako sa paglalakad at namimilog ang mga matang tiningnan ko siya. Nakakaloko ang ngisi ni Hugo habang may nginunguya siyang bubble gum sa bibig. Ang pula-pula ng mga labi niya sa liwanag.
"O bakit sama mo makatingin?" nakangising sita niya sa akin. "Nadale ko ba? Damn, Herrera! Tigil mo 'yan, incest, tangina—"
Itinulak ko siya sa dibdib. "Lumayas ka sa paningin ko!"
"Tss, bawal nga. Bad 'yon! Masusunog ka!"
"Shut up!"
Nagmamadali akong maglakad na halos manakbo na ako. Wala na akong pakialam kahit may mga napapatingin sa akin. Padabog akong pumasok sa room. Maski si Dessy ay nagtataka sa inaakto ko. Hindi ko siya pinansin. Wala akong pinansin kahit sino at kahit ano.
Alam ni Hugo na may natamaan siyang sensitibong bagay kaya hindi siya nagtangka na mangulit buong araw. Hanggang tingin lang siya. Nararamdaman ko siya pero hindi ko nililingon. Wala akong pakialam sa kanya at sa lahat-lahat. Hindi maganda ang mood ko maghapon.
Naghahalo ang asar, galit at pagkapahiya ko kaya hindi ko na magawang tingnan sa mga mata si Hugo. He was right, though. It was stupid of me to fall for Harry. Kahit sabihing hindi kami tunay na magkadugo, alam ng mga tao na pamilya kami. Nakakatawa lang talaga itong nararamdaman ko.
Hindi na talaga ako bumalik sa tunay na upuan ko. O kahit makaisip man lang na bumalik doon. Dumaan ang mga araw na kahit si Dessy ay naiilang nang lapitan ako. Ibinuhos ko ang buong atensyon sa pag-aaral at pag-aaral lang. Kasi iyon naman lang talaga ang dapat kong inaatupag.
HUGO. Narinig ko ang pangalan niya kaya ako lumingon. Nasa labas siya, masaya na kausap ang mga kaibigan niya. Ilang linggo na rin pero wala naman siyang ginagawang pangungulit. It was as if he had been busy with something.
Napansin ko rin ang sigla at saya niya nitong mga nakaraan. Nalaman ko ang kasagutan nang pumunta ako sa faculty sa lunch.
"Kababata iyon ng Hugo ko," masayang boses ni Mrs. Normalyn Aguilar na mommy ni Hugo.
"Kilala ko iyan si Susana Alcaraz," anang isa sa mga kausap na teacher. "Estudyante ko noon 'yan. Matalino, masipag at napakatinong bata. Nakakapanghinayang lang dahil umalis dito at nag-transfer sa Bulacan."
Lumawak ang pagkakangiti ni Mrs. Aguilar. "Oo nga kaya nga natutuwa ako kasi babalik na at dito na ulit mag-aaral si Sussie. Kababata ni Hugo ko. Close sila."
"Baka naman mahatak sa tamang landas ang anak mo, Norma. Okay na okay iyan si Sussie, napakabuting bata."
Susana 'Sussie' Alcaraz. Sinambit ko sa isip ang familiar na pangalan. Naging kaklase ko noong Grade 7. Nakalaban sa top. Nakalaban din sa botohan ng president para sa classroom officers. Natalo niya ako sa lahat.
"Crush ni Hugo ko. Nakita ko iyong elementary Grade 6 class picture nila, ginupit ang picture ni Sussie at nilagay sa wallet niya." May kilig sa boses ni Mrs. Aguilar.
Nakikinig lang ako at sa isip ay nai-imagine ang nakangiting si Hugo.
"Nang malaman nga na babalik na si Sussie rito, hindi na gumagala sa gabi. Wala pa si Sussie pero si Hugo ko, parang bumait na."
Natapos ko ang pagkain ng lunch nang hindi nalalasahan ang pagkain. Nagpaalam na ako kay Mommy na babalik sa room.
Sa room ay nasa upuan niya na si Hugo. Hindi ko alam kung nag-lunch na o hindi pa. Tulala siya sa bintana. Hindi niya ako napansin na dumating o wala talaga siyang pakialam sa paligid. He seemed relax and happy.
Masaya naman ako para sa kanya. Bumalik na ako sa upuan ko at tipid na ngumiti sa kawalan.
Puppy love... What a cute and innocent feeling. It felt wonderful yet it could also be painful...
BAKASYON. Ang bilis lang lumipas ng panahon. Natapos nang walang aberya ang clearance week.
Katatapos ko lang magluto ng dinner namin, escabeche at dumplings nang may sinabi si Mommy na ikinahulog ng hawak kong sandok, "Harry will be staying here with us for two weeks."
Nagulantang ako sa biglang balita at kung paanong kaswal lang iyong sabihin ni Mommy sa akin.
"You agreed about this, Jillian." Tiningnan ako ni Mommy. "Don't you remember?"
Napakurap ako. When was that?
Saka paanong dito si Harry samantalang wala si Kuya Jordan? Anong gagawin ni Harry dito? Sa Madrid, Spain magbabakasyon ang kapatid ko. Nandoon ngayon ang Caucasian paternal grandfather namin. Umalis na ito ng Pilipinas mula nang mamatay ang Filipina naming lola.
Doon muna si Kuya Jordan ng ilang linggo dahil may sakit si Grandpa at gusto siyang makasama. Siguro ipapakita na rin sa kanya ni Grandpa ang pag-aari nitong architecture firm doon. Architecture kasi ang kukuning course ni Kuya Jordan sa pasukan. Dapat nga doon siya mag-aaral at doon na rin magsasanay, pero ayaw niya lang talaga.
Ngumiti si Mommy sa akin. "Anyway, parating na si Harry. Pinayagan naman nina Eva kasi may bakasyon din ang mag-asawang iyon sa labas ng bansa. Kaysa nga naman mag-isa si Harry sa kanila ay makakabuti na dito na lang muna."
Nang dumating si Harry bitbit ang itim na duffle bag ay hindi pa rin ako makapagsalita. Nakatingin lang ako mula nang magmano siya kina Mommy at Daddy hanggang sabay-sabay na kami sa hapag para kumain ng dinner.
Dahil wala si Kuya Jordan ay ako ang nakatoka na maghuhugas ng pinakainan. Umalis na sina Daddy at Mommy sa table at naiwan kaming dalawa ni Harry.
Sa kuwarto muna ni Kuya Jordan pansamantalang mag-stay si Harry. Ini-expect ko na pupunta na siya roon since wala nang tao sa sala. Nasa kuwarto na ng mga ito ang parents ko.
Nang tumulong siya sa akin sa pagliligpit ay nakagat ko ang aking ibabang labi. Humarap na ako sa lababo habang siya ay nagpupunas ng mesa. Naghuhugas ako ng mga plato at siya ay nagwawalis ng kusina.
Tinagalan ko ang pagkilos para mauna sana siyang makatapos. Nauna naman siya pero hindi nga lang siya umalis. Tumabi siya sa akin sa lababo. "Do you need a hand?" masuyong tanong niya.
Umiling ako pero nakiagaw pa rin naman siya sa mga plato na nahugasan ko na. Siya ang nagpunas ng mga iyon at nagsalangsang sa lalagyan.
Dahil si Harry na ang nagtatapos ng paglilinis sa kusina ay iniwan ko na siya. Naiinis ako. Naiintindihan ko naman na kung bakit lumayo siya nang una, dahil kapag itinuloy niya ang paglapit ay baka umasa ako. Pero ano ngayon itong paglapit-lapit niya?
I was trying my best here to truly forget about him but he was making it hard for me.
THIRD DAY. Para akong nakikipag-tagu-taguan kay Harry dito. Kapag nakatambay siya sa sala ay nasa kuwarto ako. Kapag nasa kuwarto naman siya ni Kuya Jordan ay saka lang ako lumalabas at nagpupunta sa sala o sa kusina.
Tuwing breakfast, lunch at dinner lang kami nagkikita. Tumutulong siya sa paghahanda ng pagkain at tumutulong din siya sa pagliligpit. I tried my best to be casual habang siya ay minsa'y lantaran na kung tumingin sa akin.
Kahit din nasa kuwarto ako ay nararamdaman ko na palagi siyang nakaabang. Bakit ba may pakiramdam ako na ginagawa niya ito para bantayan ako? He was watching over me as if I was going somewhere.
Nang hapon ay pinabili siya ng merienda nina Mommy. Gusto niya akong isama pero tumanggi ako. Sinabi ko na may ginagawa ako sa kuwarto.
"Alright. I just hope you're still in your room when I come back."
Kumunot ang noo ko sa gusto niyang iparating. Saan naman ako pupunta? Ngumiti lang naman siya at pagkuwa'y umalis na.
Kinagabihan ay maagang pumasok sa kuwarto sina Mommy at Daddy dahil may pag-uusapan silang importante.
Katatapos ko lang na maghugas ng mga plato. Wala akong kibo na nagpunas ng mga kamay. Sa likod ko ay naroon si Harry. Nakasandal siya sa mesa at nakapamulsa sa suot na jersey shorts. Nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin.
"Una na ako, Kuya Harry." Iiwan ko na siya nang pigilan niya ako sa pulso.
"Jillian, wala na kami."
Napatanga ako sa narinig.
"I broke up with her. Matagal na."
Hindi ko alam ang dapat sabihin. Nabigla ako. Nakatingin lang sa kanya ang nanlalaki kong mga mata.
"Jillian..." Napahagod siya ng mga mamahabang daliri sa kanyang buhok. "Hindi ko pala kaya iyong ang layo-layo mo..."
"Sino ba ang lumayo?"
"Kaya nga ibinabalik ko na iyong tayo dati."
"Anong ibinabalik? Anong ginagawa mo?" naguguluhang tanong ko.
Nanghina ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "I broke up with her for you. Doesn't that count, Jillian?"
"It doesn't."
Hindi naman kasi doon lang matatapos e. The situation remained the same. It remained complicated.
"Pupunta na ako sa kuwarto," paalam ko.
"Can I ask you? Ano para sa 'yo iyong lalaking iyon?" tanong niya na nagpatigil sa paghakbang ko.
Alam ko na si Hugo ang tinutukoy niya dahil wala namang iba. Si Hugo lang ang nakita niyang kasama ko at tumatak na yata iyon sa isip niya. Kahit out of the blue ang tanong niya at nakakabigla ang pagsingit tungkol kay Hugo ay sumagot ako, "A friend."
"A friend," he repeated with his usual calm voice. "He was just a classmate before. Now, he's a friend."
Akala ko wala nang nakakabiglang tanong until...
"How about me, Jillian? Ano ako para sa 'yo?"
Natigagal ako sandali at agad ko lang kinalma ang sarili. Tiningnan ko lang si Harry at pagkatapos ay tinalikuran na ulit. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nang mag-isa na lang ay saka nanghihinang napaupo sa gilid ng kama.
How dare he ask me that?!
Wala siyang alam kaya dapat wag na rin siyang magtanong pa. Kahit anong pagtatanong pa ang gawin niya, hindi ko siya sasagutin. He would never know the answer.
Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. He would never know about my forbidden feelings for him.
"Jillian..." Mahihinang katok sa pinto ang nagpatayo sa akin mula sa pagkakaupo.
Natataranta na napatitig ako sa pinto. "Go... M-matutulog na ako."
Pumihit ang doorknob na hindi ko pa nai-la-lock. Pagbukas ni Harry sa pinto ay natigilan siya nang makita ang luhaang mukha ko. Bumakas ang gulat sa kanya at pagkatapos ay lumamlam ang kanyang mga mata. "You're crying..."
Mabilis kong pinunasan ang mga luha. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako dahil nakita niya ang di niya dapat makita.
Pumasok siya sa kuwarto ko at isinara niya ang pinto. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko nang huminto siya sa harapan ko.
"Now that I know the answer, I don't want you to see that guy again."
Gulat na napatingala ako na kasabay nang pagyuko niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman na lamang na magkalapat na ang mga labi naming dalawa...
JF
#TroublemakerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top