Chapter 21
Cyainne's POV:
Schooling is just the least of my concern. As boring as it is, natapos na naman ang buong mag hapon ng hindi ako nakakapasok sa classroom, kundi sa office ni headmaster. 06:23, I exactly left the campus, without any following interactions with Triton after that particular one.
Malayo-layo pa ang babaybayin ko. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa kabilang lugar na ako. Halos walang ibang mga sasakyan at taong dumadaan dito. Napaliligiran ng mga puno ang paligid at ang kalsada ay hindi pa gawa, at hindi kailan man magagawa. Kami lang ang nandito, walang ibang naninirahan. Sa amin ang lugar na 'to, ang mga puno at ang kalsada. No one have the guts to intrude, minsang may nagtangka pero hindi na nakalabas ng buhay.
This place earned it's reputation as being the most isolated and dangerous place in the town and we have our own mayor in the house.
Mga ilang minuto pa bago ko marating ang bahay. Sumasagi sa isip ko ang bawat miyembro ng Triton, nahahalata ko na kasing nagda-doubt sila sa akin. Hindi pwede, masyado pang maaga para mabuko nila. The previous deal in Balmain turned down to be a sabotage, napahamak ako at ang mob ni Sir Alistair, ilang araw ako naghintay do'n at nauwi lang sa wala. Without my own people, I am surely dead by now. Sir Alistair's people were weaklings and newbies.
After the shootings, mas lalo akong hinangaan ni Sir Alistair, the hero of his tale. It's funny to think how easy it is for me to earn his trust. It's my specialty, to fool people around me.
Sa wakas ay natanaw ko na ang bahay. May apat na armadong guards sa gate, at dalawa sa taas na nagbabantay sa maliit nilang guardhouse, agad nilang nakilala ang sasakyan ko, bumusina ako matapos kong makapasok.
Automatic na tumaas ang entrance ng garage na karugtong ng bahay.
Pinarada ko ang sasakyan sa loob ng malawak na garahe, may siyam na iba pang kotse, tatlo ang bago at hindi ko kilala, at nakaparada ang mga ito sa bandang unahan. Tahimik ang paligid, lumabas na ako ng kotse at kinuha ang bag na ang tanging laman ay mga papeles mula sa mga transaksyon.
Malakas ang pag sara ng pinto ng kotse ko.
Sumipol sipol pa ako habang naglalakad na palabas, alam kong sarado na ang pinto sa likod ng garahe papasok ng bahay kaya sa main door ng bahay nalang ako dadaan. Gusto ko ng magpahinga.
Pinindot ko ang password key ng pinto at bumungad sa akin ang mga nag iinuman sa malawak na salas. Nasa lamesa ang ilang bote ng mamahaling whiskey. Few lit cigarettes chilling on the edge of the table bringing out smoke.
Ngayon ko nalang ulit sila nakitang nagsama sama.The three ringleaders who are siblings. Together with the elder's son. Well I am one of this 2nd ringleader's son. The fourth one is a bastard they all despise.
"Here's my son!"
Salubong sa akin ni papa at inaya akong maupo sa isang bakanteng sofa.
"Alistair almost killed you with his stupid deal."
Tito Colson claimed with his faintly squeezed eyes and a rolled tabacco in his mouth.
Umiling iling ako.
"Never, he can't kill me."
I refused just the thought of him killing me, even accidentally.
"Certainly."
My cousin answered. His favorite M1911 pistol and mask lying above the small table beside.
"I can't wait to end Kell's useless—senseless life, brothers."
Tito Peter said.
Hindi na nakapagtataka kung bakit gan'to sila kagalit kay tito. The pain he caused to my father, the troubles, the scars and everything.
Nilagay ni tito Colson ang isang shot glass sa harap ko, binuhos and laman ng bote at pinasa sa akin ang pakete ng sigarilyo. Gusto kong tanggihan but that would be rude, ngayon ko na nga lang ulit sila nakasama lahat. Kumuha ako ng isa at sinindihan gamit ang lighter sa glass table.
Hindi ko namalayan ang oras, matagal tagal din kaming nag usap tungkol sa mga trades ng kan'ya kan'yang organization. These sibling's partnership sealed its dominant networks, already surpassed Sir Alistair's at ease. Even in comparison to my cousin's own group. Even just a street gang can overpower his.
I looked at my iced cartier, a 2 tone 10 carats of VVS, it has a black roman diamond dial, a little gift from my dad's best deal partner in Russia.
9:11 the conversations ended. Nahuling umalis si papa, nag usap muna kaming dalawa ng madalian, dahil alam kong hinahanap na s'ya ni mama.
9:30 I made my way to my room. 10 minutes after, I already cleaned my self. I do not usually rest this early, pinatay ko na ang ilaw at hinayaan ang lamp shade. Binuksan ko ang sliding door ng balcony at umupo sa ibabaw ng parapet, malakas ang hangin na sinasalubong ang mukha ko. Humarap ako sa kaliwa habang nakapatong ang isa kong paa sa ibabaw ng parapet.
I enjoy observing in the dark, I love the whole idea of the cold, tranquility of the woods below me and the silence in the space above.
I can think extensively, undisturbed this time of the day, I can plan for the next day, I can premeditate my actions. I can fool everyone that it's a 2nd degree murder or a manslaughter, instead of murder with a passionate malice aforethought.
Triton, tito Kell, The West, coming deals and transactions abroad, that guy I want to kill, the girl from Balmain and my car tire. These plain night thoughts.
Kinuha ko ang Smith & Wesson .50 cal revolver mula sa safe, hindi ko 'to balak dungisan. It is a present from a relative in Japan whose also a very powerful mafia, it is exclusive only for my dad, his brothers, my cousin and me. Our last name 美弥の is debossed in kanji and hiragana on the side of the barrel. Well, they should've just wrote it in katakana for it has a different meaning in kanji.
Malayong sigaw ang narinig ko sa kalagitnaan ng pag iisip. Napalingon ako sa gate, bumaba ako sa kinauupuan ko at matiim na tinitigan ang iskandalo sa gate.
Agad kong binalik ang revolver sa safe at kinuha ang 9mm ko sa drawer, at tinago sa likod ng shorts ko. Lumabas ako ng kwarto at malakas na kinatok ang pinto ng pinsan ko. Agad naman s'yang lumabas. He's also aware dahil suot n'ya na ang maskara n'ya at dala na rin ang hand gun mula sa lamesa kanina.
We can communicate just by our actions and gestures. We both don't enjoy fiddlesticks chit chats.
Sinalubong kami ng malakas at malamig na hangin, gaya ng hangin kanina sa balcony, agad kong nasilayan ang mga bantay na nakatutok ang baril sa isang lalaking pilit nilang pinapadapa.
Who the hell is this man?
Nauna ang pinsan ko, napansin kami agad ng mga gwardya pati nung lalaking nakadapa. Oo, nabigla ako ng makilala ang lalaking 'to.
Isa s'yang miyembro ng Tres.
Na intriga ako at maging ang pinsan ko kaya hindi namin s'ya agad pinatay.
"Anong kailangan mo?"
Walang emosyon kong tanong, alam kong hindi ko na kailangan pang ilabas ang baril ko. He lack to show offensive acts and he's unarmed, so far.
Bakas ang pagkalito sa mukha n'ya.
"Y...you?"
Nauutal n'yang tanong.
"How?"
Dugtong n'ya. Oo nga pala, naalala kong sikreto pala 'to. Now I have the reason to kill him after interrogations.
"Cuff him, tapos dalhin n'yo sa loob."
Utos ng pinsan ko.
"Yes sir."
Mabilis kumilos ang mga gwardya at agad naposasan ang lalaking 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top