CHAPTER 20

Daynielle's POV:

Hindi ko alam kung saang lupalup ako galing, nakaramdam ako ng pagkaduwal, hilo at sakit ng katawan. Nanibago ako sa paligid, napagtanto kong naka upo pala ako habang walang malay, napagtanto kong medyo madilim ang paligid, na nasa loob ako ng isang cylinder na salamin na parang capsule. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko napansing hindi pala ako humihinga sa ilong ko kundi sa bibig dahil namamanhid ang maxilla ko. Alam kong maraming dugo ang nakabara ngayon sa ilong ko.

Naalala ko ang mga nangyari, isang pagsisisi na s'yang ikinagagalit ko. Uminit ang dugo ko ng mapagtantong kahit anong segundo lang ay maaaring may hindi magandang mangyayari. Muling bumalik ang sakit ng mga pasa ko, alam ko ring may tama ako sa bandang likuran ng ulo dahil may malagkit na likidong naka dikit sa buhok ko na patuyo na.

Lumingon ako sa kanan ko ng makita si Sky na naka upo at walang malay na nakasandal sa salaming cylinder. Kahit medyo madilim ay kita ko ang dugo na nagmumula sa noo n'ya. Tumingala ako ng makita ko ang nakapalibot na gold neon lights sa taas ng cylinder ni Sky, ganun din ang akin kaya pala hindi masyadong madilim. Napalingon ako sa kaliwa ng makita si Romer na naka side view at naka upo. Tingin ko ay may malay na s'ya ngunit tulala lang. Nakasandal ang likod sa salamin, nakataas ang isa n'yang tuhod at naka patong do'n ang isa n'yang kamay.

May neon ding nakapalibot sa taas ng cylinder n'ya. Lumingon lingon akong muli sa paligid para masiguradong walang ibang tao.

"Romer."

Halos pabulong kong sambit.

"Romer."

Nilakasan ko pa dahil alam kong may harang sa komunikasyon namin.

Dahan dahan s'yang napalingon sa akin, huminto ang tingin n'ya at na katitig lang sa akin. Napaka weird n'ya ngayon at hindi ngayon ang tamang oras para maging gan'yan s'ya. Alam kong hindi normal ang ginagawa n'ya dahil nakatitig lang s'ya sa mukha ko.

"Romer."

Muli kong tawag sa pangalan n'ya. Ngunit isang blangkong titig lang ang natanggap ko. What f*ck's happening?

Gusto kong magmura ng malakas.

Napa igting ang panga ko dahil sa ikinikilos ni Romer. Binaling kong muli ang tingin sa kanan ko.

"Sky."

Ngunit bago ko pang muling matawag ang pangalan n'ya ay biglang lumiwanag ang paligid. Halos mapatigil ang paghinga ko ng makita ang silid, walang ibang kulay kundi puti, mula sa sahig, dingding at kisame. Pati ang mahabang lamesa sa gitna na may mga gamit pang laboratoryo.

Pinakiramdaman ko ang bawat sulok nang halos hindi na humihinga. Lumingon ako sa kaliwa na s'yang iki na takot ko nang mapagtantong hanggang ngayon ay nakatitig parin sa akin si Romer habang umaagos ang dugo mula sa ulo n'ya. Agad kong nilipat ang tingin ko kay Sky na wala paring malay at puno rin ng dugo ang mukha. Alam kong malamang ganun din ang itsura ko.

Mala libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko ng muli akong humarap, isang lalaki ang naka suot ng itim na overcoat, may maskarang mala bubonic plague doctor ang naka tayo sa harapan ko.

"You're lucky Mr., the alcohol on your system intervened with the rhithbeiriol."

Anong sinabi n'ya?

Napalingon 'uli ako kay Romer na wala sa sariling naka ngisi sa isang sulok ng silid.

Sa puntong 'to ay gustong gusto ko nang malaman kung sino s'ya, sino sila. Wala akong makitang clue kahit saan. No symbols, no trademarks.

"Anong kailangan mo?"

Mahinahon kong tanong, habang pinapanatiling kalmado.

Ilang segundo n'ya akong tinitigan gamit ang mga matang nasa likod ng maskarang ibon. Isang kibit balikat lang ang natanggap ko bago s'ya tumalikod patungo sa lamesa.

"Your words doesn't matter. "

Muli s'yang humarap sa akin na may hawak na bulaklak, ang pamilyar na puting bulaklak.

"You know what only matters?"

Tanong n'ya habang naglalakad palapit sa akin.

"What?"

"My job, and you know what that job means to me?"

Isang mahabang katahimikan ang naiwan matapos s'yang magtanong.

"My job, where I get loot, and loot gives me satisfaction. And that can feed me through the rest of my life."

Sabi n'ya sa isang seryosong boses, boses ng isang misteryosong lalaki sa likod ng itim na maskara.

"Daynielle?"

Napalingon ako sa kanan ng marinig ang nanghihinang boses ni Sky.

Tiningnan n'ya ang paligid, at ang kan'yang katawan.

"Who the hell is he? Do we have a black plague or somethin'?"

Tanong n'ya matapos matanggap sa sarili n'yang nakakulong kami at walang laban.

"What the f*cks happening Dayn?!"

Nagpa panick n'yang tanong. Tinitigan ko nalang s'ya ng may pagkainis.

"Is he nuts?"

Tanong n'ya pabalik sa tingin ko.

"Shut up Sky."

Iritado kong sagot dahil gusto kong obserbahan ang paligid.

"Oh they're awoke."

Boses ng isang babae galing sa nag-iisang puting pintuan. Ganun nalang ang pagkabigo ko nang makitang pati s'ya ay nakamaskara. Napangisi nalang ako ng mapait sa inis.

Tiningnan lang ito nung lalaking nasa harap ko. Lumapit ang babae sa harap ni Romer at umupo. Napalingon din si Romer, nakipagtitigan sa babaeng naka maskara ng dollface mula sa pelikulang 'The Strangers'.

Ito lang ang tangi kong clue, ang mga horror movie mask reference nila. Pero ano namang kinalaman ng non-fiction na Bubonic plague? Baka naman walang kinalaman ang mga masks nila sa mga gusto nilang iparating. Kating kati na akong malaman, pero ni isang emblem ay wala.

Sa oras na 'to ay mukhang matagal pa bago magka malay si Romer. Ang tangi n'ya lang ginagawa ay tumitig sa isang banda, ngumisi at lumingo lingon. Ano na namang droga 'tong pinasok nila sa mga sistema namin?

I'm so done with this drug situation. First was the GD, the drugs that striked Brianna, and now this.

"The f*ck's happening here?! Let us go beaked head!"

Lumingon ang lalaki kay Sky bago nagtungo ulit sa lamesa.

"Ill-fated sons of Theodore."

Isa na namang kalokohang may kinalaman sa business. Pero bakit kami? Bakit kami pang tatlo na halos walang pakinabang sa grupo?

Kung tutuusin kami yung mga pinaka walang kwenta, kabaliktaran ng mga iniisip kong kami ang pinaka ligtas. Kami yung tipong malamang Omega para kay sir Theodore, the subordinates of the pack. I won't admit that though, we've full of potential. A potential to be a beta either a rouge if further mistreated. But what should we do, we've signed in a consensus from the start.

Tumayo na ang babae at tumayo sa harap ko.

"Worry not, you'll gonna recognize my face before you die."

Pinilit kong balewalain ang mga sinabi n'ya, dahil ayaw kong tuluyang magpatianod at mawalan ng pag-asa, lalo na't galing ito sa isang babaeng hindi ko kilala. Hindi lang dito matatapos ang labing siyam na taong paghinga ko. At kung may mangyari mang masama, then I knew it's a foul play.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top