Epilogue

Love. Hindi naman puro saya yan eh. Most of the time, it's sad, heartbreaking..

Paano mo nga ba malalaman kung tunay ang pag-ibig? Kapag marami siyang binibigay na regalo sa'yo? The hugs and kisses? Kapag pinapakilig ka niya sa mga banat niyang nakukuha niya sa TV? Kapag ipinagsisigawan niyang mahal ka niya at wala ng iba? O kaya naman kung lagi ka niyang pinapangiti? No. That's not it.

I'm Audrey Michelle Tan, at natunghayan at nasubaybayan niyo ang istorya ko. I'm in love with my best friend, Alexander Joseph Martinez- who turns out to be in love with me too.

Siguro ilang beses na kayong nahulog sa isang tao. Or you thought so. Diba sa una ang sarap ng pakiramdam? Pero.. wala naman pa lang sasayo sa iyo eh, kaya ang sakit-sakit.

Ang pag-ibig... parang pagtakbo lang yan sa isang marathon. Sa unang lap ginaganahan ka, malakas ka pa at walang balak sumuko... pero as the race kept on going, unti-unting nawawala ang sarap. Nasasaktan ka na, napapagod.. nahihirapan at gusto nang huminto. Well, you have your choice. It's either titigil ka o magpapatuloy pa. Kung hihinto ka? Mauunahan ka ng iba at matatalo ka. At kung magpapatuloy ka... malalaman mong there's something more.. something better, something that could make you happy and satisfied. And.. sa oras na makamit mo ang premyong pinakainaasam-asam mo, mawawala lahat ng sakit at pagod... makakalimutan mo lahat iyon sa sobrang tuwa.

Hindi naman lahat ng tao may happy endings sa love eh. May mga nabibigo rin. Pero hindi kaya plan lang yun ni God para ma-realize mo na there could be something more para sa'yo? Na ma-realize mo na may mas hihigit pa sa kanya, na hindi mo siya deserve... na ang deserve mo ay isang taong aalaga at magmamahal sa'yo.

Love is painful... but at the same time it makes you feel happy. Yang pain na 'yan... yan ang nagpapatibay sa iyo, sa inyo. Kung kaya niyong malagpasan lahat ng pagsubok, gaano pa kalaki yan, then... there could be something more. Palagi namang may something more eh. Hindi lang natin masyadong napapansin iyon kasi we focus so much on that thing that we already have. There's something more.. kahit na mukang imposible, kahit na hopeless... there's always something even better than that thing you already own.

"So, 'wag mong sabihing hindi pa rin kayo talaga magpapakasal niXander?" Marielle asked.

I chuckled. "Haha, ewan ko ba dun. Basta ako, handa akong maghintay pag ready na kami."

"And kelan naman iyon, huh? Like, 20 years from now? The two of you are too innocent, wala kayong pupuntahan niyan."

Napangiti ako. "Nako, porke kayo ni Jared may anak na... and ngayon, may susunod pa." I stared at her stomach. "Oh baby, 'wag kang gagaya sa mommy mo ah, masyadong nagmamadali."

"Loko ka talaga, hindi naman ako nagmamadali eh. Malay ko bang mabubuntis ako kaagad? And besides, stable naman ang family namin eh. And I'm like, 29 already. Eh ikaw?"

"Eh kase naman no..."

"Hala ka, baka may iba yan si Xander kaya ayaw kang pakasalan." she joked.

"Oy, loyal sa akin yun no. Ewan ko sayo."

"Basta, ako bridesmaid mo ah?"

"Eh may kakasya ba sa'yong gown sa laki ng tyan mo?" sabi ko sabay tawa. She glared.

Namimili kami ni Marielle ng mga Christmas gifts para kung kani-kanino. Then finally, tapos na kaming mag-shopping at nag-bye na ako kay Marielle. May bibilhin pa siya eh. I started the engine and drove away, papunta sa bahay.

Si Xander... kelan kaya siya magpro-propose sa akin? Uh.. Audrey, be patient. Siguro di pa ready si Xander.

"Merry Christmas!" bati ko kina Mama. Nilagay ko yung mga regalo sa ibaba ng Christmas tree, then stood up. Nandoon yung buong family ni Xander, kasama na si Elaine pati Kuya Andrei ni Xander. Grabe, talagang na-surprise ang lahat sa plano nila Elaine at Xander. Pero okay naman ang lahat.

"Tito, Si Xander po?" I asked when I noticed na wala siya dito. He smiled at me and looked at my parents then kay Tita Dely, sa asawa niya. "Nasa itaas siya hija, and he's been waiting for you since an hour ago."

"Talaga po? Sige, salamat." agad akong umakyat sa taas, at hinanap siya doon. And when I opened my room's door, gotcha, he was there. Nakatingin siya sa langit, nandoon siya sa may balcony. I smiled.

"Ah, ba't ka nandito, huh?" When he heard my name, bigla siyang lumingon and smiled, too.

"Audrey. Sa wakas nakauwi ka na rin." sabi niya. Napansin kong may hawak siyang gitara and meron pa eh, parang scrapbook na ewan. Lumapit ako sa kanya.

"At ano? Haharanahin mo ako? Eh dapat nasa baba ka, hindi ka dito sa itaas."

"Ehhhh.. gusto mo kong bumaba? Sige tatalon na ako."

"Oy, oy.. joke lang. Sige na, ba't ka ba nandito? Eh ang lamig-lamig dito no." I said. He nodded and binigay sa akin yung scrapbook. Bubuksan ko na sana nang hinawakan niya ang wrist ko.

"Hey, wait lang. Kaylangan may music. Pagtumugtog na ako, doon mo lang bubuksan."

"Haha, adik talaga 'to oh. May ganon pa." sabi ko. He just smiled and started to strum his guitar. Binuklat ko na yung scrapbook. Sa una, nakalagay yung title na: Falling for You. Tapos next page, may picture nung baby pa ako at siya din. May pictures doon nung sabay kaming bininyagan, tapos kumakain kami ng cereal, magkatabi kami nun at nasa high chair pa. Then sa next page, may picture ako nung six years old ako at may nakasulat na mga bagay-bagay tungkol sa akin. Ang panget nga ng sulat eh, ito yung sulat ni Xander nung six pa kami. May mga candy wrappers, dried leaves, at kung anu-ano pa. Sa mga sumusunod na pages mga pictures pa namin nung bata pa kami. Nandun yung nasa beach kami, sa park pati na rin yung naging flower girl ako at siya ringbearer.

"Wow.. you kept these.. ang tagal na neto ah.." I said. He's just singing, and napansin kong Grow Old With You yung kinakanta niya. Then I flipped the pages and doon naman yung picture ko nung 16 years old ako. Then may mga drawings pa doon, scribbles on a notebook page, poems and love letters na ginawa ni Xander for me. May mga stolen shots din ako doon.. everything.

Then... sa mga sumusunod pa ay yung kami na ngayon. Our pictures nung nasa Paris kami when he explained everything to me, nung kinasal sila Jared at Marielle, nung naging Ninang at Ninong kami ng first child nila, mga occasion na in-attend namin.. our dates.. everything. And... halfway nang scrapbook, alam kong hindi pa ito napupuno. It's like he wanted to fill the pages until we grow old. And... nang sumunod na page... tears started to flow.

I gasped. Doon sa sumunod na page, may nakadikit na singsing sa gitna. And may cut-out letters from a magazine. These formed: Will you grow old with me?

"Xander...." I said. Umiyak ako nang umiyak. Binaba ni Xander yung gitara and took the scrapbook from me. Tinanggal niya yung singsing mula sa scrapbook and took it, and looked at my eyes.

"Audrey... will you grow old with me? Will you marry me?"

I smiled. "Y-y-yes! Yes Xander!" And we hugged very tightly.

I slowly walk in the aisle. Ito ang araw na pinaka-special sa akin, the day I've been dreaming of.

Everyone's looking at me. I'm the lovely bride. At from where I am, I can see him, smiling at me, very happy. And suddenly.. pumasok sa isip ko yung bata pa kami. I'm the flower girl.. at masayang-masaya ako noon. Iniisip ko na balang araw ikakasal din ako.

From flower girl to the lovely bride, I smiled back at him. Si Xander na dating ringbearer.. Hindi na siya ang maghahawak ng singsing- siya na ang magsusuot.

"You look very beautiful," sabi niya when I finally reached him. Hinawakan niya ang kamay ko. "Very beautiful."

I hook my arms into his. "Heh, nambola ka pa."

This is the start of my life with Xander...

"You may kiss the bride." the Pastor said.

Xander faced me at unti-unti niyang tinaas ang belo ko. He smiled and said, "I love you,"

"I love you too." sabi ko naman.

And then, we shared a kiss.

Tapos nun, nagpicture-picture then hinagis ko yung flower. Si Jeanie na kapatid ni Xander yung nakakuha nga eh. Tapos may napansin akong batang babae at batang lalaki. I think mga six sila. Flower girl and ringbearer.

Siniko ko si Xander. "Parang tayo lang noon oh,"

Xander smiled. "Halika, lapitan natin."

Nilapitan namin yung mga bata. "Hi, anong name niyo?" I asked.

"Ako si Mandy," the girl replied.

"Ako naman po si Stephen." sabi ng boy.

"Best friends ba kayo?" tanong naman ni Xander.

"Opo." they both said.

Xander and I laughed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top