Chapter 38


I couldn't stop crying while walking. Tatanggapin kong kung normal date ito na hindi siya sisipot but alam niyang napaka importante ng araw na ito sa akin. He knows that!

That moment I already realized that this relationship is slipping away from my grasp. Palagi na siyang walang oras but I let it pass. Palagi siyang wala pero pinalalagpas ko dahil alam kong babawi siya.

Even the broken promises he made. I accepted it.

But what I saw is what I will never understand. Sino ang babaeng 'yon? Anong ganap niya sa buhay ni Gian? I can't understand and I know I'll never understand. Pakiramdam ko ay kahit mag explain siya ay hindi ko matatanggap.

"Miss! Sexy mo naman!" A man called me.


I hugged myself and started walking faster. Madilim na sa mga kalsada at kaunti nalang din ang mga nadaang jeep. Naalala ko ang mga bali balita ng mga babaeng nawawala sa kalagitnaan ng gabi sa hindi malaman na dahilan.

Fear ate my system and I started shaking at halos tumakbo na ako palayo sa dalawang lalaking sinusundan ako. They were laughing like this thing was funny but I am scared. Naiiyak akong tumatakbo palayo at nang lumingon ako ay tumatakbo na din sila papunta sa akin.

Gian, you failed to fulfill a promise again. You failed to protect me today, on my birthday.

You broke so many pieces of my heart just in one night.

"Miss usap lang!" I froze when a rough hand grabbed my arm.

Naamoy ko ang alak sa mga hininga nila. Halos manlambot na ang mga binti ko sa titig nila sa'kin. Full of lust and desire. I have never been scared like this before dahil dati ay may magsasagip sa akin. Ngayon, ako nalang mag-isa... I only have myself.

My tears started to fall as I feel their breathing against my skin. Nagdadasal ako na sana may dumating... Sana dumating ka. Sana makahabol ka. Sana kahit itong pangako mo na ito hindi mo sirain. Sana nandito ka para iligtas ako.

Kaso wala. I am my own savior.

"Don't touch me! Bitawan niyo ako!" Pagpupumiglas ko.

Fear consumed me more when both them chuckled evily. I have to think of something to escape.. kahit walang magligtas sa akin. Kailangan kong gumawa ng sarili kong paraan. Hindi dapat ako nadepende sa pagligtas ng ibang tao.

"Saglit lang naman, Miss. Konting oras lang tayo magsasaya-" I kicked his balls and punched the other man's face.

Nagulat din ako sa ginawa ko at nang makita kong dumadaing sila sa sakit. I immediately ran away as fast as I can kahit nanginginig ang mga paa ko dahil sa takot. Ramdam ko ang malamig na pawis sa mukha ko at ang luhang tumutulo galing sa mga mata ko.

Humans are scary. Alam kong habangbuhay tatatak sa isipan ko ang nangyaring ito. This will hunt me as much as what Gian did.

"Konti nalang..." Bulong ko sa sarili na tila bang chinicheer ko ang sarili ko para makalayo.

I just have to find a place where there's a lot of people. Tumakbo pa ako nang tumakbo at sa sobrang takot ay hindi ako nalingon dahil baka madapa ako. Hindi nila ako pwedeng abutan.

When I found a small food bazaar sa isang bakanteng lote ay lumuwag ang paghinga ko. Madaming taong nakain sa mga stall at safe ako dito. I looked around while my body is still shaking from fear. Palinga linga din ako dahil baka nandito din sila.

I checked my phone kung may message ba si Gian pero wala..

He's busy with other things. He forgot our date again. Did he forgot or he really didn't show up intentionally?

Kailangan kong kumalma kaya naman ay naupo ako malapit sa isang stall. Pagod na pagod sa pagtakbo at pag-iyak kaya ay habol habol ko ang hininga ko ngayon. I thank God for escaping from those maniac jerks.

After resting and calming down ay agad akong sumakay ng jeep pauwi. I suddenly remembered when I was touched here. Bumalik nanaman ang isa sa mga kinalimutan kong alaala and it scares me. Kahit gusto kong mag breakdown ay hindi ko magawa dahil may mga tao. Buti nalang ay hindi gaanong siksikan kaya hindi ako naiipit. I really feel weak after running and my emotions are too intense right now to handle.

"Kuya, you're still awake?" Nadatnan ko si Kuya na nainom sa sala mag-isa. Kakauwi ko lang at bago ako makapasok sa gate ay ilang minuto ko pang kinalma ang sarili ko

"Yeah. Just having a drink. Kamusta date niyo?" He asked.

I bit my lower lip and tried to smile. Madilim naman dahil lamp lang ang bukas kaya hindi niya kita ang mukha ko.

"It went well..." Pagsisinungaling ko.

"That's good. Bukas ay tayo naman ang magcecelebrate, okay?" I gave him a nod.

I silently went to my room at nang maisrado ang pintuan ng kwarto ay agad akong tumungo sa kama ko. Hindi pa ako nagtatanggal ng sapatos at nagpapalit ng damit, masyado akong pagod. Niyakap ko ang unan at nagtuloy tuloy nang magsipatakan ang mga luha ko.

Inalala ko ang lahat ng nangyari ngayong araw. Ang dapat na masayang celebration ng birthday ko ay muntikan pang maging araw ng kamatayan ko. I was almost raped if I didn't run away from those maniacs. This was the worst birthday I had. Ang pinakamasakit sa lahat ng birthday ko.

Chineck ko ang phone ko kung may message ba si Gian pero bumagsak ang balikat ko nang walang nakitang mensahe mula sakanya.

And that was the first time I thought about cutting the ties. I am tired. I want my peace back. Even though I had trouble with sleeping ay nakain din ako ng antok matapos ang ilang oras na pagkakadilat.

The next day was such a gloomy day. Hindi na ako umaasang magrereply siya. I just want to rest, take a break at kasama sa ipagpapahinga ko ang relasyon naming dalawa. Malinaw na sa akin ang lahat, wala kaming oras. Mali ang panahon. Hindi nagkakasundo ang mga bagay bagay. I hate to admit but it was like this relationship was already failing.

Hindi ko na alam.

Pagkatapos kong magbihis ay tahimik lang akong nagsusuklay sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko. Hindi ko na ata nasusuklay ang buhok ko matapos ang ilang segundo dahil nakatulala nalang ako sa repleksyon ko.

I flinched when my phone started ringing.

He's calling. Hindi ko pa chinicheck ang phone ko mula kaninang paggising ko kaya hindi ko alam kung may message ba siya.

75 missed calls. 30 messages. Tinadtad pa ako sa messenger at IG nahiya pang i-dm ang twitter ko. Hindi ko sinagot ang tawag niya at nagtungo sa mga messages niya.


From: Love

Love? I'm sorry. Alam kong galit ka and I'm such an asshole. Let me make it up to you tomorrow. I love you.

Akala ata niya madali lang tumanggap ng sorry. Ilang sorry na niya ang tinatanggap ko... Akala ko din ayos lang tumanggap ng paulit ulit na sorry.

Hindi ko binasa lahat ng message niya at bago ko pa patayin ang cellphone ko ay nag text ulit siya sa'kin. Nakakapagod, Gian.

From: Love

I'll fetch you, let's have breakfast together ok? Please reply, baby, patawarin mo na ako..

I sighed and grabbed my bag saka nagtungo sa labas ng kwarto ko. The house was noisy ngayong umaga. Kanina ko pa sila naririnig na nagkakagulo sa baba at hindi ko alam kung bakit. Kahit namumugto ang mga mata ko at inaantok pa ako ay gising naman amg diwa ko.

"Belated happy birthday!" Sinalubong ako nina ate pagkababa ko sa hagdan. Hawak ni kuya ang mataas na cake na gawa sa pancakes at may mga suot pa silang party hats.

Pamilya lang talaga matatakbuhan mo kapag may problema kang ganito.

"Dinner ang usapan natin but we have to celebrate padin!" Singit ni Papa sa kantahan nilang happy birthday sa'kin.

Isang dahilan din kung bakit hindi kami nag celebrate kahapon ay dahil madaming trabaho sa ospital sina mama at papa kaya piniling ipagpabukas nalang.

"Thank you po..." Ngiti ko sakanila. Pansin ata nilang matamlay ako at nagsibusangot ang mga mukha nila ngayon.

"Bakit parang malungkot ka, anak?" Hinaplos ni Mama ang buhok ko.

"Hindi po. Pagod lang po dahil kagabi..." I smiled bitterly.

Nakakapagod pong tumakbo palayo sa mga manyak, Ma. Kung alam niyo lang..

"Nag-enjoy ka naman kagabi hindi ba? Buti nalang talaga nand'yan si Gian!" Si ate Kass.

Sana nga nandun siya, Ate. Sana nga kasama ko siya kagabi. Sana nga nagpaliwanag siya. Sana nagsabi siya na hindi siya sisipot.

"Ah! Since nakapag celebrate na kayo together..." Umakbay sa'kin si Papa. "... Tayo nalang ang magcecelebrate mamaya. No outsiders allowed," kumindat pa siya.

We ate breakfast together at binalewala ko muna ang mga tawag ni Gian. Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay tawag siya nang tawag. Wala ba siyang klase? I turned off my phone so he can't call me for the meantime. Makikipagkita naman ako huwag lang sanang ngayon.

After eating breakfast with my family ay nagpahatid na ako sa University. Kinakabahan pa ako dahil sigurado akong nag-aabang 'yon si Gian. Hindi ko alam ang kaya kong sabihin sakanya mamaya dahil baka hindi ako makapagpigil.

Tama nga ang hinala ko dahil pagtigil ng sasakyan malapit sa may gate ay kita ko siyang nag-aabang sa labas. My face crumpled when I saw a girl approaching him. Siya 'yung babae kagabi sa picture. Ano siya ni Gian?

"Manong, sa likod na parking nalang po..."

A lot greeted me nang pumasok ako at hindi matapos tapos ang pasasalamat ko sakanila. Hindi ko pa binubuksan ang cellphone ko at sigurado akong tadtad nanaman ako ng tawag at text mula kay Gian.

To: Gian

Later. Sa University grounds.

I decided to meet him pagtapos ng klase ko. Tama nga ang hinala ko dahil tadtad nga ako ng messages mula sakanya. Gusto ko nalang munang ipahinga ang relasyon namin na 'to.

I love him but...

Everything is changing. Maybe taking a rest from all of this would be better. Hindi ko alam kung tama bang ipagpatuloy kahit punong puno na ng doubts ang utak ko. Kahit ako rin naguguluhan.

Nang matapos ang klase ko ay pumunta na ako sa may University Grounds. Nakita ko si Gian na nakaupo sa isang bench, naghihintay, may katabing bouquet ng bulaklak at maliit na box. Probably his gift.

I sighed and walked towards the bench and quietly sat beside him.

"Lexi..." Tawag niya sa'kin. "... Happy birthday."

Mapait akong napangiti at hindi parin natingin sakanya. Nakatitig lang ako sa haring araw sa harapan namin. Malapit nang lumubog ito.

"Nasaan ka kagabi?" Tanong ko sakanya. Nagsisimula na ding maipon ang mga luha ko.

"Something came up, Love..." Hinawakan niya ang kamay ko. Something came up pala ha.

I smiled bitterly. "Something or someone?"

Dalawang beses Gian. Yung unang beses pinaglagpas ko pero hindi ako papayag na hindi ko malaman kung sino ba talaga ang babaeng 'yon sayo. Kung bakit ganito.

"I'm so sorry, love..."

"Wala ka na bang ibang sasabihin kundi sorry? Babawi ako? Hindi naman 'yan ang gusto kong marinig, Gian." Yumuko siya.

At kasama ng pagyuko niya ay ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Is it hard to explain, Gian?

"Hindi na ba ako, Gian?" I sobbed. "... Yung kasama mo ba kagabi, siya na ba?"

My whole trust was shaken. May katiting na natitira pero unti unti niyang tinitibag. Kailangan ko pa ba ng babae para mapatunayan niya kung simula palang sakanya nasisira na. His broken promises made my walls weak.

He cupped my cheek and stare into my eyes pero iniwas ko ang mukha ko.

"Baby, hindi. You are the only one. Maniwala ka sa'kin..." Sinusubukan niyang iharap ang mukha ko sakanya pero hindi ako nagpatinag. "What's our problem, love? Chelsea is no one, okay? Let's talk and fix our problem.."

My hands started shaking nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi niya kasalanan. Wala siyang kasalanan. I kept on whispering that to myself, the ones to blame are those maniacs.. but if he did came would that happen? O baka kasalanan ko kasi naghintay ako sa wala?

"You didn't come last night! Naghintay ako sa'yo pero hindi ka dumating! I kept my hopes up dahil bumabawi na, e..." I faced him, "... babawi ka kamo! But you didn't come. Tapos nasaan ka?! Nasa bar ka 'di ba?! May natanggap ba akong message, Gian? Wala!"

Napabitaw siya sa'kin at nanlulumong tumitig. I knew that we needed a break. His face just justified it more that we need to rest this relationship of ours.

"Iniintindi ko na busy ka, Gian. You never heard me complain since the day you cancelled on me... I was just expecting one night, on my birthday..."

"Lexi, I had to go with them dahil we failed presentation. Our grades was released and it wasn't very promising for all of us..."

"Then, bakit ka nasa bar ha? Group work niyo sa bar? Sige, Gian. Kunwari naniniwala ako."

"Hinatid ko sila do'n kasi gusto nilang mag-inom. Galing kaming group work but they kept on delaying my leave!" Sagot nito na parang napuputol na ang pasensya niya.

And that hit me. Another thought came into my mind. Noong nakaraan sa pagbawi bawi niya ay hindi ko naririnig sakanya ang salitang aral. Naisip kong pwede siyang bumagsak sa mga ginagawa niya.

Has he been neglecting his studies?

"Pinapabayaan mo ba ang pag-aaral mo, Gian?" I weakly asked. He gently held my chin and faced it to him.


"O-Of course not..." Liar.

"Yung totoo, Gian."

He sighed. "This semester has been hectic kaya medyo hindi maganda ang results but I have it under control. I have been making up for the missed activities."

"Paano kung bumagsak ka sa ginagawa mo, Gian?"

"Hindi ako babagsak, love. Bumabawi na ako, I'll still be a Dean's lister this year. Yun ba ang ikinababahala mo? I can handle it.."

"Graduating ka na at hindi pwedeng paganyan ganyan ka, Gian.." I frustratingly said.

I clenched my fist. Wala siyang oras, Lexi. He is a busy person and this understanding of yours is not really helping. Hindi ko munang kayang manatili sa relasyon na 'to na nagkakapabayaan na kami. When Gian is not himself anymore. Maybe time will fix everything.

Sana nga.

"Pagod na ako.."

He kissed the back of my hand. "Let's fix our problems first before going home."

"Dito. Pagod na ako dito. Nakakapagod na." He understood what I said dahil napatuwid siya ng upo.

"Ikaw lang ba? Ako rin naman, Lexi! Parehas lang tayong pagod. Anong gusto mong gawin ko?"

Napahilamos ako sa mukha ko at tumayo sa harapan niya. Tiningala ako ni Gian at nanakit ang dibdib ko nang makita ang naluluhang mata niya.

"Pahinga muna tayo, Gian..." Nanginginig ang boses ko pero kailangan kong labanan.

Nangunot ang noo niya. "Pahinga? Hindi ko gusto 'yang sinasabi mo, Lexi. Nakikipaghiwalay ka ba sa'kin?"

Hindi ko naman kayang gawin 'yon. Sa sobrang pagmamahal ko sa'yo hindi ko magagawa 'yon. Kailangan lang nating mamahinga..

"H-Hindi... Pahinga lang, Gian. Hanggang sa umayos na ulit tayo, ikaw, ako. Until we can smile again without any doubts about each other."

"I don't have any doubts about you."

"But I have, Gian. You weakened my walls. I have to rebuild it. Hindi ko gustong mag doubt sa'yo but these past few weeks you were giving me a reason to doubt you..." His tears fell at agad agad niyang kinuha ang dalawang kamay ko saka pinaghahalikan 'yon.

"No.. ayaw ko. We'll fix it together. Doubt me all you want pero hindi ako lalayo. Lexi naman huwag naman ganito..."

"Gian, makinig ka naman... You have to fix yourself too. We have to clear our minds. Kailangan nating mag focus sa mga ginagawa natin and kapag okay na tayo at ang panahon we'll still be together.."

Hindi na siya sumagot kaya akala ko ay pumayag na siya. Kinuha ko na ang bag ko at naglakad na papalayo.

Nakakailang hakbang palang ako ay may brasong pumulupot sa dibdib ko. He buried his face on my neck and I can feel his breath on my skin. Mabigat ang paghinga ni Gian at mahigpit ang yakap niya. Para bang ayaw akong pakawalan.

"Is this what you want?" I nodded, "... I'll keep my promises, love. Naiintindihan ko na ang gusto mong gawin. Let's fix ourselves. Aayusin ko ang sarili ko para hindi na kita nasasaktan ng ganito. I will keep my promises after our rest and I'll make sure na hindi na masusundan ito..."

I breathed hard. Mahal na mahal kita Gian pero hindi ako ang kailangan mo ngayon... At hindi rin ikaw ang kailangan ko ngayon. We could fix this together but... It'll be much better if we take a break.

"I love you, Gian..." I whispered. Tumango siya ng ilang beses at humalik sa leeg ko.

"I'm sorry. I love you too, Lexi. Let's rest quickly..." Bulong niya, "Let me take you home."

Hindi ko kinwento ang nangyari kagabi. Ayaw kong dumagdag sa isipin niya ngayon. Tahimik lang kami habang nasa byahe at nagpapatugtog siya ngayon... Mga break up songs ang natugtog.

It was an awkward ride to home dahil maski siya ay hindi naimik. I expected this outcome naman at sana ay gumana nga ito saming dalawa. He's losing focus at hindi na maganda 'yon.

Hindi naman kami nag break ah.. parang cool off lang.

"You'll attend my graduation, right?"

I smiled. "Oo naman."

He stopped infront of our gate. Hindi niya pinatay ang makina ng sasakyan at humigpit ang hawak sa manibela. Parang may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya maituloy kung ano.

"Uh.. may sasabihin ka pa ba?" Tanong ko. Hindi siya umimik at napapikit nalang.

"Can I still call and message you?" Inilingon niya ang ulong nakasandal sa headrest ng upuan. His sad eyes sent pain to my chest but I know this sudden pain will be worth it.

I want to start again. I want to fix myself so I can be a better person din para sa'yo, Gian. Maybe one day I will wake up without having any thoughts, doubts and hindi ko na kailangang mag overthink.

"You still can, lalo na kapag emergency."

I grabbed his jaw and gave him a soft kiss on his lips. Naramdaman ko ang palad niya sa may batok ko. He's pulling my nape to kiss him more.

Pinagdikit niya ang noo at ilong naming dalawa matapos ang pagpapalitan ng halik. We were catching our breaths. Marupok talaga ako.

"I know I messed things up... We'll set things right this time, Love.." aniya.

I messed things up din, Gian.

"Yes we will..."

Huling sakay sa sasakyan mo, Gian. Magkikita padin tayo sa University but with a different string of connection between us. I don't want to be a toxic girlfriend and be demanding of your time. Let's heal separately and fix ourselves first.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang pinag-usapan namin kanina. It would take a while before we see eachother again dahil magiging abala na ulit siya at ako.

Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa tapat ng study table ko. This scene seems familliar... Déjà vu, ha. I mentally slapped myself after realizing what I did today. Nasabi ko ang lahat ng 'yon. Para narin naman sa ikakabuti naming dalawa... Masama padin ang loob ko pero si Gian 'yon.. hindi ko kayang magalit sakanya ng matagal.

Let's just heal for a while..

I spent hours doing some assignments at ang isang essay na hindi ko matapos ay dahil sa pasulyap sulyap ko sa cellphone ko na nasa table ngayon. Ginabi na ako sa paggawa at walang oras na hindi ko chineck ang phone ko kung tumawag na ba si Gian or nagtext ba siya..

Lexi, ikalma mo. Mag last message kaya ako? Maybe I should apologize for shouting at him earlier... Bakit? Nakakabaliw naman 'tong pinasok ko. Nagka misunderstandings na kami pero hindi ganito kalala..

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang biglang mag ring ang telepono ko. Gian is calling! Patawa talaga ako dahil agad agad kong pinulot ang phone ko pero hindi masagot ang tawag niya.

Bakit naman siya natawag?

"Hello?" Napalunok ako

[Lexi, uh.. are you doing something?]

I shifted my seat and stare at the ceiling. Parang dati lang noong bago bago palang kami. He will call me and ako naman 'tong nahiya nahiya pa sakanya dati dahil sa kilig.

"Wala naman." Sinungaling ka talaga, Lexi, may essay ka pa!

[Can we meet? Nandito ako sa labas niyo...]

Napatayo ako sa kinuupuan ko at sumilip agad sa bintana ng kwarto. Nasa tapat nga ng gate namin si Gian. He's wearing pajamas and a white jacket, hawak niya ang telepono na nakatapat sa tenga habang nakatitig sa bintana ng kwarto ko. My heart started beating fast when I saw him.

"Bakit?" I tried to sound calm pero nahihirapam akong kumalma.

[I just want to talk to you... Bago sana tayo matulog I want to be forgiven for my sins.]

Sins...

"Sige, sandali lang."

Pagbaba ko ay wala ng ilaw at mukhang tulog na ang mga tao. Malapit na pala mag eleven kaya pala ay tahimik na. Naka cotton shorts lang ako at sando, nagsuot ako ng sweater dahil malamig na sa labas. Kinakabahan ako na ewan dahil bakit naman pupunta si Gian ng ganitong oras sa labas...

Nang mabuksan ko ang maliit na pinto sa gate ay nakita ko si Gian na nakaupo sa ika-tatlong baitang na hagdan sa tapat ng gate na nilabasan ko. Narinig ata niya ang pagbukas ko ng gate kaya napalingon agad siya sa gawi ko.

I sat beside him and looked at the sky above us. The stars were shining brightly like never before and the moon is in its full form for this night. What a wonderful sight before everything started changing again.

"I finally realized all the promises I broke..." He chuckled nervously, "Ang dami ko palang nasirang pangako. Pati importanteng mga date natim hindi ko nasipot. Anniversary natin nung umiyak ka dahil din sa'kin."

I sighed. "Yeah... Naiintindihan ko naman, Giam kung bakit ka wala. Pinapaintindi mo naman sa'kin pero..."

"Pero sobra na talaga, Lexi. Hindi ako gano'n. Hindi ako dapat naging ganon. Dapat ginagawa ko lahat para magka oras..." He started blaming himself.

The changes I'm scared of. It's inevitable. Laging may pagbabago.

"Hindi lang ikaw ang may mali, Gian. Baka ako rin... Baka kinulang ako sa pag-intindi-" naputol ang sasabihin ko nang hawakan niya ang mga kamay ko at dalhin sa labi niya.


"No. You are perfect for me. Sumobra ka pa nga ata sa pag-intindi sa'kin..."

My sight started to become blurry. Ang naipong emosyon ay naging luha na tuluyang pumapatak na ngayon galing sa mata ko. Nataranta si Gian at agad niyang pinunasan ang mga luha ko.

There's something that is needed to be fixed.

"I want to earn your forgiveness... Sa mga pagkukulang ko. Ayos lang kung hindi ngayon because with that heart of yours kaya mong magpatawad lagi..." He pulled me against his chest.

"It's one of the things I love about you. Your forgiving heart, your patience, your smile. You always see the best in everyone pero hindi ang sayo... I want you to appreciate yourself more, to lessen your doubts and insecurities."

He started stroking my hair softly. Lalong tumulo ang mga luha ko. His words are crushing me big time at mas lalo ko siyang minamahal dahil sa ginagawa niya.

"You're the only one I love but hindi lang laging sapat ang pagmamahal ko... Dapat mahal mo din ang sarili mo. I made you feel insecure sa mga nagkakagusto sa'kin, I made you wait for nothing and I made you cry... My sins are unforgivable but I will try."

You are already forgiven, Gian. Masakit man ang lahat ng 'yon sa akin pero kahit hindi ka humingi ng tawad ay naibigay ko na.

"You are already forgiven..." I whispered. He cupped my cheeks with his warm hands and leveled his face on mine.

"Mahal kita," pinagdikit niya ang mga ilong namin at pumikit. I did the same and felt the cold breeze against our skin.

This man is a blessing... A blessing that I am willing to keep for myself. The only blessing in this life that I truly cherish.

I smiled. "Mahal din kita."

"Ikaw lang, Alexine. Ikaw lang ang mahal ko tatandaan mo 'yan," his voice broke. "Walang iba kundi ikaw lang."


The great Gian Laxson is tearing up infront of me. Kung nasaktan niya ako ay nasaktan ko rin siya. Nagkakasakitan na kami...

"Ikaw lang din, Gian. Ikaw lang din ang mahal ko. Walang iba..."

Niyakap niya ako. Ibinaon niya ang mukha sa leeg ko at pinatakan iyon ng maliliit na halik. Sobrang higpit ng yakap niya para bang ayaw niya akong pakawalan.

"We'll be a better couple after this, okay?" Aniya.


I hope we will..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top