KABANATA XXXVII - Destination Cavite
Si Daniel Padilla ay isang mapagpunyaging taxi driver.
Bata pa lang sya ay mulat na sa kahirapan ng buhay. Salat sa salapi kahit ilang maghapong magbanat ng buto sa bukirin, isang bagay na nagdudulot ng hinagpis sa murang puso ng nangangarap na musmos.
May alaga syang kalabaw magmula kabataan hanggang tumuntong ng hayskul. Ito ang kanyang matalik na kaibigan habang lumalaki. Sa katunayan nga ito ang perslab nya. Ngunit dala ng pangangailangan, naibenta nila ito para may maipantustos sa pamasahe ni Daniel Padilla pa-Maynila. Batid nilang walang mangyayari sa buhay sa probinsya, sa lupang pinangako sila makikipagsaparalan. Masakit man tinanggap nya ito nang tikom ang mata habang inilalayo ng bagong mayari ang kanyang kalabaw.
Lumipas ang panahon nasanay sya sa maingay na buhay sa Maynila. Nagsumikap, umibig, nagkapamilya, pumasok sa ibat ibang trabaho hanggang makatapak sa kasalukuyan nyang propesyon bilang taxi driver. Masaya. Pero di nawawaglit sa kanyang isipan kahit minsan ang kanyang kalabaw. Ngunit tinanggap nya nang hindi nya na mulang masisilayan ito kailanman.
Pero ang lahat nang iyan ay walang koneksyon sa kwento namin kaya wala na tayong pakialam dun. Ang totoo nyan gawa-gawa ko lang yun kwento ng buhay niya kasi trip ko lang, kaya kalimutan nyo nalang.
Saan na nga tayo uli? Ayun, sa sulat na binasa ko. Ok sige eto na yung karugtong.......
♡♡♡♡♡♡♡♡
Hindi ako makapaniwala sa aking nabasa.... Err... Sige aaminin ko na. Hindi ko naintindihan yung binasa ko.
Kasi hindi mabasa yung nakasulat.
"Dahek! Nakasulat na naman sa code ng Katipunan! Hanubanamanyankuyaaa~!" Reklamo ko.
"Anong code?" Tanong ni Tifa. Ipinakita ko sa kanya yung liham na tulad ng plake ng monumento ang pagkakasulat.
"Kita mo yan? Code yan ng mga katipunero dati para di sila mahuli kapag nagpapalitan sila ng mensahe. Ganun din yun nasa plake kanina. Akalain mo yun, itinago na nga sa tuktok ng monumento, nilagyan na ng mahika para di mapasok ng kalaban, tapos nakacode pa yung liham. Paranoid much? May trust issues ata si Bonifacio eh."
"Di ko sya masisisi, mga dati nyang kasamahan sa himagsikan ang nagpapatay at pumatay sa kanya eh. Pero dahil nasa atin yung liham nya, malamang hindi sya namatay." Kinuha ni Tifa yung liham at kumunot ang noo.
Napansin kong tumitingin samin sa salamin yung driver. Nawiweirduhan siguro sa kung anong pinagusapan namin.
"Kung nakacode yung nasa plake kanina, paano mo nabasa?" Tanong ni Jazz.
"Hindi naman ako nagbasa nun. Si Batingaw."
"Ohh?" Taas ng kilay ni Makie. "Close pala kayo? Kailan kayo lalabas para magkape?"
"Hala asa! Hindi ko close yung baliw na yun. Nagpanggap lang syang mabait kanina tapos kung anu-ano nang sinasabi. Napaka psycho.. sayko.. pisayko... basta yun, may sayad yun sa pagiisip!" Sabi ko.
"Pero gwapo sya uh." Ani ni Tifa.
Tinignan ko sya nang masama.
"What? Sabi ko lang naman gwapo sya. Actually nung una ko pa napansin yun kaso nakapormal sya nung nakaraan pero kanina, wiw."
"Narinig mo ba sabi ko kanina?! Baliw yun, may sayad sa pagiisip, mamatay tao! Anong pogi run?" Sabi ko.
"Eh bakit parang apektado ka?" Pagtataas ng kilay ni Makie. "Kaya mo bang alamin ang ibig sabihin nyan?" Baling nya kay Tifa.
"Tapos ko nang basahin kamo. Hindi naman ganun kahirap basahin tong code nila, katakatakang di sila nahuli ng mga Kastila dahil dito."
"Ano pang hinihintay mo binibini, ibahagi mo na sa amin ang nilalaman nyan." Sambit ni Jazz.
"Excited? Kanina lang sumusuka ka ng dugo ngayon makulit ka na naman."
"Hindi ako nagpapakadena sa nakaraan binibining Tifa, mas mahalaga ang kasalukuyan at hinarahap kaya. Di ako nagpapaapekto sa masamang nakalipas, isa lamang itong kabaliwan."
"Ok wateber. Eniways yung nakasulat dito ay lumang Tagalog na may halong kaunting (mga 1.34%) Kastila. Subukan ko isalin para maintindihan ninyo." Tinignan nyang maige ang liham.
"Sumatutal parang ganito yung sinasabi nya. 'Isang magiliw na pagbati sinumang nagbabasa ng munti kong liham. Kung binabasa mo ito, malamang napasaiyo ang sulatin kong ito.' Hindi rin obyus diba? Paano natin mababasa kung di natin ito nakuha."
"Wala nang side comment, ipagpatuloy mo ang pagbabasa!" Reklamo ni Makie.
"Antaray uh, mas excited kapa kay Jazz? Hmmm... 'Kung binabasa mo ito ibig sabihin nagdesisyon si Emilio na ikaw at ang karapatdapat na tagapagmana ng aking bertud. Batid kong marami kang katanungan, tungkol sa iyong bertud, iyong katauhan at pinagmulan at kung ang mga kasagutan dito ang inaasahan mong makita sa liham na ito, ikinalulungkot kong sabihing nagkakamali ka. Gayunpaman, dumating na ang panahon para malaman mo ang katotohanan. Dumating na ang panahon para tayo ay magharap.
Hanapin mo ako. Sa lugar kung saan ang katauhan ko ay pumanaw. Doon ang dalit ng Katagalugan batang kapatid nito ang magsisilbing tanglaw mo tungo sa tamang daan.
Andres Bonifacio y Castro,
Unang Pangulo ng Haring Bayan ng Katagalugan.'"
"Ayun, yun lang yung nakasulat dito. Ano sa tingin ninyo?" Tanong Tifa.
Buong akala ko maraming tanong ang mabibigyan ng kaliwanagan pero anv totoo nyan lalo lang gumulo ang isipan ko.
"Ang tunay kong katauhan? Anong ibig nyang sabihin? Bakit parang kilala nya ako? Siya ba ang... Aking ama?" Tanong ko.
Parang iyon lang ang pinaka lohikal na sagot. Kilala nya ako, at sya ang may-ari ng bertud ko noon. Sa pagkakatanda ko ipinamana rin ni Lam-ang sa anak nyang si Tristan ang kanyang bertud, hindi nga lang naging maganda ang kinahinatnan. Ganun din ba ang sitwasyon namin? Sya ba ang nagiwan sa akin noong akoy sanggol pa?
"Seryoso kaba sa tanong mo?" Tatawa tawang sagot ni Tifa. "Isa lang ang anak ni Bonifacio. Si Andres Bonifacio de Jesus. Baby palang yun namatay na. Kaya imposibleng anak ka nya. At kung ikaw man yun, edi sana matanda kana. Hindi ka naman kagaya ng kilala nating diwata na lumamon ata ng isang libong placenta kaya hindi tumatanda."
"Ako ba pinariringgan mo?" Masamang baling sa kanya ni Makie.
"Noooo! Si Tinkerbell yung tinutukoy ko. Saka di yun panlalait, papuri yun, papuri."
Habang nagbabangayan sila, naisip ko ang lohika ng sinabi ni Tifa. Malabo nga na ako ang anak nya. Pero anong koneksyon nya sa akin?
"Kung ganon, anong katotohanan sa aking pagkatao ang sinasabi nya?"
"Hindi natin masasagot yan kung tatanungin lang batin ang ating mga sarili. Sya nalang tanungin natin tungkol dun. Ang gusto kong malaman ay kung anong ibig nyang sabihin dito sa 'ang dalit ng Katagalugan at kapatid nito ang magsisilbing tanglaw'." Pagtatanong ni Jazz.
"Siguro ang 'Marangal na Dalit ng Katagalugan'(*1) ang tinutukoy nya." Sabi ni Tifa, tinignan lang namin sya gaya ng estudyanteng nakatingin sa guro na nagpapanggap na may alam sa klase para hindi tawagin.
"Hanubayan di nyo rin alam yun? Yun ang unang pambansang awit ng Pilipinas. Kung mapapansin nyo diba sa pirma nya sa liham unang pangulo ng Haring Bayan ng Katagalugan ang sinulat nya? Sya kasi ang unang pangulo ng Pilipinas kung tutuusin, hindi lang opisyal. Tinatag nya bilang hiwalay na bansa ang Pilipinas sa España at tinawag nya itong Haring Bayan ng Katagalugan dahil ang salitang 'Pilipinas' ay galing sa mga Kastila ipinangalan sa hari nila noon. Yung 'Marangal na Dalit ng Katagalugan' ang nagsilbing national anthem nun, at ng himagsikan." Pagpapaliwanag niya.
"Edi ibig sabihin nung batang kapatid ng dalit ng Katagalugan ay ang Lupang Hinirang? Parang iyon ang tinutukoy nya eh." Tanong ko.
"Siguro." Sagot ni Makie. "Malalaman natin yan pag nahanap na natin sya. Para mangyari yun kailangan nating puntahan sya sa kung saan sya namatay. Yung ang problema natin."
"Huh bakit?"
"Pinagtatalunan kasi yun." Sagot ni bestfriend. "May nagsasabi na sa Bundok Nagpatong sya namatay. Ang iba naman sa Bundok Buntis daw. Magkalapit na bundok kasi yun. May humukay ng buto nya raw dati. Pero malamang hindi sya yun kasi sinulat pa nya tong liham nya."
"Saang lugar yan?" Tanong ni Jazz.
"Maragondon, Cavite." Biglang lumingon samin yung taxi driver na nakangiti. "Kung di nyo na naitatanong, Caviteño ako kaya pamilyar sa akin yan."
Natigilan kami, nakalimutan naming may ibang tao nga pala.
"Tama ka nga manong. Hindi ka namin tinatanong." Masungit na tugon ni Makie.
"Ipagpaumanhin mo iha, hindi ko kasi maiwasang makinig sa usapan nyo. Sa tagal ko na kasing taxi driver andami ko nang pasaherong kakaiba, may holdaper, manganganak, mga naghihingalo, kalookalike ni mahal pero 7 footer at maniwala kayo sa hindi, taong pinaglihi sa almoranas. Pero ngayon lang may sumakay na parang galing sa gyera, nagbayad nang napakalaki para ipagmaneho nang walang patutunguhan tapos ang pinaguusapan nyo pa ay kesyo buhay si Bonifacio at makikipagkita kayo run. Kung di lang ako marunong tumingin ng pera aakalain kong peke tong perang bigay nyo. Teka, wala ba kayong camera dyan, baka ginugudtaym nyo lang ako?" Tanong samin ni Padilla. Napakamot ng ulo si Makie.
"Mukhang kailangan kong burahin ang alaala nya." Bulong nya samin, pinigilan ko sya bago nya ito gawin. Sayang baka malimutan nya rin yung taong almoranas na yun, interesting pa naman.
"Saglit lang." Bulong ko sa kanya. "Manong, alam nyo po ba yung bundok Buntis at Nagpatong?"
"Yung may shrine ni Bonifacio sa paanan? Oo naman, nakapunta na ko run ilang beses na. Alam nyo ba kung bakit yun ang pangalan ng mga bundok na yun? Kaya bundok Buntis kasi korte itong buntis na nakahiga. Kaya naman Nagpatong, dahil kung may buntis, malamang may nagpatong HAHAHAHAHA!~" tawa nung driver. Sana pala pinabura ko nalang alaala nya bwisit.
"Manong ang tawag sa ganyang joke mo ay Isolated jokes. Kasi ikaw lang ang natawa. Nakakatawa naman sana, kaso hindi eh. Eniways makikita ba namin run kung saan banda namatay si Bonifacio?" Tanong ko.
"Ang sabi nila sa Buntis o Nagpatong eh. Yun ang opisyal na sinabi ng kinauukulan. Pero alam nyo may sabi-sabi ang ilang nakatira malapit pati ng ilang tour guide dun. Hindi raw sya run namatay." Mahiwaga nyang sabi.
"Kung hindi run edi saan?" Tanong ni Tifa.
"Hindi ba kayo nagtataka? Ang sabi kasi ang pumatay sa kanya sa isa sa mga bundok na yun ay mga kasamahan nya na inutusan ni Aguinaldo. Pero ano ang patunay na pinatay nila si Bonifacio? Binaba ba nila ang katawan niya? Kumuha ng gamit niya o bahagi ng katawan para ipakita sa nag-utos? Hindi ako sigurado pero alam ko inilibing lang nila ang bangkay ni Bonifacio at salita lamang nila ang nagsilbing katibayan nila sa kanilang ginawa.
Pero may nagsasabing hindi raw ito totoo."
"Anong ibig nyong sabihin nyo manong?" Tanong ng manok namin.
"Ang sabi ng ilan, uulitin ko uh, ang sabi nila, may pangatlo pang bundok na nasa pagitan ng Buntis at Nagpatong. Hindi ito nakikita ng pangkaraniwang mata. May mga salitang kailangang sabihin para lumitaw ang lagusan tungo rito. Dun daw nila itinago si Bonifacio."
"Sus, hakahaka lang naman ata yan manong eh. Saan naman nanggaling ang kwentong yan. Wala naman ata kayong patunay na totoo yan eh." Ani ni Tifa.
"Wala nga. Pero ang nagkalat ng haka-hakang iyon ay isang katipunerong kasamang nila nagdala kay Bonifacio run. Kaya marami ring naniniwala. Yun nga lang, walang makahanap sa bundok."
Nagkatinginan kaming magkakasama. Baka ito na yung tinutukoy ni Bonifacio sa liham.
"Ano sa tingin ninyo?" Tanong ko.
"Wala na tayong ibang clue. Wala namang masama kung aalamin natin kung totoo yun." Sagot ni Tifa, tumango ako.
"Manong pwede nyo ba kami dalhin dun?" Tanong ko.
"Huh? Ok lang ba kayo? Ang layo kaya nun. Lugi ako kung imemetro natin kahit idagdag pa yung binigay ninyo. Taxi tong sinakyan ninyo hindi bus."
"Ay akala ko kuliglig. Paano kung rentahan nalang namin?"
"Magkano ba?" Tanong nya sa amin.
Inabutan sya ng pera ni Tifa. Tumaas ang kilay nito saglit pero biglang nagpanggap na hindi nagbigla.
"Pwede na. Mapagtyatyagaan ko na ito. Kaso kay problema hindi ako pwedeng magdrive. Gagarahe na dapat ako mamaya, kailangan ko umuwi nang maaga at pupuntahan ko pa ang anak ko sa ospital. Kaya hindi ko rin kayo maihahatid doon. Pasensya na."
Ibinalik nya sa amin ang pera, at napabuntong hininga nalang kami. Pero kung may sakit ang anak nya wala na kaming magagawa para run.
"Ano pong sakit ng anak ninyo?" Tanong ni Jazz.
"Wala syang sakit, nurse sya susunduin ko lang sya pauwi." Sabi nya. Langya.
"Kanino tong taxi? May operator ba kayo?" Seryosong tanong ni Makie.
"Sa akin ito wala akong operator, b-bakit mo natanong?" Kinabahan sya sa tono ni Makie. Akala mo mafia manindak eh.
"Sakto pala. Ako nalang magdadrive nitong sasakyan, iparerenta mo nalang sa amin ito. Wala pwede ka namang magcommute pauwi at papuntang ospital diba?" Sabi ni Makie na napapalakpak nang isang beses sabay nginitian nya si Manong. Kinilabutan tuloy ako.
"Huhhhh? Nagbibiro kaba? Bakit ko naman iiwanan sa kamay mo itong sasakyan ko? Marunong ka bang magdrive? At kahit marunong ka, paano ko kayong pagkakatiwalaang ibabalik nyo ito o hindi nyo sisirain. Nababaliw na ata kay--- A-ano yan?"
Naglagay si Makie ng ilang maliliit na piraso ng gintong gawa luya. Nanlaki ang mata ni Daniel Padilla habang nanginginig na kinuha ito.
"Tunay na ginto iyan. Kapag pinapalitan mo yan siguro makakabili ka ng isa o dalawang bagong taxi mo. Sapat na siguro yan pambayad?"
"A-a-a-ano... P-p-p-paanong.. Bakit meron kayo nito? Sino ba talaga kayo?" Medyo kinakabahan nyang tanong.
"Hindi na mahalaga kung sino kami." Sabi ko na nakapoker face pero ang totoo halos mabaliw ako sa pagkaaliw. Tagal ko nang gusto sabihin yun. Feeling ko spy ako nung sinabi ko yun. Hampogi. "Ang mahalaga ay kung tatanggapin mo ba yan."
"Hindi ba ito galing sa nakaw? Baka scam ito?"
"Hindi noh. Hindi ko pwedeng sabihin kung saan namin nakuha yan pero ipinapangako ko sa iyo na di galing sa nakaw yan. Di rin kami nangiiscam" Ani ni Makie.
"S-sige pumapayag ako. Tanga naman ako kung diko tatanggapin ko. At least di ako nagbenta ng boto ko, mas kasuklam suklam yun. Saka nakakita nako ng tunay na ginto sa minahan dati kaya alam kong tunay ito. Ang problema lang baka mahuli kayo ng enforcer, sa akin nakapangalan ang plaka nito kaya-"
"Wala kang dapat problemahin." Umuugong ang malamyos na tinig ni Makie. Ginagamitan nya na nang hipnotismo ang drayber. Bakit di pa nya ginawa yun una palang? "Hindi kami mahuhuli at hindi madadawit ang pangalan kaya mapanatag na ang iyong loob at ipahiram mo na ang kotse."
Mukha syang nalito pero kalaunan tumango rin.
"Oo nga. Tingin ko wala ring mangyayaring masama sa inyo at sa taxi ko eh. Saglit lang ipaparada ko lang sa kanto."
Iginilid nya sa kanto yung taxi at matapos kunin ang ilang gamit nya ay bumaba na. Pinalitan sya ni Makie sa driver's seat. Tinignan nya ang sasakyan nya na at hinipo ang katawan nito. Dama ko ang lungkot (o lukot) sa kanyang mukha. Sa totoo lang maaawa na dapat ako, kaso kamukha nya si aling Dionisia kapag umiiyak at naglulupasay kaya umurong yung awa ko.
"Ingatan nyo ito ah. May centennial value to kaya alagang alaga ito sa akin. *singhot*" pagdadrama nya.
"Baka sentimental value?" Pagtama ni Tifa.
"Oo yun nga. Dito ko kasi napagaral ang mga anak ko kaya malapit ito sa puso ko."
"Ohh ganun ba?" Sagot ko. "Buti nagkasya sila rito. Next year nga dito narin ako mageenroll."
Siniko ako ni Tifa.
"Alam nyo na ba ang pagpunta run? O kailangan nyo pa ng direksyon?"
"Kahit hindi na siguro manong, may GPS naman akong dala eh. Gagamit kami ng mapa kaya kaya na namin makarating dun." Pagaasura ni Tifa.
Tumango si manong, siguro sa pagsangayon, o baka dahil di nya alam yung GPS nagpapanggap nalang na alam. May makikita ka paring panghihinayang sa kanyang mata.
"Wag ka magalala manong, iingatan namin na parang sa amin ang-"
Biglang umandar at bumangga sa isang signboard ang taxi. Hinabol kami ni mang Daniel.
"Akala ko ba iingatan nyo ito, wala pang isa minuto binangga nyo na agad eh. Saan kaba natuto magdrive?!"
"Tinetesting lang namin ang tibay ng taxi mo. So far satisfied naman kami." Paliwanag ni Makie. Oo, satisfied din yung bukol sa ulo ko.
Napabuntong nalang sya. Wala na eh, nabenta nya na. Touch move bro.
"Oo nga pala." Pahabol nya. "Kung sakaling abutan kayo ng dilim sa daan, na mukhang aabutan talaga kayo dahil anong oras na, ugaliin nyong bumusina sa daan(*2) kada ilang minuto. Lalo na kapag puro puno ang paligid." Kanyang pagbabala.
"Bakit naman?"
"Ang sabi kasi nila may mga engkantong nakatira sa gitna ng kalsada, sa dating pinagtatayuan ng mga punong binuwal nung ipinatag ang lugar nung ginawa yung daan. Pag hindi kayo bumusina magagambala mo sila."
Nakita kong umirap paitaas ang diwata, nababagot na siguro.
Nagpasalamat nalang ako sa babala ni manong at sa kotse nya pero hindi ko na natapos ito nang biglang humarurot ang sasakyan. Wala na akong nagawa kundi kumapit sa hawakan. Bago kami tuluyang makalayo lumingon ako sa likod para kumaway sa naiwang drayber.
Pero wala na sya.
✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩
"Paano mo pala ginagawa yun?" Tanong ni Tifa kay Makie.
Madilim na nung umabot kami ng 3/4 ng byahe. Dumaan lang kami sa isang drive thru para bumili ng pagkain dahil nagaalangan kaming tumigil sa isang lugar nang matagal. Gayunpaman wala pang may ganang kumain, siguro dahil sa pagod sa kaganapan sa Caloocan o baka dahil sa soundtrack ng F4 na pinapatugtog sa radyong sira na di mailipat. Ang mga bata naman ay tulog parin. Abay matindeee.
"Ang alin?" Sagot ng diwata.
"Yung hypnotism na ginagawa mo. Kapangyarihan mo ba talaga yun bilang diwata? O pwedeng matutunan yun?"
"Oo nga. May Tesda ba nun?" Tanong ko. Gusto ko ring matutunan yun eh.
"Kapangyarihan ng suhesyon." Sagot ni Makie pagkalipas ng sandaling pananahimik. "Power of suggestion sa ingles. Binibigyan ko lang ng suhesyon ang isipan ng tao at may sarili akong paniniwala ako na gagawin nya ito. Inuutusan ko sya sa isipan ko. At dahil mas malakas ang antas ng paniniw ala ko sa suhesyong iyon, napipilitan ang utak nya na sundin ito nang di namamalayan. Lahat ng nilalang may ganitong kakayahan. Pati ang tao, kailangan lang linangin.
Magisip kayo ng manggang hilaw na ubod ng berde, binabalatan at hinihiwa. Naglalaway kayo diba? Naiisip kasi ng utak nyo yun, sinusehesyon nya sa inyo na maasim ang mangga kaya sumusunod ang katawan ninyo na maglaway kahit wala naman talagang mangga sa inyong harapan."
"Ahhhhh astig ganun pala yun." Sabi ko kahit wala talaga akong naintindihan. Ang pumasok lang sa isipan ko ay pwede itong matutunan. Yun ang mahalaga.
"May tanong ako binibini. Bakit hindi mo naman hinipnotismo sa umposa palang si manong kanina, at binigyan mo pa ng ginto?" Tanong ni Jazz.
"Eh kasi panigurado hindi natin ito maisosoli, masisira natin itong sasakyan, at least kahit papaano nabayaran na natin sya pambili mg kapalit." Sagot ni Makie.
Bilib din ako sa kumpyansa nya sa na masisira namin yung kotse. Parang nagmamalaki pa sya. Wow lang.
Natahimik kami ng ilang minuto, siguro isinapuso ang kantang 'Nanghihinayang' ng Jeremiah na pinapatugtog sa radyo. Pati ako naiiyak narin. Wala na bang iba?
Habang tumatagal dumidilim ang daan, kumukonti ang mga poste ng ilaw, napapalitan ang mga bukirin ng dumaraming puno sa paligid. Kami lang ang sasakyang umaandar sa kalsada, at tanging ilaw namin tanikala ng daan. Parang kutsilyong ng liwanag na panandaliang humihiwa sa itim na landas. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng aspaltong kalsada, may pilit na bumabagabag sa aking isipan. Parang may nalilimutan kami.
Huli na nung matuklasan namin ito sa di kaaya ayang paraan.
Walang babala biglang bumalikwas si Mirasol at sumigaw nang buong lakas.
"BUMUSINA KAYO!!!"
Nagitla kami sa gulat at di nakaresponde kaagad sa kanyang panaghoy. Napalingon ako sa daan, wala namang kahit ano run kundi mahabang kalsada. Walang dapat ipangamba si Mirasol nang ganun.
Dun ako nagkamali.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero mula sa kung saan nalang parang nahulog ang sasakyan namin. Hindi pala, para kaming umaandar na pababa na umaalog. Parang dumadaan kami sa hagdanan. Oo hagdanan nga. Yung kalsada, biglang naging hagdan.
Nagkakarambola kami sa loob, para kaming nasa blender na naka high setting. Nagtitilamsikan ang mga gamit namin. Sumisigaw si Makie na isuot namin ang mga seatbelt at kahit mahirap buti nalang nasuot namin itong lahat. Buti nalang dahil malipas ang ilang segundo may mga nabangang mga gamit na parang mga upuan at bilga sumalpok sa isang pader. Bumaon sa aking katawan ang tela ng seatbelt, pakiramdam ko nagalusan pa leeg ko sa pagkiskis nito. Ang bandang likuran ng kotse ay umangat dahil sa momentum at akala ko ay tataob kaming buti patalbog itong bumagsak. Pero sa loob ay parang nakalog ang aming mga utak.
"Ok lang guys?" Paungol kong sabi, sinagot naman nilang lahat nang paungol. Pwera kay Jazz na patilaok.
"Nasaan na tayo?" Tanong ni Ever kay Mirasol.
"At talagang ako pa tinanong mo kuya uh? Oh sige, tingin ko nasa disneyland tayo. Tama ba?"
"Tingin ko hindi malayo." Sagot ko matapos kong lumabas ng sasakyan. Wasak ang harapan nito. Pag nakita ito ni mang Daniel tiyak magdyo-Dionisia Breakdown yun.
Nasa loob kami ng isang bahay. Bumangga kami sa dingding, yung mga nasagasaan ay mga upuan nga, may mga nabasag kaming gamit tulad ng vase, salamin at kung anu-ano pa. Wala nang bakas ng hagdanan na dinaanan namin.
Kung paanong nasa bakanteng kalsada kami at biglang nakapasok sa isang bahay, hindi ko alam.
"Nasa bahay tayo ng maligno. Hindi kasi tayo bumusina gaya ng payo ni manong." Sabi ni Jazz. Ngayon alam ko na kung bakit.
"At base sa taas ng kisame at laki ng mga upuan, malalaking maligno ang nakatira rito." Ani ni Tifa.
Mataas nga ang kisame kaysa sa normal at ang upuan pwede nang tawaging sofa, kasya ang tatlo hanggang apat na tao. Ang bahay ay maayos, parang nakikita mo sa mga palabas na bahay ng may kaya.
Biglang umalog ang lupa na parang may malaking tumatakbo.
"Humanda kayo, may papalapit sa atin." Babala ni Makie na nilabas ang mga kutsilyo nya. Ganun din ang ginasa namin na naghanda ng mga sandata,nagtago sa likuran namin ang dalawang bata.
"Dun!" Turo ni Jazz sa isang malaking pinto sa gawing kanan.
Hinarap namin ito na bahagyang umaatras. Habang lumalakas ang ang mga yabag lumalakas din ang kabog ng aming dibdib. Lumingon ako sa paligid at naghanap ng matataguan, pero parang wala ring silbi yun kung di kitang kita ang kotse. Halatang may mga taong pumasok sa bahay.
Isang malakas na KABLAG at lumipad pabukas ang pinto(di naman actually lumipad, ang weird nun). Isang malalim na boses ang sumalubong sa aming tenga.
"ANONG NANGYARI! ANONG KAGULUHAN I-to?..."
Natigilan sya pati ang kasama niya nung nakita ang sasakyan. Pagkatapos dumapo ang mata nila sa amin. Napanganga ako.
Dalawa sila. Yung lalaki matangkad. Nasa 9-10 feet. Matipuno ang mabalahibong katawan. Ang buhom nya ay mahaba at makalat, balbas sarado. Kulay pula ang kanyang mga mata naka jersey shorts lang ito kaya kita sa dibdib ang malagubat na buhok. Kakulay nya si Binay.
At may hawak syang malaking tabako.
Yung babae halos ganun din. Nasa 8-9feet ang taas, mukhang marusing at nangangapitbahat ang buhok. Nakabestidang puti at itim na polka dots. Mukha tuloy syang may sakit na panda. Sobrang taba nito. Nasa 300-400lbs. Para syang model ng Michelin na madumi.
Hind ko alam kung ano yung babae pero alam kong Kapre yung lalake.
At mukhang hindi sila natutuwa sa ginawa namin sa kanilang tahanan.
※※※※※※※※※※※※※※※※※※
(*1) Marangal na Dalit ng Katagalugan -
English title: Noble Hymn of the Tagalog Nation.
Ang unang pambansang awit ng Republikang Tagalog (Pilipinas). Isinulat ni Julio Nakpil noong Nobyembre 1896 sa utos Andres Bonifacio para sana maging theme song ng Katipunan na kalauna'y naging pambansang awit. Napalitan ang titulo nito ng Salve Patria ("Hail, Fatherland") bilang pagpugay kay Jose Rizal. Napalitan ito ng Lupang Hinirang nang naging presidente si Emilio Aguinaldo.
It goes a lil somethin' like this:
Mabuhay, Mabuhay yaong Kalayaan, Kalayaan
At pasulungin ang puri't kabanalan
Kastila'y mailing ng Katagalugan
At ngayo'y ipagwagi ang kahusayan
Mabuhay, Mabuhay
yaong Kalayaan, Kalayaan
At pasulungin
ang puri't kabanalan
Kastila'y mailing
ng Katagalugan
At ngayo'y ipagwagi
ang kahusayan
Break it down yow!
(*2) Pagbusina sa kalsada -
Isa itong kaugalian ng mga nasa malapit sa probinsya, lalo na sa mga kalsadang may puno sa gitna. Kilala rin itong ginagawa sa isang daanan papuntang baguio(kung tama pagkakatanda ko, correct me if im wrong)
Ito ay bilang pag-galang sa mga nakatirang hindi nakikita sa kalsadang yun. May nagsasabi kasing kapag hindi ka bumusina magpapakita sila sa iyo sa daan o sa sasakyang mo.
May isang kwento sa MGB (magandang gabi bayan) years ago na isang tricycle ang hindi bumusina sa daanan ang bigla nalang napunta sa loob ng isang bahay ng kapre. Ito yung ginamit kong inspirasyon para sa susunod na chapter.
✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩✩
A/N:
Una sa lahat nais kong magpasalamat sa 100k reads. 107k na nga eh. Pero huli man daw at magaling, pogi parin.
At nais ko ring magpasalamat as usual kay ICE-014 para sa super gandang dibuho nya. Super lupet gurabeh diko maexplain sasabihin ko. Salamat din po kay hand_zam na tumulong para tapusin obra maestrang ito. At kahit silent reader, ipinapakalat naman ang salita ni otor sa iba.
Salamat din sa mga nag FL, namely:
VhenezzG
SYCHEUPID
trixikiting
kilawiiin
elchunnax
RyeCabana
tricxxi
Miss_Peng
DLuci666
crimson_hale
meryllxmas
DabitterOne
SheilaMaglana
AngelChris05
Ryouzaki_21
AishyWalls
superchanyeol
FourFallenTears
revengeofanna
LaughingKuting
DaclesonRon21Salve
Yun lang muna, till next UD.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top