Chapter 5
Lupa kainin mo na ako! Ngayon na!
Hiyang hiya kong tinapos ang pagkain ko ng mabilis at muntikan pa akong mabulunan! Wala ng nguya nguya, lunok na agad! Matapos ang ilang segundo ay natanggal na ang mga ngisi sa magaganda't mapulang labi ng baby ko este- ni Gian.
Siniko ako ni Vanessa sa tagiliran at binigyan ng 'anong-nangyare-sayo' look. Sana naman kasi ay hindi ganito kasarap ang nakahain sa canteen diba? Nakakadistract sa pagkain lalo na kung gwapo ang katapat mo!
Hindi ko alam kung saan nabingwit ni Vanessa 'yang Sean niya na 'yan pero isa sa mga naiisip ko ay nakasama niya sa inuman kasama ang ilang mga kaibigan namin sa ibang school. Napangiwi naman ako nang punasan nitong si Sean ang gilid ng labi ni Vanessa gamit ang tissue..
Wow sana all. Gian punasan mo din labi ko...
Gamit labi mo...
"S-Saan n-nga pala kayo nagkakilala?" Nauutal na tanong ko. Syempre nandito si Gian kaya heto nanaman ako..
Napangiti pa ng malapad si Vanessa na parang may masayang naalala. Maya maya ay para siyang timang na nagtakip ng mukha at bahagyang napatili. Kinikilig ang impakta.
Buang...
Ilang segundo pang nag wiggle wiggle ang gaga na parang bulateng gumagapang sa tile ng cr na inasinan. Kinurot ko ang tagiliran niya at napaigtad siya't narealize na tinatanong pala siya.
"Nahila ko lang d'yan sa isawan.." balewalang sagot niya
Nahila lang pala sa isawan pero kung kiligin akala mo nagkauntugan sa hallway at nag slow motion ang paligid?!
Anak ng-
"I-Isawan?" Kunot noo kong tanong.
Baka maaga akong umuwi non kaya hindi niya ako kasama?
"Wala ka nun kasi diba sinundan mo si G-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sinalusukan ko siya ng bote ng tubig at ininom niya naman 'yon. Pinandilatan ko siya at halos lumabas na ang eyeballs ko.
Bwisit na 'to ilalaglag pa ako.
Nagets naman niya ata yung ginawa ko at napatango tango. Dahil uso ang karma nasamid pa siya at may mga nagtalsikan pang tubig galing sakanya, kadiri. Ayan ang napapala ng masyadong madadaldal! Mabibisto pa ako ni Gian na inaabangan ko siya sa kada pagpasok at pag-uwi niya eh!
"Wala ka non kasi maaga kang pinauwi nina Tita!"
"Ah kaya pala.." ako.
Hindi ako makatingin sa tapat ko dahil alam kong mangangatal lang ako kapag nasalubong ko ang mga mata niya kaya minabuti kong ituon ang paningin kay Vanessa.
"Gian pipe ka ba?" Tanong ni Vanessa.
Pi— ano?!
Kinurot ko ang hita niya sa ilalim ng lamesa at nakita kong nagpipigil siya ng sakit dahil sa kurot ko. Bakit ba naman kase sa lahat ng pwedeng itanong eh 'yun pa? Vanessa naman.
"No." Sagot ni Gian.
"Hindi ka palasalita 'no? Nako! Bagay kayo nitong bestfriend ko....madaldal 'to eh," ngisi niya.
Napasapo ako ng noo sa kaloob looban ko.
"I just don't feel like talking."
A man of few words talaga 'to. Nakakadagdag sa kagwapuhan niya ang pagiging tahimik at seryoso niya. Simula nang makilala ko si Gian ay ganyan na talaga siya, Seryoso, tahimik, at tipid kung kumilos. Ewan ko ba sa isang 'to kung nakain ba to ng tama, parang ang lamya lamya kasi.
"Gian jowa mo oh!" Inginuso ni Vanessa si Fei na na nabili ng pagkain. Hindi lumingon si Gian at parang alam na kung sino ang tinutukoy ni Vanessa.
Napayuko ako at parang gusto kong magtago bigla sa palda ng nanay ko dahil naalala ko na nakita niya ako kahapon. Hindi man siya mukhang naniwala sa sinabi kong wala akong narinig pero itatanggi ko pa rin 'yon. Bakit ho ba kasi nabibiyayaan ng ganitong talino ang lalaking ito?
"She's not my girlfriend,"
"Weh? Nililigawan lang? Ganon?" Ngisi ni Vanessa.
Kinakabahan ako sa mga posible kong marinig galing kay Gian. Parang gumagawa ngayon si Vanessa ng paraan para magkaroon ako ng dagdag na kaalaman kay Gian.
"Gian doesn't court girls, ayaw magka girlfriend. Libro ata ang aasawahin niyan!" Bulalas ni Sean
Hindi umimik si Gian at nanatili ang pagkablangko ng mukha niya. Maya maya pa ay bago magbell ay nagyaya na si Vanessa na umakyat dahil mahigpit ang teacher namin sa next subject.
"Magkita nalang ulit tayo mamaya?" Tanong ni Sean kay Vanessa. Tinanguhan lang siya ni Vanessa.
"Una na kami ah!" Pagtawag pansin ni Vanessa kay Gian, tumango lang si Gian sakanya.
Siniko naman ako ni Vanessa at itinuro si Gian gamit ang nguso niyang tumutulis. Si Sean naman ay napangisi at marahang tumango na para bang alam niya ang nangyayari..
"U-Uh....a-ano..U-Una na k-kami..S-Sean.." napalunok ako, "...a-at uh G-Gian..."
Inangatan niya lang ako ng kilay at iniwas ang tingin. Si Sean naman ay kumaway lang samin nang maglakad na kami palayo ni Vanessa. Ramdam ko ang pagwawala ng dibdib ko. Sobrang wild parang gustong kumawala sa rib cage!
Lalong nagwala ang dibdib ko nang maalala ang mukha ni Gian sa harapan ko. Ang mapulang labi, magagandang mata at mahahabang pilikmata. Walang pores ang isang 'yon at sobrang kinis, kutis mayaman.
Mayaman naman kasi sila.
"Uy! Wala man lang salamat d'yan?" Sabi ni Vanessa ng makarating kami sa room.
"H-Ha?" Nangunot ang noo ko.
"Ah ayon! Pagtapos makasabay maglunch ang kinababaliwan dahil saken e wala man lang pasalamat?" Nameywang siya, "...Wala man lang 'salamat Vanessa ang ganda ganda mo at ililibre kita mamaya dahil nakasama natin si Gian' ganon!" Sarkastikong sabi niya.
Napairap ako ngumuso.
"Araw araw mo na ba makakasamang kumain si Sean?" Tanong ko.
"Kapal din ng kalyo mo 'no? Wala talagang pasalamat?" Mapagbirong sabi niya, "...Depende kung pwede siya. Pero para sayo pipilitin ko, papasama ko din yang tuod niyang bestfriend!"
"Talaga?! The best ka talaga Vane!" Niyakap ko siya. Inaasar ko lang naman siya na hindi ako magpapasalamat pero naguumapaw ang pagpapasalamat ko sakanya kahit muntik na akong maibuking ng madaldal niyang bibig kanina kay Gian.
"Teka, Pano nga kayo nagkakilala ni Sean?" Tanong ko ulit.
Hindi ako gaanong naniniwala na nahila niya lang sa kung saan 'yon ng hindi sinasabi sakin agad. Lahat ng nagiging lalaki niya ay alam ko kung saan nanggaling at san niya nakilala. At mukhang hindi lang sila kakakilala lang.
"Nahila ko nga sa ihawan ni Mang Berting d'yan sa tapat! Nauusukan sa inihaw kaya nagoffer ako ng upuan. Magkasama kami ni Geor 'non tas sakto madaming tao.."
Si Geor ay kaibigan namin. George sa umaga, Georgia sa gabi, Georgina sa madaling araw.
Maya maya pa ay dumating na ang teacher namin. Bawat tunog ng takong niya ay katakot takot kahit may kadalian lang ang subject niya na ESP ay lalaliman niya pa ito para sa lahat. Ilang beses na siyang nakapamahiya sa klase at sa sobrang takot kong maipahiya niya ay talagang tutok akong makinig sakanya.
Ang isang 'to ay napakahirap biruin, subukan mong magbiro kung ayaw mo bumagsak at hindi makakuha ng goodmoral certificate. Dapat siya ang nangungunang magbiro. Huwag na huwag kang magsusubok na manguna dahil yari ka talaga.
"Ano bang gusto niyo maging?" Tanong ng guro namin.
"Maging piloto ma'am!"
"Maging abogado!"
"Accountant ako!"
"Model ma'am!"
Sabay sabay na sagot ng mga kaklase ko. Sinamaan kami ng tingin ng guro namin kaya namam nanahimik silang lahat.
'Yan ang lalaki na kasi pero pang kinder padin ang sagutan. Ayos 'yan..
"Paano mo naman makakamit 'yang pagiging piloto mo Acuzar kung puro palakol ang grado mo? Sa tingin mo madadala mo ang eroplano sa himpapawid?" Nakangising sabi ng teacher namin habang direktang nakatingin kay Acuzar.
"Edi iba ang dadalhin ko sa himpapawid, Ma'am!" Nagpipigil na tawa nito. Kami rin ay nagpipigil ng tawa dahil alam namin ang ibig sabihin niya.
"Eroplano lang ang madadala mo sa himpapawid, Acuzar.."
"Kung hindi eroplano, Edi tao dadalhin ko sa mga ulap ma'am!" Naghagalpakan kami ng tawa at si Ma'am naman ay nagpipigil din ng tawa habang nailing.
"Babae pala gustong sakyan at imaneho eh..." bulong ni Vanessa sakin. Pinanlakihan ko siya ng mata at hinampas sa braso.
Natapos ang klase namin at dali dali akong nag-ayos ng gamit ko. Pinapanood lang ako ni Vanessa habang nakangisi. Tuwing uwian kasi ay madaling madali akong makasabay kay Gian, sumunod pala lalo na kung halos magka oras lang kami ng dismissal.
Nakasukbit na ang bag ko at lalakad na sana ako paalis nang hablutin ni Vanessa ang braso ko habang ang kabilang kamay niya ay nagtitipa sa cellphone niya.
"Teka, Sabay tayo lumabas.." aniya.
Para akong giraffe na pasilip silip sa labas dahil baka naunahan na ako ni Gian at hindi ko na siya maabutan. Nagsimula nang magsilabasan ang mga seniors at dahil lagpas pa sa 20/20 ang vision ko ay makikita ko si Gian.
"Vanessa! Bitaw na nagmamadali ako!" Hinigpitan niya lalo ang hawak sa braso ko
"Pucha! Onting tiwala Lexi! Saglit!" Nagtipa siya ulit sa screen ng cellphone saka bumaling sakin. Ibinulsa niya iyon at isinuot ang bag.
"Apurang apura oh! Tara na.." hinatak niya ako sa braso.
Nasa tapat na kami ng building namin ngayon at hawak padin ni Vanessa ang braso ko. Pakiramdam ko mamumula 'yan mamaya tsk! Tumigil pa talaga kami dito at panigurado akong nakauwi na 'yon si Gian. Bumagsak ang balikat ko ng kaonti nalang na estudyante ang nalabas.
Siguradong nakauwi na 'yon..
Napayuko lang ako at hindi na nagpumiglas kay Vanessa. Wala na din naman kasing magagawa. Binitawan niya na ang braso ko at nagtipa sa cellphone niya. Ako naman ay nagsimulang suriin ang braso kong namumula. Bumakat ang hawak niya sa braso ko kanina.
"Vanessa sino ba kasing hinihintay natin bakit ang taga—"
"Sorry! Si Gian may tinapos pa!" Napaangat ako ng tingin sa dalawang lalaking nasa harapan namin.
Si Gian at Sean.
Nagwala agad ang dibdib ko at namilog ang mga mata ko. Napasulyap ako kay Vanessa at ngumisi lang siya ng nakakaloko..
"Tara na!" Aya ni Vanessa saka kumapit braso ni Sean.
Sabay silang naglalakad at kami naman ni Gian ang magkasabay at magkatabi. Automatic na tumikom ang bibig ko dahil baka mamaya mahalata pa niyang may 'something' ako para sakanya. Nauutal lang naman ako at kinakabahan kapag nandiyan si Gian!
Maya maya ay nakarating kami sa intayan ng jeep at konti lang ang nadaan at madalas na punuan pa. Si Vanessa at Sean ay nag-uusap habang kami naman ni Gian ay tikom na tikom ang mga bibig. May dumating na itim na kotse sa tapat ni Sean at Vanessa. Hinarap nila kami.
"Gian sabay mo 'yang kaibigan ko ah!?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Vanessa.
Kaya siguro niya ako hindi agad pinababa. Nag uumapaw ang plano ng isang 'to! Hindi ako handa. Hindi ako nakapagpulbos, nakapagliptint at nakapagsuklay ng maayos! Nakakahiya yung mga split ends at labi kong parang dinaanan ng El niño!
Mapang asar na ngumiti ang impakta at patagong kumindat sakin. Ginagawan niya ako ng paraan, hindi naman sa hindi ko kaya pero hindi pa ako handa! Gusto ko yung hindi na ako mauutal at kakabahan tuwing nandyan si Gian...pero parang malabo naman mangyari ang isang yun.
"Ibinilin na kita d'yan sa kaibigan ko. Parehas lang naman kayo ng daan edi sabay nalang kayo." Nilapitan ni Sean si Gian at inakbayann. "...'di ba pre?"
Tinanggal ni Gian ang braso ni Sean sa balikat niya at inayos ang nagusot na uniform. Kahit siguro umiri ng dumi itong lalaking 'to gwapo parin!
"Isasabay na kita..." napaangat ang tingin ko kay Gian.
"H-Ha?"
"Sige na sabay na! Aalis na kami ni Sean dahil may date pa kami!" Sabi ni Vanessa habang hila hila si Sean sa braso.
"Sige na sibat na! babye! Ingat kayo," paalam ni Sean.
Inintay pa namin silang makasakay at makaalis ang kotseng sinasakyan. Nang makaalis ang kotse ay para akong matutumba anumang oras.
Sino ba namang hindi manghihina kung ang kasabay mo umuwi ay yung taong gustong gusto mo 'diba? Dati parang pinapangarap ko lang pero ngayon ay nangyayari na talaga! Kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Konti nalang lalabas na sa ribcage ko ang puso ko talaga.
"Tara na," nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Gian. May nakatigil na palang jeep sa harap namin at hindi ko 'yon napansin dahil nawala ako sa sarili.
Pinauna niya akong sumakay. May konting espasyo pa naman at talagang parang saktong pang dalawahang tao lang, at magkatabi pa. Kinilig naman ako ng maisip na magkakadikit kami ng sobra. Sana lumakas ulit ang preno mamaya..
Ang bag ko na nasa kandungan ko ay binuksan ko para kunin ang pitaka ko. Bubuksan ko palang ang pitaka ko nang biglang may humarang na braso sa harap ko. Ang kay Gian.
"Bayad ho, dalawang studyante..." pakikisuyo niya na iabot ang bayad.
"Hala! E-Eto na 'yung bayad ko..." nanginginig ang kamay ko na ipinakita ang bente pesos na hawak ko. Naiabot na ang binayad niya pero dinedma niya ang bente pesos ko.
Sana yung may ari ng bente pesos hindi na dedmahin 'no? Sarap mong sakmalin.
"Bayad na." Matipid na sagot niya.
Napanguso lang ako at itinago sa bulsa ng bag ko ang bente pesos ko. Ipang co-cornetto ko na lang 'yon. Tumigil ang jeep at may bumaba kaya lumuwag ang tabi ni Gian. Nagkaespasyo sa pagitan namin. Napanguso ako ng hindi ko na nararamdaman ang balat niya na tumatama sa balat ko.
Maya maya pa ay nagkasiksikan ulit pero sobrang siksik naman! Napatingin ako sa sumakay at kaya naman pala masikip dahil plus size ang kakasakay lang. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sikip at hindi man lang nakalahati ang puwet ko sa upuan. Naramdaman kong gumalaw si Gian para makaatras ako at makaupo ng komportable.
Siya naman ngayon ang kakalahating puwet lang ang nasa upuan at mahigpit na nakahawak sa bakal na hawakan sa kisame ng jeep.
Pwedeng kiligin? Mga ilang segundo lang.
Ayaw ko ng pumara! Ayoko na!
"Para ho.."
Pero may pumara...
Nandito na pala kami sa babaan namin. Nag-aalangan akong maunang bumaba pero sumenyas siya sakin.
"Mauna ka," sabi niya at tinanguhan ko lang siya at nauna ng bumaba.
Pagkababa niya ay naglakad na kami papasok sa subdivision. Alam kong dapat ko ng i-grab ang chance na 'to kaya naman halos lahat ng lakas ng loob ay inipon ko na makapagsalita lang.
"P-Pasensya k-ka na kung nakaabala ha.." mahina kong sabi.
Nanatili lang ang seryosong mukha niyang nakatingin sa nilalakaran saka nagsalita.
"It's nothing.."
Marunong bang magtagalog 'to? Tuwing nakakausap ko parang puro english ang gamit.
I'm not english graduation!
"K-Kaya ko naman mag-isa...." panimula ko
Pero mas kaya ko kung kasama ka.
"....Pero salamat padin," napatingin siya sakin kaya nginitian ko siya.
"No worries..." napatigil kami sa tapat ng bahay nila at humalukipkip siya, "...Doon na ang bahay niyo hindi ba?" Sumulyap siya sa bahay naming ilang dipa lang ang layo sakanila.
"Ah oo. Paano mo nalaman?" Takang tanong ko at naguumasa.
"Sean told me.."
"Ahh"
Asa pa!
"You should go. Sabay lang ang pakiusap sakin, hindi hatid...." aniya saka ako tinalikuran.
Napaawang ang labi ko at bagsak ang balikat na nilakad ang natitirang distansya papunta sa bahay namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top