Twelve


Kristina Sullivan

"Ma, naman! Hirap na hirap na po ako dito! Gusto ko na po kayong makasama!" Pagpoprotesta ko sa kanya sa telepono. Kanina pa tumutulo ang luha ko magmula ng malaman ko ang nangyari sa lola ko.
Gustong-gusto ko ng umuwi para makasama sila kaso mas nanaig ang kagustuhan ko ding makapagtrabaho para may maipambayad kami sa pang-ospital ni papa.

Ngayon ay tanging aparato na lamang ang nagbibigay buhay sa kanya. Kung hindi pa nadulas ang nakababatang kapatid ko sa telepono kanina ay hindi ko pa malalaman ang totoong kalagayan ni papa.

Naaksidente pala ito sa pagmamaneho ng tricycle at nabangga sya ng isang dayo sa lugar namin sa probinsya. Nangako naman daw na tutulong ang nakabangga sa kanya ngunit matapos lang ang dalawang linggo ay hindi nabayaran ang kanyang pangpagamot.

Hindi daw sinasadya ng nakabangga dahil inantok ito pauwi sa bahay nila. Hindi daw namalayan na may kasalubong siyang sasakyan ng marating niya ang blind curve sa daan. Eto ang naging sanhi upang mabangga nya si papa na pauwi na din sa amin ng mga oras na iyon.

Bumaligtad ang tricycle at nahulog si papa sa bangin. Agad na tinawag ng nakabangga sa kanya ang nangyari at mabilis na naaksyunan ito at naidala si papa sa ospital.

Masuwerte namang nabigyan agad siya ng atensyon ng mga doktor sa ospital. Ngunit hindi maipagkakaila na matanda na din sa papa at nagkaroon ito ng komplikasyon.

"Anak, gusto ko mang makasama ka ngayon kaso mas kailangan natin ng pambayad para sa ospital. Hindi sapat ang kinikita ko sa pagtitinda sa palengke." Sambit ni mama na syang mas nagpahagulgol sa akin.

"Pipilitin ko pong maka-advance sa trabaho at makapagfile ng leave para makauwi ako kahit ilang araw lang." Saad ko na syang mas nagpalahaw sa aking mama na ramdam kong hirap na din sa sitwasyon namin.

"O sya. Ibababa ko na muna itong telepono para makakain at mabalikan na namin ni Klarissa ang papa mo. Mag-iingat ka dyan, anak ha..." usal nya na siyang tinanguan ko na tila ba ay naintindihan nya.

Bagsak ang balikat kong tinitigan ang cellphone ko matapos ang pag-uusap namang iyon.

Ibababa ko na sana ang cellphone ko nang may kumatok sa pintuan ng apartment ko. Agad kong pinunasan ang mga luhang tumulo bago ko pinuntahan ang taong nasa labas.

"Aba'y, hija! Kailan mo plano bayaran ang renta mo? Lagpas isang buwan na ha!" Kunot-noong saad ni Mrs. Hipolito sa akin at nakapamaywang pa. Andyan na naman ang signature hairstyle na nakarollers ang buhok at nakaduster pa ng pula. Tipikal na itsura ng isang landlady.

"Madam! Pasensya na po. Pinadala ko po sa amin pampa-ospital ni papa  kasi na-aksidente sya noong nakaraan. " pagmamakaawa ko sa kanya, hawak ang dalawang kamay nya.

"Di ba, yaan din ang sinabi mo nitong huli? Ibahin mo naman ang linya mo! Hindi na epektib yan!" Tumaas na ang kanyang boses hudyat na iritable na sya.

Napangiwi na lang ako sa hiya dahil nagsimula ng lumabas ang mga kapit-kwarto ko sa palapag na iyon.

"Madam. Sige na ho. Pangako, babayaran ko na ho sa susunod na buwan. Walang-wala lang talaga ho ako ngayon." Ulit kong usal sa kanya, walang tigil na bagsak ng mga luha ko ng marealize ang kalagayan ko ngayon.

"Aba'y hindi na pupwede —" hirit pa ni Madam ng magulat ito sa kumpul na perang nasa harapan nya.

Inangat ko ang tingin ko at namataan ko ang taong hindi ko inaasahang nandirito ngayon sa labas ng unit ko.

"Here. Take this. Bayad na sya hanggang katapusan ng taong ito." Saad nya ng may diin. Ang kanyang mapupungay na mata at maamong mukha ang lalong nagpagaan ng loob ko.

"S-salamat. " nauutal pang sabi ni Madam at umalis na sa kwarto ko.

"J-jess."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top