CHAPTER 10
Brianna Ziegler ' s POV :
Pilit kong iminulat ang aking mga mata.
Pero wala akong makita kundi kadiliman.Nasaan ba ako?
Nakahiga ako ngayon sa malamig na semento.
Nilibot ko ang aking paningin at dahan-dahang tumayo.Nakaramdam ako ng pagkahilo sa aking pagtayo.
Isang ilaw lang ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid.Hindi ko alam kung ano o sino ang nasa madilim na parte nitong malawak na espasyo.
Nanunuot ang lamig ng paligid sa aking mga buto.
Nakakatakot.
Hindi ko alam kung nasaan ako,natatakot akong gumawa ng kahit ano,ni pag hakbang ay hindi ko magawa.
Nanghihina na ang aking mga tuhod at tuloy-tuloy ang pagdaloy ng aking malamig pawis sa aking buong katawan.
Nasaan ba ako?Pagod na ako,gusto ko ng magpahinga at matulog.Gusto ko nang pumikit pero tumataliwas ang utak ko.Pagod na ang aking katawan,pero ang isip ko ay sinasabing manatili lang akong gising para sa mga susunod na mga mangyayari.
Hindi na rin normal ang aking paghinga sa mga sandaling ito.
Hindi ko na nakayanan ang bigat ng aking katawan at lantang muling bumagsak sa malamig na semento.
Naiiyak na ako,hindi ko alam kung dahil ba sa kirot na aking naramdaman o dahil ba sa nababalot ako ng kadiliman.
Hindi ko na napigilan ang aking mainit na mga luha at umagos ito sa aking pisngi.Sinubukan kong magsalita ngunit kahit boses ko ay hindi ko marinig.
Wala akong marinig kahit ano,maliban lang sa tibok ng puso ko.
Binuka kong muli ang aking mga bibig pero walang salita o kahit ungol ang lumalabas.
Kailan ba 'to matatapos,kailangan ko ng magpahinga.Marami pa akong dapat gawin sa mga oras na 'to.
Maya-maya pa ay may narinig akong mga yapak ng sapatos.
Nilibot ko ang aking paningin at hinintay na lumabas sa dilim ang may ari ng mga yapak na 'yon.
Isang lalaki,itim na sapatos,itim na slocks,itim na tuxedo at maitim na mga mata.
Mas lalong lumakas ang pag agos ng aking mga luha ng makita ang buo nyang pigura.Ang mala anghel nyang mukha,Kuya Aries.
Gusto kong sambitin ang pangalan nya ngunit hindi ko magawa.Gusto ko ring tumayo ngunit pinipigilan ako ng aking mga tuhod.Gusto ko s'yang yakapin,pero napako lang ako dito sa pwesto ko.
Walang nagbago sa mukha n'ya.Ang katorse anyos na may maamong mukha ay nasa harap ko ngayon.Ang lalaking kay tagal na naming hinahanap at pinaglaanan ng mga luha.Ang dahilan kung bakit lumamig ang pagkakaibigan naming tatlo nila Zed at Zie.
Tanda ko pa ang suot nya,ang itim n'yang tuxedo na binili pa ng mama nya sa ibang bansa para lang sa JS Prom nya.Ang huling pagkakataong nakita ko s'ya ay ang pagtatapos ng JS prom nila.3rd year High School sya at kami naman ay nasa elementary palang.
Nakatitig lang s'ya sakin at nakangiti.Wala akong magawa kundi suklian ng mapait na ngiti ang kanya.Kung panaginip lang 'to ay ayaw ko nang magising.
Hindi ko mapigilan ang aking mga luha,ang daming tanong ang nasa isip ko ngayon.
"Why are you crying?"
Nakangiti nyang sabi.Ang matamis nyang boses ay muli kong narinig.
Hindi ko na s'ya maaninag dahil nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa mga luha.
Hindi ko nasagot ang tanong nya.
I am sorry,I am really sorry.
"Don't be afraid.Don't worry,I am here.Just be happy."
Lumalambot ang puso ko sa mga sinasabi n'ya,ang tagal ko ng hindi naririnig ang boses n'ya,ilang taon na rin ang nakalipas.
Pagkatapos n'yang sabihin 'yun ay unti-unti nyang nilahad ang kan'yang kamay sa harap ko.
Ayaw ko nang magising sa panaginip na 'to.Walang makakapantay sa sayang nararamdaman ko ngayon.
Tatanggapin ko ba ang kamay n'ya?Nag-aalala rin kasi ako baka mamaya ay muli s'yang mawala at umasa nanaman ako.Pero wala na akong panahon para mag alinlangan,nasa harap ko na s'ya.Sana nandito rin sila Zed at Zie.Siguradong matutuwa din sila.
May pag-aalinglangan man ay tinanggap ko nalang ang mga kamay nya.Mas lumawak ang ngiti n'ya na para bang pinapahiwatig na tama ang desisyon ko.
Bigla nalang lumiwanag ang paligid,wala na ako sa madilim na lugar na 'yun at nawala na rin si kuya Aries.Ngayon ay nasa isang kwarto na ako.Tanda ko pa ang kwartong 'to.
Ang kwarto ni kuya Aries.
"Thanks for the suit mom.I love you."
Napalingon ako sa nagsalita,si kuya Aries.Hawak nya ang kan'yang cellphone sa kanang kamay at nasa kaliwang kamay nya naman ang isang black tuxedo.Binaba na nya ang kan'yang cellphone at nakangiting tinitigan ang kanyang tuxedo.
"Kuya Aries."
Mahinahon kong tawag sa pangalan nya pero mukhang hindi nya ako naririnig.
"Kuya?"
Nakangiti lang syang nakatingin sa kan'yang damit at hindi ako naririnig.
Bigla ulit nagbago ang paligid,ngayon ay nasa isang malawak na gymnasium na ako.Malawak at madilim ngunit may mga iba't-ibang kulay na mga ilaw ang sumasayaw sa buong paligid.May mga sumasayaw ding mga estudyante na sumasabay sa mahinang tugtog.
Naaninag ng mga mata ko si kuya Aries.Nasa isang sulok s'ya,naka upo at mukhang takot.Kita ko sa mga mapupungay nyang mata ang pag aalinlangan.Sayang naman ang porma n'ya kung uupo lang sya.Tingin ko ay may hindi magandang nangyayari.Hindi mo mababakas ang kasiyahan sa mukha n'ya.
Napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakatuxedo ng gray na naglalakad papunta sa direksyon ko.
Diretso lang ang tingin n'ya, pero kakaiba sya.
Ang mga mata nya.
Nakita ko kung paano pumungay ang mata nya ng madaanan ito ng mga sumasayaw ng mga ilaw.
Berde at asul ang mga mata nya.
Ang kanan ay berde at ang kaliwa ay asul.
Pamilyar ang itsura n'ya kahit natatakpan ng maskara ang mukha nya.
Kinilabutan ako dahil nakatitig lang s'ya sa akin at para bang walang balak bumitaw sa titig ko.
Palapit s'ya ng palapit hanggang sa ilang pulgada nalang ang aming pagitan at tila ba parang hindi lang nya ako nakikita dahil parang bubungguin nya lang ako at wala s'yang balak umiwas.
Agad kong napansin ang tatoo nya sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg kung saan medyo tago.
Isang ram.
At bago pa nya ako mabunggo ay bigla nalang namatay ang tugtog at pati na rin ang mga katiting na mga ilaw.Walang kahit ano ang makikita kundi kadiliman.Nagsimula na ang mga bulung-bulungan sa paligid.
Anong nangyayari?
Tumigil ang lahat ng may biglang nagsalita.Hindi ko alam kung saan ba ito nanggagaling.Boses lalaki ito at tingin ko ay matanda na rin.
"Apology for all of you. I am just fetching my heir, he's lost here. He doesn't know where to go, I am very sorry for the sudden interruption to all of the students here."
Muli ulit tumahimik. Umubo ng peke ang lalaking nagsasalita at tinuloy ang kanyang mga sinasabi.
"Nice party, nice place, nice timing. Uhm. I hope you enjoy this nice moment, but I will retrieve what's mine. My son."
Ilang segundo pa ang nakalipas at naghihintay pa kami ng mga sasabihin n'ya ngunit parang wala na s'yang idudugtong. Nagsimula ng mag-ingay ang buong paligid at muli ng sumindi ang mga munting malilikot na ilaw.
May bahid ng pagtatanong at takot ang makikita sa bawat mukha ng mga estudyante.
Halos mapatalon ako dahil sa pagkabigla ng may narinig akong tili ng babae.
Napalingon kaming lahat sa kan'ya.Nagsimula ng magtipon-tipon ang mga estudyante at gumawa ng bilog.Naalarma ang kyuryosidad ko kaya sumiksik ako sa mga nakabilog na mga estudyante.
Maraming dugo ang nagkalat sa sahig,isang katawan ng estudyante ang nakahandusay sa sahig,puno ng dugo ang kanyang puting tuxedo.Pero napukaw ng atensyon ko ang isang maskarang puti,hindi ito malayo sa kan'ya at may bahid ito ng dugo.
Nataranta ang mga estudyante,maingay at hindi ko maunawaan ang mga nangyayari.Nasira ang dapat masayang gabi ng mga mag-aaral.Nasayang ang kanilang mga magagarang damit at may isang buhay ang nawala.
Nilibot ko ang paningin ko pero wala na si kuya Aries,hindi ko sya mahagilap.
Pinagkaguluhan na nila ang katawang nakahandusay ngayon.Lumapit na rin ang mga guro at ang ilan ay tumawag na ng mga otoridad.
Napadako ang tingin ko sa malayong parte ng gymnasium,tila ako lang ang nakapansin, may dalawang estudyanteng naka kulay puti rin ng tuxedo.Nag-uusap sila malayo sa mga nagkukumpulang mga estudyante.Sa tingin ko ay may koneksyon sila dun sa lalaking nakahandusay dahil parehas na parehas sila ng damit.
Naglabas ng cellphone yung isa at nagpindot sa screen saka itinapat sa kanyang tenga.
Nakita ko ang aking sarili sa 'di kalayuan at kasama ko sila Zed at Zie.Bata palang kami nun kaya hindi namin alam kung anong gagawin.Nanatili ang tatlong magkakaibigan sa kanilang kinauupuan at hinihintay ang mga susunod pang mangyayari. Wala silang kaalam alam,nagpumilit lang naman silang sumama sa kuya Aries nila pero hindi nila alam na ganto pala ang kahahantungan.
Maya-maya pa ay nilapitan na sila nung dalawang lalaking nakakulay puting tuxedo at kinausap.Nag-iba ang ekspresyon ni Zed,ang kalmado nyang mukha ay napalitan ng galit at poot.Bakas naman ang pagaalala sa mukha ni Zie na pinanatili lang ang kalmado nyang postura habang ang aking replika naman ay nagsimula ng kumintab ang mga mata,nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa luha.
Ang mga sinabi nung dalawang naka puting tuxedo ay may malaking epekto para sa amin nung gabing yun.
Pinanatili ko lang ang aking blangkong ekspresyon at hinayaan ang aking mga matang libutin ang buong gymnasium para hanapin ang isang taong hindi ko na pala muling makikita.Nagbabakasakali lang naman ako na baka makita ko pa sya ngayon na hindi ko nagawa nung mga oras na yun.
Pamilyar ang pangyayaring 'to.Nakita ko na 'to dati,totoong nasaksihan ko 'to pero bakit kailangan pang maulit.
Muling nagdilim ang paningin ko pagkatapos kong makaramdam ng kakaibang sakit sa aking leeg.
Naaninag ko ang isang lalaking napaka importante rin sa akin.Nakakalungkot lang na makita ang mukha nya dahil nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha,ang kalungkutan sa kanyang mga mata.Matagal ko na syang hindi nakikitang umiyak,pero ano man ang dahilan ay siguradong malaking bagay para sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top